Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia Jun 2015
ang pangalan niya ay jesus.
oo, ang pangalan mismo ng kaibigan ko ay jesus.
seryoso ako.

si jesus
ay siyang dalaga,
morena, kulot ang buhok.
ang lalim ng mga dimples at
may mga pisngi na kay sarap kurotin.

parang musika ang himig ng kanyang tawa
at hindi kumpleto ang kanyang mga bati
kung walang kasamang yakap na kay higpit.
hindi ko gets kung bakit
hindi siya kumakain ng tinapay ng walang asukal.
at nakakatawa lang kung paano
lagi siyang may baon na sachet ng bear brand
na pinapapak niya kapag siya ay naiinip.

si jesus
ay isang iskolar,
magna *** laude standing,
bise presidente ng kanilang organisasyon.
balak mag law school pero may tumanggap na
nakumpanya sa kanya sa bgc.
meron din siyang mayamang boyfriend na
hinhatid siya pauwi sa taytay, rizal gabi-gabi.

huwebes ng nakaraang linggo,
bandang alas dyis:
si jesus
ay natagpuan sa labas ng kanilang bahay
walang malay
nakahandusay sa kalye.
sinugod sa ospital para kalagayan ay masuri.
ano kaya ang nangyari kay kawawang jesus?
heat stroke, stress, fatigue, high blood, food poisoning?
kulang lang ba sa tulog o pagkain?
walang natagpuang hindi pangkaraniwan kay jesus.
normal lang daw ang kanyang kalagayan
maliban lang sa paghinga niya na
tila humihikbi pero walang luha.
ilang oras din ang nagdaan bago si jesus
ay tuluyang nagising.
ang sabi ng doktor tungkol sa kanya:
depresyon, malubhang pagkalungkot
ang tunay at nag-iisang sanhi.

dahil kay jesus,
napagtanto ko na
hindi porket nakangiti,
masaya.
hindi porket bakas ang ligaya sa kanyang labi,
wala nang lungkot at lumbay na namamayani sa kanyang mga mata.
hindi porket ang lakas humalakhak kapag nandyan ka,
hindi na siya humihikbi, humahagulgol kapag wala siyang kasama.
hindi porket parang musika ang kanyang tawa,
hindi na siya umiiiyak nang umiiyak nang paulit-ulit-ulit na parang sirang plaka.
kasi
hindi porket masigla,
hindi na napapagod.
hindi porket matapang at palaban,
hindi na nasasaktan.
hindi porket laging nagbibigay, nag-aalay,
wala nang mga sariling pangangailangan.
hindi porket matalino,
ay may alam.

dahil kay Jesus,
ako'y namulat
na ang dami palang mga walang hiyang tao sa paligid ko
na nagsusuot ng mga maskarang pantago
sa kanilang mga kahinaan, takot, at sakit.
sa kabila pala ng kanilang mga yaman, tagumpay, talino, at
kung ano-ano pa mang sukatan ng galing
kung saan kinukumpara natin ng ating sarili
may isa palang
nabubulok, naagnas
na kaluluwa.

dahil kay jesus,
ako'y nalulungkot.
mata ko ay naluluha,
puso ko ay kumikirot
na may mga tao palang katulad niyang
naglalakbay nang di alam kung saan pupunta.
nangangarap na huwag na lang magising sa umaga.
nakuntento na lang sa wala.

dahil kay jesus,
ako'y naiilang
na ang nagaganap sa aking harapan
sa loob ng paaralan, bahay, o opisina
ay hindi tama.
maling-mali na
ang mga tao sa aking paligid ay nakakulong
sa selda ng anino at lamig.
hindi ito ang kanilang nararapat na tadhana.
hindi ka ba naiinis?

dahil kay jesus,
may apoy na nagpapaalab sa aking galit
nagtutulak sa akin na tumakbo
hangga't hindi natatama ang mali.

at lahat 'yan ay
sapagkat alam ko sa aking isip at puso na
dahil kay Hesus
lahat ng kahinaan at takot ay hindi na kailangan ikubli.
ilalapag na lang sa harap Niya
ang anumang alinlangan o mabigat na karamdaman.
wala nang pagpapanggap.
buong tapang na ipagmamalaki na
ito ay ako.
kasi ano man ang mangyari at kung sino man ako maging
ang tunay na dilag, dangal, at tagumpay
ay tanging
sa Kanya nakasalalay.

dahil kay Hesus
may ligaya at kapayapaan na hindi kaya matalos ng isip.
banayad ang layag
anumang dumaan na bagyo.
matatag nakakatindig
kahit yumanig pa ang lupa at magunaw man ang buong mundo.
dito sa dagat na kay lawak at lalim
hindi lalangoy,
kundi maglalakad, tatakbo,
lilipad pa nga sa ibabaw ng mga alon.

