"epiko" poems
Hindi ako Balagtas
Hindi ako Kabesang Sisiw
Ngunit igagawa kita ng binalaybay na epiko
Hindi ako Amorsolo
Hindi ako Botong Francisco
Ngunit ipipinta kita sa dalampasigan ng aking puso
Hindi ako Rizal
Hindi ako Bonifacio
Ngunit buhay ko'y iaalay sa'yo
Hindi ako si Alden Richards
Hindi ako James Reid
Ngunit sa tingin ko, God gave me you.
Jan 18, 2017
Jan 18, 2017 at 8:05 AM UTC
Matuto ng Filipino! Magsimula sa Bahagi ng Pananalita
Pag-aralan Panlapi, Ponolohiya, Morpolohiya
Matuto ng Panitikang sariling atin
Manaliksik, lumikha ng sariling sulatin
Sa Idyoma at Tayutay pagpapahayag kulayan
Magsalaysay, Maglarawan, Maglahad, Mangatwiran
Maaliw, ma-engganyo sa ating mga epiko
Dito mababatid malikhaing Pilipino
Sariwain mga likha nina Balagtas at Rizal
Salamin ng panahon, kapupulutan ng aral!
-09/02/2016
(Dumarao)
*GEN Poems
Sep 27, 2019
Sep 27, 2019 at 10:52 PM UTC