Kasing gulo ng nangingig na kamay
Ang desperadong utak na matamlay
Sa madilim at malaking kwarto
Walang laman, kahit na nga anino
Walang kulay sa madilim na sulok ng bahay
Nabubuhay sa hinga ngunit mistulang walang saysay
Kung minsan mas manhid pa sa patay
Ang katawang malamig na nakalatay