kay Hesus
may liwanag na pinapanatiling dilat
ang aking mga mata.
ano mang karumaldumal na karahasan ang masilayan,
hindi ako napapagod o nawawalan ng pag-asa.
hindi makukuntento at matatahimik.
hindi tatablan ng antok.
araw-gabi,
ako ay gising.

dalangin ko na sana puso mo rin ay hindi magmamanhid
na kailanman hindi mo masisikmura at matatanggap
ang kanilang sakit.
tulad ng dalagang si jesus
gusto nila ng pampahid para maibsan ang hapdi.
pero ang mayroon tayo
ay ang lunas, ang gamot,
ang sagot mismo.
tagos sa balat, sa puso diretso.
ang gamot ay ang dugo
na dumaloy sa mga palad Niya.
ang pangalan Niya ay Hesus.
*Hesu Kristo.
a spoken word.
RL Canoy May 2019
Umiibig akong matapat ang puso,
sa iyo, O Sintang pithaya ng mundo.
Dilag na bulaklak sa harding masamyo,
sinuyo’t pinita ng laksang paru-paro.

Tinataglay nila’y mararangyang pakpak,
subalit ang nasa’y tanging halimuyak.
Iba sa bagwis kong luksa ang nagtatak,
sa mata ng iba’y isa lamang hamak.

Ako’y dahop-palad, niring mundo’y aba,
sa utos ng puso, ikaw’y sinasamba.
O! ang saklap naman, umagos ang luha,
pagkat lumilihis ang ating tadhana.

At niring landas ta’y lalong pinaglayo,
nang ikaw’y nabihag ng hari ng mundo.
Buong taglay niya’y di tapat na puso, 
tanging hangad lamang ang kagandahan mo.

Sinta ko ano pa ang aking magawa,
kung sa ngalan ng Diyos kayo’y tinali na?
Daloy ng tadhana’y mababago pa ba’t,
panaho’y balikang ikaw’y malaya pa?

Bihag ka na ngayong walang kalayaan, 
hawak ang mundo mo ng lilong nilalang
Wari'y isang ibong ang lipad may hanggan,
at ang yamang pakpak, dustang tinalian. 

Paano O! Sinta yaring abang buhay?
Ikaw’y tanging pintig nitong pusong malumbay.
Kung ikaw ang buhay ng buhay kong taglay,
Sa iyo mabigo’y sukat ng mamatay.

Subalit nasa kong lumawig sa mundo,
sapagkat buhay pa niring pag-ibig ko.
At ikaw O! Sintang namugad sa puso,
napanagimpan kong pinaghintay ako. 

Sa harap ng hirap na di masawata,
tanging asam ko’y lalaya ka Sinta.
At itong pagtiis ay alay ko Mutya,
mula sa puso kong nagdadaralita.

Maghihintay ako sa pagkakahugnos,
sa tanikala **** higpit na gumapos,
sa kalayaan na lubhang nabusabos,
at mariing dulot, galak na di lubos.

Ang aking paghintay akay ng pag-asa,
lawig ng pag-asa’y kambal ang pagdusa.
At ang dukhang pusong batis ng dalita,
tila pinagyakap ang pag-asa’t luha.

O! aking minahal ako’y maghihintay,
kahit walang hanggang paglubog ng araw.
Magtitiis ako sa gabing mapanglaw,
hanggang sa pagsilang ng bukang liwayway.

Yaong sinag nito’y ganap na tatapos, 
sa dilim na dulot ng dusa’t gipuspos.
Sinag na tutuyo sa luhang umagos, 
niring mga matang namumugtong lubos.

Yaong pamimitak ng mithing umaga,
araw na mabihis ng mga ligaya,
ang buhay kong abang tinigmak ng luha,
mula sa kandungan niring Gabing luksa.

Maghihintay ako sa gitna ng dusa, 
kapiling ang munting kislap ng pag-asa.
Magtitiis kahit sanlibong pagluha,
hanggang sa panahong muli kang lalaya.

Maghihintay akong di hadlang ang pagal, 
kahit ang panaho’y lalakad ng bagal.
Magtitiis ako pagkat isang tunay
itong pag-ibig kong sa puso’y bumukal.

Maghihintay kahit dulong walang hanggan,
na pagdaralita’t mga kapanglawan
Kahit di tiyak kong muling sisilang,
ang bukang liwayway na tanging inasam.

