"halakhak" poems
Paka-isipin ang bawat salitang sasambitin
Bigyan ng pansin ang aking damdamin
Hindi mo man pansin sa isang minuto lang masaya kong araw ay natakluban na ng lumbay
Dahil sa prangka **** bibig
Na makabasag araw!
Sa buka ng bibig
Tagos sa puso't isip
Sabay sayong halakhak ang aking pagtangis
Sana'y pinag-isipan ang bawat letrang binitawan
At sana'y batid mo na ako'y nasaktan
At makulay kong araw ay
lumisan na ng tuluyan
Magandang samahan ay
Inagus na ng luha
Patungo sa pusong may patlang sa gitna
Sanhi ng iyong salita
Na tumusok sa gitna
Ng aking pusong noo'y banal
At buo pa ng pagmamahal ng isang tunay na pamilya
Ngayo'y ikaw pa ang galit
at ako pa ang sinisi
Winika mo pa na akoy sensitibo't
Madaling masaktan
Gayong ikaw ang may kasalanan
At maysanhi ng aking kalungkutan.
Jul 2, 2017
Jul 2, 2017 at 12:42 AM UTC
Wala ba akong karapatan mapagod?
Rinig na rinig ko ang hiyaw ng aking kaluluwa
HIGA KA, HIGA KA, HIGA
PIKIT KA, PIKIT KA, PIKIT
IDLIP KA MUNA, KAIBIGAN
Gustong-gusto ko, pero hindi pwede
Dinadaan ko na lang sa tula ang kapaguran ko
Dinadaan ko na lang sa tula ang sakit
Dinadaan na lang sa biro at libog
Sa halakhak at ngiti
Sa mga sigawan at kwentuhan
Sa kalungkutan at panloloko sa sarili
Ito'y ang aking araw-araw
HIGA KA, HIGA KA, HIGA
PIKIT KA, PIKIT KA, PIKIT
IDLIP KA MUNA, KAIBIGAN
Kay sarap isipin
Kay sakit marinig
Pero sana'y makahiga, pikit, at idlip rin
At kahit minsan sana'y
Maramdaman ko ulit
Ang tunay na kapayapaan
Sep 18, 2018
Sep 18, 2018 at 10:53 AM UTC
Hindi, Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo sa harap ng madla
Hindi ko alam kung bakit ako gumawa ng tula
Pero sige magsisinungaling pa ako, magsinungaling pa ako hangga't mapaniwala ko ang lahat maski ang sarili ko
Magsisinungaling pa ako hangga't maputol na ang dila ko sa kasalanang ginagawa nito
Itatangi ko sa lahat na sumali ako dito upang mailabas lahat ng hinanakit ko
Itatangi ko sa lahat na napudpud ang lapis ko habang binubuo ang tulang ito
Itatangi ko sa lahat na ilang papel ang nasayang ko sapagkat nabasa lamang ito ng luhang dahilan ng pagngiti mo
At magsisinungaling at magsisinungaling pa ako hangga't makita na ng lahat ang salitang 'SISI' sa ginagawa kong pagsisinungaling
Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil minahal kita sinasabi ko lamang nagsisisi akong naniwala ako sa malakas na ulan
Hindi ko sinasabing nagsisisi ako dahil nakilala kita sinasabi ko lamang nagsisisi ako dahil nagpatangay ako sa malakas na hanging habagat
Hindi ko sinasabing nagsisisi ako sa paglapit mo sinasabi ko lamang nagsisisi akong lumingon ako sa bintana
Ngunit mahal kahit kailan hindi ko itatanging nagsisisi akong Umasa ako sa akala ko'y Ulang magtatagal ayun pala'y dumaan lamang
Masakit sa pakiramdam maalala ang paghila mo sa aking kamay sabay sabing "halika at magtampisaw tayo" Habang bumubuhos ang malakas na ulan suot pa natin ang uniporme nating dalawa
Naririnig ko ang halakhak mo Habang masayang tumatalon dinadama ang mumunting butil ng ulan
Samantalang ako'y nakatingin sa kamay nating magkahugpo at sa hindi inaasahang pagkakataon nabanggit sa harapan mo ang katagang nakakubli sa aking puso
"Mahal Kita" ngunit ngiti lamang ang sinukli mo
"Mahal Kita" ngunit yakap lamang ang ginanti mo
"Mahal kita" ngunit ang sinabi mo lamang ay "halika umuwi na tayo"
Lumipas ang mga araw at narinig ko nanaman ang halakhak mo
Nilusong ko ang malakas na ulan upang mahawakan mo ulit ang kamay ko
Habang masaya kang lumulundag sinasalo ang butil ng ulan na siyang pumapatak sa mukha mo
Ngunit mahal nadurog ako ng makita kita sa ulan,
Nadurog ako sapagkat kamay ng iba ang hawak mo ngunit hindi katulad ng saatin nakatitig ka sa mata niya habang dinadama ang ulan
"Mahal kita" nginitian mo siya
"Mahal kita" inakap mo siya
"Mahal kita" ngunit sinabi **** "Mahal din kita"
Tumigil ang ulan ngunit hindi ang pagdurugo ko
Nilisan ko ang lugar kung saan nabasa ako
Umuwi ako sa bahay inaapoy ng lagnat at tinanong ni Nanay "bakit hindi nasuspinde?"
