Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"habang" poems
Sabi nila,kapag nahanap mo na daw ang tunay na pag-ibig ay nahanap mo na rin ang iyong langit dito sa lupa. Kaya't naniniwala akong langit din ang maghahatid sa'yo patungo sa akin. Pero naiinip na akong maghintay at nanghihinayang sa bawat sandaling lumilipas , na hindi ko man lang magawang hawakan ang iyong mga kamay sa mga panahong kailangan mo ng karamay.Na hindi ko man lang magawang damayan ka kung dumadanas ka ng lumbay.Alam kong katulad ko,pakiramdam mo minsan ay binitawan ka na din ng mundo.Kaya't patawarin mo ako kung sa mga pagkakataong nararanasan mo yan ay wala ako d'yan para ikaw ay aking ma-salo. Kung totoong ang pag-ibig at ang langit ay may malalim na kaugnayan sa isa’t-isa,malakas ang kutob ko na tayo din ay iginuhit na katulad nila. Minsan na din akong nagtanong,saang sulok ng langit ka kaya naroroon? Malapit ka kaya sa araw? O marahil nasa tabi ka lang ng buwan,na sa tuwing sasapit ang dilim ako ay binabantayan.Kaya pala kahit saan ako magpunta ako'y lagi niyang sinusundan. Pero maaari din na ika'y kapiling ng mga bituin na kay daming nais mag angkin. Kay palad kong pagdating ng araw ikaw ay napa sa-akin. Kaya habang wala ka pa,ako muna ay magiging kaisa ng mga mabubuting kawal ng ating bayan. Makikidigma kung kinakailangan,ipaglalaban kung ano ang makat'wiran. Upang sa iyong pagdating ay malaya nating tatamasahin ang payapang buhay. Kaya habang wala ka pa ako'y taos puso kung manalangin sa ating may likha. Na paghariin niya nawa ang kabutihan sa aking puso bilang isang tao at higit sa lahat ay bilang kanyang anak , upang sa sandaling tayo'y pagtagpuin ako rin sa iyo ay magiging isang mabuting kabiyak. Hindi pa man tayo nagtatagpo,nais kung malaman mo na laman kang palagi ng aking panalangin. At habambuhay kong itatangi ang iyong pag-ibig na siyang dahilan kung bakit maka ilang ulit kong nanaising mabuhay. Nais kong ipagsigawan sa mundo na iniibig kitang wagas,ngunit mas mamatamisin kong hintayin ka at kapag naglapat na ang ating mga dibdib,ibubulong ko sa'yo na ikaw ang aking daigdig. Maghihintay lang ako,habang wala ka pa. © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 27, 2018
Jul 27, 2018 at 3:47 PM UTC
Habang Wala ka pa

Continue reading...
3
Ako'y nahulog sayo hindi inaasahan sayo'y magkakagusto akala ko kaibigan lang kita pero mayroon palang hihigit pa Ika'y nagkukwento tungkol sa inyong dalawa kita ko ang iyong pagkagalak sa iyong mga mata at tuwa sa iyong labing mapula hindi mo alam ako'y nasasaktan na pala Gusto ko mang mag selos ngunit wala akong karapatan Masakit mang isipin ngunit yuon ang katotohanan Ako'y nasa gilid habang kayo'y pinagmamasdan masayang nagkukwentuhan at nagtatawanan Tila pinagtagpo ng panahon para magkatuluyan at ako ito na tinakda para maiwan at masaktan
0
Dec 7, 2015
Dec 7, 2015 at 7:00 AM UTC
Kaibigan
Hindi ako marunong tumula Hindi ako marunong tumula Kahit tinuruan ako ng **** ko sa wika Ng tamang pagsulat Ng may tamang sukat Ng may tamang sukat ng salita Ng may tamang salita Hindi ako marunong tumula Dahil iniwasan kong gumawa ng isa Dahil ayoko ng konbensyunal Dahil ayoko ng sukat-sukat Dahil ayoko ng bilang-bilang Dahil ayokong nahihirapan Kung paano ko ipapahayag ang sarili ko Hindi ako marunong tumula Dahil alam kong ang mga makata lamang Ang may kakayanang makapagsulat Silang mga nakapag-aral ng wika Silang mga matagal nang nagsusulat Silang walang sawang nagsusulat ng mga salitang Kasing bango ng mga bulaklak Kasing tingkad ng langit Kasing linaw ng mga tubig sa dagat Kasing sarap ng paglanghap ng sariwang hangin Hindi ako marunong tumula Kahit naririnig ko sa radyo Ang mga kantang binibigkas Ng mabibilis na mga bibig Ng mga magagaling na mang-aawit ng tula Hindi ko inibig ang tumula Dahil alam ko sa aking sarili Na marunong lang akong magsulat ng kung anu-anong kwento sa buhay Mga kwentong binibigyan ko ng buhay Na akala ko sa isip ko lang maninirahan Ngunit dumating ang araw Natulala sa isang bagong kwaderno Blangkong kwaderno Ni hindi ko alam Kung ano ang isusulat Walang maisip ni isa Maliban sa isa Ikaw Ikaw lang ang laman ng isip ko Nakapaglakbay patungo sa unang pahina Ang salitang aking hinahanap Hanggang sa nagtawag siya ng mga kasama Ng ka-tropa Ng ka-barangay Sunod-sunod silang nagsisidatingan Ikaw lang ang laman ng isip ko Ikaw na lagi kong kasa-kasama Ikaw na lagi kong gustong kasama Ikaw lang Pero sunod-sunod ang salitang naisulat ko At nagulat ang nanlalabong mata ko Tula na pala ang naisulat ko At nagsulat ako Nang nagsulat tungkol sa mga ngiti mo Tungkol sa kung paano kita nagustuhan Tungkol sa kung kelan lahat nagsimula lahat ng nararamdaman ko Tungkol sa kung paano ko nilalabanan 'to Tungkol sa pagkagusto na akala ko hindi dapat Dahil magkaiba tayo ng