Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"hahayaan" poems
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa...... Ano bang pakiramdam ng nahulog ka? Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala, Yung pakiramdam na parang kayo na, Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala. Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga? Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya, Masasabi mo bang balewala ka sa kanya? Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba? Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro, Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado Ngunit pano? Nakakalito, Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo. Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan, Ganap nang manatili yung paminsan minsan Dahil... Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag Para sa  mimahal ko, na di nahahabag Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap Sana’y wala ka nang di nalulumbay, Nang Sana’y di nalang ako nasanay, Kasi hinahanap hanap pa kita, Buti sana kung di kita madalas makita, Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid Tulad parin ako nong una, Umaasa, Mga iniwan **** alalala Andito pa nagmamarka, Papano ko mabubura Sanay makalaya, Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
Sana’y Di Nalang Ako Nasanay

Continue reading...
39
naririnig mo ba? ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream. ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon. ang mga harurot ng mga ikot jeep. naririnig mo ba? ang mga tawanan ng mga magkakaibigan mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan. naririnig mo ba? ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante na kumakayod sa mga papel: husay sa bawat ukit. naririnig mo ba? ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia dangal sa bawat apak at kumpas ng kamay, sa bawat hinga. naririnig mo ba? ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta ang mga sigaw sa sakit, hiyaw sa hapdi, dahil sa mga hampas at palo ang mga tama ng mga kamao naririnig mo ba? ang mga iyak ang mga hikbi ng mga kaibigan para sa mga kapatid nilang nasaktan. ang mga hagulgol ng mga magulang na nawalan ng anak: mga puso, mga pamilyang hindi na buo. wasak, nasira na. naririnig mo ba? ang mga boses na nananawagan na "tama na" "utang na loob, itigil niyo na" kasi hanggang kailan pa tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit ang sirang plaka ng karahasan na patuloy na naririnig sa panahong ito mula pa sa mga nagdaang dekada? nakakalungkot, hindi, nakakasuklam ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari sa ating mahal na pamantasan. ang tawag sa atin ay mga iskolar ng bayan, para sa bayan pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba kung paminsan hindi nga makita ang pagmamahal at respeto sa atin mismo, mga kapwang magkaeskwela. hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili na magpadala sa indak ng karumaldumal na kanta ng kalupitan? hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog. hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid. kailan pa? tama na! nabibingi na ang ating mga tenga. nandiri. nagsasawa. oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota. oras na para tapusin ang karahasan. oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala. oras na para sa hustisya. oras na para sa ating lahat, estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala na tumayo, makilahok at umaksyon para pahilumin ang sakit, para itama ang mali. oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman. oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
0
Jul 5, 2015
Jul 5, 2015 at 7:47 AM UTC
naririnig mo ba?

75
gabing hindi mapakali, gustong humagolgol, ngunit walang luhang pumapatak, sikip ng dibdib ay hindi maintindihan, ilang kilometro na ang takbo ng isip, ngunit ikaw lamang ang iniisip, Papalayain na ba ang sarili? o hahayaan nalang na magkusang mawala, dahil nagmimistulang bangkay na at hindi na maramdaman ang muling umibig. ang makita kang masaya na, ay akin ding kasiyahan, mga katanungan ko'y hangang tanong nalang. sinusubukang ngumiti tumawa ngunit, aking lamang pinaglalaruan ang aking sarili, dahil sa halip tuwa at saya ang aking maramdaman ay parang normal lang. PAPALAYAIN NA AKING SARILI, sa nakaraan nating ako lang ang nakakalam, na parang ako lang ang nakakaalala. ito na nakakaramdam na pala ako ulit. SAKIT pala ang aking nararamdaman, na ako'y napag iwanan na, na ako nalang ang nabubuhay sating nakaraan. TAKOT, na ako'y tuluyan mo na palang nakalimutan, TUWA na ikaw ay masayang masaya na, ngunit sana ang mga tanong gustong itanong saiyo, matuldukan na, pangamba ko lang ay hindi nanaman ito sagutin. pangamba ko din ay baka hindi mo na ako ituring na kahit parang kapatid lang, yon ay aking tanging hiling. ngayon ay siguro panahon na para, Palayain na aking SARILI, ngayon luha na ngay bumuhos sa umagang gansa ng sikat ng araw, at ngayon sa huling pagkakataon ipapadama sayo, K. ikaw lang, mahal kita, minahal kita, at kung baliktarin man ang mundo at kung saan pwede na ang TAYO, K. mamahalain parin kita. mahirap man sakin ngunit siguro ngay ito rin ang iyong inaantay ang, Palayain na aking SARILI.