Tinitigan ko siya ng diretso sa mata sabay sabing
"Daang ulan lang naman daw po"
Oo tama!, daan lamang malakas ngunit hindi magtatagal
malakas ngunit nakakapinsala
Daan lamang pala
Sana hindi na lang ako nagpahila
Sana hindi na lang ako umasa
At sana pala'y nagdala ako ng payong nang sa gayon ay hindi na ako namomroblema kung paano maiiwasan ang patak nitong malakas na ulan
Aug 21, 2017
Aug 21, 2017 at 10:47 PM UTC
Nang ako'y napatingala sa mga tala
ang naalala ko'y si Bathala
kaya nama'y humingi nalang ako ng gabay
para sa aking napipintong paglalakbay
malayo man ang paroroonan
alam kong ika'y hindi malilimutan
saan man ako magpunta
ikaw pari'y makikita
sa aking mga mata'y
ikaw ang nasasalamin sa twina'y
ako'y magagalak
hanggang sa aking pag halakhak
gaano man kalayo
tayo ri'y muling magkakatagpo
hindi man bukas o sa makalawa
alam ko'y makikita ko rin ang iyong tawa
ani nga nila'y
magkalayo man, magkaibigan pa ring tunay
alam kong di ka bibitaw
dahil yan ang lagi kong hiling sa bulalakaw
paalam, sa ngayon
ang ating muling pagkikita'y sa Mayon
dahil pagdating ng panahong iyon
alam kong sa tuktok na tayo naroroon
Feb 28, 2017
Feb 28, 2017 at 11:05 AM UTC
Huwag **** kalimutang huminga,
Bago magsalita,
Bago tumula,
Pagkagising mo sa umaga,
Huminga ka.
Huwag **** kalimutang may dugo sa'yong mga baga
Na patuloy pa rin dumadaloy katabi ng puso **** pagod na
Huminga ka,
Sa bawat halakhak,
Sa bawat pag-iyak,
Sa bawat paghabol mo ng hininga kapag napapagod.
Ito ang sagradong paraan para sabihin Niya sa'yo na kaya mo pa.
Huwag **** kalimutang pumikit minsan,
Intindihin mo sana na 'di lahat ng bagay ay kailangan **** makita,
Na may kapayapaan at katahimikan din sa dilim,
Ipa-hinga mo muna ang iyong mga namumugtong mata,
Ipa-hinga mo muna ang paghanap sa kanya kung umalis na siya
Magpahinga ka muna kasi
Kaya mo pang pumikit,
Kaya mo pang huminga
Huwag **** kalimutang makinig,
Sa hampas ng alon sa mga bato,
Sa pagtama ng patak ng ulan sa lupa,
Sa mga huni ng ibon,
Sa mga kuliglig sa katahimikan ng gabing madilim,
Sa tunog ng paborito niyong kanta,
Sa mga kwento niya,
Sa tibok ng puso mo,
Sa boses niyang nasa isip mo pa rin na para bang kanina lang kayo nag-usap
Pakinggan mo silang mabuti,
Kasi
Kaya mo pang makinig
Kaya mo pang pumikit,
Kaya mo pang huminga
Huwag mo sanang kalimutan kung paano umibig
Kasi nandito pa ako, nakikinig at umiibig pa din sa'yo
Kahit nakita na kitang pira-piraso sa pagkabasag mo.
Gusto kong guhitan ang buong katawan mo ng mga gusali't siyudad
na lumiliwanag sa gabi na para bang dinala ang mga tala sa lupa
at sana makita mo na isa kang dahilan kung bakit may liwanag
tuwing hindi sinisinagan ng araw ang mundo.
Huwag **** kalimutan ang ibig sabihin ng pag-ibig sa'yo
At sa huling pagkakataon,
Huwag mo sana akong kalimutan,
Huwag **** kalimutan na may naniniwala sa'yo
Na patuloy pa rin kitang papakinggan
at kokolektahin ang bawat luha mo sa garapon.
