Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gulay" poems
I. Noo'y akin pangg naaalala, Nung una kitang makita. Ako'y humanga na, Lalo na sa taglay **** ganda. II. Nakaka-akit ang iyong bintana ng kaluluwa. Lalo na’t sa tuwing ngumingiti ka. Hindi ko mapigilan ang sariling, Ngumiti rin pabalik sa iyo, sinta. III. Araw-araw na tayong magkasama Sapagkat pareho tayo ng tropa. Asaran dito, asaran diyan. Kulitan dito, kulitan diyan. IV. Hanggang sa lagi na kitang hinahanap-hanap, ‘Pag wala ka para akong sinakluban ng ulap. Napapansin na rin nila na kapag wala ka, Para raw akong lantang-gulay kasama. V. Hindi ko rin alam kung bakit ganun? Lito pa rin ako hanggang ngayon. Gusto na ba talaga kita? Hindi ko rin alam ang aking nadarama!
0
Oct 5, 2015
Oct 5, 2015 at 11:35 AM UTC
Naguguluhan sa Nararamdaman
Gumising ng maaga para sa pagsusulit sinumpa ang pagpupuyat at hindi na uulit sa tabi ng kalye ako'y nagaabang ng jeep na masasakyan isang istudyante lang po, bicutan bababa kaya sais lang yan sa pagbagtas ng hari ng kalsada sa daan papalapit sa simbahan at huminto ng marahan isang babaeng grasa  sa jeep ay sumampa sa sobrang payat daig pa ang isang batang lampa mata'y nanlilisik at nagsusumiksik sa gilid sa utak ay may pitik ng takot at kwentong nakakaantig dumi sa katawan hindi mawari kung sinong nagpahid o babaeng grasa sa akin ngayon siya'y nakatitig hindi natuwa ang piloto ng sasakyan minura ang babae sabay dampot ng kawayan sa tanranta ng babae, di alam ang kalalagyan isang mabilis na habulan!, isang matinding awayan! sinambit ng maruming labi ang bawal na salita mapanghamon ang babaeng grasa, tila nagbanta walang laban sa piloto parang gulay na lanta may pagmura sa pagbaba, sabay banat ng isang kanta ang istorya sa jeep para sa akin ay tapos na kalbaryo ng babaeng grasa patuloy na naguumpisa wala sa katinuan, di nawawalan ng gana pagtahak sa magulong buhay siya ay nagiisa babaeng grasa
0
Oct 2, 2010
Oct 2, 2010 at 8:35 AM UTC
Babaeng Grasa
Salo-salo ang lahat: Nakaupo, nakadekuwatro Sa isang mahabang bangko. Ayos lang Kahit medyo masikip At nagkikiskisan ang mga siko. Ang mesa'y nilatagan Ng dahon ng saging. Bawal ang maarte; Walang mga pinggan At iba pang kagamitan. Nakakamay ang lahat sa pagkain Ng maiging inihaw Na sariwang malaman na tilapia. Meron ding mga gulay Na pinakuluan at nilaga: May kangkong, Okra, sitaw at talong. Samahan mo pa Ng hiniwa at tinadtad na Pulang sibuyas at kamatis, Na may halong bagoong At piga ng kalamansi. At sa wakas, ang panghimagas: Mga gintong mangga Na ubod ng tamis. .   .   .   .   . Napapasarap Ang pinakasimpleng handa Samahan lang ng kuwentuhang Nagpapasaya at nagpapatawa At siyempre kung salo-salo Ang buong pamilya.
0
Feb 22, 2014
Feb 22, 2014 at 6:41 AM UTC
Sa Hapagkainan
Nag-aanyaya ang kinagisnang duyan, sa puso'y kumakatok: halika, kita'y ipagsasalok kapeng barako, ika'y lumag’ok kung kulang ang 'sang tasa'y mayroon namang mangkok - Sa Lumang Lipa, ang pakilasa’y pakiramdam at hindi tam’is kagaya ng pagsasamahan o pait na dulot ng kasawian. Inaapuhap sa aparador na pinagtaguan ang malukong na tagayan ng nagkaribok na kabataan; mula sa sulok ng balintataw, nilililok, aking natatanaw ang mga imahen, hindi mga anghel, nagbabalibol ang kaibigan kong tagapagtanggol, habang sa kabilang koponan nanlilibak ang kalaban - ako ang bolang pinagpasa-pasahan binugbog ng mga kahon ng lipunan kahit alin doon, walang pinagkasyahan mga kahong nagtatakda ng katangian:      ang tao ay dapat ganito,      ang kilos ay dapat ganoon      ang suot ay dapat ganyan           ang maganda ay ganito ang kulay           ang makisig ay ganoon ang taglay           ang tindig ay hindi malambot na gulay: “kahon, kahon, kahon, magkasya sa kahon kapag nagkataon lagot ka sa **** wari’y multong takot lumingon ang nagtulug-tulugang kahapon sa ngayo’y gising na kampon - pinalaya ng kupas na maong Sisinsay na laang ako doon at sa huntahan ay tutugon kung saan nahapon ang labuyong hindi kailanman inilaban sa sabong panalo ka pa rin at karamay, kapeng gawa sa gal’pong      barako sa isip      matam’is sa puso      at sa lalamunan ko      ikaw ang kasuyo.
