Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bumaling" poems
sa pagnakaw ng tingin, atensyon mo ay bumaling. hindi mo ba pansin? malas ko, sayo pa ako nahumaling. habang minamasdan ang buwan na humimlay sa tapat ng araw na sikat, tanging nasabi ko na lang ay ewan at lumaki na lalo ang agwat. kahit asamin ko na maging akin ka, ipasasalo na lang lahat sa hangin. walang ibang salita kundi baka, nararamdamang dapat itapon na sa bangin. kaya't sa paglaya ng buwan sa araw na maliwanag. maging akin ka man, mahirap mabanaag.
0
Feb 18, 2021
Feb 18, 2021 at 10:09 AM UTC
luna
Hindi ko mapigil / aywan ko kung bakit Na bumaling sa’yo / nang paulit-ulit Ilang beses ko mang / ipikit nang pilit Didilat ang mata’t / magkukusang-titig Sa bawat pagtitig / ay nanahimik Ang lihim ng isang / sumaging pag-ibig Sa bawat pagbaling / ay may pagnanais Na masilid ikaw / sa diwa ko’t isip Sa libong pagbaling / at libong pagpihit Ang katumbas nito’y / pagsintang malinis Nang dahil sa iyong / gandang nilalangit Ang pihikang puso’y / nahaling nang labis At ang larawan **** / sa aki’y umakit Namugad sa puso’t / naging panaginip Dahilan sa isang / ninakaw na titig Mga puso nati’y / dagling napaibig
0
Jul 18, 2016
Jul 18, 2016 at 9:19 AM UTC
Unang Titig