Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bulwagan" poems
Pumasok sa bulwagan, mga tao'y nagtipon. Ang pagbukas ng kurtina ang siyang sa'kin sumalubong. Mayroong isang dula, napukaw aking atensyon. Nakamumulat ng mata at may malinaw na intensyon. Tanaw ang isang dalaga, pagsalita niya'y mahinahon. Nananawagan sa madla, naghahanap ng tulong. Kumakalam daw ang sikmura, pansin kanyang tensyon. Sigaw lang ng dalaga, "Pagkain para sa nagugutom." Alagad ng batas ang nakakita, dalaga'y sinakay sa apat na gulong. Minaltrato ng sistema, inabuso kanyang dunong. Binaba kaniyang palda, rinig sa dalaga ang pag-ugong. Dinala siya sa korte ang dalaga, makasalanan daw at siya'y nakulong. Hanggang sa kasukdulan, pait ang kanyang dinaranas. Sa kamay ng batas, sa kamay ng nakatataas. Dalagang lumalaban hanggang mawalan na siya ng bukas, Ang pag-gahasa sa bayan, ngalan ng dalaga'y Pilipinas.
0
Apr 25, 2020
Apr 25, 2020 at 3:39 PM UTC
Sa Entablado
May paligsahan ng palakasan ng palakpakan sa Batasan Complex. May pabuyang naghihintay sa mapuputulan ng kamay kakapalakpak kahit palpak at sablay. Pabayaang maglaway ang mamamayan sa kaunlarang ibabandila. Hayaang mabilaukan ng kathang-isip ang mga pasilyo, wawalisin na lang ito mamaya o bukas kapag iba na ang usong balita. Kapag kasuotan na ang pinag-uusapan. Madulas kayong lahat sa nasayang na laway. Naghahanap ng away ang hindi pupuri. Ang hindi sasamba. Ang ayaw sumama sa pagsimba sa katedral ng kasinungalingan pagugulungin sa labas ng bulwagan. Walang puwang ang katotohanan kaninong palad man ito nakasulat. Kaya’t huwag itong iladlad. Huwag itong itambad. Huwag hubaran ang matagal nang nakahubad. Ibibilad kayong mga bastos. Iiwas sila sa pakikipagtuos, dahil mas matigas pa sa mukha nila ang inyong katwirang huwag sumali sa paligsahan. Dahil ang masigabong palakpakan ay nakalaan sa sambayanang lumalaban.
0
Aug 2, 2015
Aug 2, 2015 at 12:44 PM UTC
PALAKPAKAN
Malamyos,Mabini Ni-walang Hampas Hindi Habagat O Amihan Ang Siyang Dumadampi Bagkos Masuyong Hinahaplos Ng Alimuom Ang Nagdadalamhating ilog ng kalaliman. samantala may ibig ipabatid Ang liwanag ng sinag mula sa bibig ng Mahiwagang bilog na buwan... at ang wika "ikaw at ang repleksyon ko sa ibabaw mo Maging Sa Karagatan Na Iyong Pinapakitungohan Ay Naroroon Ako Sa Tuwinang Nakatakda Ang Aking Pag-agapay. Sa Kabilang Banda,di Man Dalawin Ng Antok Ang Haring Araw Mismong Mga Ulap Ng Alapaap Ang Magkukubli Sa Silaw. Magbibigay Lilim Sa Walang Silong **** Kalagayan. Umaaraw Umuulan,umaapaw O Lilit Ang Lulan Nasasamsam Man Ang Ilan Sa Mga Taglay **** Nilalaman, Kailan man Ang Paraluman **** inaangkin Ay Di Makakamkam ! Nagdaramdam Ang Matabang Kalupaan Kapag Ito Ay Tigang Sapagkat Kapos Sa Pakikiramay Na Taos. Hiyang Lamang Sa Kapatagan Ng Paratang At Pakinabang... Lupang Hinirang Minsan Nang Nalinlang Talang Makinang, Na Sinagisag Ang Kalasag At Baluti Ng Banyaga.. Sa Ngayon Pahupa Na Ang Tubig Sa Ilog Sukdol Nga Ba O Sakdal Kung Dumatal At Kumintal Ang Alimpuyo't Tagtuyot Sa Panahon Ng Tagdahon At Sa Di Kalayoan Akin Ngang Naulinigan Ang Payo Ng Dayo Sa Bulwagan Kung Saan Ang Aking Katayoan Nagugulumihanan Sa Kanyang Pinamagitan... Ito Ay Kung Ano Din Po Yung Aking Pinamagatan !!!
0
Mar 22, 2022
Mar 22, 2022 at 10:42 PM UTC
" kapag natuyo ang ilog...hintayin mo ang mga ulap "
Wala nang piglas sa bakal na gapos Gigil na pangil ‘di pigil pagyapos Poot ay lubusan kong natatalos Kahit patuloy paring minumulto Ng anino ng pumariwarang pagkatao Huwag pong ikukubli mahabaging puso Kahit ako’y salat na sa lakas Dahil sa mga sugat ng nakalipas Huwag po tutulutan na tuluyang malagas Ako’y nakikinig sa pagbasa ng sentensiya Mga tenga’y bukas, piniringan man mga mata Dustain man sa yamot, sa away Mo’y tiwala Talim ng ‘yong dila sa puso tusok Mga aral nito’y pinapapasok Sa bulwagan ng diwang ‘di pa bulok. -11/26/2011 (Dumarao) *sentimental mood
0
Aug 24, 2019
Aug 24, 2019 at 9:33 PM UTC
Muni-Muni ng Guni-Guni
Ang mundo ay parang palasyo Opisina ng mga pinuno Bulwagan ng mga mamamayan Takbuhan ng mga nangangailangan. -01/08/2015 (Dumarao) *Ang Mundong Pook Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:35 PM UTC
Mundong Palasyo