©Raffy Love Canoy |May 2019|
Umiiyak ang dilag nang walang patid
Kasama ang dugo at basahan sa sahig
Nais kong mabatid
Ano ang nagdulot sa nadaramang sakit?
Binunyag ng kanyang mga mata
Walang puknat na pagsisisi ni isa
Hindi na alam kung ligaya ba o pighati
Dahil ngayon alam niyang tapos na ang lahat
Pakiwari niya
Natutulog na ang mga alon
Noon siya ay nilulunod 
Naghuhumiyaw na damdamin puno ng hinagpis
Gusto niyang isigaw sa hangin
Ngayon kailangan na niyang linisin
Niyurak na pagkatao dahandahan bubuuin
Pinira-piraso
Ngumiti siya na para bang payaso
Isinilid niya sa sako
Kahit gusto man niyang maglaho
Ang amoy nitong mabaho
Nanatili pa rin sa damit niya
Parang bang tumitiling aso
Sinuyod ang masukal na gubat
Tinunton ang malalim na balon
Puno na ng lumot 
Doon niya inihulog
Ngayon basahan ng mga kumot
At ang bangkay ng ama
Kasama ng kaluluwa niyang
Hinalay nang walang awa




-Tula VI, Margaret Austin Go
1.
Noong unang panahon, dumalaw ang isang diyosa
Sa bagong kapapanganak na ina
Na ang bagong silang na sanggol ay biniyayaan
Ng mga bertud na may kapangyarihan
(Once upon a time, a goddess visited
A mother who has just yielded
A newborn infant who was blessed
With amulets wherein powers are wielded)

2.
Ang ina ay nagsumamo sa diyosa
Na biyayaan ng mahabang buhay ang anak niya
(The mother to the goddess implored
For a long life to the child she labored)

3.
Hindi sumagot ang diyosa
Pero ikinwintas niya ang agimat sa bata
(The goddess did not answer
But a necklace to the child she did wear)

4.
Sa kwintas nakasabit ay tatlong bato
May taglay na kapangyarihan ang mga ito
(The stones are the necklace’s pendants
A power in them enchants)

5.
Ang isa ay nagbibigay-lakas, sa pangalawa ay bilis naman
At sa pangatlo’y proteksiyon sa kapahamakan
(The one grants strength, speed is by the second charm
By the third protection from harm)

6.
Ang nasabing sanggol si Biuag ang ngalan
Siya ay tubong Enrile, Cagayan
(The said baby is Biuag by name
Enrile, Cagayan is from where he came)

7.
Kaya niyang bunutin ang isang puno
Na kaydali para lang siyang nagdadamo
(He can uproot a tree
Just like weeding so easily)

8.
Kaya rin niyang lumangoy nang matulin
Maging mga buwaya’y ‘di siya kayang habulin
(He can swim so fast
Even crocodiles through him can’t get pass)

9.
Nahulog narin siya sa lugar na mataas
Subalit walang natamong anumang gasgas
(He even fell from a high place
But didn’t obtain any bruises)

10.
Dahil sa mga kapangyarihang ipinamalas niya
Mga tao’y dinayo siya at sinamba
(Because of powers by his showmanship
To him people came and worship)

11.
Sa kabila ng lahat, malungkot si Biuag
Dahil ‘di niya makuha ang napupusuang dilag
(Despite of all, Biuag is desolate
Because the dear maiden he can’t get)

12.
Ang nasabing babae sa Tuao ay katutubo
Hindi tanyag ang nilalang na ito
(That lady in Tuao is indigenous
This creature is not famous)

13.
Noon din ay may binatang katulad ni Biuag
Malakas, makapangyarihan, hindi duwag
(At the same time like Biuag was a man popular
Strong, powerful, not coward)

14.
Malana ang tawag sa kanya
Taga-Malaueg, Rizal ang magiting na binata
(Malana is he being called
From Malaueg, Rizal is this bachelor bold)

15.
Noong labing-walong taong gulang siya
Nilangoy niya ang ilog na maraming buwaya
(Eighteen years old when he was
Swam he the river with lots of crocodiles)

16.
Ito ay upang kumuha ng pagkain
Mula sa malayong lupain
(This is in order to get fodder
From a land that’s farther)

17.
Para sa mga nasalantang tao
Ng nagdaang bagyo
(For the people devastated
By a typhoon that thrusted)

18.
Nang makauwi si Malana
May nakita siyang isang pana
(When Malana returned home
Saw he a bow and arrow)

19.
At nang kanya itong ipukol sa hangin
Sa kanya ang bala’y bumalik din
(And when on air it was thrown
To him the arrow returned)

20.
‘Di naglaon kanyang nabatid
Na ang sandata’y may kapangyarihang hatid
(Soon it came to his awareness
That the weapon a power possesses)

21.
Siya rin ang iniirog ng dilag
Na kinahuhumalingan ni Biuag
(It is him also liked by the maiden
To who Biuag has fallen)

22.
At nang matuklasan ni Biuag na si Malana ang napupusuan
Hinamon niya ang karibal sa isang labanan
(And when Biuag learned that Malana is the beloved
To a fight his rival he challenged)

23.
Nagimbal ang buong bayan
Sa katakut-takot na labanan
(The whole nation felt horrible
Upon the terrifying battle)

24.
Higanteng buwaya ginamit ni Biuag
Babaeng gusto pinagsabihan siyang duwag
(Giant crocodile Biuag utilized
Coward is he said the lady he liked)

25.
Dahil doon, si Biuag ay napahiya
Sa huli, kanyang nilunod ang sarili niya.
(Because of that, Biuag was embarrassed
Drowned he himself at the very last).

