Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"dadalawang" poems
Magsisimula ako nang hindi sa umpisa Magsisimula ako kung nasaan ka Magsisimula ako sa huli Magsiisimula ako kung kailan hindi kana uuwi. Nagsusulat ako hindi dahil gusto kitang ipabalik Nagsusulat ako dahil gusto kitang ibalik Sa dating princresa na kilala ko'ng ikaw. Magsisimula ako sa huli kung saan wala na talaga, kung saan ako sayo ay umiibig pa, at umiiyak habang sinusulat ang aking tula. Sa huli kung saan gusto kitang ipabalik, minsan naging desperado ako matikman lang uli ang iyong halik. Susunod naman ay ang kalagitnaan kung saan nating ginawa ag lahat ng mabuti at masama, dito tayo naging malungkot at masaya, habang pag-ibig natin ay buo pa. At mag tatapos ako sa pinaka-una unang pag sabi mo na "mahal kita" unang oras na sinabe mo na "hinahanap-hanap kita" unang tikim ng iyong halik unang tingin na iyong ibinalik. Sana na aalala mo pa noong tayo ay ag dadalawang isip pa kung anong relasyon ba nating dalawa, pero masaya tayo na nag sasabi sa isat-isa na "ito na talaga ,mahal kita". Pinili ko'ng mag simula sa wakas at mag wakas simula. Nang sa ganun ay kahit papano ay maramdaman ko'ng maging masaya kahit alam kong patapos na ang aking tula.
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 7:25 AM UTC
"Mag-sisimula sa wakas at magtatapos sa simula"
Paano na lamang kaya, katanungang hindi kayang isalita? Naka-lihim na lamang ba sa bawat titik ng tula? Hanggang kailan? Hanggang saan? Katanungan na lamang na idinadaan sa matatalinhagang katha. May sariling himig patungkol sa pag-ibig ngunit bakit nag-dadalawang isip na ipahiwatig mula sa aking bibig? Sa mga sandaling ito, wala pa dalaw ng antok, Narito at nag-papawihatig nang muli ang lantarang pag-hanga. Madalas ipinapakisuyo sa matatalinhagang salita, sa bawat tayutay at saknong na may lantay at tugma. Lakas ng loob nawa'y magpanhik ka nang ako'y wala nang kinikimkim at hinihibik sa langit. Halos umapaw na, baka 'di na yata kayanin pa. Panalangin ko na iyong mamalas, na laging winiwika ko'y pangalan mo magpa-hanggang wakas.
0
Feb 28, 2020
Feb 28, 2020 at 8:29 PM UTC
Hanggang Wakas
Sabik na sabik sa bawat sandali na makita ka Puso kong galak na nagsusumayaw sa tuwa Mga mata kong nangungusap binabanggit na sana'y ikaw na nga Ang tanging iibigin at sa puso ay sana di na mawaglit pa Ika'y nakatalikod ng biglang lumingon At ako ay nabighani na para bang wala ng kahapon Sabay sigaw ng aking pangalan Ako naman ay tumungo at ika'y nilapitan Sa bawat pagdaan ng araw tayo'y nagkakausap Mga mata kong di maipaliwanag ang kislap Ako naman tong sobrang tuwa at laging nagsisikap Upang mapasaya ka at balang araw ay mayakap Gitara't awitin para sa unang akyat ng ligaw Tsokolate at rosas para sa ikalawang dalaw Ililibre ka ng paborito **** mangga at isaw Lahat ng yan di ako mapapagod gawin Umaasa sa matamis na oo na isasagot mo sakin Mangangakong hindi ka sasaktan at lolokohin Sa lahat ng kaibigan at magulang ay ipapakilala Irerespeto kita ng taos puso at walang pagdududa Ngunit lahat ng yan ay tila nagbago Dumating ang isang umaga at ika'y biglang naglaho Hindi nag paalam kung saan patutungo Hanggang ngayon eto ang aking pusong nagdurugo Ako ay di magsasawang mag hintay sa iyong pagbalik Umaasang sayong pisngi ako'y makakahalik At igugugol lahat ng oras at sandali Di na mag dadalawang isip at mag aatubili.
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 2:11 AM UTC
SILAY