0
May 11, 2019
May 11, 2019 at 11:50 PM UTC
Papalayain na aking SARILI

22
hindi naman ako isang makata. ang pluma at isip ko’y di nagtutugma. oo. minsan ay pinipilit kong bilangin ang mga letra at pinipilipit ang utak sa isang salitang nasa dulo na ng aking dila. ngunit, hindi ako isang makata. hindi ako katulad ng mga nakikita mo sa mga libro wala akong galing na kayang ipahiwatig ang mga salita sa magagarbong paraan hindi maipalalabas ng pluma ko na ang pinakakinakatakot **** bagay... isang rosas na kahit maganda’y kukurutin ang balat mo hanggang ika’y magkasugat at magdugo hindi ako isang makata. ang mga luha ko man ay sunod sunod na at ang plumang hawak-hawak ko ay dumudulas na gusto pa rin ilabas ng puso ko ang mga salitang naiisip nito: “Ito ang tulang hindi bebenta.” ito ang tulang hindi mo makikita sa papel na may pahina ito ang tulang hindi mo pagaaksayahan ng pera ito ang tulang hindi mo tatapusin basahin ito ang tulang hindi mo aaralin walang bilang ang mga linya at walang tugma ang mga salita walang magagarbong salitang kailangan mo pang hanapin ang kahulugan walang mababangong linya na tatatak sa’yong isipan walang pangalan na agad agad **** matatandaan hindi ba’t sinabi ko na sa iyo? ito ang tulang hindi bebenta. bakit ba binabasa mo pa rin? sinasayang mo lang oras mo. sabagay, salamat na rin. salamat sa oras mo. pasasalamatan kita sa bilis **** pagtingin pasasalamatan kita sa muntikan **** paglalim ng pagiisip para intindihan ang tulang hindi bebenta pero hahayaan mo ako hahayaan mo ako na ituloy ang tulang ito hahayaan mo ako na ilabas ang damdamin ko hahayaan mo ako na hawakan pa rin ang pluma hahayaan mo ako na magsulat at sumaya kahit alam kong hindi mo babasahin dahil natutunan ko nang pasayahin ang sarili ko sa mga munting laro at paglikha ng mga istorya na humuhukay ng isang malalim na bangin natutunan ko nang tabunan ito uli ng lupa gamit ang pluma na mauubos na ang tinta pagkatapos ay didiligan ko ito gamit ang aking luha hanggang sa unti-unting tubuan ito ng bunga siguro sa pagdating ng panahon mayroon mang makakita... mababasa niya ito ngunit hindi niya maiintindihan. at mailalagay ito si isang museo at pilit itong iintindihin dahil kaibigan, ang mga pinakalumang bagay kahit wala nang gamit ay minsan ding nagkaroon ng halaga kaya kaibigan, tinatapos ko na. tinatapos ko na ang huling tula na hindi bebenta.
0
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 12:25 PM UTC
ang tulang hindi bebenta

52
Ang sabi sakin ni Mama, *"Huwag **** ipapagalaw ang iyong katawan. Magmahal ka ng lalaki ngunit wag **** isusuko ang templong iyong inalagaan kung ayaw **** magsisi."* Sabay kindat na sinundan ng kanyang mga kiliti. Kung pwede ko lang aminin kay mama na mali siya sa dalawang bagay na kanyang nabanggit (nako, baka namura niya na ko sa galit). **Una. Hindi lalaki ang aking napupusuan. Pangalawa. Mama, patawad pero naisuko ko na.** Baka ang nais iparating sakin ng aking nanay, "kahit ikaw ay pilitin, HUWAG. At huwag na huwag mo ring ibibigay ng kusa." Hindi ba? May punto siya. Pero mahal, naaalala mo ba ang gabing umuwi tayong magkasama? Hinawakan mo ang kamay na nanlalamig sa kaba. Pinainit mo ang pakiramdam ng akin ng nadama ang pagyapos mo ng dahan dahan sa aking katawan. Nilakbay ng iyong mga halik ang labi kong nagliliyab sa pagkasabik. Ito na ang pinakahihintay kong sandali. Nasubok mo kung gaano kabilis kong kayang bumigay. Kasabay sa bagal ng oras habang gumagapang ang iyong mga kamay ay sumabay ang pagkatunaw ng aking mga tuhod. Mga puting kumot namantyahan ng pula. Sabihin na lang nating ito'y ating mga kaluluwa na sinakop ng kasalanang ating nagawa. Langit ay aking narating at nakita. Hindi ito isang pagkakamaling aking pagsisisihan. Hindi mo ko nun kinailangang pilitin dahil buong loob ko itong ibinigay ng kusa. Ilang beses nangyari. Isa... Dalawa... Ilang beses nasundan. Tatlo... Apat... Lima... Ilang beses nating natagpuan ang ating mga sarili sa parehong sitwasyon. Ilang ulit ng nangyari  ngunit pabago bago ng posisyon. At tulad ng magandang panahon, pagmamahal mo'y nagdilim at naglaho. Pinaglaruan, pinaikot ikot sa iyong mga palad na parang laruan. Leeg ko'y aking natagpuang may nakapilipit na kadenang nangangalawang. Kung gaano kabilis **** nahubad ang nakabalot saking damit, ganun din kabilis nagbago ang iyong isip. Saking mga mata ay hindi mo natagpuan ang langit. Sabi mo kaya **** mabuhay na mukha ko lang ang iyong tinititigan. Kasinungalingan. Sabi mo ako lang ang iyong kailangan. Nagsisinungaling ka na naman. Ang sabi mo ako lang ang babaeng iyong mamahalin. Sana nga'y nagsisinungaling ka lang. Dahil naialay ko na ang aking kaluluwa, puso't katawan sa mga pangako **** iniwan. Templo ko'y nagiba na ng impyernong sinapit ng damdamin ko sayo. Tama nga si mama. Dapa't ito'y aking inalagaan. Akin ng ibibigay saking sarili ang kalayaang aking kailangan. Akalain ko bang lahat ng ipinangarap ko para sating dalawa hindi ko rin pala makakamtan. Hindi mo kailangang manatili. Hindi kita pipilitin. Buong loob ko itong ibibigay ng kusa. Susubukan kong burahin ang mantyang ibinahid mo sa akin. Ikaw ay aking hahayaan kahit ako'y ginawa **** saktan at iwanang duguan. Mahal, hindi ko magagawang pagsisihan ang nagawa nating kasalanan.