-08/17-18/2013
(Dumarao)
*for Epic Day 2013
My Poem No. 222
Marge Redelicia Jun 2014
baka hindi niya na nakayanan
ang init at hirap ng araw-araw na buhay,
o baka nalason na siya sa usok
na binibuga ng mga mabahong mekanismo.
baka siya'y basta lang nalulumbay.
kung magdamag mo ba namang
panoorin ang mundo at ang mga tao
tiyak,
malulungkot ka rin.
'di kaya nasaktan siya kasi
hindi mo na raw siya pinapansin?
siya'y nagpaayos at nagpaganda;
nakapustura pa naman siya sa isang
kumikinang na bughaw na bistida
pero hindi pa rin iyon sapat
para mabihag ang iyong tingin,
kahit man lang isang silip.

umiyak si Langit maghapon
at 'di ko mapigilang itanong kung bakit.
sinamahan ko siya at
baka sakaling siya'y tumahan na.
hinandugan ko rin siya ng isang munting ngiti.
naisip ko lang na
baka makatulong iyon
sa pagbalik ng kanyang liwanag muli.
binulungan ko siya ng isang sikreto,
isang sigaw ng aking puso
"anuman ang iyong kulay
ang dilag mo ay kabighabighani
kaya lubos kitang minamahal,
aking panghabangbuhay na kaibigan,
Langit"
theories on why it rains
112715 #10AM

Baka nalason na siya sa usok
Na binubuga ng mga nakababahing na mekanismo.
Siya'y nalulumbay kaya't ako'y nabihag niya,
Nabihag -- nabighani
Sa kanyang kumikinang na pustura,
Siyang bughaw na bistida at magbabagong-bihis pa.

Umiiyak siya, kaya't hindi ko na ininda,
Nagbakasakaling mapatahan siya --
Nang di bumugso ang galit
Patungo sa konkreto't pinira-pirasong bakal
Pagkat mga abang, ni hindi ninais na maugatan.

Bulong ko ang lihim na pagtingin,
"Anuman ang iyong kulay
Ang dilag mo'y kabigha-bighani
Kaya lubos kitang iniibig,
Aking panghabangbuhay na kaibigan,
O Langit na Irog."
kingjay Jan 2020
Sa kanyang himig ako'y nahahalina
Magkasintunog ng mga ibong malaya
Umiindayog sa puso ko't pagsinta
Misteryosong dilag, sino s'ya talaga?

Sa tuwing napapanood 'y anong ganda
Mata'y matimyas na tala sa umaga
Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga
Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya

Manipis ang labing kakulay 'y makopa
Malamyos ang tunog ng bawat salita
Halik ng anghel ang dapyo ng hininga
Halimuyak ay buhay, di nawawala

Kahit panlalaki ang gayak at porma
Na kanyang ginampanan sa prima donna
Munting lawiswis na lupaypay 't mahina
Nang lumaki'y diwata sa encantadia

Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa
Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama
Madalas ay namumugto ang mga mata
Kapag nasisilayan s'yang lumuluha

Huwag sana pabugso bugso't pabigla
Ang tibo niyang pangungusap at banta
Sapagkat nababagha't natutulala
Damdami'y pinamumugaran ng kaba

Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga
Isang paraluman na ang kiyas 'y siga
Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya
Pinakamatapang na lahing Claveria

Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya?
Sapantaha ko ay magalang na bata
Binibini at dalagang Filipina
May puring Perlas ng Silangan ng Asya

Lingid sa kamalayan nang napahanga
Sa kanyang angking galing bilang artista
Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa
Sa makabagong tinikling, siya'y reyna

Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya
Harap 'y pangarap na sinasalubong pa
Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara,
Kumikinang at nagbibigay pag-asa
1.
Noong unang panahon, doon sa lupain ng Mindanao
Puro katubigan ang nangingibabaw
Binabalot nito mga kapatagan
Kaya mga tao’y nakatira sa kabundukan
(Once upon a time, in the land of Mindanao yonder
Rising almost was water
Covering the plains
So people reside on the mountains)

2.
Sa loob ng mahabang panahon
Mapayapa’t masagana doon
(For a time lengthy
There’s peace & prosperity)

3.
Hanggang sa dumating halimaw na apat
Salot at kasawian ang sumambulat
(Until arrive four monsters
Pestilence & death disperse)