Kung kakayanin ko man, iguguhit ko ang bawat parte ng katawan mo sa bawat blankong papel
at kung ipagtatagpi-tagpi,
sana makita mo na isa kang pinaghirapan na obra.
Sana alalahanin mo na
May baga ka para huminga
May mga mata ka para pumikit at dumilat at makita na 'di ka nag-iisa
May mga tenga kang handang makinig
May mga paa ka para tumayo at maglakad
At may puso kang basag ngayon
Pero kaya pa ring umibig at maniwala
na kaya mo pa.
Kaya mo pa.
May 15, 2016
May 15, 2016 at 12:13 AM UTC
sayaw, Eriko
isayaw mo lahat ng
sinabi niyang “mahal kita”
na pakiramdam mo’y totoo
nung mga panahong
umaalis kayo ng
isang araw kada-linggo
kasi dinadayo ka pa niya
sa Maynila
sayaw, Eriko
iindak mo at
isigaw mo sa mikropono
ang pabulong niya pa
noong unang sinabi,
“ako na lang,
iingatan naman kita”
sa maulan na gabi na ‘yun
noong iniiyakan mo
pa ang mga pangyayari
na kinagigitnaan mo
isayaw mo, Eriko
itawa mo lang ang sinayaw
niya sa sala mo
noong gabi na ‘yun
mashed-potato lang kuno
‘di ba?
halakhak, napamahal
ka sa mukha niyang
parang pinigang tuwalya noon
hindi naman siya guwapo
gaya ng lagi niyang sinasabi
umaray ka, Eriko
nasipa ka ng katabi mo,
pero naalala mo lamang
ang mga oras na nagsisipa
ka ng bato sa Makati
habang naglalakad kayo,
at kinukwento niya
ang pamumuhay niya noon
sa malayong lugar,
pawis na pawis kayo
pero ngiti niyo’y abot langit
talon, Eriko
palakpak
ilang buwan na rin ang lumipas
noong huli kayo nagkausap
binati mo siya ng
maligayang kaarawan,
kahit ang araw mo nun ay
malayong-malayo sa maligaya,
kapos sa saya,
kapayapaa’y nahahanap
mo lamang pag nandiyan ang
barkada
kalma,
inom ng tubig,
Eriko, kawayan ang bote ng alak,
pero huwag kang lalaklak
hinga,
ipanalangin mo na lang na siya’y
maging masaya,
dahil alam mo naman na
iyon ang tama.
Mar 29, 2021
Mar 29, 2021 at 9:24 AM UTC
( Filipino orTagalog version)
di sumasapit ang pagtulog
sa isang kaluluwang
sabik at di mapakali
isang pusong ubod tiyaga
ngayo'y balisang tumitibok
sa kabila ng malumanay
na pag patak ng ulan...
sa kaunting salitang nagbibigay kasiyahan
parang simoy ng hangin, may mga dalang palamuti
mga matatamis na pangako ng
maluwalhating bukas,
lumutang sa kapaligiran
at binago ang malamlam na
lagay ng kalooban.
ang mga darating na araw
ay muling yayabong.
isang kaluluwang hapong hapo
di-inaasaha'y, napangiti
sa unang pagkakataon
mga matatamis na tunog ng mahihinang
halakhak ay paulit-ulit na tumaginting
sa kalaliman ng gabi.
itong di maampat-ampat na pananabik
aking panalangin ay
tuluyan nang pumayapa
dito sa dilim, ako'y nakahimlay
habang ang mga pangarap ng pag-asa
ay alak na lumalasing sa aking pag-iisip.
kasabay ng pagdatal ng madaling-araw,
nabubuhay na lalo ang mga bagong isipin
na lalong nagpapasigla sa aking utak...
mulat na mulat ang aking mga mata
di na sasapit pa ang antok
di na sasapit pa ang pagtulog...
::::::::::
(ENGLISH VERSION)
SLEEP DOESN'T COME...
Sleep doesn’t come
To an eager, restless soul.
A heart so patient
now beats anxiously,
Even with the gentle rhythm
Of raindrops tapping.
With just a few satisfying words
Sprinkled with whiffs of hope,
So magical,
A promise of a glorious tomorrow
Floated in the air
And altered the somber mood.
The coming days are to flourish
Once more.
Unexpectedly,
A soul gone weary
Smiled for the first time.
The sweet sound of soft laughter
Unheard in the still of the night.
This insatiable needing
I pray, to be quelled soon..
Here in the dark, I lay awake,
As visions of hope inebriate my mind.
With dawn comes new ideas,
Stimulating my brain even more..
.......my eyes are wide open........