gusto Nagsulat ako nang nagsulat Hanggang naisulat ko na pala Na mahal kita Hindi ako marunong tumula Ayaw kong gumawa noon ng tula Pero dahil sa'yo Marunong na akong gumawa ng tula Gumawa ako ng maraming tula May maikli May mahaba May hindi tapos May walang kwenta lang Halos lahat ay patungkol sa iyo Minsan sa buhay ko Pero sa'yo lang umiikot ang buhay ko Totoo Ang sarap palang gumawa ng tula Akala ko mahirap Akala ko laging may batayan Akala ko laging may sukat Tulad ng itinuro sa akin ng **** ko sa wika Pero hindi pala May iba palang paraan Basta't may emosyon kang nararamdaman Mahalaga na may emosyon tulad ng Malungkot kasi hindi kita nakasama Mahalaga na may emosyon tulad ng Masaya kahit na tinititigan lang kita nakikita ko na mangiyak-ngiyak ka na sa tawa Mahalaga na may emosyon tulad ng Pagkasawi kasi alam kong walang patutunguhan 'tong lahat Katulad mo ako Isinusulat mo kung anong nararamdaman mo Ang nararamdaman **** hindi katulad ng nararamdaman ko Ikaw na siyang nagmamahal ng taong Hindi ka gusto Katulad mo ako na Nagsusulat ng laman ng puso mo Kung pwedeng ako na lang na ang tinutukoy mo Marunong akong gumawa ng tula Ikaw ang may dahilan ng lahat Nasabi ko na sa'yo lahat Hindi pa pala lahat Marunong akong gumawa ng tula Pero hirap na hirap ako ngayon Dahil wala na akong maramdaman Wala na ang pinanghuhugutan Wala na yatang dapat paglaanan Wala na Habang isinisulat ko ito Wala akong emosyon Walang emosyong nararamdaman Sa'yo Tapos na ata ako sa'yo Wala na rin akong masulat para sa'yo Pero marunong akong magsulat ng tula Kaya Maghahanap na lang ulit ako Ng taong paglalaan ng mga salitang Hindi makatotohanan sa pangdinig kapag isinambit Hindi makatototohan habang binabasa ng mga mata At hindi makatotohanang isinulat ng isang hamak na katulad ko Maghahanap ako Ng isang tulad mo Mahaba-haba na ang aking naisulat Napatunayan ko na atang marunong akong magsulat Pero hindi ako marunong tumula.
0
May 29, 2015
May 29, 2015 at 5:50 AM UTC
Hindi ako marunong tumula

129
malamig sa isang silid may kasamang pighati, saya at lungkot sa bawat paghinga, ramdam ang pagbagsak ng luha. magkakahiwalay na tayo sakit na tila kinukurot ang puso sakit na walang ibang lunas, kundi ang pagsasamahan nating nabuo. sinulat ko ang tulang ito para kahit ako'y lilisan na maaari ko pang balikan lahat. lahat ng alaala at samahan, mga alaala na hindi ko makakalimutan, katulad ng... habang tayo'y naghihintay ng ticket habang tayo'y nagbabasa ng email thread habang tayo'y nakaupo sa isang silid nagkukwentuhan, nagtititigan, nagmamasid, naglalaro ng moba, nanonood ng youtube, nakahawak sa mga selpon. na tila bigla bigla tayong natinag sa mga boss na dumadaan na kahit sa dami natin sa area nagawa parin tayong turuan at pag tiyagaan nila sir at ma'am. napaka-lungkot lang isipin, na ang ating samahan, sa kathang-isip na lamang. alam ko lahat naman tayo nakaramdam na ng lungkot lungkot na hindi mo alam kung saan nagmula lungkot na hindi mo alam kung ano ang dahilan lungkot na hindi mo alam kung ano ang kinahihinatnan pero ang pinaka-nakakalungkot sa lahat yung puno ng tao sa isang silid. puno ng tunog at salita  puno ng biruan at tawanan pero ramdam **** maiiyak ka ramdam **** hindi ka nababagay sa lugar na naroon ka sa pagkakataong ito, hindi mo alam kung bakit hindi mo kayang makisali at magkunwaring masaya nalang  kung sa mga nakaraang araw kinaya mo naman nakakapagod mag-isip. pero alam naman natin ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng pahinga  ito yung pagod na hindi kayang idaan sa alak o ng yosi man lang ito yung pagod na hindi kayang idaan sa maghapong hilata sa kama ito yung pagod na hindi kayang gamutin o kahit dampi ng matinding menthol ng salonpas sa nangangalay na kasu-kasuan Ito yung pagod na hindi kayang gamutin ng efficascent oil na suki ng buong pamilya ito yung pagod na dama ng kaibuturan at kaluluwa ito yung pagod na mahirap punan ng lunas kasi hindi mo alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam iyong pag napabayaan o mali ang diagnosis mo e pwedeng lumikha ng sanga-sangangang maliit at mas komplikadong dahilan ng kapaguran kung pwede lang mapawi ang lungkot sa bawat malalim na buntong hininga ang ngalay na dama ng kaluluwa yung tuwang hatid damay lahat ng parte ng kabuuan isama mo pa pati yung sangkatutak na split ends mas lalo na ang mga pimples na ayaw kang lubayan alam ko, napapagod rin kayo sadyang nakakapagod lang talagang gumising sa umagang walang kulay sa mundong malawak. pero nandyan ang ngiti na nakikita mo mula sa ibang tao, na nakikita ko mula sa inyo. ngiting kay gaan sa pakiramdam, na tila nangangawit na ang pisngi dahil sa ayaw humupa ng ngiti. Salamat sa mga binigay niyong mga ngiti. Na nakakapawi ng pighati, Salamat, Salamat dahil naging parte kayo ng talata ng buhay ko.
