Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gabundok" poems
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least. At least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat. At least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge. At least hindi ko na kailangang halughugin ang mga gusgusing morgue makita lang sila. At least buhay sila- nakakulong nga lang, may kaunting pasa sa tadyang. Sa totoo lang, nakakabingi ang inyong mga at least. Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan. Parang gabundok na labahing poproblemahin. Parang lukot na polo na makikita ko sa salamin. Parang masikip na brief at basang medyas. It ***** Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip. Ginugulo nito ang relasyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap. It really ***** Bakit naman kaya ako makukuntentong- at least buhay sila? Eh, sa ganitong bansang ang mga namumuno’y tila 3 for 50 na DVDng ibenebenta sa Raon- sino ba dapat ang nakakulong?
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:47 PM UTC
AT LEAST