Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gapang" poems
alam ko na sa simula, dambulahang pasakit naghihintay sa akin sa unang araw ng sigwa kalakip ang pagpapagal s'yang hampas ng kalbaryo doo'y hihimlay na lamang ako sa mundo ng kabagalan dahil alam ko na ang kahihinatnan tatagal lamang, oras ng wakas isang mahabang pagbabagtas s'yang aking mararanasan dahil pilay ang pugad naming kawan gapang, gapang, gapang lamang... hangga't may lupang matatapakan hangga't may krudong susunugin tanggap ko na ang lahat aabutan ko din sa huli, pagkagat ng dilim huwag ko na lamang intindihin upang maging manhid ang diwa pagdapo man ng pagkabalisa sakyan ko na lamang ito bahala na sa kinabukasan ko
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 10:07 PM UTC
HIMLAY
Lahat naman tayo may kinakatakutan, mula sa mga simpleng bagay hanggang sa malalaki. Anong gagawin mo? Iiyakan mo na lang? Puwede naman. Pero sana kahit gapang lang, naisin mo pa ring umusad. Isang hinga, isang abante. Dahan-dahan hanggang matuto at bumilis ka. Wag kang tumakbo, lakad lang at baka may makaligtaan. Ang hangin na tumatama sa mukha mo ang tutuyo sa mga luhang bumaybay sa pisngi mo. Kapag narating mo ang umpisa ng panibagong kabanata, subukan **** lumingon sa nauna, palagay ko nama'y may matututunan ka. Tingin mo ba sa sunod na pahina, mag-sisimula ka ulit sa mahina? Hindi na, 'wag na, hindi ka naman siguro tanga. Kalma lang, narating mo 'yan dahil naging malakas ka; bakit iisipin **** ika'y mahina?
0
Jun 5, 2020
Jun 5, 2020 at 3:32 AM UTC
Payo sa Nanghihinang Kaluluwa