0
Jan 25, 2019
Jan 25, 2019 at 10:59 AM UTC
sa isang silid

67
Hindi na ikaw ang gusto ko Yan ang lagi kong paalala sa sarili ko Sa twing nakatingin ako sa sayo. Ayaw ko na ng mga mata mo. Ayaw ko na ng mga ngiti mo. Ayaw ko na ng lahat sayo. Pinili kong maging pusong bato At hindi pansisinin ang nararamdaman ko. Parang normal lang Gaya nung wala pang ikaw. Kaya ko nung wala pang ikaw Nagkandaletche letche lang nman ako nung may ikaw Kasi nung may ikaw Para akong baliw na laging nakangiti Nakatingin sa langit Iniisip ka palagi At Ayaw ko na non. Kaya araw araw akong magiging bato Sasanayin ang sarili magmukha lang na malakas ako. Kahit nakatingin ako sayo ngayon. Ngayon. Ngayon parang kinakain ko ang lahat ng pinagsasabi ko Bakit ikaw parin ang gusto ko Sa pagising sa umaga excited pa akong pumasok kasi ikaw ang makikita ko kuntento sa sandali HINDI kuntento sa isang oras na pasulyap sulyap sayo “pasulyap sulyap” Ibig sabihin Segundo Pero sa bawat segundo ng isang oras na gunugugol ko Ang gusto ay ang tumitig lang sayo   Sa mga mata mo, sa ngiti mo Kahit sa lahat ng kaabnormalan ng katawan at isip mo Tanggap ko. Kasi ikaw parin ang gusto ko Ikaw ang gusto ko Sabi pa nila tumingin na raw ako sa iba Kaya sinunod ko sila Pero sa twing ikaw ay makikita Parang madilim na kwarto na ikaw lang Ang tanging ilaw na bukas Sa sandaling yun Walang ibang gamit Kundi isang ilaw na naiiba sa lahat. susubok akong magsalita pero lalayo kana tinatawag ka ng kaibigan mo kasi ang isang oras ay tapos na. “SANDALI” sabi ng prof. muling napinta ang ngiti sa labi dahil sa huling sandali sumulyap muli sayo.    Patapos na ang sandali At tinawag kana muli ng mga kaibigan mo. habang hinihiling ko, Na sana ay muling magsalita ang prof ng kung ano, Pero sa oras na yon unang lumabas ng silid ang propesor. dahil tapos na ang sandali Tapos na. Ang isang oras.
0
Oct 14, 2016
Oct 14, 2016 at 9:59 PM UTC
Isang Oras

65
Ang iyong mga mata’y lagusan ng liwayway Sa kulimlim na bagtasin ng aba kong buhay At ang iyong labi na sintingkad ng rosas Ay ang tanghali ko sa mga gabing ayaw mag wakas Ang durado **** buhok ay ang gintuang palay Sa kaparangan ng puso kong hindi mapalagay Ang ngiti mo ay binhi ng halaman sa kalangitan Na sumisibol unti-unti sa mundo kong ‘di  na nadidiligan Sa piling mo sana ang pinapangarap kong daigdig Ituturing kong alapaap ang mahimlay ka sa aking bisig Ngunit tulad din ng mga kwentong itinago ng kasaysayan Maaaring ikaw at ako, Ay kwentong ako na lang ang makaka-alam Mapaglarong tadhana ay dito ako inilagay Sa digmaang hindi ko kayang magtagumpay Sa tunggaliang ang kalaban ko’y ako Sa pag-ibig na hindi ko maipag tapat sa'yo *Palihim kitang sinusuyo Kaya’t palihim din akong nabibigo Patago akong lumalaban Kaya’t patago din akong nasasaktan* Kung iadya man ng panahon na dito ka maligaw Sa tulang habang panahon na ang laman ay laging ikaw Ito pa rin ang mga sandaling ako'y alipin mo Ito pa rin ang mga sandaling hawak mo ang aking mundo © 2018 Glen Castillo All Rights Reserved.
0
Jul 29, 2018
Jul 29, 2018 at 2:12 PM UTC
Zet
Kailan kaya mamumulat ang mga pilipino at iwasan ang pag ka ganid sa salapi Kailan kaya matutupad ang pangarap kong mahirap mangyari Sa sarili , bayan , at sa aking mga kababayan na masarap ang tulog sa gabi Nasan na kaya ang mga kaibigan ko dati na nagbibigay saya palagi? Puno parin ba nang hinagpis at sakit ang mga puno na puno ng kalungkutan? Kamusta na kaya ang mga taong hindi na nakaalis sa kalungkutan at patuloy na nahihirapan? Ang konsensya kong patuloy na gumagambala sa akin tuwing ako'y nagiisa Hindi ko naman gusto ang mga nangyari , tuloy parin ang paggalaw at hindi paralisa Bigo man ako sa mga bagay , patuloy parin at sinubukan gumawa ng paraan para makatulong sa bayan Wala man dumating at magpasaya sa akin , patuloy parin sa pagrespeto sa kapaligiran Malabo nga bang imulat ang isipan ng aking mga kababayan o nasisilaw lang sila sa kayamanan Na nanggaling sa kasakiman ng iilang gahaman sa ating bayan Ang sarap sa pakiramdam mamuhay ng simple at walang ipinaglalaban kundi ang pamilya at minamahal Mga simoy ng hangin na sariwa at walang teknolohiya na gumugulo sa ating mga isipan kailanman. Huni ng ibon , magagandang tanawin sa bakuran at paggalang sa nakakatanda na bihira nang mangyari sa kasalukuyan Ang daming pangarap na mahirap matupad , kapag hindi natupad ang aking mga pangarap hanapin ninyo ako sa lupang aking tinamnan ng puno na aking  inukitan,habang lumulutang ang aking katawan na nakatali ang abaka sa aking leeg dala ng kabiguan.
0
Aug 22, 2018
Aug 22, 2018 at 1:13 PM UTC
Kapag ako'y nabigo
Sa mga panahon na ito ay unti unti na ako nakakaramdam ng pangungulila. Ngunit mapapalitan naman ito galak sa tuwing maalala natin ang mga araw na tayo ay magkasama. Alam ko din na kaya natin, kaya ko at kaya mo. Alam ko na darating ang araw na tayo ay malulumbay at hahanapin ang bawat isa. Subalit Ang papel na ito ay magsisilbing bangka at ang tinta ng aking pluma ay syang dagat na maghahatid sa bawat tibok ng aking puso na nalulumbay patungo sa sansinukob kung san ang mga talanyo ang magsisilbing nating gabay. Kaya wag kanang malungkot kasi isang bus lang at pwede na kita makapiling at mayakap habang ang ating mga mata ay nangungusap na sa wakas ay muli tayong pinagbigyan ng panahon upang namnamin ang bawat sandali na tayo ay nangulila. Magkaiba man ang lugar o ang panahon sa araw araw na lumilipas ay maisisiguro ko na ang bawat pintig ng ating mga puso ay magkasabay. Nag sasabing ikay aking mahal at akoy iyong mahal. Kaya sa mga panahon na ako ay nag iisa sa harap ng palayan at nakatanaw sa kanluran kasabay ng paglubog ng bawat araw o huling patak ng ulan ay hinding hindi lilipas ang araw na ang mga ngiti mo ay di dumaan sa aking isipan. At kung sa mga oras na akoy nasa ilalim ng kalungkutan ito ang nagsisilbi kong sandata upang lumaban. Na alam ko may bukas na dadating at malalagpasan ko din ang bawat lungkot sa aking damdamin. Mahal kita mula nung araw na una kita makita at lalo pa kitang minamahal sa bawat araw na lumilipas tayo man ay magkahawak kamay at kahit sa panahon na tayo ay magkahiwalay. Mahal kita kahit di kita nakikita sapat na ang mga alala upang masabi kong di ako nagiisa. Mahal kita ou mahal,na mahal kita kahit na nasa malayo ka at ako ay nag iisa iniisip ka. Sana sapat na ang mga katagang mahal kita upang malaban ko ang lungkot sa aking mga mata at magpanggap na di ako nangungulila sa isang dalaga na nasa bayan ng Marikina.