4.
Si Kurita na maraming kamay
Kayrami ring sinaktan at pinatay
(Kurita with many arms
Also many it kills and harms)

5.
Nananatili ito sa bundok na tinutubuan ng rattan
Sa bundok na ang ngalan ay Kabalan
(It stays on the mountain where grew rattan
On the mountain named Kabalan)

6.
Mabangis na higante naman ang pangalawang halimaw
Kung tawagin siya ay Tarabusaw
(The second monster is a giant not tame
He is Tarabusaw by name)

7.
Sa Bundok Matutum ito ay nakatira
Panghampas na kahoy sandata niya
(On Mount Matutum it lives on
A tree club is its weapon)

8.
Ang pangatlo kung turingan ay Pah
O kaylaking ibon ng Bundok Bita
(Pah is the epithet of the third one
Oh bird of Mt. Bita so gargantuan)

9.
Kapag mga pakpak niya’y ibinukadkad
Kadiliman sa lupa’y lumaladlad
(When its wings are opened wide
Darkness on land do not hide)

10.
Sa Bundok Kurayan ang halimaw na panghuli
Isang dambuhalang ibon iri
(The last monster on Mt. Kurayan
Also a bird gigantic one)

11.
May pitong ulong lahat ng direksiyon ay tanaw
Grabeng maminsala ang nasabing halimaw
(With seven heads that can see on all directions
This monster brought so great devastations)

12.
Lubos na mapaminsala itong halimaw na apat
Kaya sa kanila takot ang lahat
(So destructive are these four monsters
That’s why them everyone fears)

13.
Maliban sa isang prinsipeng mula Mantapuli
Si Sulayman itong kaytapang na lalaki
(Except for one prince from Mantapuli
Sulayman is this man of bravery)

14.
Si Haring Indarapatra nagpabaon
Isang singsing sa kapatid niyang yaon
(Given by Indarapatra King
To that his brother a ring)

15.
Isa ring pananaim inilagay niya
Sa tabi ng kanyang bintana
(A plant he placed also
Beside his window)

16.
Kapag daw nalanta ang halaman
Kapatid niya’y inabot ng kasawian
(If that plant withers
Death to his brother enters)

17.
At si Sulayman nagtungo sa Kabalan
Tinalo si Kurita na kalaban
(And Sulayman to Kabalan went ahead
The foe Kurita he defeated)

18.
Pagkatapos ay sa Matutum dumalaw
Pinuksa naman si Tarabusaw
(After which to Matutum visited
Tarabusaw too was exterminated)

19.
Sunod na pinuntahan ay Bita
Napatay niya doon si Pah
(Next destination was Bita
There he was able to **** Pah)

20.
Pero dambuhalang pakpak sa kanya’y dumagan
Inabot si Sulayman ng kamatayan
(But he was crushed by the enormous wing
Death to Sulayman was reaching)

21.
Sa oras na iyon ay nalanta ang pananim
Kasawian ng kapatid batid ng hari’t nanimdim
(At that moment the plant shriveled
Brother’s death perceived by king and lamented)

22.
Labi ni Sulayman tinunton niya
Binuhay ang lalaki gamit ang tubig na mahiwaga
(Traced he the corpse of Sulayman
Using magical water resurrected the man)

23.
Si Sulayman ay nagdesisyong umuwi
Si Indarapatra’y haharapin ang kalabang panghuli
(Sulayman to home decided to go
Indarapatra will face the final foe)

24.
Sa wakas ay napuksa rin ang ibong may pitong ulo
Sa pag-uwi ng hari may nakilalang dilag ito
(At last slain was the bird with heads that are seven
Upon the king’s return he met a maiden)

25.
‘Di nagtagal nag-isang dibdib ang dalawa
At muling nagbalik katiwasayan sa lupa
(Not later the two wedded
And in the land serenity reverted).

-08/25-26/2013
(Dumarao)
*for Epic Day 2013
My Poem No. 223
Josh Wong Oct 2015
Bayang magiliw,
Ngunit hanggang dito tayo lamang.
Alab ng puso,
Hanggang sa puso mo lang buhay.

Mga anak ng bandila,
Ngunit ang puso'y hindi tapat.
Lunos ng nakalipas,
Lumuluksa para sa kinabukasan.

Lupang iniibig at banal,
Basaysay sa mga patay na bayani.
May dilag ang tula at awit sa,
Paglaya ng mga taksil.