.......sleep wouldn’t come at all……
Sally
Copyright 2014
Rosalia Rosario A. Bayan
Jan 5, 2014
Jan 5, 2014 at 8:51 PM UTC
Ang buhay nga naman,
Puno ng lungkot at kaligayahan,
Subalit wala tayong magagawa,
Tiisin nalang kung ano ang mapapala.
Diyos ko, ako'y tulungan nyo,
Sa aking landas na tinutungo,
Landas na puno ng sagabal,
Mga sagabal na susubok kung ako'y mapapagal.
Dahil ang katotohanan ay di ko maitatanggi,
Katotohanang ikinubli sa mga tawat mga ngiti,
Ang katotohanang ako rin ay nasasaktan,
Dahil sa damdamin kong nanlalaban.
Minsan di ko maiwasan,
Na masabi ang tunay na nilalaman,
Ng puso at di ng isipan,
Kaya minsan, ginagawang katatwanan.
Ika'y kasapakat ko sa gawaing ito,
Ang sinasabihan ko ng mga naturang biro,
Ang nakikisabay sa aking mga kalokohan,
Kalokohang minsang ginusto kong maging katotohanan.
Sa kasamaang palad, ito ang katotohanan,
Ang minsang inisip matapos magtawanan,
Ang di ko naman maipagkakailang nakakatawa nga,
Ngunit di ko inaasahang puso ko pala'y mapipiga.
Ang binansagan nating pinakamagandang biro,
Ang sa mga luha ko'y nagpatulo,
Tumulo dahil sa kakatawa,
Tawang may kasunod na pagdurusa.
Pagdrusa dahil masakit,
Tawa't halakhak nga ba'y sapat na kapalit?
Ngunit masasabi ito'y panandalian,
Dahil pagkatapos nitoy masasaktan,
Para bang ang gusto ko'y ibinigay,
Na para bang nagkusa at di na ako pinahintay,
Ngunit alam ko sa sarili ko na ito'y huwad,
Ako na mismo ang unang naglahad.
Subalit nakakatawa naman talaga,
Sabihan ba naman kita ng "mahal kita",
Tono palang kalokohan na,
Masasai **** baligho ang ideya.
Aminado akong iyo'y kabilaghuan,
Ngunit wala na akong magagawa dyan,
Kasalanan ko na kung ako'y nasaktan,
Dahil alam kong ako'y nagkamali at may kakulangan.
Jun 9, 2017
Jun 9, 2017 at 3:13 PM UTC
Paumanhin sa aking sasabihin dahil ito'y paalam na,
Paumanhin dahil ika'y masasaktan sa pangyayaring magaganap,
Paumanhin dahil sa kabila ng ating mga pinagdaanan ika'y iiwan ko na,
Paumanhin dahil sa bawat ngiting ating pinagsamahan ito'y mababahiran ng lungkot at poot,
Paumanhin dahil ang tayo ay magiging ikaw at ako na lamang,
Paumanhin dahil ang dating tayo'y hindi na muling babalik,
Paumanhin dahil noong nagging tayo ay nasabi kong hinding-hindi kita iiwan, na ikaw ang para sa akin,
Paumanhin dahil ika'y makakaramdam ng matinding sakit sa aking pag-lisan at wala ako para ika'y hagkan at yakapin at masabing andito lang ako,
At ngayong patapos na ang aking tula nais kong humingi ulit ng paumanhin dahil ako'y magpapaalam na,
Hindi ko man mabigyan ng maayos na rason o paliwanag ang aking pag-lisan nais kong sabihin sayo na totoo ang lahat ng nangyare sating dalawa, ang bawat yakap, halik, halakhak maski ang ating pag-iyak ay totoo,
Paalam aking binibini.
Aug 1, 2018
Aug 1, 2018 at 5:18 AM UTC
Ang luhang pilit na kinukubli, bumuhos, parang talon
Sa mga pisngi kinikimkim, hanggang sa pusong humihinahon
Mga kamay halukipkip, ang bibig ay takip-takip
Sariling Hikbi, ayaw marinig ang nais, habang buhay na maidlip
Ngiti nga'y naglaho, maskara'y nawala
Masasayang halakhak, bulaklak na nalanta
Pusong pinilit mabuo, maging bato
Nadurong sa isang pagkakataon... Sa ala-ala mo
Ang malayang paglalakbay ay sinubok kong mag-isa
Inilayo ang puso ko, sa iyo ng aking mga paa...