0
Feb 19, 2016
Feb 19, 2016 at 8:21 PM UTC
Pangungulila

14
Tapos na ang giyera Tapos na ang labanan at hindi matigil na sakitan Tapos na ang nakakatakot na digmaan sa labas ng mga tahanan Tapos na. Pipiliin ko nang maging masaya Hahanap ako ng madadaluyan kung saan mabibigyan Ako ng kalakasan Maghahanap ako ng kapayapaan Kapayapaan na yayakap saakin Sa mga takot na dinanas ko Sa mga bangungot na nagkakaron parin ako tuwing gabi Sa mga multo na paulit-ulit na dumadalaw saakin Kapayapaan na pupunas Sa mga luha na di na natutuyo Sa mga pawis na matagal nang gustong mawala Sa mga dugo't na minsan nang nanggaling sa sarili ko Magkakaron ako ng kapayapaan Ngunit bakit hanggang ngayon Na tapos na ang giyera Ay hindi ko parin mahanap ang kalayaan na iyon? Bakit patuloy na kumukurot ang ala-ala Na minsan nang nagdaan at sumabit at nanatili Hanggang sa mawala? Bakit kahit na pilit kong kinakalimutan Ay bumabalik parin ang sakit Na dinanas ko habang nasa piling mo? Ngunit ang dating nakaraan Ay tila gumugulo ulit saakin paulit-ulit Bumabalik at tila nagiging kasalukuyan Bumabalik yung nakaraan na Nagmahalan tayo at piniling di maniwala sa katapusan Naging matigas ang ulo't sumunod Sa mga pusong pagal Nasaksihan ng araw at buwan na Ang pagiging seryoso ng bawat puso't isip Natagpuan ang kasiguraduhan sa mundong walang katiyakan Ngunit sa isang pikit ko Ay nagulat ako nang magkaron ng "Siya" Simulan natin sa "Siya" Simula nung araw na iyon Ang salitang "siya" ay naging panakot saakin At tila naging digmaan sa isipan ko Tila naging parusa sa puso ko Ang dating "tayo" Ay unti-unting naglaho At nagbago At naging "kayo" Doon nagsimula ang digmaan Nasakop mo ang puso kong ngayon lamang umibig At binomba ito Pinosas mo ito at ikinulong Ibinilanggo sa lugar na hindi ko rin alam Binugbog at pinarusahan para sa kasalanang hindi naman ginawa Nagmamakaawang pakawalan Sumulat ito ng kanta Umawit gamit ang natitirang pintig Sumulat gamit ang natitirang dugo Isinigaw niya ang awitin niya ng paulit-ulit Ngunit walang nakakarinig sakanya Naghihingalo para sa natitirang lakas Umawit ulit siya muli Hanggang sa marinig siya ng Maykapal Ang alibughang puso ay natagpuan na sa wakas Ngayon ay dumating na ang kasalukuyan Kasalukuyan kung saan ang dating nasasaktan ay gumagaling na Kasalukuyan kung saan tapos na ang giyera Possible na ang kapayapaan Hawak ko ang sedula ng pananakop mo sa puso ko Handa na akong kumalimot Handa na akong tumalikod Sa nakaraan na hindi na kasalukuyan Magtatapos ako sa "Ikaw" Mag-isa ka na
0
Jun 7, 2017
Jun 7, 2017 at 10:33 AM UTC
Araw ng Kalayaan

73
PAG-IBIG, NAPA-KOMPLIKADO MO NAGBUBUHOL-BUHOL ANG UTAK KO MAPAGKUNWARI PA MINSA’Y SUSULPOT WARI’Y NAGPAPANGGAP NA SUOT MAPANGAHAS KA, AT WALANG PINIPILI MATAPOS UMASA, PUSO’Y NASAWI O MAPAGPANGGAP NA PAG-IBIG! KAILAN KA MAKAKATIKIM NG GALIT? TIWALA’Y NILAAN PAGKATAPOS AY IIWAN SUKDULANG HAPDI KATUMBAS AY PIGHATI HINDI MO BA NALALAMAN KUNG GAANO KASAKIT MASAKTAN? HINDI MO MANLANG BA TUTULUNGANG MAG-HILOM ANG PUSONG NASAKTAN? TATAWANAN MO NALANG BA ANG PUSONG NAPILAYAN? HABANG SA IYONG HIGAAN IKA’Y SARAP NA SARAP SA PAG-HIMLAY? O MAY AWA PA BANG NARARAMDAMAN? SA PUSONG MINSA’Y MINAHAL KAHIT HIBIK LAMANG NG BALIKAT AY HUWAG SANANG IPAGKAIT SA PUSONG MINSA’Y INIBIG
0
Mar 28, 2015
Mar 28, 2015 at 1:51 AM UTC
Pag-ibig ba't ang lupet mo? (TAGALOG)
Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay. 'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito, kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili. Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa kawalan ng ulan. Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning. Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.