0
Jul 30, 2015
Jul 30, 2015 at 3:25 AM UTC
Alay (spoken word)

8
Minsan kahit anong ingat mo na hindi matisod at magalusan Darating ka sa puntong babasagin ka ng mundo Hindi mo man malugod na matanggap Kalaunan magpapasalamat ka nalang sa pagkabasag Sa pira-pirasong sariling kelangang pagtyagaang pulutin para mabuo ulit May mga parteng hindi mo na mahahanap dahil hindi mo na makita Iba na kasi ang hugis Hindi ka na tulad ng dati Paniguradong iiyakan mo ang pagkamatay ng sarili **** may makulay na pananaw sa mundong akala mo'y hindi ka kayang saktan Na tila ba'y nakatira ka sa isang palasyong may masugid na taga-silbi At may isang magiting na prinsipe o prinsesang kukumpleto sa kwento mo Sino ba naman ang hindi tatangis kung ang ganitong pangarap ay mawawasak lamang sa isang pitik ng mapanlinlang na pagkakataon o ng isang maling sirkumstansya? May iyak na pisikal May iyak na hindi kayang ihayag ng luha Isang tapang na paimbabaw Pero sa totoo lang, isang kaduwagan Kailangan **** ilabas yan Isigaw mo kung kinakailangan Maglupasay kang parang bata Suntukin mo ang unan Magtapon ka Magbasag ka ng pinggan Ilabas mo Ubusin mo ang lakas mo hanggang ang tanging kaya mo na lang ay umiyak Hanggang ang kaya mo na lang ay ang isang tahimik na pag-iyak Ang pisikal na pagkapagod ang tutulong sayo na magpahinga ng panandalian Ipikit ang pagal na isip Kailangan mo ng katahimikan o ng karamay na may nakatikom na bibig Hindi gagana ang mga pinakamatamis na salita sapagkat manhid ka Bagkus, kailangan mo ng kamay na mag-aampat ng umaalwak na dugo mula sa pagkabasag Banayad na haplos ng pagpapayapa na ang sakit ay lilipas din ngunit sa totoo lang, matagal pa Malayo pa ang tatahakin mo upang makaalpas ka sa sitwasyong ito Ngunit kailangan **** maniwala at dayain ang sarili Para makaligtas sa delubyo ng kalungkutang may kakayahang pumatay ng paunti-unti kung hahayaan mo lang Sa huli, pagkatapos **** malampasan ang mga sandamakmak na sagabal Ang mga dating sugat ay magiging pilat at kalimitan ay nagiging kalyo na lamang Mas titibay ang sikmura **** magtiis at mas tataas ang sukatan mo ng tapang Magtataka ka kung bakit ang mga bagay na dati **** ihinihikbi ay mawawalan na ng epekto sayo Hindi ka naman naging manhid, naging mas matatag ka lang sa pagkabasag na iyon Hindi ka magiging ganap kung hindi mo ito mararanasan Ang katotohanan ay walang taong hindi nabasag ng mundo Dalawa nga lang ang hantungan niyan Ang mabasag ka't itapon o ang mabasag ka't buuin muli?
0
Oct 15, 2017
Oct 15, 2017 at 11:01 AM UTC
80

41
(A tagalog poem) ㅡ Tyaka na lang kita papansinin, kapag kaya na kitang bigyan ng isang matamis na ngiti gamit ang bibig na hindi nangangamoy usok ng sigarilyo. Tyaka na lang kita kikilalanin, kapag kaya ko na ring kilalanin ang sariling tinig at hindi ang sigaw ng mga demonyong nangungupahan sa aking isip. Tyaka na lang kita tatawagan, kapag kaya ko nang alagaan ang aking katawan at muli na akong natutulog bago pa magpalitan ang araw at buwan. Tyaka na lang kita iisipin, kapag ang tanging kinakatakutan ko na lamang ay ang pagkakawalay sayo at hindi ang maaari kong gawin sa sarili oras na maiwan nang mag-isa sa kwarto. Tyaka na lang kita papakatitigan, kapag ang aking mga mata'y hindi na pagod, namumugto, namumula. Tyaka na lang kita kakausapin, sa araw na pag-ibig na ang aking bukambibig, sa oras na kasiyahan na ang nasa isip at hindi kung paanong tali ba ang gagawin sa gagamiting "lubid". Tyaka ko na lang hahawakan ang iyong kamay, kapag naghilom na ang mga hiwa at sugat na ginuhit, inukit sa pulso, kapag ang isip at kalooban ko'y muli nang nagkasundo. Tyaka na lang kita hahalikan, kapag kaya ko nang talikuran ang mga bote ng alak kapalit ng dampi ng iyong labi. Tyaka na lang kita yayakapin, tyaka ko na lang hahayaan ang sariling maranasan na iyong mahagkan, kapag muli na akong nakakakain ng tama, sa tamang oras. Kakayanin mo kaya ang maghintay kahit magpa-hanggang kailan? At patawarin mo ako. Patawarin mo kung ano ako. Patawarin **** ito ako. Patawarin mo ang kototohanan na binubuo ako ng kalungkutan at kaguluhan. Patawarin **** kung minsan kapag bumuhos ang luha ko'y mas malakas pa sa ulan. Isang araw, aawit ako ng awit ng pananalig at katiyakan. Susulat ng tula na naglalaman ng kasiyahan. Ngunit sa ngayon, dasal ko'y patawarin mo muna ako. Giliw, tyaka na lang kita iibigin... kapag kaya ko na ring ibigin ang aking sarili.
