"hahaplusin" poems
Gusto kong hawakan ang mga kamay mo sa mga oras na natatakot ka sa ideyang baka mapagod ako sa'yo, gusto kong hawakan ang mga ito upang iparamdam sa'yo na mapagod man ako, mahal, magpapahinga lang ako pero babalik at babalik ako sa'yo.
Hahalikan kita sa mga oras na nalulungkot ka pagkaraan ay ngingitian kita upang masiguro ko na magiging ayos lang ang lahat dahil hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako sa bawat saya, sa bawat lungkot, sa bawat hinagpis, sa bawat araw, sa bawat oras, mahal, tutulungan kita sa bawat problemang maaari **** pagdaanan.
Hayaan **** yakapin kita sa mga oras na para bang hindi mo na kayang hawakan sa mga palad mo ang mga problemang dinadala mo. Hayaan **** yakapin kita, gusto kong nasa mga bisig kita habang tinutulungan kitang dalhin sila. Mahal, lagi **** isaisip na hindi ako bibitaw gaano man kabigat ang mga dalahin na maaari **** ibigay sa akin.
Hahaplusin ko ang mukha mo at sasabihin sa'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Problema lang sila, magkapareha tayo na nangakong kahit na anong unos, kalamidad, delubyo ang magdaan, hindi tayo susuko. Mahal ko, kayang-kaya nating pagdaanan ang lahat ng ito.
May 4, 2016
May 4, 2016 at 6:01 AM UTC
Sinabi ko noon sa sarili ko na
kapag dumating ang gabing itutulak táyo ng hangin upang pagtagpuin --
kapag dumating ang araw na pagbanggaing muli ang ating mga damdamin,
silàng may kanya-kanyang hinanaing,
Huwag mo akong yayakapin.
Huwag mo akong hahalikan.
Huwag **** hahaplusin ang mga nanlalamig kong braso.
Huwag mo akong iiyakan.
Ayokong maalala ang kinabisa kong init mo.
Naniniwala ako na sapat na ang mga titig,
ang mga nangungusap na mata.
sapat na ang distansya,
ang espasyo sa pagitan nating dalawa.
sapat na ang iniyak natin noon.
sapat nang hindi táyo katukin ng mga ala-ala búkas.
sapat nang natuto táyo sa kahapon.
sapat nang kilala na natin ang lunas.
sapat nang napatawad kita't napatawad mo ako
at kung paanong napatawad natin ang ating mga sarili.
sapat nang káya mo nang matulog sa gabi
dahil sapat na ring káya ko nang gumising sa umaga.
sapat na ang mga naisulat na liham,
ang mga talatang humihingi ng kapatawaran.
sapat na ang mga musikang sabay nating inawit,
ang mga tonong hindi nagkakapanagpo.
sapat nang mga panyo na lámang ang nakasaksi ng mga hikbi ko sa gabi,
ng mga luhang nahihirapang matuyo,
ng mga pusong magkahiwalay na nagdurugo.
sapat na ang mga alak na nagmistulang kaibigan,
ang mga unan na yumuyupyop sa aking balat.
sapat na ang aking silid na itinuring kong simbahan
dahil sapat na ring paulit-ulit kong ipinagdarasal na maghilom na ang mga sugat.
sapat na ang magagandang gunita,
mga ala-alang ating ginawa.
sapat nang nagagawa mo na muling ngumiti
dahil sapat na ring nagagawa ko nang tumawa.
sapat nang naiintindihan ko na
at sapat nang hindi ka na magmakaawa.
sapat na ang mga regalong aking nagustuhan
dahil sapat na rin ang pagbitiw na hindi ko inayawan.
sapat na ang lakas ng loob na inipon ko dati
dahil sapat na rin ang tákot na naramdaman ko noong iyong sinabing,
"Hindi ka pa pala sapat."
Salamat.
Hindi mo ako masisisi kung minsan na akong naniwalang hindi ako ang nagkulang.
Pero ngayon.
Kapag dumating ang pagkakataon
na muling mag-krus ang ating mga nangungulilang landas,
Hahayaan kitang yakapin ako;
halikan ako;
Hahayaan kong haplusin mo ang nanlalamig kong mga braso at kahit sa huling pagkakataon,
Hahayaan din kitang umiyak
dahil ito na rin ang huling beses na kikilalanin ko ang init mo; at pagkatapos
kalilimutan ko na.
---
Jul 15, 2020
Jul 15, 2020 at 4:55 AM UTC
Hayaan mo na hawakan kita,
Sa mga oras na hindi mo na kaya,
Huwag **** bibitawan ang aking kamay,
Pag lumakas ang alon at hindi alam san tayo matatangay.
*Hayaan **** haplusin kita,*
Hahaplusin sa mga oras na masakit na,
Punasan ang bawat luha; sapagka’t
Ito’y makakalimutan at maghihilom din ang sugat.
*Hayaan **** yakapin kita,*
Kahit sa mga oras na masaya o malungkot ka,
Hihigpitan at babalutin para iyong madama,
Na ako’y nandito sa hirap man o ginhawa.
**Hayaan **** ipakita ko ang lahat ng ito.**
Para malaman mo sa lahat ng oras ako’y naririto.
Mar 30, 2016
Mar 30, 2016 at 8:41 AM UTC
Kung ang gabi'y magiging tao mananatili siya sa sulok at aantayin ang iyong paglapit
Siya yung tipo ng taong sa tuwing kakausapin mo'y tititigan ka lamang at hindi iimik
Hahayaan ka niyang magsalita hanggang mamaluktot ang iyong dila ngunit katahimikan lamang ang mabibigay niyang kapalit
Hahawakan niya ang iyong palad at ang buhok mo'y kanyang hahaplusin
Pero hindi mo siya kailanman pwedeng mahalin
Hindi siya magsasawang makinig sa bawat hinaing at sinisigaw ng iyong damdamin
Dahil alam niyang iyon ang nais **** kanyang gawin
Paminsan minsa'y makikitan mo siyang ngumiti
Paminsan minsa'y may kasamang butil ng luha ang pagkurba ng kanyang labi
Hindi siya magsasalita
Hahayan niyang ikaw ang magsabi ng dapat niyang maramdaman
Hahayaan niyang siya'y iyong husgahan
Hindi siya kikibo at hindi siya magrereklamo
Hahayaan niyang ikaw ang magsabi kung alin ang totoo
Siya yung tipo ng tao na lahat ay kaya niyang gawin
Basta't para sayo hindi siya magdadalawang isip ihain
Wala man siyang makuha pabalik
Ang nais lang niya'y ngumiti ka at hindi na muling maligaw
Sa tuwing pupunta ka kay araw
Mar 27, 2019
Mar 27, 2019 at 2:14 PM UTC