0
Oct 4, 2018
Oct 4, 2018 at 10:59 AM UTC
Ang buhay, ngunit may taning

5
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa...... Ano bang pakiramdam ng nahulog ka? Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala, Yung pakiramdam na parang kayo na, Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala. Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga? Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya, Masasabi mo bang balewala ka sa kanya? Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba? Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro, Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado Ngunit pano? Nakakalito, Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo. Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan, Ganap nang manatili yung paminsan minsan Dahil... Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag Para sa  mimahal ko, na di nahahabag Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap Sana’y wala ka nang di nalulumbay, Nang Sana’y di nalang ako nasanay, Kasi hinahanap hanap pa kita, Buti sana kung di kita madalas makita, Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid Tulad parin ako nong una, Umaasa, Mga iniwan **** alalala Andito pa nagmamarka, Papano ko mabubura Sanay makalaya, Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
Sana’y Di Nalang Ako Nasanay

39
Ang paligsahan ay nagumpisang magbukas Ng mga piling kalahok kung sino ang pinakamalakas Pinagtipon tipon sa labanang may mataas na antas Ang gantimpala sa mananalo ay ang kapalaran ng bukas Wari bang hamon ng buhay na tayong lahat ay kalahok Sa paligsahang paunahang makarating sa tuktok Kung sino ba ang makakalagpas sa mga pagsubok At kung sino ba ang matatag at tunay na di marupok Kaya wag hayaang tumiklop ang tuhod Kahit sa panghihina ay dahandahang mapaluhod Dapat kalimutan ang nararamdamang pagod Dahil ang laban ay dumarating nang sunod sunod Ibigay ang lahat ng makakaya Magtiwala sa sarili, may magagawa pa Wag mawawalan ng pagasa Manatiling nakamulat ang mga mata Sabay ibukas ang munting palad Ano mang oras darating ang hinahangad Tulad ng manlalarong naghihintay ng pasa Nakasalalay ang puntos, kapag nahawakan ang bola Ganun kahalaga ang bawat panahon Di dapat pinalalagpas ang bawat pagkakataon Yan ang aral na ipinapaalala nitong kompetisyon At ang disiplinang nakapaloob sa isang kampeon Sumigaw kahit gaano kaliit ang tinig Di maglalaon ay tuluyan ka nilang maririnig Habang ang tao’y may taglay na pagibig May lakas na di padadaig kahit pang buong daigdig Bumangon ilang beses man madapa…. Walang tagumpay sa pagsuko Kaya laban lang ng buong puso Ipakita **** ikaw ang nararapat Sino man ang makatapat, bumalakid man ang lahat Ang mundo ay isang parang laro May panalo at may pagkabigo Ngunit may karamay na kupunang sumasaiyo Na magsasabing “Magkasama tayo, sila ikaw at ako”
0
Oct 23, 2018
Oct 23, 2018 at 9:31 PM UTC
Ang Paligsahan Ng Buhay

37
Nagsimula ang lahat sa mga tingin na abot kaluluwa Nung ako'y ligaw at kusang hinahanap ka ng aking mga mata Sa bawat lihim na sulyap ay isang 'mahal kita' na hindi mo nakuha Di pa rin tanggap ang nakaguhit na linya Nakakatawang isipin, Na walang kaalam alam na sya ang pinaka importante sa buhay ko Ang inosente sa ngalan ng pag ibig, Na sya'y salarin sa pagbihag ng puso ko Sa bawat kainan na ating napuntahan Hindi ako nagsawa na ang istorya mo'y pakinggan Sa mga sinehan na ating pinanuoran Na mas gusto kong ikaw ang aking titigan Ikaw ang bituin sa gabi na lagi kong pinagmamasdan, Ang aking hiling sa bawat tingin sa langit, Panaginip na sa pag dilat ko sana'y totoo At ang buong sistema ng mga tula ko Pero hindi ako naniniwala na hanggang dito nalang Umaasa pa na sana'y pwedeng humakbang Nasa likod ko ang pader at wala nakong iaatras pa Dahil ako'y tao lang at ang pag abante ang natitira kong galaw Gusto kong humakbang, kung anong meron tayo Gusto kong higitan, ang mga nagawa ko para sayo Sana ako yung taong pinagbigyan **** magpapasaya sayo Binigay ko ang lahat na akala ko'y sapat Ngunit hinarangan mo ang daan para maging tunay ang lahat Konting lapit ay luwas ng mabilis Bulong sa hangin ang damdaming nais iparating Ilang luha ang iniyak mo na hindi kailanman mang gagaling sa akin At sa mga ngiti na sana'y ako ang sanhi.. Hindi mo na pansin na ako'y nasaktan Na habang buhay mag hihintay sa bakuran At umaasa na sana pwede pang humakbang..
0
Feb 25, 2016
Feb 25, 2016 at 1:43 AM UTC
Mag Kaibigan
Sino ba ang modernong vincentiano? Ano ba ang kanyang pagkatao? Nagtatanong sa sarili ko Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay Kung anong magawa ko Dito ba sa munting palad nakahimlay Ang lahat ng kakayahan ko? Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman. Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot” Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot Dahil sa disiplina tayo y nililok Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang, Mga mababang tao na ating ginagalang, Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan Ang tanggapin ang katotohanan, At hangganan ng kakayahan Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban Ng walang hinihintay na kapalit Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent) Na sa pagtulong ay di napagod Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod Salamat sa  Amang nasa itaas Na nagbibigay ng lakas Ang lakas na di nauubos Para sa aming misyon na di pa rito natatapos Sandata ay ang panalangin Lakas ng loob at damdamin Dahil sa Diyos na mahabagin Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan Pagkat ating ramdam ang bawat hirap Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan Handang makiramay at ibigay ang anuman Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan Pagkat sa bawat taong ating natutulongan gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman Sino ang gumagawa nito? Sino ba ang modernong vincentiano? Isa ba ako sa mga ito? Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:26 AM UTC
Modernong Vincentiano

47
Simula noong ako'y bata pa, Iba ang iyong pagpapahalaga, Paulit-ulit kong itong nadarama, Isang pag-aaruga, Na hindi kayang tumbasan ng anong halaga, Sa panahon na ako'y nagkakasakit, Ako'y iyong pinipilit, Di ba't sinabi **** kailangan kong kumapit? Manalangin sa Maykapal ng mahigpit, Sapagkat pag-asa'y hindi niya ipagkakait. Di mo man sa akin sabihin, Ito'y aking napapansin, Di mo man banggitin, Alam kong ika'y nasasaktan din, Nahihirapan, Puso mo'y lumuluha, Kaya't ang tangi kong dalangin, "Panginoon ako'y inyo na lamang kunin." Kung kapalit naman nito'y pasakit at suliranin, Di ko kayang makita si Papa na ako'y nagiging pasanin, at kanyang babalikatin. Papa ika'y mahalaga sa akin, Naalala ko pa ang pagkakataong ako'y nagiging malungkutin, Niyakap mo ako kaya't ako'y nagiging batang masayahin, Ang halik mo sa akin, Kaysarap damhin! Init ng pagmamahal na hindi kayang sukatin! Pag-ibig na kahit saan kaya kong dalhin, Habang buhay kong gugunitain, Himig ng pagmamahalan natin! O kaysarap dinggin! Ang tiwala **** sa akin ay hinabilin, Bagkus ko itong pagyayamanin, Hinding-hindi ko ito sasayangin, Habang buhay ko itong pupurihin, Hanggang sa ito ay magniningning! 100 na tula alay ko sayo! Ika'y isa sa magiging pahina nito, Laman ka ng aking nobela, Na hindi maipagkakailang----- Ako'y sa'yo at ika'y akin lamang!