0
Jul 13, 2016
Jul 13, 2016 at 9:52 AM UTC
Awit Ng Pasubali

46
Mahal ingat ka. ingat ka mahal dahil baka madapa ka sa paulit ulit **** pagtakbo sa aking isipan halos malibot mo na nga ang diwa kong kay sukal na parang kagubatan at sa patuloy **** pagtakbo sa isip, baka hindi ko mamalayan na tanging pangalan mo na lang pala ang aking nasasambitan. ingat ka mahal, lagi kasi akong nag aalala sayo. e hindi naman sa lahat ng pagkakataon nandyan ako sa tabi mo. kung pwede ngang ako na lang ang mag ingat sayo, gagawin ko Mahal na mahal kita, higit pa sa inaakala mo. sabi ko mahal mag-ingat ka, pero hindi mo ginawa nabundol ka tuloy hay nako mahal. Nagpalamig lang naman ako sa tabi upang tiyaking ligtas at hindi magulo ang iyong isipan mahal, kulang ba ang ginawa kong pagpapaalala? hindi ba sapat ang pagpapakita ko sayo at ang pagsinta kaya’t ninais **** umiwas sinta? Ngunit, dahil mahal kita, at ang gusto ko lang ay makita kang maligaya. ingat ka pa rin mahal nag-aalala pa rin kasi ako sayo maghihintay, umaasa sa muling pagbabalik mo mahal pa rin kita, kaya mag ingat ka mahal Dahil sa muling pagbalik mo iingatan na kita lalo At hindi hahayaan na mabundol at masugatan ang mahiwaga **** ikaw. Kaya mahal ingat ka.
0
Feb 27, 2020
Feb 27, 2020 at 5:29 AM UTC
“Mahal Ingat ka”
Hihintayin ba kitang bumalik? O hahayaan ka na lang sa isipang ika'y nakasiksik? Namimiss ang matatamis **** salitang Kay sarap balik-balikan. Minsa'y nagdududa kung ika'y totoo, Ngunit ang puso ko'y laging sinasambit ang pangalan mo. Puro s'ya lang 'to, Pero paano naman ako? Hihintayin ko na lang bang mag-break kayo? Dahil ako lang naman ang third wheel sa inyo. Pakiramdaman ko'y parang hangin, Hangin na hahanap-hanapin lang kung kakailanganin. Na para bang isang luhang hindi mapigilan sa pagbagsak.. Sayo, nahulog na ako sa'yo. Ano pang magagawa ko? Ayun, nagpanggap lang naman ako Na parang walang pake sayo. Tumatakbo, hinahabol, tumatakbo, nakakapagod. Kasi para akong aso na sunod nang sunod sa amo. Para akong kabute na sumusulpot-sulpot sa tabi mo. Ayoko namang maging ahas o linta Na grabe kung makapulupot, Grabe makasulot. Na sa mismong kaibigan ko pa magagawa. Hindi ko alam kung babalik ka pa.. Pero, ito ang mensahe ko sayo Sa oras na mag-krus ang landas natin Gusto kong malaman mo Na lahat nang nangyari pagitan satin Ay mananatiling nakatatak sa aking isipan na imahinasyon ko lamang ang lahat. -miss xEKIS
0
Nov 27, 2018
Nov 27, 2018 at 6:29 AM UTC
Imahinasyon
Tinatahi ko ang tubig sa'king kamay Pinapanuot ang gayelong lamig. Sa paghampas ng alon; Habang binabagtas ang di malirip na kalawakan, Sinisikap kong ilarawan ka. At sinusubukan kong hanapan ng letra Ang tubig-alat na nagpapalunod sa'king puso Napagtanto kong sa pagpalaot Sa gitna ng kalawakan at kalaliman Habang ako'y iginigiya ng mga alon Hahayaan kong dalhin ng hangin ang 'king layag, Magtitiwala sa tibay ng katig Mamamangka sa gitna ng kainitan ng araw Hahalik sa'yong daluyong ng kalayaan
0
May 31, 2015
May 31, 2015 at 6:15 AM UTC
sa pagpalaot
Ikaw at ako alam kong wala namang tayo. Sino ba ang talo? Hulaan natin kung sino. Isip ko'y nalilito ano ba ang gagawin ko? Mananatili o lalayo? Alam ko namang malabo. Di na lang kikibo Hahayaan na lang siguro kahit di naman talaga sigurado Kung magiging tayo.
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 7:20 AM UTC
Ikaw. Ako.
