Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dinarami" poems
unang latag ng lupa, nangabubuhay dahil sa tapak ng walang kamalay malay sa pinagdaanan nito. dala ang delusyon ng buhay kapalit para sa bayan, kapalit para sa kalayaan. lumamin, ay mahahayag ang luad tumutulad sa kulay ng dugo. alam ng bulaklak ito, kung sundan ang pinanggalingan magugulat sa makikita; ang kababayang kinalimutan ang kanilang madugong, matimbang, maalamat na mga pangalan; inalala ng halaman.                  sementeryo, bawat hakbang, walang respeto bawat hakbang, nadudumihan ang mga mukha ng (bayani) taksil (pinaglaban) trinaydor ang kanilang, (at sa dinarami-rami pang mga sambayanang pilipino) tinubuang lupa                   sementeryo, kaya't malalim ang pananampalataya sino bang hindi maadwa, maawa? bawat segundo may dadasalan bumagsak; at lumalalim ang kulay ng pula.                  sementeryo, kaya't pagbagsak ng alas quatro ng umaga; nananahimik ang bayan. katahimikan para sa patay; walang sisigaw. ginagambala ang kapayapaan. sa ilalim ng lupa, ang katahimikan hindi makamtan. lahat sila'y gising, lahat sila'y                                                          sumisigaw.                  sementeryo, ang   tahanan       ko'y         sementeryo, kaya't manahimik at irespeto ang patay; ang mga mamayang madamdamin at malakas ngunit                                                         pinatahimik. tayong buhay                nananatiling patay. silang patay                nananatiling buhay. isang siklo. lalalumin lahat ng lupa ng hindi sa tamang oras; isisigaw ang K A R A P A T A N ! isisigaw ang M A L I ! isisigaw ang H U S T I S Y A ! H U S T I S Y A H U S T I S Y A H U S T ngunit walang makakarinig. ang nakabukang bibig mapupuno ng tinubuang lupa na tinaksil ang lahat ng katulad natin. walang makakarinig kahit buong daigdig                                                                           manahimik.
0
May 10, 2017
May 10, 2017 at 3:32 PM UTC
tahanan

Continue reading...
77
Sa distansya umusbong ang lahat Kung paano nagkrus ang ating mga landas Na sa dinarami-rami ng tao’y ikaw pa Sa simpleng pagbati mo nagmula
 Sa distansya tumibay ang relasyon Nagpakatatag sa panahong magkalayo Kinubli ang hirap ng mga pagbabago Nanahimik sa likod ng maraming tanong Sa distansya nagsimula ang problema Kawalan ng tiwala ang naging ugat Pag-iisip kung nararapat pa bang ipaglaban At hawakan ang pangakong unting unting nawawala
 At sa ‘di inaasahan, sa distansya rin nagtapos Tumigil nang maniwala sa “Kaya natin ‘to” Napagkasunduan at magkasamang nagdesisyon Napagtantong pag-ibig ay ‘di sapat sa isang relasyon
0
Sep 10, 2017
Sep 10, 2017 at 2:15 PM UTC
distansya
Mga boses sa kaniyang isipan Kailan kaya mauubusan? ng lakas loob upang manira hindi lamang ng sarili pati iba pilit na pagpapakinis upang tuluyang matanggap ng iba kailanma'y di ka naging normal produkto nang di kanais nais na mga ganap kailan kaya naisipang sumuko? at ngayo'y di na tumigil sa paghinto at pagpatay ng bawat kasiyahang natitira sa iyong puso ang wirdo mo bakit di ka maging kagaya nila? bakit di mo baguhin kung sino ka? patayin ang sariling pagkatao para matanggap ng iba walang pinagkaiba nagiging kagaya ka na nila ngayon, alam mo pa ba kung sino ka? sa dinarami rami ng kasinungalingang iniluwa mga pader na itinayo't ngayo'y pilit tinatago natatakot na baka sakaling di na sila matuwa na tumigil ang atensyong pinaghirapang makuha matapos ay sasabihin nilang "nag-iba ka na"
0
Dec 4, 2022
Dec 4, 2022 at 10:15 PM UTC
12-10-'21