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 10:53 PM UTC
100 Na Tula Para Kay Papa
Mahal, Naalala mo pa ba yung mga panahon na puro ngiti at saya? Mga araw na puno ng kwentuhan, asaran at tawanan Na hindi ko malaman Kung saan nanggaling ang mga iyan Naalala mo pa ba kung paano ko lagyan ng ngiti ang iyong mga labi At tila nilagyan ng bituin ang iyong mga mata? Naalala mo pa ba kung paano mo sinabi sa akin na gusto mo ako? Tila hindi ka pa nga sigurado sa nadarama mo Naalala mo pa ba nung tinanong mo ako kung pwede bang manligaw? Tila nanlumo ka pa nga sa sagot ko. At hindi nagtagal, ay unti unti mo din binitawan ang salitang “Mahal kita. Mahal na mahal kita” Dahil ako? Naalala ko pa Naalala ko pa kung paano tayo nagkakilala Kung paano sinabi sa akin ng kaibigan mo, na gusto mo ako Kung paano mismo nanggaling sa bibig mo, na gusto mo nga ako Kung paano ko binigkas ang salitang “Mahal din kita” Kung paano mo unti unting binabawi ang salitang “Mahal kita” Dahil sabi mo, Sabi mo pagod ka na, ayaw mo na, sawa ka na Kung paano ako nagpakatanga, habang tinutulak ka sa babaeng gusto mo Habang sinasabing “Kung saan ka masaya, duon ako Kahit masakit, kakayanin ko” At naalala ko pa, kung paano mo sinabing “Patawad, mahal pa din kita.” Tinanggap kita. Tinanggap ko lahat ng eksplenasyon at rason mo. Lahat lahat, kahit ilang beses kong narinig na ang tanga ko Dahil tinanggap kita, pero masisisi ba nila ako? Masisisi ba nila ako kung mahal pa din kita? Masisisi ba nila ako kung patuloy pa din akong umaasa na babalik yung tayo? Hindi naman diba? Kasi unang una sa lahat, hindi sila yung nagmahal Hindi sila yung sinaktan at iniwan Ilang gabi akong umiyak Ilang gabi kong iniyakan ang paulit ulit na dahilan Ilang beses akong nagpakatanga sa paulit ulit na rason Ilang beses akong tinanong kung kaya ko pa ba? Kung masaya pa ba ako? Kung pagod na ba ako? Hanggang saan yung kaya ko? At duon ko natagpuan Duon ko natagpuan ang sarili ko Namamahinga sa pagitan ng “Mahal kita” at “Pagod na ako” Pero mahal, masisisi mo ba ako kapag sinabi kong pagod na ako? Masisisi mo ba ako kung sinabi ko sayong gusto kong magpahinga habang minamahal mo? Kung ang gusto ko lang ay ipadama mo ulit sa akin ang nadarama mo? Kung ang gusto ko lang kalimutan ang sakit na dinulot mo? Kung pagod na ako kakaisip sa salitang “kayo”? Kung pagod na ako kakaiyak dahil parang siya pa din ang gusto mo? Kung lagi kong naiisip na baka kaya mo ako binalikan, dahil hindi ka niya gusto? Mahal, wag **** iisipin na ayoko na sayo Wag **** iisipin na kaya ko gustong magpahinga dahil pagod na ako Dahil tulad ng sabi mo, kung pagod na ako, magpahinga ako Kasi mahal, gusto kong magpahinga Para muling madama ang init ng pagibig Na tila ba sa akin ay iyong ipinagkait Muling masulyapan ang mga matang Tila ba hinahanap ako sa libo libong tao Mahal, patawad. Mahal kita, pero pagod na ako Pero hindi ibigsabihin nito ay palayain mo ako Ibig kong sabihin, ipaglaban mo naman ako. Ipaglaban mo naman ako, dahil pagod na ako.
0
Oct 14, 2017
Oct 14, 2017 at 7:54 AM UTC
Mahal kita, pero pagod na ako

62
Ilang oras na akong nagsusulat Ilang tinta at papel na ang nasayang Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko malabas ang nais iparating ng puso Wala akong magawa kung hindi titigan ang mga nasayang papel na nasa gilid ng aking mga kamay Ilang ulit na akong nagpalit nang kulay ng tinta ng bolpen, nagbabakasaling kung kulay pula ang gamiting pangsulat, mawawala ang lungkot na nadarama na may mahal kang iba Baka kung kulay dilaw ang bolpeng gagamitin mawawala ang sakit na nagpapaala-ala na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti sa iyong labi Baka kung kulay berde ang bolpeng gagamitin maglalaho ang mga luhang hindi maubos-ubos tuwing nakikita kitang kapiling siya Ano pa ba ang dapat gawin? Ilang papel pa ba ang masasayang para sayo? Ilang kulay pa ba ng bolpen ang kailangan masayang para malaman ang nais sabihin Hindi ko alam kung ano at paano Ano ba ang dapat gawin para mawala ka sa isipan? Paano ba kita bibitawan kung alam kong sa pagtawid sa kulay pula ramdam kong ako lang nakakapit? Paano ko hihigpitan ang paghawak sa daming tumatawid sa dilaw na dahilan para bitawan ka kung alam kong malayo ka na para abutin pa Paano kita hahanapin sa huling kulay berde kung alam kong wala na, tapos na Wala ng dahilan para magpatuloy Dahil alam kong hindi tamang ipagpatuloy itong bugso ng damdaming na kahit saang anggulo, hindi tama, hindi nararapat Kaya hayaan mo kong sayangin ang mga papel, bahala na kung magalit ang kalikasan Hayaan mo akong maubos ang lahat ng kulay ng ballpen dahil dito ko nalamang masasabi ang mga salitang dapat iparinig sayo Wala na akong magagawa kung hindi hayaan ang panahon Hayaan ang sariling humilom Hindi ko alam kung gaano katagal Pero hayaan mo, makakapagsulat ulit din ako gamit ang isang papel at kulay itim na bolpen balang araw para sa tunay na nakalaan nito Pero sa ngayon hayaan mo lang muna akong titigan ka sa malayo habang nakatuon ang iyong mata sakanya Hayaan mo lang muna akong iyakan ka habang hindi mo mapigilan ang ngiti sa iyong labi kasama siya Hayaan mo lang akong masanay sa sakit, baka sakaling magsawa ako at hayaan ang sariling sumaya ulit...kapiling ang iba
0
Dec 24, 2016
Dec 24, 2016 at 8:51 AM UTC
26

Nasaan ka? nasaan ka aking kabataan? tila hangin na naglalaho sa bilis ng ikot ng panahon at paglipas ng bawat minuto masasabi ko bang ako ay natuto? Nasaan ka, aking kabataan? lumulubog at lumilitaw malimit ako ay nalilito, malimit ako ay naliligaw habang ako ay unti unting nilalamon ng mga pahina ng kalendaryo Nabuhay sa panahon ng mga kritiko at relihiyoso naglalakad sa gitna ng manipis na espasyo ng kamalayan nagmamasid at nanahimik nagbibilang ng mga sandaling malabong maulit huwag masyadong matulin at baka matinik ng malalim Nasaan ka aking kabataan? mga kinagisnan ay iyo nang iniwan niyapos ng modernong mundo binuksan ang pinto sa pagbabago sa huli, kilala mo pa ba ako? Nasaan ka aking kabataan? ang iyong katahimikan ay nakakabingi sabi nila ang pagsisisi ay laging nasa huli Nasaan na, nasaan na? kabataan ko, gising ka pa ba?
