Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Dec 2017
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma,
Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo,
Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan
Kung kinakailangan o di kaya ay dumaloy na tulad sa agos ng ilog.
Ganito ang malayang taludturan na aking tinatangkilik, oo alagad ako
Ni Walt Whitman at hindi ko ito ikinakahiya.

Hindi ko kinakailangan na bumilang ng mga araw, lingo at buwan,
Hindi ko kailangan na pagandahin ang mga salitang isusulat ko.
Totoo na gusto ko ring sumikat at makilala ng balana ang maging tanyag
Na tulad ng iba. Subalit wala akong balak na itakwil ang aking tunay na
Saloobin, hindi ko isasakripisyo ang aking nararamdaman para lang
Tanggapin at kilalanin ng iba.

Minsan mala-sutala pero mas madalas ay magaspang na tulad sa sako
Ang mga salitang ginagamit ko. Hindi ako nanunuyo sa halip madalas ako’ng
Nagmumura at nang-uusig. ‘Pagkat yan ang laman ng aking dibdib at hindi
Ko ito ikinakahiya. Malaya ako na tulad sa malayang tauldturan na itinataguyod ko.
Putang-ina ko man kahit hindi ako ma-publish gagawin ko parin ito.

Hindi ko pakikinisin ang magaspang na katotohanan, hindi ko pababanguhin
Ang nangangalingasaw na kaganapan ang isusulat ko ay ang tunay lamang.
Magiging tapat ako sa aking damdamin, hindi ko uulolin ang aking sarili at hindi
Ako mag-iinarte sapagkat hindi naman ako artista. Hindi ito Sunugan o Flip Top ito ang
Tunay na ako na s’yang nagsasalita. Hindi ko kailangan na magpatawa.

Ang tunay na makata ay naglalahad ng katotohanan hindi ng mga salitang
Gustong mapakinggan lamang ng mga taong bumabasa ng kanyang mga tula.
Walang sukat at walang tugma ganito ang tunay na demokrasya. Damdamin ko
Ang magdidikta, ito ang panginoon ng aking panulat.
eyna Mar 2018
Pulang mga tinta ang gamit,
Pamamaalam ay nalalapit,
Handa ka na ba?
Isa,
Dalawa,
Pumikit ka!

Ang takot ay inalis!
Napalitan ito ng inis,
Inakap ang sarili,
Pilit nag-iisip ng mabuti.

Itutuloy ko ba?
O wag na?
Ano ba?!
Tama pa nga ba?

Bumilang muli ng isa hanggang tatlo,
Siguro nga ay tama na 'to,
Hawakan muli ang lubid,
Tama na ang pait!

Muling ginamit ang pulang tinta,
Tama na ang aking paghihirap, sinta,
Hanggang dito na lamang,
‘Wag nang hanapin pa ang mga letrang kulang,
Ito ang kwento ng aking paglisan,
Dito ko na ibaba ang aking mga pasan.
Paalam.
Ginawa ko itong tulang 'to noong mga panahon na nakararanas ako ng matinding kalungkutan at gustong-gusto ko ng wakasan ang aking paghihirap pero sa kabila nito, nakita ko ang kagandahan ng mundo, ng buhay. Masaya ang mabuhay, sobra. Kaya't bangon na!
Cassie bacho Jun 2018
Nung pagbukas ko ng pinto
Palayo ka nang palayo
Mahal,san ka ba patungo?
Kay bilis naman ng mga hakbang mo.

Sinta, nung palayo ka na
Sinubukan kong tawagin ka
Nagbabasakaling lilingon ka pa
At ayun! Lumingon ka nga!
Pero..hindi sa akin kundi sa kanya.

Pumikit ako
Baka panaginip lang ‘to.
Kaya bumilang ako hanggang tatlo
Sa muling pagdilat, tuluyan ka nang naglaho.

— The End —