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta,
Ngayo'y nasa piling ng mga duwag.
Saan ang ligaya pag may mang-aapi,
Kapag ang mamatay ay dahil sa atin?
solEmn oaSis Dec 2015
nagmula sa lupa
magbabalik ng kusa
Di ko magagawa ang
kaaya-ayang nakalipas
" kung walang nakikitang "
mga tamang nagsisi-alpas
hindi ito isang panaginip
ito'y bunga ng pagkainip
Hindi pa sana ako maghahanap sa iyo
ngunit "SILWETA", pumasok ka sa isip ko
sa puso ko, ikaw nga ay aking pinagbuksan
"tuloy po kayo? taka!" bagamat nag-alinlangan*
aking pag-iisa'y naibsan
sa ganda ng nakapaligid
di ko alintana nilalakaran
sa liwanag,ako'y nakapinid
samantalang hawak-kamay
diwa at puso ko'y marilag
kaibigan kang sakdal-dilag
nawa'y muli kang makalakbay !*


© copyright 2015 - All Rights Reserved
hindi lahat ng krus may nakapako,,,
dahil ang tutoo,may nakapa 'ko....
sa liwanag at hindi sa dilim!
at magpa-hanggang ngayon
magka-dikit etong mga binti
habang may sinasalo sa likod
ang aking dalawang kamay!!
1.
Noong unang panahon, sa nayon ng Nalbuan
Nakatira ang mag-asawang sina Don Juan at Namongan
At nang bago manganak ang babae
Nagtungo sa mga kaaway ang lalaki
(Once upon a time, in the shire of Nalbuan
There lived a couple named Don Juan and Namongan
And before the maternal labor of the female
To the enemies went the male)

2.
Si Don Juan ay natalo ng mga Igorot
Walang atubiling ulo niya ay pinugot
(By the Igorots Don Juan was defeated
Without hesitation they cut off his head)

3.
‘Di nagtagal, si Namongan ay nanganak
Kakaiba ang kanyang lalaking anak
(Soon, Namongan gave birth to a child
Her son was so odd)

4.
Malaki ang pangangatawan niya kaysa ibang bata
Para siyang isang ganap na binata
(To any child his body is bigger
He is like a mature teenager)

5.
Siya ay nakakapagsalita narin
At sinabi sa lahat na Lam-ang siya kung tawagin
(He could speak even
And said to all Lam-ang is his name given)

6.
Siya rin ang pumili ng kanyang mga ninong
Kung nasaan ang ama kanyang tinanong
(His godparents he elected
His father’s whereabouts he interrogated)

7.
Nang siya ay nasa gulang na siyam na buwan
Ganap na lalaki na kung siya’y masdan
(When he became nine months old
A grown-up man is he to behold)

8.
Nang hindi pa bumabalik ang ama nito
Siya’y nagpasya na sundan ito
(When his father yet returned has not
He then decided to follow that)

9.
Naglakbay siya nang dali-dali
At naabutan ang mga Igorot na nagpupunyagi
(He travelled fastly
And saw the Igorots having revelry)

10.
Sila ay nagsasayawan
Palibot sa pugot na ulo ni Don Juan
(They were dancing
Don Juan’s severed head they’re surrounding)

11.
Galit nag alit si Lam-ang
Lahat na kaaway kanyang pinaslang
(Lam-ang was so very mad
He killed all enemies he had)

12.
Maliban sa isa na kanya munang pinahirapan
Bago ito tuluyang pakawalan na sugatan
(Except for one whom he tortured
Before releasing that injured)

13.
Sa kanyang pagbabalik sa Nalbuan
Siya muna’y naligo sa Ilog Amburayan
(Upon his return to Nalbuan
He first took a bath at River Amburayan)

14.
Dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy niya
Doon ay nagkandamatay ang mga isda
(Because of his thick dirt and foul odor
All fished died in that river)

15.
‘Di naglaon, siya’y may babaeng napusuan
Ito’y anak ng pinakamayaman sa Kalanutian
(Later, he fell in love with a woman
He is the daughter of the richest man in Kalanutian)

16.
Ines Kannoyan ang ngalan ng dilag
Kayrami ang lalaking sa kanya’y nangaglaglag
(Ines Kannoyan is the name of the maiden
To her so many men have fallen)

17.
Isa na rito si Sumarang
Kanyang hinamon si Lam-ang
(One of them was Sumarang
He dared to challenge Lam-ang)

18.
Silang dalawa ay naglaban
Nanalo ang binata ng Nalbuan
(The two of them fought on
The bachelor of Nalbuan won)

19.
Nadatnan ni Lam-ang kaydaming manliligaw
Kaya gumawa siya ng paraan upang pumangibabaw
(Lam-ang saw so many suitors
So he made a way to surpass them all)

20.
Pinatilaok niya ang manok at isang bahay ang nagiba
Pinatahol niya ang aso at ang bahay ay naayos na
(He made his rooster crow and a house was destroyed
Then he made his dog growl and that house was restored)

21.
Kayrami ding ginto ang tangan ng binata
Kaya kapagkuwan ay ikinasal ang dalawa
(So much gold the man had carried
So soon the two were married)

22.
Dumating ang panahon na si Lam-ang ay inatasang
Manghuli ng isda na kung tawagin ay rarang
(Time came that Lam-ang was summoned
To catch a fish rarang that’s called)

23.
Subalit habang siya’y nasa kailalaiman ng karagatan
Si Lam-ang ay kinain ng pating na berkakan
(Yet while he was down deep the ocean
Lam-ang was eaten by a shark berkakan)

24.
Si Marcos na maninisid sila’y tinulungan
Pagkuha sa bangkay ni Lam-ang kanyang kinayanan
(A diver named Marcos came to their aid
The corpse of Lam-ang he recovered)

25.
At sa kapangyarihan ng aso at tandang niya
Muling nabuhay ang magiting na bida!
(And by the power of his dog and rooster
Again came to life our brave main character!)