Ito na naman tayo. Parehong sitwasyon, ngunit ibang pangyayari. Walang nakakaakala satin na aabot ulit tayo dito. Nagmahal ako ng babaeng hindi na ko pwede mahalin muli dahil sa mali ang panahon. Saka na lang din naman ako natauhan na maling ito ang aking naging desisyon. Siguro nga mali na muli kitang minahal ng mas higit pa sa aking inaakala. Hindi naman kita masisi kung siya talaga ang iyong pipiliin. Sino nga ba naman ako? Pinili ko na lang na sabihing mamahalin pa rin kita kahit hindi ako mapasaiyo. Kakayanin kong maging masaya ka sa piling niya. Hahayaan kita maging masaya habang onti onting namamatay ang mga rosas na nais kong ialay sa iyo. Hahayaan kitang maging masaya Habang sinasakal ako Ng inyong mahihigpit na yakap. Hahayaan kitang maging masaya Habang nasusunog ako Sa init ng inyong pagtitingan. Gusto kita maging masaya 'wag mo lang sana sa'kin ipakikita. Gusto kita maging masaya 'wag mo lang sana sa'kin ipamumukha. Gusto kita maging masaya *pero 'wag mo sana ipaparamdam na mas minahal mo siya.* Akala ko'y tanggap ko na ang katotohanan. Hindi ako ang iyong tunay na mahal. Hindi ako ang nais **** makasama. Hindi ako. Hindi ako. Hindi ako nanininiwala na hanggang dito na lang ito. Dahil umasa muli ako Noong hinalikan kita At sinabi **** "tumigil ang puso ko" Umasa muli ako noong tinitigan mo ko Sabay sabing "alam ko ang gusto ko" Na ako ang pinili **** isama sa iyong paguwi noong araw din na nakasama mo siya. Sa walong beses Na sinabi ko sayong "mahal kita" Pakiramdam ko'y Walong beses muli akong binuhay. Walong beses kong narinig ang mga anghel kasabay ng iyong pagsasalita. Sa bawat halik mo na dumampi sa aking mga labi, naramdaman ko ang iyong nasabi. "Alam ko ang gusto ko" Alam ko ang gusto ko, At 'yon ay ikaw. Habang magkadikit ang ating katawan, tumigil ka pansamantala. Tinitigan ko lang ang iyong mga mata na tila tinatawag ako ng mga ito. Ng bigla **** sabihin, "Kakayanin na kaya natin ngayon?" Wala ng ibang pumasok sa isip ko kundi, ayoko ng palagpasin ang pagkakataon na ito. Kusang lumabas sa aking mga bibig ang mga salitang, "Kakayanin na natin ngayon. Pipilitin natin. Hindi kita iiwan. Hindi na muli kita iiwan." Alam kong ito ang gusto ko. *June 23, 2015 11:56 am*
0
Jun 25, 2015
Jun 25, 2015 at 8:23 PM UTC
Alam ko

90
Pitasin mo ako, At ilagay mo ako sa gitna mo at isara mo ito. Alam ko, Alam ko na hindi ko lugar Ito. At sabi nila na akoy nararapat kung saan akoy pwedeng mabasa at masilawan ng araw. Kung Saan akoy pwedeng mabuhay, at maalagan. Pero, paano ako mabubuhay kung akoy nawawalay sa piling mo. Alam ko, na ako ay mabubuhay sa piling mo, Akoy nararapat na kasama mo, hahayaan ko ang pagmamahal mo ang bumasa saakin, at ang mga ngiti mo ang sumilaw saakin, parang araw sa umaga, sa hapon at hangang sa magdilim. At hangang mag bukang liwayway. Ako ay isang bulaklak, na pinitas ng isang umiibig na binatang lalake at ikay isang libro na Pag aari ng isang dalagang babae na sinisinta. Kaya uulitin ko, Pitasin mo ako, Ilagay mo ako sa gitna ng mga pahina, Sa gitna kung saan nakahimlay ang puso mo. Doon akoy mananatili para sayo.
0
May 11, 2015
May 11, 2015 at 1:08 PM UTC
Bulaklak at Libro.
Kung gustong magpatuloy Burahin ang nararamdaman Kung gustong mabuhay Burahin siya sa iyong isipan Tamang daan ay alam na alam na ito na dapat ang ginagawa pero pinipili pa ring maging masaya kahit sa dulo alam naman nating talo na Masaya pa bang ituturing, Kung ang sakit ay nandoon rin? Masaya ka bang ituturing, Kung sa gabi'y mata mo ay lumuluha rin? Tunay sa ligaya Di talaga sa materyal na bagay makikita. Mata ng iyong sinisinta na sa iyo nakatulala Anong ligaya ang madarama. Panandaliang ligaya nga naman Panandalian lang ang lahat Pang matagalang sakit at poot Naman ang sa iyo'y idudulot Hahayaan mo na lang ba na gano'n? Kung ligaya ay minsang panandalian Malamang lungkot at paghati ay panandalian lang din. Ngunit haba ng dulot ng ligaya ay di masusukat Lungkot na naramdaman ay tiyak malilimot mo na. Tunay ngang pag-ibig ay magulo Hindi ko maintindihan Bakit kapag nasasaktan ka'y ayos lang? Hindi ko maintindihan Kapag nama'y masaya ka, babawiin rin lang Hindi ko maintindihan Maaari bang madali na lang ang lahat? Pag-ibig ay talagang magulo Pagkat kulay nito'y halo-halo. Mundo ay napapaikot gamit ng pag-ibig na ito, Sabi nga ng maraming nakaranas na nito Hindi ka matututo umibig Kung di ka masasaktan. Sakit sa pag-ibig ay normal Pagkat ikaw ay nagmamahal.
0
Oct 20, 2015
Oct 20, 2015 at 3:01 AM UTC
Puso't Utak, Nag-uusap (A Collab with Patricia Jhors Alabat)
Tanong nila bakit daw ako nagpupuyat. Sabi nila masama daw ang magpuyat. Nakakadami daw ng pimple. Magkakasakit ka, at kung ano-ano pa. Pero may tanong din ako sa kanila. Masama pa din ba magpuyat, magkaroon ng madaming pimple at magkasakit kung Ang dahilan naman ng pagpupuyat mo ay para makausap ang taong mahal mo? May mga bagay pala talaga na kahit masama ay nakakabuti din pala sayo minsan. Lumalalim na ang gabi, lumalalim na din ang koneksyon nating dalawa. Mga bagay na napagkekwentuhan ay dumarami. Mga ngiti na sa aking labi ay dumadampi. Mga lungkot na sa pagpapatawa mo ay napapawi. Mga ilusyon ng nakalipas ay sa akin dumadalaw. Mga ka-abnormalan mo na nakakahawa. Pinatibok mo pati ang puso kong kawawa. Mga pusa sa labas na ngawa ng ngawa. Mga daga sa aking dibdib na kinikilig at nagwawala. Kasabay ang ating walang humpay na pagtawa. Mga araw na hindi nakakakain para lang ikaw ay makausap ng matagal. Ngunit pinupuno mo naman ang aking tiyan ng mga paru-paro ng walang angal. Mga senyales na sana ito na ang sagot sa aking mga dasal. Ipupusta na lahat kasama ang aking dangal. Na ikaw at ako ay hanggang kasal. Hindi ko namalayan na ako'y nahuhulog na pala sayo sa sobrang daldal. Na tanging bukhambibig ko na lamang ay ang mga salitang balbal. Sa sobrang kakaisip sayo habang naglalakad ay muntik pang mahulog sa kanal. Nakakatawa pero wag sana ako masiraan ng bait at dalhin sa mental ospital. Nagmamakaawa at nananampalataya sa nag-iisang banal. Madaming bagay na magkapareho tayo. Sa pagkain, sa kalokohan, sa musika, sa mga bagay na kinaiinisan. Kahit mismo sa pananalita ay gayang gaya. Tadhana na nga ba ito? Maniniwala na ba ako sa mga kathang-isip na iyong dulot? Hindi ko alam, hahayaan ko na lamang na ako ang dalhin ng nararamdaman ko kung saan nito ako gustong dalhin. At mas sigurado pa ako sa sigurado na walang ibang pupuntahan kundi palapit Sayo. Sayo na siyang dahilan kung bakit ako nagpupuyat.