Pinilit na wag lingunin ang nakaraan
Mga mata ay tinakpan, sarili'y piniringan
Tainga'y pinilit takpan, madiin, madiin
Na kahit bulong ng puso, di ko na kaya dinggin
Ngunit ang damdamin, sumisigaw, humihiyaw
Maliwanag, malinaw, malakas na bulong ay ikaw
Ngayon gabi, sa pagtulog, halika sa panaginip ko
Sa panagip baka doon, tayo magkatotoo
Halika, mahal, halik sa tabi
Tulungan mo akong palayain ko ako...
Dec 13, 2013
Dec 13, 2013 at 2:52 AM UTC
Kay dami nang hindi mo katulad ang sinarahan ko ng pinto
Hindi labag sa aking kalooban na mag papasok kung sino-sino
Para mag kalat, mang gulo, at bantayan ang mahalagang bagay sa akin
Dahil alam ko na ikaw ang tahanan ko
At nakalaan to para sayo
Ikaw ang banyo na binabalik balikan ko na parang balisawsaw ako
Ang kusina na nagsilbing lugar, para iluto ko ang putahe na mas matamis pa sa mga ngiti mo
Ang silid kainan, kung saan lahat ng gusto mo ay inihain, dulot ng pagmamahal ko
Ang sala, kung saan ang tinig ng halakhak at tawanan ay maingat na tinatabunan ang pintig ng puso,
Ang aparador, kung saan nakatago lahat ng liham na dapat basahin mo
At ang kwarto, kung saan bumubuhos ang luha, na naging takbuhan ko tuwing nalulungkot ako,
Sabay mahigpit na yakap sa unan nang hindi ako bitawan nito
Ikaw ang susi para mabuo ang tahanan ko,
Isang katok lang ang tunog na gusto kong marinig galing sayo
Kung pwede lang tanggalin ang pinto na nakaharang dito
Ito'y gagawin ko
Isang sulyap lang kahit may harang na matataas na bakuran na nakapaligid sakin ay masaya na ako
Ipaalam mo lang na hinahanap ako ng mga mata mo dahil para sayo ito
Gusto ko nang ipaalam sayo,
Ang mga lihim, na wala nang espasyo para ipaglagyan pa
Gusto ko nang ipaalam sayo,
Na ikaw ang gusto ko, sya lang ang kailangan ko
Gusto ko nang ipaalam sayo,
Na tunay kang mahal nito
At sana'y alam mo ang lihim ko,
Na gusto kong ako ang maging tahanan ng puso mo
Feb 18, 2016
Feb 18, 2016 at 11:08 AM UTC
Tinanong ako ng palubog na araw,
"Bakit narito kang muli?
Sa sampung beses mo akong dinalaw,
isa lamang doon ang may dala kang ngiti."
Natawa ako sa katotohanan
Oo nga, hindi ko maikakaila
"Ika'y aking tinititigan,
kaya lamang mukhang may luha ang aking mga mata."
Tila nanginig ito sa halakhak
Alam n'ya ang kasinungalingan
Na kinumpirma ng isang patak,
dalawa, tatlo... hanggang 'di na mapigilan
Binigyan n'ya ako ng maraming kulay bilang sagot
Pilit pinapakita ang ganda sa kabila ng lungkot
Ngunit ang tanging nakikita ay ang lungkot sa likod ng ganda
Ganoon nga siguro talaga kapag nasasaktan ka
Lumisan ako nung lumubog na s'ya
Ngunit iniwan n'ya ang kasiguraduhan
Na naroon lamang s'ya
Upang aking balikan
Umaasang sa aking muling pagbabalik
Ang isa sa sampung beses ay maging dalawa
At madagdagan pang hitik
"Oh haring araw, nawa'y magdilang anghel ka."
Jun 3, 2019
Jun 3, 2019 at 10:47 PM UTC
Sa sobrang mapagbiro **** tao
Tumawa ka lang
Nang umamin akong nahulog na ko sayo.
Ginawa **** isa sa mga bagay na tinatawanan mo
Ang pag-ibig na hinahandog ko.
Sinabayan mo pa ng halakhak
At may kasama pang pagluha
Habang puso ko'y binibiyak
Sa itsura ng iyong pagkaaliw
Sa mga binitawan kong salita.
Hinayaan lang kita.
Ang sabi ko
Kahit ginawa mo lang biro
Ang pag-amin ko
Ang mahalaga napangiti naman kita.
Dumalas ang pagsasama natin.
Hindi na ko nagpapatawa
Pero sabi mo kusa kitang napapangiti.
Nakwento mo sakin na
Noong umamin ako
Hindi mo lang alam kung ano
Ang isasagot mo kaya tumawa ka lang.
Ako naman tong napagod na
Sa kakatawa,
Sa mga "pabiro" kong pagsuyo sayo.
Kaya sa wakas,
Ng Dumating ang araw na sinabi ****
Mahal mo na din ako,
Hindi ko alam kung bakit
Pero
Natawa na lang din ako.