-08/10/2013
(Dumarao)
*for Epic Day 2013
My Poem No. 221
kingjay Jan 2019
Isang araw na nang naulila ay hindi lumalabas ng kwarto
Sa kulungan pinagdudusahan ang kasalanan - ang mahuli sa pagkagising at nang hindi nabantayan hanggang sa pagtilaok ng mga manok para matiyak ang kaligtasan

Nagdalamhati ang nagtipon sa misa ng patay
Tuyong lupa ay nadiligan ng luha nang ibinaba ang kabaong sa ibinungkal na lupa
Ibinaon ang pagdaramdam pati ang pagsisi sa kasarilihan

Huling mga salita ay sariwa pa sa pandinig
"Agosto, buwan na madalas dalawin ng bagyo"
Ang papel na kinuha ay siyang rekwerdo
Ama na nagpalaki ay huwaran sa mga pamilya

Labing isang taon inalipin ng pag-ibig
At sa kanyang pagbalik panibagong bukang-liwayway sa marahas na buhay ay tumingkad
Ganap ng abogado - Reyna ng kanyang pangarap ang binibini

Nang sinadya na dumaan sa kanyang bakuran
Nakita sa bintana, isang manliligaw kasama ang buong angkan
Hinayaan ang pagmamahal na maghintay
Datapawa't may mali sa natatanaw
Hindi na masiyahin ang dilag
Taltoy Jun 2017
Hay nalang pag-ibig,
Kailangan pa ba ng taga-usig?
Pero sana hindi na,
Sana maintindihan ko 'to nang mag-isa.

Hetong salita na ito, oo,
Talagang sakit sa ulo,
Sinasabing ito daw ako,
Ha? seryoso ka? ako? inlababo?

Di ko maintindihan,
Google aking kinailangan,
Buti nalang hawak nya ang kasagutan,
Kasagutang gumimbal sa aking katauhan.

"In love" ang nasabing kahulugan,
Diyos ko po, ako'y inyong tigil-tigilan,
Nahihibang na yata kayo  aking mga kaibigan,
Pero sa katotohanan di ko rin alam ang katotohanan.

Kaya tinanong ko ang aking sarili,
Tinanong nang walang pagaatubili,
Tinanong kung ako nga ba'y umiibig na,
Umiibig sa dilag na sa aki'y minsang nagpasaya.

Sarili ko, bigyan mo ako ng kasagutan,
"Oo" o "hindi" lang naman yan,
Ganyan lang naman ka simple,
Subalit di ko parin masabi.

Dahil di ko maamin,
Di ko kayang sabihin,
Di ko kayang tanggapin,
Ikaw nga siguro'y iniibig ko na, iyo sanang ipagpaumanhin.
lol. omayghad, ewan, di ko alam bakit ko 'to sinulat.
Taltoy Apr 2017
Pagkukulang? mapupunan,
Paghihirap? malalampasan,
Pasubok? lalabanan,
Pagkakasala? mayroon bang kapatawaran?

Pagkakamali, nagpalubha,
Pagka-manhid, nagpalala,
Isipa'y binabagabag,
Patawarin sana, aking dilag.

Alam sa sarili, aminado,
Di nag-isip, nagpakabobo,
Ngunit ano pa nga bang magagawa?
Tuluyan nang nagkasala.

Pagpapaumanhin? aanhin?
Nagpapabigat ng damdamin,
Ngunit ano bang magagawa?
Paumanhi'y sapat ba?
kingjay Jun 2020
Sa iyong mukha ako'y natutulala
Ganda mo ay nagniningning na tala
Namumulang labi' t  manipis na  pisngi
Mala - porselanang balat kayumanggi

Mata ay malalim, puno ng hinala
Sa 'kin, bakit ramdam ang pang uusisa
Namumugto minsan sa yaong sandali
Iniwanan nang walang pag-atubili

Ng sinta mo na inakalang simula
Ng iyong pag-iibigan nang makalaya
Sa baryo natin, tigib ng bisyo' t tili
Ng mga tao na di magkamayaw lagi

Mga kapitbahay natin ay nagmumura
Mga tungayaw lagi ang sinasambitla
Ngunit ikaw ay palihim nagsisisi
Sa  luha **** malinaw na nagkamali

Sinisimsim ang habag na dinadala
ng hangin sa iyong maamong itsura
Dilag ka na pinupuri ng marami
Bakit mapusyaw ang ngalirang mga labi

At ang una mo na pagkakakilala
Sa akin ay hindi ganoong kasama
Ngunit matampuhin ka at naninisi
Sa aking maliit na pagkakamali

Kaibigan ang turing  sa isa't isa
Bakit nagagalit pag kausap iba
Sa di pagkakaunwaa' y titili
Ganun ba talaga pag minsan nasawi?
aL Jan 2019
Ibong malaya, sa paglipad hangin ay saganang bumabalot sa napakaliit niyang katawan.

