Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gugugulin" poems
Panibagong taon na naman, Ang gugugulin ko sa kawalan, Upang minitmihi ay makamtan, Nang magtagumpay ako sa kasalakuyan. Aking iiwan ang mapait na karanasan, Aking ibabaon sa limot ang karimlan, Aking iwawaksi sa isipan ang kalungkutan, Nang ang puso ko ay mapuno ng kasiyahan. Itutuwid ang bawat kamalian ko. Hahasain ang kakayahang mayroon ako. Isisiwalat ang kabaluktutang nasa inyo, At bibigyang linaw ang mga tanong sa aking puso. Kaya, hiling ko lamang na tayo'y magtulungan, Pigilan ang anumang namumuong pagtangis at hidwaan. Ibigin natin ang Diyos ng walang pag-aalinlangan, Nang matutunan nating mahalin ang tao sa sanlibutan.
0
Jan 3, 2016
Jan 3, 2016 at 11:17 AM UTC
PAGBABAGO
Ilang beses pa ba patutugtugin? Ang lumbay na dinig lamang ng hangin, Ilang beses pa ba paaasahin? Ang inaasam asam na ika'y umamin. Ilang oras pa ba ang gugugulin, Sa ulap na sadyang malalim ang tingin, Sa pagtibok ng pusong kay tulin, Sa pagdasal sa tadhana ng "sana ikaw rin". Ilang araw pa ba ang palilipasin? Sa inaasam na ako'y papansinin mo rin. Sa iniisip-isip na dama mo rin ba? Sa sariling pinapaasang meron nga ba? Ilang beses pa ba iintindihin, Mga araw na di ka pwedeng kausapin, Mga araw na di ka pwedeng pangitiiin, Mga araw na di ka pwedeng biruin. Ilang beses ko pa bang pipiliin, Ilang beses ko pa ba hihintayin, Ilang beses ko pa bang pagmamasdan, Yung "tayo" na suntok sa buwan.
0
Aug 13, 2017
Aug 13, 2017 at 6:53 PM UTC
Ilan