Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bumubulok" poems
Narito, isang pirasong papel, Nakalamukos sa loob ng isang basurahan, Basurahan na siyang pinagtapuan, Basurahang taguan ng mga dumi , Dumi na mula sa tao, Taong bingyan ng layang pamunuan ang mundo. At ang papel, nakaririmarim, nakasusulasok, isang walang silbi. Ang pahina ay napuno ng tinta. Maraming-maraming tinta. Nangingitim, kumakalat, naninikit. Nakahihilakbot ang kulay ng sumaboy na tinta. Mababasa ang titik na nalikha ng tinta. Pati ang buong pahina nito'y waring nangungusap. Ang kanyang buong piraso, kumpul-kumpol na may mga naglipanang uod. Naggagapangang uod na bumubulok sa buong pahina. Tinutunaw hindi ng mga bulate kundi ng ibang nilalang. Hinangin ang pahina ng papel. Nagpulasan ang mga uod sa tapunan. Mula sa dulo, gitna, sa magkabilang gilid. Naninipsip sa napupunit na piraso. May naghagis ng isang kalat. Inihagis sa ibabaw ng papel. Gumalaw ang papel. Nagitla ang naghagis. Isang tipak na lupa, kinuha ng naghagis. Ipinukol sa papel. May ilan pang nakakita. Ang papel, basambasa ang piraso at unti-unting napupunit May mga naguguluhan sa mga nakasaksi. Ang papel ay walang magawa. Lumalambot ang bawat hibla. Ang papel, sa kanyang pagkatunaw Ay akin ding pagkatunaw. Maya-maya, isinapluma ko ang lahat-lahat Kalakip ang mga tulad kong papel... Sa... aklat. Sa... tula.
0
Oct 6, 2013
Oct 6, 2013 at 9:03 AM UTC
"Papel" ni P.T. Simon

"Papel"
tuluyan ka nang naupos tulad sa kandila. unti-unting natunaw ang buhay mo. dahan-dahan itong kinain nang imbing kamatayan. isang pahingalay sa tulad mo'ng nagtiis ng malubhang karamdaman. buto't balat ka na lang at laging dumadaing, buhay na patay kung ika'y pinagmamasdan. sa wakas hindi kana maghihirap. wala na ang kirot na saksakan ng lupit. wala na ang sugat na bumubulok sa'yong likuran. hindi kana mapapagod sa paghabol ng iyong hininga. hindi kana pagpipistahan ng mga lamgam. wala na ang diaper na kailangan palitan. alam namin na pagod kana, kailangan mo nang magpahinga. paalam na sa mga tusok ng karayom na hindi makita ang tamang ugat saiyong katawan. paalam sa mabaho at mainit na ospital. hindi na lilipas ang maghapon na puno ng bagut. wala na ang mapapait na daing 'twing madaling-araw. dumating na ang mga sundo, kukunin ka nila at di na muling ibabalik. tinatawag ka na ng hangin papalayo sa amin, inagaw ka ng liwanag sa kalaliman ng gabi. sa huling hantungan mo ay tatanawin kita. aalalahanin ko ang kabataan ko na kasama kita. babalikan ko ang lumipas na may lungkot at saya. may mga umaga na hindi na darating, pero may mga kahapon na 'pwede pang balikan. walumpot-limang taon sa mundong ibabaw, at marami-rami ka na ring narating. siguro nga wala ka nang hahanapin pa, sapat na marahil ang layo ng iyong nalakbay. kaming mga naiwan mo hindi maglalaon ay tutugpa din na gaya mo. ang hindi lang namin alam ay kung kailan, paano at saan. paalam po at salamat sa mga ala-ala.
0
Dec 3, 2017
Dec 3, 2017 at 6:23 PM UTC
NAUPOS NA ANG KANDILA

Continue reading...
37