Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nymeriari Aug 2017
Parang papatak na,
Mula sa aking mga mata,
Matang kay lungkot,
May pinipilit ilimot.

Silakbo nitong puso,
Pusong nagdurugo,
Alam ko naman ang dahilan,
Ngunit hindi alam ba't nasasaktan.

Pinukaw ng sakit,
Kalungkuta'y iginiit,
Alam ko naman kung bakit,
Kaya ganito pala ka pait.

Ang katotohanan,
Sa ating pagmamahalan
Ang tanging nagdulot,
Ng poot na sa puso ko'y nanuot.

Paano ko ba papakawalan?
Kapag wala nang maramdaman,
Huli na ba ang lahat?
Ito ba ay nararapat?

Ito ba ang mapapala ko?
May nadadama pa ba ako?
Ang sagot ay isang "Oo",
Patunay ang mga luha kong dumaloy dahil sa'yo
#collab
kingjay Dec 2018
Ang pasan na krus ay simbolo ng walang humpay na pagmamalupit
Nang naipako sa kahoy,
sa timog dumaloy ang aurora
Nagsilaglagan ang mataas na densidad na luha

Nalusaw na esperansa ay hindi madadampot
Nakakawala sa palad kung kuyumin
Inipon ang likido na tumilamsik
Sa bahay ay alumpihit

Sino magsasagip kung patay na
Ang kalansay ay huwag na galawin
Aabot sa kabanata na malansag maging ang luningning
at tumihaya sa burol ng pagrayos

Ang siwang ng kahon ay singawan ng hinga
Nalumbay ang pipit sa lilim ng Balete
Nahira sa musika na inawit
Hiningi na sumakabilang buhay na

Inakala na may kasagutan sa mga tanong
Sa kwentong ito ipinapakilala ang pag-ibig sa isang tao
Ibubunyag ng kwento ang walang paalam na pag-iwan
Layas na bulalakaw ay panhiling na bituin

— The End —