0
Jul 5, 2016
Jul 5, 2016 at 8:38 PM UTC
iBags

31
Palutang-lutang sa gitna ng dagat Gawa ng luha kong sinubukang saluhin sa tasa ngunit hindi nagkasya Sinong sasagip sa pusong takot malunod? Hahayaan na lamang bang magpaanod sa tulirong mga alon Wari'y sila ring nalilito Saan nga ba patutungo? Ngunit ang damdamin, Sa iyo pa rin gustong dumaong Umaasang sa dalampasigan, Sa mga bisig mo, ako sisilong Parola, Margaret Austin Go
0
Sep 25, 2015
Sep 25, 2015 at 6:31 AM UTC
Parola
“Hayaan mo na lang ako matulog.” Eto ang realidad, Ng mundo, Dahan-dahang pumapalibot sa atin, Ano bang mali sa’kin? Sobrang layo pa ng hinaharap, At hindi ko maisip kung ano ba dapat ko maging. Ano ba dapat **** gawin? Marami nang nangyare, At ano pa ba ang pwedeng maganap? Magkukulong sa sulok, At magmumukmok, Naka-ilang hithit-buga na ng yosi, Baka sakaling makalimot. Naka-ilang bote na ng alak, Pampakalma sa pusong kumakabog. Hindi mo mapigil ang pag-tulo ng luha, Isa-isang nawawalan ng kislap ang mga tala sa iyong mata. Nawalan na ng liwanag ang buwan, At ang araw ay hindi na sikat, Naghalo ang amoy ng dagat at ulan, Sumingaw mula sa mainit na lupa parang naagnas na katawan. Lalabanan ba ang apoy? O hahayaan lamunin ka at matupok? Lalangoy ba kasabay ng mga alon? O handa ka nang malunod at mabulok sa kailaliman? Hanggang sa hindi na ma-iahon. Marami ang nagtatanong, “Mahalaga pa ba ang nakaraan?” Kung ang hinaharap ay nagtatago sa likod ng kasalukyang puno ng kirot at hirap, Hinagpis at galit, Poot at pagkamuhi, At sakit na walang lunas. Mahalag ba ang nakaraan? Maraming pagkakataon na ako ay lumipad, Mula sa kalangitan, malaya ang diwang may pakpak, Naglalangoy sa ulap ng kawalan. Tanaw ko ang sanlibutan, nag-aaway, Nag-papatayan, para sa ano? Lupa? Pera? Para sa diyos na makapangyarihan? Ngunit ang mahabaging diyos ay wala namang pakialam. Wala naman dapat patunayan, Wala naman dapat paglabanan. Rinig mo ba ang ingay mula sa kabilang baryo, Parang mga asong ulol, nagkumpulan at tumatahol. Ako ay naglakad, Saksi ang dalawang paa sa harapang pang-gagahasa ng mga higanteng buwaya; walang umalsa. Natatakot sila. Dahil sa mata ng nakararami, Karahasan ang tama, At hindi ang karapatan ng bawat isa. Marami ng problema ang daigdig, Dadagdag ka pa ba? Iiwasan mo na ba o babalikan mo pa? Pilit lumalayo, Patuloy ang pagtakbo, Ngunit hindi pa rin maabot ang dulo. Hindi malaman kung saan patungo. Dalhin mo ako sa lugar, Kung saan mapayapa ang buhay, At mayroong pag-ibig na tunay. Dahil matagal nang may sindi ang nitsa, Hihipan ko na ba? O hahayaan na lang mamatay ng kusa parang paubos na kandila. Dahil eto ang realidad, Ng mundo, Dahan-dahang pumapalibot sa atin, Ano bang mali sa’kin? Sobrang layo pa ng hinaharap, At pagod na’ko magising, Gusto ko na lamang umidlip at managinip, Patungo sa paraisong ang ihip ng hangin ay malumanay, At ang kulay ng paligid ay pagmamahal na dalisay. “Hayaan mo na lang akong matulog. Kung sa aking pag-gising ay meron paring sakit, hayaan mo na lang akong matulog, dahil pagod na’ko magising.” Hayaan mo na lang akong matulog. Baka sakaling hindi ko na maramdaman ang sakit. Hayaan mo na lang akong matulog. Kahit ilang oras lang, iiwan ko ang mundong mapanakit. Hayaan mo na lang ako. Dahil gaya ng sabi mo, “Sa sobrang hilig mo sa sleep, pwede ng ipalit ang pangalan mo sa salitang *ogip.” Kaya hayaan mo na lang akong matulog, Dahil pagod na’ko magising. At ayoko nang magising.
