Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"halatang" poems
I. Pangalawang pagkakataon? Karapat-dapat ka pa ba para doon? Matapos **** saktan ang damdamin. Ganun-ganun nalang ba ‘yun? II. Hindi mo alam ang dinanas kong hirap, Habang ikaw, hayun at nagpapasarap. Ang hirap mabuhay ng wala ka, Dahil sanay na akong nasa tabi kita. III. Pero pinilit kong tumayo para mabuhay! Sinanay ko ang sarili na wala ka, At lahat ng pagkalimot nagawa na. Pero ang sugat sa puso'y naghihilom pa. IV. Matapos ang isang taon, Landas natin ay muling nagkita. Akala ko lahat ng ala-ala'y wala na. Akala ko nakaraos na ako sa sakit, hindi pa pala. V. Iiwasan sana kita kaso braso mo'y ibinuka, Para tayong nagpapatintero sa kalsada. Pagkat humihingi ka ng sandali, Para makapag-usap tayong maigi. VI. Pumayag ako, Kahit alam kong masasaktan lang ako. Kahit alam kong 'di pa kaya ng puso ko. Pumayag ako! VII. Bakas sa mukha mo ang pagkatuwa! Dahil sa wakas masasabi mo na, Kung bakit ka nalang nangiwan bigla. Aaminin ko, ako rin ay nakaramdam ng kaunting tuwa. VIII. Pero hindi ko yun ipinahalata, Sapagkat, kung iyon ay iyong makikita, Marahil ika'y umasa na pinatawad na kita. Mali! Maling mali! IX. Napa-usog ka bahagya at nagbuntong hininga pa. Napahawak ka saking braso, tumingin sa aking mga mata. Sinabi mo lahat ng dahilan kong bakit ako iniwan, Ako ay naliwanagan sa iyong mga tinuran. X. Humihingi ka ng pangalawang pagkakataon, Pero hindi ko yun ganun-ganun. Tugon ko'y: “Aking pag-iisipan” at umalis na lamang. Hinabol mo ako’t sinabing: “Mahal kita 'di kita kinalimutan.” XI. Hindi ako sumagot at sa paglalakad diretso lamang. Pero alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita. Alas dose na at diwa ko’y gising pa, Dahil sa aking naaalala ang ating muling pagkikita. XII. Napag-isip-isip kung dapat pa bang pagbigyan kita. Kahit na alam ko sa sarili kong mahal pa rin kita, Nagdadalawang isip pa rin ako baka masaktan na naman ulit ako. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. XIV. Dumaan ang dalawang linggo, At sinipat mo na ako sa bahay ko. Halatang nasasabik ka na sa isasagot ko. Niyakap kita ng mahigpit sumigaw ng “Oo!” XV. Sa una'y nagtataka ka pa sa kinilos ko, At hanggang sa unti-unti kang nangiti. Dahil naliwagan na ang loko. Matagal ko ng pinag-isipan 'to at “Oo” ang sagot ko. XVI. At dahil mahal pa kita, hindi ko na natiis pa, Hindi sapat ang mga daliri ko kung gaano ko, Lubos na pinag-isipan ang isasagot ko sa'yo. At magmamahalan tayo muli, sa pangalawang pagkakataon.
0
Jul 18, 2015
Jul 18, 2015 at 1:01 PM UTC
Pangalawang Pagkakataon

Continue reading...
75
Naisip ko na parang buhay pasada ang ating istorya. Ikaw ang pasahero, ako ang tsuper. Ganito ang senaryo; nakita kita sa kalsada di alam san pupunta. Ako naman si tanga hinintuan ka kahit dika naman pumara. Sumakay ka; gaya ng iba.nasa mukha mo yung salitang "Bahala na". Diretso lang ako sa pag maneho. di mo parin sinabi kung san ka pupunta. Kita naman sa karatula kung san ang aking ruta, inisip ko baka alam mo na. Sa gitna ng byahe, mukhang nalibang ka na, kaya pasikat ako sa arangkada. Halatang bago lang sayo yung dinadaanan, may tingin at may pangangapa. Ayos lang yan sabi ko. Kabisado ko to. ako'ng bahala. May mga sandaling napapakwento ka, Siguro dahil na rin sa palagay ka na. Mukhang nakalimutan ko na yung ibang pasahero. Pakiramdam ko tayo lang dalawa. Sa wakas, naitanong ko kung san ka ba talaga pupunta? Kasi, 'haba na ng byahe mahirap na baka maiuwi kita. Biglang Nawala yung ngiti mo sa mata. Para kang may naalala. Dimo ako sinagot. Bigla kang pumara. Di ko alam kung natakot ka ba? o ang pamasahe mo e kulang pa? Ayos lang naman akong ilibre ka. Basta maihatid kita. Aaminin ko, nung tinanong ko kung san ka pupunta, Napadasal ako ng konti na sana sabihin mo, "Ikaw, saan ka ba?" Naiwan ako nakahinto sa kalsada. kasi nagulat ako nung tumakbo ka, Tinawag kita pero lumiko ka na sa madilim na eskinita. Napakamot ako sa ulo at napailing. Ako ba ang may problema? Di ko tuloy alam kung babalik ka. kasi kaya kong mag intay pa. Pinaandar ko ulit yung jeep. nagmaneho, nag maniobra. umikot, luminga linga. wala ka na. Hahanapin kita. madilim na.. bukas baka bukas. Kung san kita nakita nung una, baka doon ka pumara.
0
Jun 15, 2015
Jun 15, 2015 at 1:10 PM UTC
JEEP

28
Siya si Bogs Minsan ay malibogs Kahit buhok nya kulot na Siguradong mapapahuling kayo sa kanya Dahil si Bogs ay napakagwapo Medyo kulot pero hindi ***** Palaging nakasumbrero Para hindi halatang gwapo Pagdating sa mga kalokohan Siya ay isang hokage ng petmaluhan Kanyang mga ini-isip ay iyong matatawanan Dahil ito'y punong-puno ng kababalaghan Mapapawerpa ka sa kanyang mga hugot lines Dahil siya ay admin ng UKQ hugot lines Mga hugot na may laman Puso mo'y mabubusog at yayaman Loding-lodi siya ng kanyang mga kagrupo Dahil sa pagkamasunurin at mapagmahal na tao Siya ay isang kaibigan Kaibigan na maasahan
0
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 6:16 AM UTC
Si Bogs
tangan ng sinapupunan pinuhunanan larangan. matapos ang walong buwan simula ng kabuwanan. palaisipan sa duyan ugoy ng katiwasayan gabay ay katahimikan tungo sa kapaligiran bago pa man ang inunan hiwatig ng panubigan matibay pa sa sandigan na mas meron sa kawalan kakatwang halatang dala ay may biyayang sagana tila panday umapula pusod ay pinagdugtong pa nasan ang sagot sa bakit? di problema kung paano? ang tanong ay kung kailan? kung hindi ako ay sino? pagmumuni ng paluwal ! pataba na nang pataba ! lupa niyang tinubuan... oras na ng pag-aani. binhi nya na ipinunla sumibol ng pagkasigla katulad ng parirala may aral sa balarila kapwa merong pakinabang hindi pa man humahakbang ang hiwaga na may yabong abot-kamay na ang Labong
0
Jan 13, 2022
Jan 13, 2022 at 2:20 PM UTC
'Pakay ng Yapak'