Aug 16, 2015
Aug 16, 2015 at 4:42 AM UTC
Ang sarap sa pakiramdam na may nagmamahal sayo
Ang mga iyak dati ay napalitan ng halakhak na nagmumula ngayon sayo
Ang puwang sa puso ay muling na kumpleto na
kasiyahan ngayon ng mata na nagniningning na parang mga kristala
puso na parang kasing bilis na nagkakarera ng kabayo kaag ika'y kasama
Paru-paro sa tiyan na hindi maipaliwanag sa tuwing kinikilig kapag kausap ka
Sa dinami-rami na dumaan sa buhay ikaw ang natatangi na minahal
Salamat sa pagpapaligaya ng pusong may puwang na may batid na hinanakit noon na ngayon ay napalitan na salamat mahal,
May 23, 2017
May 23, 2017 at 6:16 AM UTC
Umulan ng mga talulot sa simbahan
May palakpakan, palirit
Sapagkat pumunta sa kasiyahan
Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan
Katabi ng lalaki ang mahal
Puro halakhak at wala nang pag ngiti
Sa mga ka-nayon na bumabati
Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang
Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan
Bago matapos ang selebrasyon ay
lumapit sa asawa ng maharlika
Ang pagbati ay ibinulong
sabay nakaw-halik sa pisngi niya
Tumalikod at di lumingon
Bigla na lang pumatak ang mga luha
Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa
Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal
Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib
Tibok ng puso'y lumikat
Lumakad nang papalayo
Kahit mga paa'y mabigat iangat
Nanginig nang lumisan
Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig
Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
Jan 2, 2019
Jan 2, 2019 at 6:05 PM UTC
Sa aking pagiisa alaala mo'y aking kaulayaw
Ang dilim na bumabalot ay ang bisig mo
Ang dampi ng hangin ay ang marubdob **** halik
Hinahanap-hanap ko ang amoy mo
Ang marinig muli ang iyong halakhak
Maramdaman ang marahan **** paghinga
At ang init nitong kumikiliti sa aking leeg
Ang pakinggan ang musikang likha ng iyong dibdib
Sa marahan at maharot nitong pagkabog
Nilalangoy sa bawat tingin
Manaka-nakang mapapapikit
At ikaw nama'y patuloy sa pananaliksik
Lulunurin kita sa aking panunukso
Ikaw nama'y patuloy sa pagsuyo sa aking mga labi
Nilalaro ang guhit sa iyong palad
Inuukit ang ngalan at ang gabing iyon
Nakasanayan na ang paghagod sa iyong buhok
Linya ng pagngiti ay kabisado na
Hinaharana ako sa gitna ng dilim
Kay higpit ng iyong yakap
At ako'y napapasinghap
Bawat bahagi mo ay naging parte ko
At bawat parte ko ay naging bahagi mo
Tayo ay naging sanlaksa
Nanganak ng mga “ako”
Bumuo sa “tayo” ng uniberso
…
Maayos na ang kobrekama
Malamig ang titig nito
Punyal na tumatarak sa dibdib
Dugo ang bawat paghinga
Bakas ay nilamon na..
Tanging sa isip na lamang kita
makakasama sa tuwina
Nagngingitngit ang aking mga kamay
Mata ay pilit sinasara
Ang katotohana'y ikaw ay malayo na
Pinalaya.
Ikaw sana'y lumago
Ang dilim ang magkukubli sa pagluha
Ang hangin ang bibingi sa sakit
Humayon ka ng mag-isa.
Sep 26, 2015
Sep 26, 2015 at 6:49 AM UTC
Sa aking isipan, ika'y aking kapiling
Sa aking gunita, alaala mo'y hiling
Ngunit sa'n ako huhugot ng alaala
Kung sa langit kasama ka na ng mga tala
Hindi man lang kita nasilayan
Mukha mo ay hindi rin namasdan
Bisig ko ay hindi ka nabuhat
Init mo'y di ko manlang nadama
Ano kaya ang himig ng iyong pag iyak?
Musika ba sa akin ang iyong halakhak?
