Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bumigkas" poems
Mahirap makipagsabayan sa mga bihasang makata Animo'y kabisado ang bawat tugma ng bawat letra Batikan sa pagbuo ng ibat't ibang klase ng akda Nagkukuwentong mahusay ang bawat gawang tula Mahirap makipagsabayan sa katulad nilang mga batikan Lalo na para sa mga katulad ko na isang baguhan Bakit ba ako magsusulat kung wala namang magbabasa? Bakit pa ako magsusulat kung wala namang magpapahalaga? Ano bang pakinabang ang makukuha ko sa pagsusulat? Meron nga ba? O baka nag-aaksaya lang ako ng panulat? Kaya nga siguro dapat ko nang iwanan Ang mundong minsang nagbigay sa akin ng kasiyahan Kailangan kong tanggapin na kahit kailan,di ako magiging katulad nila Mahusay bumigkas at sumulat ng tula Kabisado ang lahat ng tugma at tayutay Na sa akda nila'y maaaring ilagay Napakahusay! Walang katulad. Kapag nabasa mo'y mawawala ka sa reyalidad Siguro nga mananatili na lamang akong nangangarap Pagkat di ko maabot ang tulad nilang  sing taas ng ulap Kaya paalam. Salitang di ko sana gustong bitawan pero hinihingi ng pagkakataon, Para makatakas ako kahit paano sa malungkot ko na sitwasyon Alam kong sa pagdating ng panahon Matatagpuan kong muli ang aking inspirasyon Magsusulat akong muli,pero hindi pa ngayon.
0
Oct 11, 2017
Oct 11, 2017 at 1:39 AM UTC
Paalam
Kapag puso ang bumigkas, Hindi ito magpapatalo. Kapag puso ang bumigkas, Wala itong sinasanto. Kapag puso ang bumigkas, Ibibigay lahat ng gusto. Kapag puso ang bumigkas, Abot-langit kung magmahal ito. Kapag puso ang bumigkas, Matinding hinagpis ang lulukob dito. Kapag puso ang bumigkas, Asahan **** minsan kapag sinaktan, aabot sa pagpapatiwakal ito. Kapag puso ang bumigkas, Kailangan **** alagaan ito. Kapag puso ang bumigkas, Habambuhay kang mananatili rito.
0
Nov 20, 2016
Nov 20, 2016 at 11:51 AM UTC
Nang Bumigkas ang Puso
Waring alabok na dinuyan ng hangin Pagdakay naparam na balintataw sa paningin Ang patak ng kabuluhan sa ganang akin Tila sa sayaw ng mundo nakikipag piging Hindi nga akma sa daigdig na mapaniil Ang musmos na anyo na nasisiil Ngunit kung mag mukmok di papipigil Ang Sanlibutang nangangalit at nanggigigil At sa sinomang bumigkas noo ay mangongonot Waring tiwala'y lubusan nang pinagdadamot Sa pag bihis ng panahong umiiksi ang kumot Hangal namang patuloy na namamaluktot Kung may mga susunod pang pagkakataon Nais ay suwail naman ang ganap na yaon Pagal na sa maginoong landas paroon Paumanhin sa himutok ng batang gising sa ngayon. -JGA
0
Aug 11, 2021
Aug 11, 2021 at 11:27 AM UTC
Alabok