0
Feb 6, 2014
Feb 6, 2014 at 3:24 AM UTC
Nasaan Ka, aking Kabataan?
Miss na miss na kita. Miss ko na yung baduy na boses mo. Miss ko na yung ngiti dyan sa labi mo. Miss ko na yung pangungulit mo, at tangina wala akong magawa. Kasi wala naman sa lugar diba? Ano ba meron? Ano ba ang atin? Pero hindi na ba talaga pwedeng ulitin? Lahat-lahat ng mga dating gawi natin. Simula pa man ako na ang naging salarin. Ako'y tila nahulog sa sarili kong pain. Habang tumatagal unti-unti akong nadidiin. May balak ka kaya na ako'y sagipin?
0
Aug 27, 2015
Aug 27, 2015 at 3:05 PM UTC
Eurostep. ~
Kung alam ko lang na mamimiss kita nang ganito, Hindi na sana ako umalis. Kung alam ko lang na ganito pala kasakit, Hindi na sana kita binitiwan. Kung alam ko lang na mahuhulog ako sayo nang ganito ka lalim, Hindi na sana kita minahal Pero ang totoo ay, Alam ko... Matagal ko nang alam, Alam na alam ko Pero.. Alam ko.. Alam ko na mamimiss kita nang labis Pero.. pero Kailangan kong umalis at iwan ka, Kasi alam kong mali. Mali ang makapiling kita Alam ko na masasaktan ako nang sobra, Pero kailangan kitang pakawalan Dahil.. kailanma'y hindi ka talaga naging sakin Alam ko na mahuhulog ako sayo nang napakalalim... Pero hinayaan ko parin ang sarili ko na mahulog sayo Nagbabakasakali na sana, sana Possible, maari, baka lang ay saluin mo ako Pero Hindi eh.. Nahulog nga ako pero walang sumalo. Kasi habang nahuhulog pa ako, May kayakap ka na palang iba. At nang bumagsak na ako sa lupa Ang sakit.. Ang sakit sakit.. Nadurog na ang puso ko, wasak.. Was...Wasak na wasak na at Nagkalat sa lupa Pero alam mo ba kung ano ang mas masakit? Mas masakit Kasi heto parin ako, hawak-hawak ang durog ko na puso Naghihintay Na mahalin mo rin ako...
0
Jun 2, 2015
Jun 2, 2015 at 5:14 AM UTC
Alam Ko (Tagalog)
ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay tungkol sa naglalakihang mga mata kapag nakakakita ng magandang dalaga na naglalakad sa kalsada isipin na nating.. maikli ang kanyang palda maputi ang hita malaki ang dibdib teka tama na nakaklibog na diba!? o kaya naman ang pagmamahal ay parang yung ating nararamdaman kapag ang ating mga balat ay nakakapagtindig balahibo dahil sa hindi maintindihang halimuyak ng galak o ito ba ay yung mga pagbabago ng kulay sa ating mga pishi kapag tayo ay kinikilig ng lubusan dahil nga ang sweet sweet niya kulang nalang magkadiyabetes ang puta ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung kapag dalawa lamang kayo nakahiga sa mga damuhan o kaya nakaupo tumitingin sa kalangitan habang nilalanghap ang simoy ng hangin sa taas ng gusali o kaya bubungan na niloloko ang sarili kapag tinuro mo ang iyong daliri sa mga bituwin at sinasabi na ang bituwin na yan ang parang hugis puso kahit hindi naman talaga para masabi kolang na meron tayong pag-ibig para masabi kolang na tinadhana talaga tayo para sa isat-isa kahit hindi naman talaga ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung may nakilala kang tao na wala kang ideya kung sino na ang inyong bigalang tagpuan ay hindi niyo naman pinaghandaan o kaya naman ang makilala nating ang tunay nating pagkatao na tayo ay hindi basta tao tayo ay merong kadiliman na hindi purong kabutihan na kailangan man tayo ay tao napapagod din natututong sumuko at bumitaw sa kapit ng "kaya ko pa" dahil kailanman walang anesthesia na dumadaloy sa ating katawan para hindi tayo masaktan ganun ba ang pag-ibig? ang pagbitaw ba ay pagmamahal? ang pagsuko ba ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung paguubos natin ng oras kahit na alam natin na ito ay walang kwenta pero wala nakong pakialam dahil nga kasama kita na ang saya saya natin dalawa nagtatawan kahit sumakit pa ang tiyan hinuhusgahan ang mundo sinasabihan ng mga tinatago niyong sikreto wala kanang pakialam kase nga kasama mo ako na sana hindi na matapos to tayong dalawa ikaw ako at ang ating magagandang mermorya ay itatago ko at aalagaan dito sa puso ko ganun ba ang pag-ibig? ang paglaan ba ng oras ay pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba ay yung galak kapag nakikita kita o kaya yung kapag kasama kita kapag ako'y ubos na pagod sa katotohang na ang mundo ay hindi basta basta andiyan ka palage nakaaalalay handang ibigay ang balikat masandalan lang ng mabigat na isipan ganun ba ang pag-ibig? ganun ba ang pagmamahal? ANUNG ALAM NATIN SA PAG-IBIG? ito ba yung pakiramdam kapag tayo'y nagpapaulan na para bang gusto na nating sumuko sumuko dahil tayo ay pagod na sumuko dahil ang mga sinabi kong halimbawa ng pagmamahal ay malayo sa katotohanan ng buhay nating dalawa iniisip kung ano pa ang ibabato sa atin ng buhay sige ibigay mo ang lahat hindi ako basta basta natutumba hinihiling na sana magkasama tayo sa huli sana wala nang huli sana wala tayong dulo dahil ayoko, na ito ay magwakas pa o kaya hindi na natin ito inintindi dahil ang gulo na ng isipan nandun parin ako nagpapaulan hinahayan na mabasa ang sarili walang pakialam kung magkasakit pa kinabukasan basta ako ay basang basa na niyayakap ang ngayon tinalikuran ang masamang kahapon anung alam natin sa pag-ibig? meron ba tayong alam tungkol sa pagmamahal? anung alam natin? ang unti ang onti lang ng alam natin sa pagmamahal napakaonti na nagbibigay sa atin ng galak ng sige gusto ko pa ng ibigay mo na lahat wag kanang magtira dahil gusto ko maranasan ang pag-ibig bigyan moko ng pagibig bigyan moko ng pagmamahal mahal, anung alam natin sa pag-ibig?