Galing sa May-kapal, ang napakagandang tanawin na kanyang iniikutan at ginagalawan.

Sa buong maghapon ng araw, init at himig sa himpapawid ay gusto niyang subukan at balikbalikan.

Sa kanyang pahinga, sa malaking punongkahoy ay susumpong ng linong at kakanta.

Tunay bang malaya ang isang kaisipang tanging dala ay iisang dilag? Na wala namang magawa kundi ang mamangha sa kanyang ganda.
My metaphor, most wont be getting this, just like most of my works. Or people do not read it and take it seriously. Lol. Hahaha.
Taltoy Jan 2018
Isang araw na napakaganda,
Malamig na klima pagmulat ng mga mata,
Pagpatak ng ulan na tila musika,
Mistulang himig na kay tamis sa tenga.

Ano pa ba ang kukumpleto?
Sa umagang matatawag kong "perpekto",
Ano pa ba ang pupuna?
Kung wala namang pagkukulang na nakita.

Isang dilag na may kasuotang itim,
Ang nasagi sa aking paningin,
Kagandahang hindi ko mawari,
Ang sa utak ko nanatili.

Hindi maalis sa aking isipan,
Ang katauhan sa likod ng kasuotan,
Kulay na itim at iyong kagandahan,
Timplang sakto, tapos ang usapan.

Ako'y nagulantang nang nakasalubong ka,
Nabigla sa aking nakita,
Nakalimutan paano magsalita,
Pag-iisip ay di na maitama,

Ang talang matagal ko nang tinitingala,
Ngayon ay kumikinang, di ko na makita,
Talang nais kong maabot,
Pina-igting na damdamin ang naging dulot.
Roninia Guardian Aug 2020
Limang taon ng nakakalipas Simula nang ika'y aking makita
Bakas parin sa aking labi ang saya ng unang beses kitang makasama
Na tila ba'y ako na ang pinakamasayang dilag sa mundong ibabaw
At ang aking kasiyaha'y talaga namang nag-uumapaw

Nagtapos akong Ikaw ang aking gusto
Nagpatuloy sa pakikipagsapalaran ng Ikaw ang gusto
Saksi pati ang mga kaibigan ko
Pagkat ikaw lang ang tinitibok ng aking puso

Sa paglipas ng panahon patuloy kong pinanghawakan
Pangako sa sariling ikaw lamang ang aking aabangan
Pagkat ako'y sobrang naniwala sa salitang "ITINAKDA"
Dahil iyon ang aking hiniling sa Poong Lumikha

Puso ko'y isinara para magmahal ng iba
Pagkat ikaw lang talaga ang sa puso ko'y nagpapasaya
At kahit sa larawan lang kita nakikita
Aba'y 'di ko alam kung bakit ang puso ko'y tila nababalot ng mahika.

Ngunit isang araw nagbago ang lahat
Nang may isang balitang sa puso ko'y nagbigay sugat
Ang kaligayaha'y napalitan ng kalungkutan
Ngayo'y 'di ko na alam kung paano ko pa panghahawakan

Panghahawakan pa ang aking pangako
Na ikaw lang ang hihintayin ko
Pagkat ikaw lang ang kaligayahan ko
Dahil ikaw ang "Leleng Ko"

Ngunit paano pa aasa
Kung sa Simula naman pala'y wala ng PAG-ASA
At ang puso ko'y akin lamang sinisira
Pagkat ang aking minamahal ay may ibang sinisinta.

Alam kong hindi lang ikaw ang lalaki
Ngunit puso ko'y ikaw ang pinili
Kaya kahit kapalit nito'y pighati
Patuloy parin kitang mamahalin

Sabihin man ng ibang ako'y tanga
Pasensiya na ngunit wala akong magagawa
Pagkat ako'y tao lamang
At 'di napipigilang magmahal.

Kaya hanggang sa huli, ako'y may isang hiling
Pagkat alam kong ang tamang panaho'y darating
Na tayong dalawa'y pagtatagpuin
"Sana sa pagkakataong iyon, sayo'y wala ng pagtingin , pagkat 'di ko kayang madurog aking puso
Habang ika'y masaya sa taong iyong gusto."

— The End —