Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Peculiari Nov 2016
Bakit sa tuwing ika'y dumadaan
Ang kalooban ko'y gumagaan
Na kahit hindi mo na ako pinapansin
Ang puso ko naman ay gusto ka parin
Ganito nga ba ang magmahal
Magmahal ng isang tao na parang multong dumadaan
Hindi ko namalayan subalit naramdaman ng aking kalamnan
O sadyang ako'y ginugutom lamang?

— The End —