0
Jul 22, 2017
Jul 22, 2017 at 1:23 PM UTC
tula ni VJ: "anung alam natin sa pag-ibig"

121
The State of My Tagalog: Stuttering. Guess that's what you can call it. The insecure prose that curls downward On my notebook. It reeks of bit And piece And syllable. Singular Because language After language After language Enter my mind And slip it Just as quickly, Leaving only Fragments. Oh, the frustration As I ask For loose change From My sister cashier. I can't even ask for The right amount In Tagalog nowadays. "Singkwenta." "Bente." That adds up to 75, I think. Passing score on my Report card too. My self-graded Filipino class. Don't even know How I managed To spell "Ibarra," "Tanikala," "himagsikan," "Liwayway..." I'd sing and not spell, If they never caught At the bottom of my throat. ------------------------------------------- Ang Kalagayan ng Aking Tagalog: Nauutal. 'Yan ang pwede **** sabihin sa ‘kin. Walang tiwala sa sariling gawa, Patunong pababa ang mga salita Sa aking kwaderno. Ito’y sumisingaw ng piraso At bahagi At pantig. Nag-iisa Dahil wika Bawa’t wika Bawa’t wika Ay pumapasok sa aking kalooban At umaalis Ganun ding kabilis, Naiiwan ang mga Kaputol lamang nito. O, kay inip Habang ako’y humihingi Ng barya Kay Ateng Kahera. ‘Di ko nga kayang Humingi ng tamang halaga Sa wikang Pilipino ngayon. “Singkwenta.” “Bente.” Ito ay pitompu’t lima, ata. Pasang awa rin Sa aking report kard Sariling pagmamarka sa Filipino. ‘Di ko nga alam Kung paano 'kong Naisusulat ang “Ibarra.” "Tanikala," "himagsikan," "Liwayway…" Nais kong kantahin at huwag lang sulatin, Kung ‘di lang man silang sumasabit Sa ilalim ng aking lalamunan.
0
Sep 22, 2014
Sep 22, 2014 at 10:31 AM UTC
The State of My Tagalog (Dual Language)

79
Maligayang bati, Sa aking pagsilang, Walang bakas ng gunita, Walang alaala ng nasabing araw. Nagdaan ang mga taon, Namulat sa katotohanan, Na hindi marunong magpatawad ang mundo, At hindi ito titigil na para lang sayo. Nagdaan ang mga taon, Ilang kaarawan ang lumipas, Andiyan ang pancit, At ang keyk na nakahanda, Sa hapag kainan para pagsaluhan, Mga ngiting di mabakas, Nagpapasalamat sa biyaya. Ngunit ito ang unang taon, Kung saan maghahanda ako, Hindi para sa iba, Kundi para sa sarili ko. At aanyayahan ko kayo, Nawa'y sana'y makadalo, Habang unti unti kong inilalapag, Sa ating hapag, upang ating pagsaluhan. Maghahanda ako, Ihahanda ko ang sarili ko, Na ang puso ko'y tatayuan ko ng pader, Na papalibot dito, Dahil pagod na kong masaktan, At nahahapo na ang aking katawan. Maghahanda ako, Na ibaon ang bawat alaala. Ang tamis nang bawat halik, Ang kuryenteng dumadaloy sa aking katawan, Mga labing bumubuhay nang aking kamalayan. Ihahanda ko din, Ang aking sarili, Na unti unti nang humakbang, Papalayo sa nakasanayan, Kung ano ang aking kinamulatan, Sa loob nang mga taong pinagsamahan. Mga umagang iyong mukha ang bumubungad, Sa aking mga mata, Habang ika'y pinagmamasdan, Sa taimtim **** paghihimlay, Habang ako'y nagninilay nilay, Eto na ba ang pagibig na hinihintay? Kaya mahal sa aking kaarawan, Kasabay ng pagihip ko nang kandila, Magpapaalam na ako sayo, Paalam na sa mga gabing kayakap kita, Sa mga sandaling magkakapit bisig tayo sa ilalim nang mga bitwin, Na kung saan langit ang saksi sa ating pagmamahalan, Sa mundong tayo lang ang nagkakaintindihan. Pipikit ako, At uulit ulitin ko ang mga salitang; "Handa na ako" At hihiling ng lakas ng loob, At tibay ng sikmura, Bibilang ako ng tatlo, Isa, dalawa, Tatlo, At sa aking pagdilat, Hihipan ko ang kandila, At magpapaalam na sayo.
0
May 12, 2016
May 12, 2016 at 11:25 AM UTC
Handa sa aking kaarawan