Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"habi" poems
Pagpasensyahan mo na ko, hindi ako sanay sa mga yakap at lambing bago kita makilala, nakakahiya mang aminin ang pagdampi ng mga labi at ang init ng mga yapos ay alam ko lamang sa salita, sa bawat paglipat ko sa panibagong pahina ng mga aklat kong minamahal. Mas masarap pala sa totoong buhay. Dahil konkreto ka, ang iyong mga mata ay hindi lamang habi ng aking kaisipan at ang iyong mga salita ay hindi akin. Totoo ka. Masarap pala sa pakiramdam ang paglapat ng dalawang katawan, dahil kahit kailan hindi ako naging komportable sa paglubog ng kama sa aking likudan alam ko din na ayoko ng bigat ng ibang braso sa aking baywang pero noong unang gabi na nakapatong ang ating mga ulo sa iisang unan at ako’y tila bihag sa braso **** kulungan Napatanong ako sa aking sarili “Ganito ba ang tahanan?” Pero mahirap din kapag nakatikim ka ng ginhawa, nakalimutan ko na tayo nga pala’y dalawa at ito ay hindi lamang para sa akin. Ang kalayaang kong pumili ay taglay mo din Hindi mo nga pala utang ang mga sagot sa mga tanong na bumabagabag sa akin at malaya ka. Malaya kang tanggalin ang pagkabuhol ng ating mga daliri Dahil hindi iisa ang ating mga kamay at hindi din tayo iisa ng kaisipan. Posible nga pala na magkaiba ang bilis ng daloy ng dugo at ritimo ng bawat tibok Kaya naiintindihan ko at pagpasensyahan mo ako. Masyado lang akong uhaw sa pagmamahal. Sa tagal na panahon na pinagkait ko sa sarili ko, sa pamamagitan mo, kaya ko nang tumingin sa salamin at hindi makaramdam ng galit na sa tuwing umaga meron pa ding hininga, meron pa ding pagtaas at pagbaba ng dibdib. Masarap palang huminga at ayoko lang ng tikim.
0
Oct 11, 2016
Oct 11, 2016 at 3:07 AM UTC
Paumanhin

Continue reading...
34
I. Fasl al fasl The Carvan has halted. The grunting of camels. The sand shines of moonlight. And I remember you. The bonfire is lit. My kinsman have all gathered. And yet lonely, I remember you. I was the lonely moon, And you the mirthful rain. Your voice to my heart was so soothing, And my life full of despair and pain. II. Àl fasl min dhikraa When I see the dancing fire, I remember your radiant eyes. When I drink the wine, I remember your intoxicating words. When I visit the perfume chamber, I sense your presence around. When I pick up the pen, I remember the letters you wrote to me. When I gaze around at the eternal sand, I feel the emptiness of my life. III. Àl fasl min aldaewa I searched for you, Through every oasis I passed. Through every city I went to. Through the olive groves. I called for you, Like man so insane. Like the miser losing a diamond. Like the parrot calling its mate. Like a thirsty man crying for water. IV. Àl fasl min alsala Where should I go, Whom should I pray to. The night seems worthless, And worthless are the days. Tell me where should I go, Name an abode so worthy. For me it shall be heaven, A chance to see you; my true salvation.
0
Aug 21, 2018
Aug 21, 2018 at 5:34 AM UTC
Usturat al habi (Legend of Love)

Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 10:21 AM UTC
'Usturat al habi (Legend of Love)