Maliliit **** kamay, nais kong hawakan
Habang mga titig mo'y di pakakawalan
Sa diwa ko'y yakap yakap kita
Habang ako ay may heleng kanta
Sa gayon sa iyong mga labi
Mayrong hatid na maamong ngiti
Aking anghel, dito sa puso ko
Mananatili bawat pintig mo
Dito sa aking diwa at isip
Habang buhay kitang iuukit
Jul 12, 2019
Jul 12, 2019 at 2:52 AM UTC
nakakatuwang isipin na ako pa din
ang 'yong sinisinta sa bawat oras na pumapatak
ang 'yong naiisip sa bawat awit na mariringgan
ang 'yong pampakalma sa tuwing lugmok na lugmok ka na
nakakatuwa isipin na tayo pa din
ang nais **** dala sa bawat tagumpay mo
ang nais **** makamtan kahit tila maglalaho na ang lahat
ang nais **** marinig sa bawat galaw at tibok ng 'yong puso
nakakatuwa isipin na ikaw pa din
ang kasama ko matapos ng masasamang nangyari
ang kasama ko sa bawat halakhak at pag hubog ng ngiti sa aking labi
ang kasama ko sa tuwing akong mag kakaroon ng panibagong biyaya
nakakatuwa nga talaga......
alalahanin ang masasaya nating memorya
humiling sa itaas na sana hanggang ngayo'y ganon parin
nakakatuwang isipin na hanggang ngayon eto ako
humihiling parin
Aug 1, 2016
Aug 1, 2016 at 4:55 AM UTC
mata ang may bitbit ng
dagitab ng bawat sandali
at waring mga kamay na aba,
ang karagatan na may kalong na katahimikan;
sinusuri ng ilaw ang lahat,
mga palad na nagdadaop.
ang halakhak sa sukal ng gabi.
ang batong binabalinguyngoy sa lalim
ng bawat pag-tingin
itong mga kamay
tanaw ng mata
ang alaala
Mar 10, 2016
Mar 10, 2016 at 12:18 AM UTC
Akala **** hindi mo na makikita pa kahit kailan. Ngunit iniluwa siya ng gabi. Unang beses sa mahabang pagkakataon, kinumbinsi mo ang sarili at kinumbinsi siyang samahan kang maglakad ng mabagal sa maiksing kalsada. Hindi siya pumalag. At sa dulo, inalis niya ang tuyong dahong nakasabit sa buhok mo. At gaya ng dati, hindi siya magpapaalam. Ibabalik mo siya sa gabi, ika labing isang minuto makalipas ang alas onse, iniisip kung sinong magmamay-ari sa kanya balang araw. Uuwi kang mag-isa, wala nang traffic sa EDSA, wala na ring lumbay. Sa iyo ang huling halakhak pero ngingiti ka na lang at magbubuntong hininga.
Nov 28, 2017
Nov 28, 2017 at 6:32 AM UTC
daming alam//
habang sinusulat, nakaupo sa sofa sa sala, nag iisip.
bakit ganun?
sya pa rin?
ewan, palitan natin.
bakit nga ako nagsusulat?
san ba to nag simula?
siya kasi //
siya nanaman.
makwento ko lang sa inyo ang pinagdaanan ko noong isang taon at pitong buwang nakalipas.
ayos lang naman sana ako.
masyadong makulit, mapagbiro, maingay.
pero seryoso. //
di man halata pero, oo... kahit papaano.
siya naman,
masyadong madilim, yung tipong pag sa anime,
siya yung si senpai na di ka mapapansin kasi tahimik lang siya at gusto nya palaging mag isa...
pero gusto lang nya sana ng tamang taong makakasama.
doon ako pumasok sa buhay nya, dun ko ginulo ang mundong hindi ko sinasadyang wasakin.
kung dati rati'y screamo at ******** lang na musika ang bumabalot sa kanya,
nadagdagan yun ng matinding impact ng bunganga ko at malakas na halakhak.
kung dati rati'y mas matipid pa sya sa intsik ngumiti,
nakikita mo na syang humahalakhak na parang walang bukas...
**** that smile.
ACHIEVEMENT UNLOCKED.
di nagtagal, di na pinatagal at nagtagal naging tayo.
Ang saya, ang lungkot, nagagalit ako, ikaw,
naaawa, nasurpresa, nasaktan, bumalik sa dating tayo...
strangers.
na parang di lang nating namalayang naging tayo pala?
//
tama na.
malulungkot nanaman tayo nang wala sa oras.
wala nang oras para malungkot.
dahil kahit anong pilit mo, di na mababalik yung oras.
kung saan, naglalakad lang tayo sa daan, tawa nang tawa,
napapaluha na sa....
CTRL + A + Delete
Nov 6, 2017
Nov 6, 2017 at 9:46 AM UTC
Nababagot, bagot sa buhay
Buhay na noon'y makulay
San naparoon
Mga ngiting tunay
Mga salitang nagtulay
Sa loob at sa iba
San naparoon
Ang malawak na ideya
Imahinasyon o nobela
Nariyan lang sila
Sa dulo ng daliri
Sa gilid ng labi
Hanapin mo
At iyong makikita
Nababagot, bagot sa buhay
Hindi na, parating na
May makikita ka
Na wala sa iba
Hindi na, parating na
Damdamin
Galak
Halakhak
Nariyan na
Sa loob, sa paanan
Sa iyong mga mata
Oct 20, 2017
Oct 20, 2017 at 1:28 AM UTC
Kumusta?
