"harangan" poems
Sinasaktan ka lang n'ya.
At hindi sa paraan ng salita.
Pisikal.
Sinasaktan ka lang n'ya.
At masakit na hindi ka n'ya sinasaktan sa paraang alam kong mas masakit, damdamin.
Dahil kahit ano pang sabihin ng iba na mas masakit masaktan ang damdamin kaysa pisikal,
ay mas gugustuhin kong umiyak ka dahil minura o sinisi,
kaysa sakal sa leeg at sugat sa labi.
Masakit,
kung iisipin ang suntok sa mukha,
o harangan ang paghinga sa pamamagitan ng unan.
Masakit, na sa lahat ng sasaktan ay ikaw pa.
Prinsesa, inalagaan ng ilang taon bilang kaibigan
upang makita lamang ang mga pasa sa braso,
sugat sa puso,
mukhang maamo na nilamon ng pait.
Pero nakaka ngiti pa rin sa akin na para bang walang nangyari.
Higpit ng yakap na para bang walang sakit na iniinda.
Tawa na kay lakas na wari mo'y hindi umiyak kagabi.
Gabi-gabi kong iniisip kung anong ginagawa mo,
hindi,
kung anong ginagawa n'ya sayo.
Dahil bukod sa saya na naibibigay n'ya
sa bawat halik,
o yakap,
o talik
ay mas nangingibabaw ang sakit
mula sa suntok,
sampal
at sigaw.
Pero sa sulok ng aking utak ay mas mapapasaya kita.
Oo,
naisip ko na ito dati,
at mas iniisip pa ngayon.
Alam ko namang malabo ang mga pangyayari dati pero mas lumilinaw na ngayon.
Sa mga panaginip lang dati nangyayari, isasabuhay na ngayon.
Mahal kita at hindi ka dapat mapa sa kanya.
Dahil una pa lamang kitang nakita , ay akin ka na.
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 3:54 AM UTC
Walang silbi ang milya-milyang layo
Ng ating destinasyon
Kung ating pag-ibig ay sing tigas ng
Batong marmol
Wala akong pakialam kong ako'y
Kanilang usigin
Tanging tibok ng puso ko ang
Aking diringgin.
Harangan man ng sibat at pana
Ang aking daraanan
Wala itong laban sapagkat
Pagmamahal ko sayo'y
Nagsisilbing kalasag na pang laban
Mahal na mahal kita ito'y iyong
Pakatandaan.
Hindi man tayo magkapilng ngayon
Sana'y lagi **** tatandaan
Nagkatao lang natin ang
Magkalayo
Ngunit hindi ang ating mga
......PUSO.....
Feb 28, 2014
Feb 28, 2014 at 3:24 AM UTC