Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dadampi" poems
Hindi agad nagtama ang mga mata natin kaya naman 'Di ko akalaing magkukrus ang mga landas natin Alam mo 'yong: 'makuha ka sa tingin'? Ang ginawa mo'y hinablot mo 'ko sa kada titig na Dadampi sa aking gawi—'di ko pinapansin Ngunit nang magsimula na ang tugtog ay siyang kusang Pagdidikit ng mga palad natin. Bawat hakbang, Sabay ang galaw ng ating katawan Ito siguro ang pakiramdam ng nalutang sa buwan Binibigay ka ng mga ningning sa mga mata mo: Ang mga lihim na nakayukom sa puso mo At sa mapupula **** labi ko narinig ang Sinabi **** ganiyan din ang nararamdaman ko Ang lakas ng tibok ng puso ko, nakakabingi Kung alam mo lang na ito ang dalangin gabi-gabi Kaya ang sabi ko, wala na akong pakialam pa Kung sa balikat hahawak o sa bewang ba O kahit pareho pa tayong nakapalda Basta isasayaw kita hanggang sa ako'y Maputulan ng hiniga Ikaw ang kaharap ko, wala akong pag-aalala Kahit pa ramdam ko ang mga mata nila sa'ting dalawa At mas maingay pa ang bulungan Kaysa awit ng banda O kahit ilang tapak pa ang gawin mo sa aking paa Hindi ko bibitawan ang kamay mo; hayaan mo Mapapagod din sila Basta ako, alam ko ang mahalaga: ikaw ang mahalaga Ang pakiramdam ng hininga mo sa balat ko Ito ang mahalaga, ang pagyapos mo sa'king kaluluwa Habang inaangkin natin ang magdamag, ito ang mahalaga Iyan ang mga sinabi ko noong gabi ng pagtatanghal Pero huwag ka sanang mabibigla Hindi ito madadaan sa isang sambitla o kahit Maupo pa 'ko upang ilahad sa 'yo lahat Hindi ko rin alam kung saa't kailan nagsimula Ang alam ko lang, dito ako ipinadpad Ng agos na pilit kong nilabanan At sa tuwing maglalakbay, ang anino mo ang Laging nadadatnang tumatakbo palayo sa kalawakan Pero saglit lang, 'di ko alam kung ako ba'ng may kasalanan Sa walang hanggan nating habulan Na para bang tayo'y laging pinagtatagpo upang Tunghayan ang sakit na dinudulot sa isa't isa Pero teka muna, saglit lang, ako lang ba ang nagdaramdam? May ngiti na sa 'yong mga mata kahit mga luha Ang umaagos sa kanila; ang iyong tindig ay parang Noong una nating sayaw— ngunit may nagbago sa 'yong galaw Napaisip ako, 'di ko mapigilan, kung ikaw pa ba ang natatanaw Ang dalaga noong una't huli kong sayaw Na alam kong imposible nang balikan Ang sa'kin lang ay sana'y alam mo na Lahat ng 'yon ay tunay At mahal kita, maniwala ka Kahit ako pa ang unang bumitaw #
0
Aug 21, 2021
Aug 21, 2021 at 1:33 AM UTC
Sayaw

Continue reading...
56
Takot ang tanging bumubuhay sa isipa't pusong pagal Saan man patungo, wala ng matanaw Tila natapos na ang lahat Tuluyan nang ginapos ng pasakit ng pag-asa Saglit na iidlip Hihintayin ang itim na usok Mapayapang mundo’y matatanaw Isipa’t pusong pagal muling titibok Hangin ay yayakap Halimuyak ng mga bulaklak dadampi Tuluyan nang natulog ng mapayapa
0
Nov 21, 2017
Nov 21, 2017 at 12:52 PM UTC
Mapayapa
Lugod akong nagtitiwala Sa bawat yapak mo prinsesa Wari mo'y ulap sa iyo'y nakayakap Para sa pighati **** naranasan sa bawat pagsisikap Halik na tila'y simoy ng hangin sa bukang liwayway Sa pisngi mo'y dadampi na walang kapantay Pasakit ma'y puno sa nakaraa't kinabukasan Ako sayo'y kailanman di lilisan Umagang darating ma'y puno ng tagdilim Kalangitan ma'y maging kulimlim Sana'y wag na wag kang bibitiw Pagka't bawat pighati'y lilipas aking giliw Aking kama'y naririto Kung kailangan ma'y sambitin mo Dumaan ang panahon Sa anumang pagkakataon Sa isang tula ako'y nanalangin Dasal kong ito'y sana'y dinggin Sa iyo'y ipagkaloob nawa ng maykapal Kay gandang paraisong puno ng pagmamahal
0
Jul 31, 2022
Jul 31, 2022 at 7:19 PM UTC
Prinsesa
Sa t'wing pinagmamasdan ko ang mapayapang pag-alon ng tubig sa asul na dagat, naalala kita. Sa t'wing dadampi sa'kin ang malamig na simoy ng hangin, naalala kita Sa t'wing tatama sa aking mga balat ang malinaw na tubig ng karagatan, naaalala kita Ang kapayapaang dala sa'kin ng mga iyon ay nagpapaalala kung gaano kagaan ang pakiramdam na iyong dala Ngunit napagtanto kong, hindi araw-araw ay kailangan kita hindi palagi'y kailangan ko ang 'yong presensya Hindi araw-araw kailangan kong ilublob ang aking mga paa at hintaying lumapit ka upang alisin ako sa pagkakalunod sa kalungkutang nadarama Hindi dapat ako umasang sasagipin mo ako sa mga oras na nanghihina at 'di makatayo dahil kailangan kong humakbang mag-isa— at maging matatag kahit hindi ka na kasama Masakit panigurado, pero iyon ang hinihingi ng mundo Ang isuko natin ang laban na ito dahil hindi lahat ay dapat ipanalo Palayain na muna natin ang ating mga sarili sa ngayon Dahil alam kong magtatagpo ulit tayo — pagdating ng panahon.
0
Aug 20, 2021
Aug 20, 2021 at 11:49 AM UTC
Pag laya.