Hangad kong nasa mabuting kalagayan ka.
Ilang linggo ko nang hindi nasisilayan ang mga ngiti mo;
na kahit bihira,
nakahahawa.
Matagal-tagal na rin noong huli kong narinig
ang ‘yong mga halakhak;
na kahit mahina,
dama ko ang ligaya.
Maging ang katahimikan mo’y
hindi ko pa rin limot
Hindi nakasasawa ang hindi mo pagpansin sa akin.
Huwag ka mag-alala,
hindi ko minamasama ang mga pagsasawalang-kibo.
Sariwa pa rin ang mga pagkakataong lumagpas ka sa harapan ko
Sa katunayan, gabi-gabi kong ipinagdarasal na darating din ang araw na lilingunin mo ako.
At ngayon ngang ‘di tayo nagkikita’t nag-uusap
Yayakapin ko ito bilang paghahanda.
Hindi ba’t pamilyar ka naman sa mga taong sinusungkit ang mga bituin at buwan?
Pagkatapos ay iaalok sa kanilang mga kasintahan
Na para bang mga prutas na hinintay nilang mamunga sa kanilang mga bakuran.
May kakilala ka nga yatang tumawid daw sa maraming ilog at umakyat ng pagkakatayog na mga kabundukan
Sinaluhan sa hapunan ang mga diwata’t
Pumaslang ng mga halimaw kinabukasan;
upang siya’y puntahan.
Marahil ay narinig mo nang may minsang pumasan ng daigdig para sa kaniyang nobya
Ngunit sa huli’y hindi naisakatuparan.
Umasa ang nobya.
Umiyak ang nobya.
Ang nobya marahil ang pumasan sa halip na siya
May isa nga sigurong nagmalaki na bubuo raw ng pira-pirasong ikaw
Na tila kontrolado niya ang mga piyesa ng buhay mo.
Pamilyar, hindi ba?
Ngunit,
hindi ganito.
Hindi ganito ang aking paano.
Oo. Naiintindihan kong ang ilan sa mga ito ay idyoma o eksaherasyon lamang
Pero nangangamba ako na baka pagod ka na;
Na baka nabibingi na ang iyong mga tainga
Sa paulit-ulit na pangangako;
Na kahit ang talulot ng mga mabubulaklak na salitang ‘to ay
tuyo na.
kahihintay sa tapat at sa tunay.
Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta, hindi.
Hindi ko masusungkit ang mga bituin at buwan
pero handa akong samahan kang panuorin sila.
Hindi ko kayang sa isang araw ay tumawid sa maraming ilog at umakyat ng kabundukan
pero ituturing kong mahalaga ang bawat oras na kasama ka
Aking pagtatrabahuhang makarating sa araw na palagi kitang kasama sa hapunan
at sabay nating papaslangin ang mga pangamba sa umaga.
Hindi ang daigdig; ngunit
Pakakawalan ko ang mga pasan-pasan kong takot;
Kawalan ng tiwala sa sarili;
Ang inggit.
Hindi ito pagbabanta, sinta.
Pero ipanganganak ang mga araw
Na aasa ka;
Na iiyak ka.
Subalit, wala itong kakambal na paglisan.
Uulitin ko.
Ayokong magpaganggap.
Pagod na rin akong magkunwa-kunwariang kaya ko ang lahat.
Dahil sinta,
Hindi
kita iiwan.
Ganito ko marahil sasabihin sa'yong gusto kita
Pakapakinggan mo sana.
---
May 8, 2020
May 8, 2020 at 2:56 AM UTC
Sa bawat luhang pumapatak
Sya kaya'y nakailang halakhak
Sa pagtitiwalang kanyang winasak
Hindi mo na alam kung saan hahawak
Tuwing gabi ay nag iisip ka
Habang nasa kwarto at nakaupo sa kama
Sisilip sa bintana at biglang papatak ang mga luha
Nagtatanong sa langit kung kailan titigil ang sakit na nadarama
Jul 8, 2015
Jul 8, 2015 at 4:39 AM UTC
Sa bawat ligaya natatamo kaakibat nito ang kalungkutan
Sa bawat halakhak may nakakubling puot
Sa bawat liwanag ay may aninong sumisilip
Ang buhay ay di puro sarap kundi may hirap din
Mar 6, 2021
Mar 6, 2021 at 5:55 AM UTC