0
Apr 25, 2018
Apr 25, 2018 at 11:05 PM UTC
Pagod Na’ko Magising

84
Tanggap kita Sisimulan ko ba ito sa umpisa ?? o sismulan ko ba ito sa huli mag sisimula ako kung pano ko tinanggap ang mali Kung paano ko handang itama ang mga Pagkakamali mag sisimula ako kung pano ko inayos ang sakit lungkot at galit Eto na ang umpisa alam ko na ang bawat sandali ay may mali alam ko na sa bawat salitang nilalabas ng bibig ay isang kasinungalingan Hanggang sa isang beses inamin mo sakin Na ayaw mo na at may mahal ka ng iba masakit isipin na sa layo ng ating tinahak ay susuko kana pala lagi na lang sumasagi sa isip bakit iniwan moko sa mundong ginawa natin bakit binitawan moko sa gitna lungkot at saya ngayon alam ko na ang sagot sa tanong na gumugulo sa isip Iniwan moko kasi may mahal kana nagdaan ang araw na luha na lamang ang aking kapiling bote na lang ng alak ang nagpapawala ng sakit dumating din ang araw na bumabalik ka dahil nasaktan ka nya nakita kitang umiiyak sabi mo sakin na ang sakit sakit na Di malaman ang gagawin kung yayakapin ba kita o hahayaan di ko alam kung ano mararamdaman kung ako ba ay masasaktan o matutuwa isa na lamang ang aking ginawa niyakap kita at pinunasan ko ang iyong luha na sa sobrang dami ay basang basa ang damit Tinanggap kita ng buo sa damdamin tinanggap kita ng walang pag aalinlangan kasi eto padin ako mahal padin kita alam kong mahal mo pa sya pero nandto ako kasi di kita kayang lumuluha nasasaktan at nahihirapan kahit ilang beses mokong pagtabuyan nandto padin ako di na muling lalayo sa piling mo tatapusin ko ang pyesa na to tanggap ko ang pagkakamali mo tatapusin ko ito sa tatlong salita Mahal napatawad na kita
0
Nov 1, 2016
Nov 1, 2016 at 4:27 AM UTC
Tanggap kita

37
I. Katunggali Pauulanan ko ng tingga at pagkayari ay magbubungkal ng lupa sa kaloob-looban     ng katawan – iyong libingang yungib at doon ay hahayaan kang mabulok kaya ingatan mo ako at huwag hayaang biglaang pumutok II. Tanawin dahan-dahan kong aalisin ang sumasaplot na lamig ngayong Hunyo sa iyong katawan at pupunuin ka ng alaala ng Abril itong pagmamalupit bilang talababa matapos tuldukan ang nagdaang panahon kaya ingatan mo ako at huwag hayaang bumigwas sa kung anong grabidad ang pumipigil sa iyong pagkawasak III. Rosaryo sa sukal ng dilim bago magpasalamat at magbigay-pugay sa diyos-diyosan, maingat kong kakapain ang kuwintas ng iyong     mga kamay. Dadagundong sa iyong paglapit ang hungkag **** katawan     paluluhurin ka sa altar ng pagtangis at sabay lulunurin ka sa kasalanan kaya ingatan mo hindi ako, kundi ang iyong sarili at humingi ka ng paumanhin pagkatapos. Hindi na bago sakin ang misteryo ng iyong katawang ibinubulong sa pigurang kahoy: mahuhulog ka sa aking bibig bilang     alinsunurang awit. IV. Iyong katawan Hindi ipaaari sa sinuman. Huwag **** idiin sa akin ang karumihan ng mundo. walang ipalalasap kundi isang ordinaryong karanasan lamang – malayo ito sa inaasahang tagpo kundi pagnanais.            Higit pa sa ingay ay ang salaulang katahimikan   ng dalawang katawan na pumipiglas at nais lumaya sa balintataw ng isa’t isa bilang piitan. Kaya ingatan mo akong mabuti at bigyan ng panuto kung paano ka hahagkan upang hindi      mabasag kung malaglag man sa isang mataas na lugar dahil   mayroon   pa tayong   bukas  na ilalaan para  sa pantasya.
0
Jun 4, 2016
Jun 4, 2016 at 4:15 AM UTC
Kung ang iyong katawan

44
Bibitawan ko At hahayaan Ang agos na ang magdala Sa aking nararamdaman At kung ito'y mapadpad ulit sa dalampasigan Baka sakali'y ito'y maaari Nang pansinin ulit, at Sa pangalawang pagkakataon Ay subukan muli
0
Jul 24, 2018
Jul 24, 2018 at 7:47 AM UTC
Agos
Kumusta na dati kong kaibigan? Masyadong mabilis ang ating mga pinagdaanan Kumusta na ang dating pangarap na binuo ng grupo na binuo dito Wasak Wasak ang puso "Tulo ang dugo!" Sabi nga ng mga bata sa kanto Sana bata na lang ulit ako Kung bata lang ako Naglalaro lang siguro ako Tumatakbo ng mabilis Para hindi mahabol ng taya Sabagay... Magpahanggang ngayon naman tumatakbo pa rin ako ng mabilis para habulin ang mga pangarap kong kasing bilis ng jaguar kung tumakbo Teka't hinihingal ako... Andyan ka pa pala Kumusta nga? Kumusta tayo? Babalik pa ba? O hahayaan na lamang ba nating lumipas ang panahon na tayo'y hindi man lang naging masaya Kasama ang isa't isa Kumakanta Sumasayaw Sa saliw ng gitara Sa hampas ng magtatambol Sa iyong boses Na minsa'y aming naging boses Kumusta ka? Parang ang tagal-tagal na Mula ng huling pagkikita Kumusta? Puro na lang tanong Wala namang totoong sagot Sa tanong na 'yan.
