Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dugtungan" poems
patawad sa mga tulang nagpanatili pa sa'yo o sa kung ano man ang meron tayo patawad sa muling pagbukas ng matagal ng saradong pinto patawad sa paulit-ulit na pagsaksak sayo ng mga salita at letra na sinusulat ko patawad sa pagsulat pa nito pero sana maintindihan mo na ito na lamang ang kaya kong gawin upang mawala ang sakit na dinulot din naman nating dalawa ito na lamang ang naging gamot sa mga sugat na nadama noong una kang nawala at ngayong patuloy kang nawawala ngunit huwag kang magalala wala naman akong gustong dugtungan sa mga bagay na tapos na at alam kong mali at alam **** mali kaya patawad sa pagsulat pa nito at paulit-ulit na patawad sa pagsusulat pa ng paulit-ulit kagaya nito
0
Nov 6, 2019
Nov 6, 2019 at 4:51 AM UTC
huling paalam
Padre de pamilya kung ika'y tawagin, sa amin ika'y laging nagbibigay pansin. Pangaral dito, payo doon; minsan pa nga'y nagbibigay leksyon. Ang buhay mo'y lubos na pinagpala, 'di lamang sa dahilang buhay mo ay mahaba, ngunit dahil ika'y nakakilala sa Maykapal; buhay mo ngayo'y puno ng dasal. Ilang beses mang mapagkamalan na ika'y aking lolo, hindi mahihiyang sabihin, "Hindi ah, Daddy ko 'to!" Dahil kung uulitin ang aking buhay, ako'y 'di magdadalawang-isip, ikaw pa rin ang pipiliin kong tatay. Aking dalangin sa Maykapal, buhay mo pa'y dugtungan at hindi mapagal. Sa iyong pagtanda, 'di magsasawang sayo'y mag-aruga. Ngayong araw ng mga tatay, nais kong sabihin, "Pagmamahal namin sayo'y walang humpay; halaga mo sa ami'y 'di mababawasan, ni hindi matutumbasan ng kahit anuman."
0
Jul 8, 2014
Jul 8, 2014 at 11:50 AM UTC
®Daddy
Pwede kong dugtungan ang ating nasimulan Pwede mo ring tapusin ng walang lingunan Pwede mo akong ipagtanggol sa lahat ng tao Pwede mo ring iwan ang isang ako. Pwede **** hilingin na lumayo sa akin At lahat ng sakit ay akuin Pwede kang lumabas ng pinto Ng walang pangakong pagbabalik At pwede rin akong tumu-nganga na lang sa isang tabi At mangulila sa iyong mga halik Pwedeng sa akin, ikaw ay magsinungaling Na kapag tayo ang magkasama, Iba ang gusto **** makapiling. Pwede kang maging bingi sa aking mga hinaing Pwede rin akong maging pipi sa aking mga pasanin. Pwede mo akong sumbatan sa aking mga pagkakamali At pwede ring sa piling mo ay hindi na ako manatili. Pwede kang maghanap ng iba, At tuluyang ako'y limutin na Pwede akong magmaka-awa sa iyong harapan Na huwag mo sana akong lisanin Sapagkat ang sabi ng puso ay hindi nito kakayanin At pwede rin tayong umabot sa puntong tatanungin kita Na kung pwede pa ba? Pwede pa bang ayusin natin 'to? Pwede pa bang ayusin kahit sirang-sira na? Na kahit gahibla na lang ang pagitan ng Tayo pa at hindi na. At kahit alam kong pwede iyong mangyari Na kahit hindi sabihin, iyon ay iyo ng nawari. Pero pinili nating ang lahat ng iyon ay hindi gawin Dahil sa pangako ng isa't- isa ay mahalin Mahal, hindi ako perpekto Na kahit malapad ang aking noo, Iaalay ang aking pagkatao At sana, sana, hiling ko Tanggapin mo ito ng buong-buo. Ngunit kung ika'y nag-aalangan, Huwag ka sanang matakot na ako'y lapitan. At kung naguguluhan ka pa rin sa lahat, Nakiki-usap ako,pakibasa lang 'yung pamagat.
0
Jan 30, 2016
Jan 30, 2016 at 9:53 AM UTC
Kapit Lang

Continue reading...
40
kung sakali man malihis ng landas, lingunin nawa ako ng pagmamahal. kung sakali mang mapagod sa kakalakad, tangayin nawa ako ng hanging payapa patungo sa bisig na mapagkalinga. kung sakali mang hapuin at maubusan na ng hininga, dugtungan nawa ako ng buhay na kung saan ang kamatayan ay hindi kinikilala. nang matapos lamang ang laban na wala akong laban. walang salitang naririnig, walang hikbi, walang palag. wala. dahil walang handang makinig kapag sarado ang isip.
0
Jan 4, 2019
Jan 4, 2019 at 7:30 AM UTC
Kahit ngayon lang
Isang daang tula man ang aking gawin hindi nito kayang palawigin ang mga oras natin. Hindi nito kayang dugtungan ang mga araw na nawala ni hindi nito kayang bumuo ng mga nasira.  Hindi nito kayang ibulong ang mga salita na nais sabihin ng puso. Sa ating dalawa ikay tapos na, masaya na at nakahanap na ng iba.  Marahang ipikit yaring mata salitang patawad pakawalan na.
0
Mar 8, 2018
Mar 8, 2018 at 10:09 PM UTC
Ang huling halik
Simula pa lang alam kong ako ay talo Tumuloy pa din dahil sa tigas ng ulo Sinunod ang puso at nagpadala sa agos Hinayaang  malunod sa tamis ng sandali Isang araw nagising ako sa aking mga luha Naalalang kahapon pala natapos ang lahat Mga paa natin ay humakbang sa magka-ibang direksyon Lumingon at tinanaw ang anino **** lumalakad palayo Ang dulo ng iyong daan ay sa kanya patungo Sa simula pa lang ay sya na ang iyong dulo Ang tayo ay sandaling hintuan lamang Kung saan nagpalitan ng masasayang tawanan Ang katotohanang hindi natin tinakasan, Walang dapat palayain dahil kahit kailan hindi ka naging akin At ngayon ito na ang ating realidad Hanggang dito na lang at hindi na pwedeng dugtungan.
0
Jul 26, 2019
Jul 26, 2019 at 4:40 AM UTC
Dulo