0
Jan 10, 2018
Jan 10, 2018 at 8:51 AM UTC
Kapeng Barako V (Mga ala-ala sa Lumang Lipa)
Minsan ay katahimikan ang sagot Sa kamatayan Sa pagkakasakit Sa away pamilya Magtimpi Subukan **** maging gabi Puno ng ilaw ng buwan Puno ng lumbay ng kuliglig Gagawa Ang Diyos ng paraan At Ang gabi ay magiging bagong umaga Sinasayawan ng bulaklak ng buhay Binubuhay Ang matatabang gulay Maghintay lang ng sandali At maibubukas mo rin ang iyong bibig At aagos mula sa iyong looban Kung ano ang dapat sabihin Kung ano ang tamang sabihin
0
Sep 22, 2021
Sep 22, 2021 at 4:08 AM UTC
Katahimikan
Walang labis, walang kulang, Kung magliyab ang pluma kong laging natatakam, Mga salitang lilikhain nito'y namumutiktik sa sabik, Malinggal ang dila, nagagalak kung maghasik. Madalas ay parang lantang gulay, Kung gumuhit ng salita ay matamlay, 'Di matuka ng uwak kung ialay, Minsa'y kulang-palad kung panlasa'y 'di bagay. Sa tuwing hahampas ang higanteng salot, Rubdob ng damdamin ay mapusok, Tatamuhing sugat ay balon na 'di maabot, Pilat ay siyang mararanasan, patawad ko'y suntok sa usok. Minsan nama'y isang mapagtangis, Ulan sa ulop katumbas ay luhang hitik kaysa pawis, Ipapatalos sa huwad **** puso ang nalasap na pait at sakit, Sa pluma ko'y tutungayawin ka't isasakdal sa piitan ng malasahan mo rin ang pait. Hindi na sapat ang galak na malalasap, Gayong panulat at puso'y nakaranas ng dusa at alat, Naglahong bula ang hiwaga nitong kaibuturan ng pusong marilag, Sa pinta mo'y nagmistulang kahabag-habag. Umpisahan mo ng pumikit, ng mahagilap mo rin ang sinapit, Madalas man akong matinik , sayo'y hindi na iimik, Nitong plumang binuling at pinatulis ko sa inani ko sa'yo, Ngayo'y kakikintalan mo ng hayag na masakit ngunit pawang totoo. ✍: pensword
0
May 31, 2020
May 31, 2020 at 4:32 AM UTC
BINULING KO'T PINATULIS NGAYO'Y ISA NG MAPANGHIMAGSIK
Di ko alam kung bakit ako nagkakaganito Ang alam ko lang ay nagseselos ako. Nagagalit ako pag nakikita ko magkasama kayo. Nagseselos ako dahil sa pagmamahalan niya. Hindi ko maalala kung kalian pa kita minahal. Pero tuwing nakikita kita, ang takbo ang oras ay kay bagal. At tuwing nakikita kitang may kasamang iba, ako’y nasasakal. Tuloy, galit sa aki’y umiiral. Bakit ba ako sa iyo’y patay na patay? Kapag ako’y nagseselos para akong lantang gulay. Sa iyong ganda, ako nabubuhay. Sa pagkaselos sa inyo, ako’y namamatay.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:21 AM UTC
Selos
Hayaan na na giliwin kita Sapagkat hihintin sa hangin ang lahat At pumailanlang hanggang sa panganorin ang pangarap Walang saysay ang ibon kung nasa pugad Tumunghay sa pakpak na gulay-gulay Sa pagwasiwas ay di kaya umangat Munting maya sa aratiles ay kahabag habag nang di makalipad Ganyan ang aking pagsinta O Desiree Dawn Dela Peña musmusin at nasisikil Huwag sana husgahan Sinsisipon sa hamog Madaling manimdim Iibig ako sa sariling paraan Ngunit di gaya ng kaparangan na nakatiwangwang at hayag Kung ikumpara ay katulad ng liblib na halamanan Mabubuhay nang saglit at mamatay nang dahil walang nakakalusot ni banaag At kung masidhi na ang damdamin Magpaparinig ng aking hinanakit Gaya ng kulog na nauulinigan sa ibayo Umaalingawngaw doon sa ibang baryo
0
Sep 2, 2019
Sep 2, 2019 at 12:25 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #75
85 Dumating na ang bisperas ng kasalan Abalang-abala ang buong kaharian 86 Gayundin ang mga kawal na nagbabantay Sa prinsipeng hina na parang lantang gulay 87 Buong araw nakatalukbong ng kumot Ayaw kumain, sa lahat nayayamot 88 Sa parang bata na may sumpong Nakaantabay ang nilalang na buhong 89 Sa may tsimineya ‘Di randam, ‘di amoy, ‘di rinig, ‘di kita 90 Lumitaw, lumubog ang buwan Paggising ng lahat kinabukasan 91 Wala na ang prinsipe! Wala na! Walang nakapansin! Naglahong parang bula! -06/21/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:56 PM UTC
Siboloria 13 -Pagtakas-