0
Dec 12, 2015
Dec 12, 2015 at 1:02 AM UTC
Kumusta
Pipigilan ko ba kung hindi ko na kaya? Hahayaan ko na lang bang umagos ang mga luha? Tatahimik na lamang ba ako at hindi magsasalita, Kung puso ko ngayon ay mabigat na mabigat na? Ano ba ang kasalanan ko at ako ay pinagkaitan? Nagkamali ba ako, kaya pasan ko ang kapighatian? May magagagawa pa ba ako kung dalawa na kayo ang nang-iwan, At isisigaw na lamang sa hangin ang lahat ng aking pinagdaanan? Tinutusok ang puso ko, nadudurog na parang yelo. Nanghihina ako, kulang na lang ako ay mag-deliryo. Ano ba kasi ang kasalanan ko at ako ay pinaghiwalay ninyo? Nasaan ang pagmamahal na matagal kong hinintay na maramdaman sa tunay na ina ko? Tatlong dekada akong nagtiis sa pag-aakalang tama kayo. Tatlong dekada akong naghirap para maiahon ko kayo. Tatlong dekada akong nagbigay ng purong pagmamahal para ipagmalaki ninyo ako. Pero bakit kailangang itago ninyo ang katotohanan sa tunay na pagkatao ko? Sinubukan kong tuklasin pero pinagbawalan niyo ako. Tinangka kong alamin pero ayaw ninyo. Nang tangayin ang pag-asang mayroon ako, Hindi niyo sinabing may tunay na kapatid pala ako. Hahalikan ko na lamang ang hangin. Pakikinggan ko na lamang ang boses ng kalikasan. Sasayaw sa tunog ng kalembang sa kung saan, Hanggang sa buhay ko ay tuluyan maparam.
0
Jul 3, 2016
Jul 3, 2016 at 1:57 AM UTC
Pinagkaitan ng Pagkakakilanlan
dito lang tayo sa gitna kung saan lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan; magulo at kumplikado dahil walang nais na kumawala; natatakot na may mawala at 'di rin magtagal hindi rin makaangal dahil may posibilidad na mangyari ngunit hahayaan na lang ba natin na ang takot ang maghari sa'tin? subalit tila wala na ata akong magagawa ikaw na ang nagpasya. ito na lang ang natatanging paraan— pipigilan ang nararamdaman, magkukunwaring walang alam, magbubulag-bulagan sa katotohanan upang manatili ang pinagsamahang iningatan. ang nais lang nama'y ika'y nandito— nasa sa'king tabi at kapiling ko. kaya't sana'y walang magbabago dahil nandito lang naman ako para sa'yo, kaibigan ko.
0
Aug 12, 2019
Aug 12, 2019 at 1:39 PM UTC
hanggang dito na lang
Sensitibo akong tao, kaunting pangungutya, malaki na ang epekto. Nabuhay ako sa paniniwalang lahat ng babae, tumitingin lang sa gwapo. Kasalanan ko bang maging pangit? Siguro hindi, siguro oo. Sabi nila walang pangit. Ugali lang ang pangit sa ibang tao. Nakasanayan ko nalang na walang naririnig, kahit lantaran akong laitin. Ininda lahat ng pananakit, maswerte nalang kung minsa'y daplisin. Hindi ko kayang lumaban, patay malisya lang ang damdamin. Ayoko ng gulo, ni isang salita wala akong binanggit kahit aking isipin. Aking babaguhin, karamihan sa kababaihan ay tumitingin sa gwapo. "Ano bang meron sa mga gwapo?" Pare-pareho lang naman kaming tao. Alam kong mahalaga din ang panlabas na kaanyuan pero, Yun ba ang minamahal? Yun nalang ba ang basehan sa mundong ito? Lahat ng 'yan nakaraan nalang sa akin. Magmula nung dumating ka, pinaniwala **** mali ang aking hangarin. Hangarin na tanggapin na walang kaaya-aya sa akin. Kahit anong pilit ko, pilit **** itinatanggi at hindi pinapansin. Hindi ako gwapo. Pero kaya kong harapin ng may magandang kalooban ang magulang mo. Hindi ako mayaman. Pero ipapakita ko sayo na ang kayamanan ay nasa kaya nating ibuo. Hindi ako yung taong magara ang kasuotan kapag haharap sayo. Aanhin ko yun? Kinabukasan natin ang aabangan ko, hindi pagiging maluho. Hindi ako yung lalake na pagkakagastusan ka ng sobra sa tuwing may selebrasyon. Gusto ko kase maramdaman natin. Hindi sa nakikita, kundi mismo sa pagkakataon. Hindi ko kayang lumaban, duwag ako, at nananatiling mahinahon. Pero hindi ko hahayaan na may umapi sayo na kahit sino, makakatikim sakin 'yon. Hindi ako yung tipong kaya kang pakiligin sa mga salita. Madalas kasi wala akong tiwala na kaya ko yun magawa. Panay ang pagkumpara ng itsura ko sa iba. Kahit ganun naman , lahat ng sinabi ko sayo, totoo at may isang salita. Hindi ako gwapo, oo. Hindi ako maporma, oo. Hindi ako astig, oo. Hindi ako yung matitipuhan agad kase, oo, ganito lang ako.
0
Jul 1, 2019
Jul 1, 2019 at 10:08 AM UTC
"Ganito lang ako"

32