Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bukirin" poems
Nagpakapagod ka dahil gusto **** kumita. Nagpaka-alipin ka upang makaahon ka. Nagtiis ka sa ibang bansa para sa iyong pamilya. Nilisan ang bayan dahil trabaho'y pinagkaitan ka. Ano ngayon kung wala kang pinag-aralan? Masusukat ba ang tagumpay sa antas ng edukasyon? Kailangan bang magkatulad ang bawat propesyon, O tanggapin ang isang marami na ang kontribusyon? Dumarami na ang populasyon ng ating bansa. Kakaunti naman ang ating kuwalipikadong manggagawa. Marami ang tambay sa bahay at walang ginagawa. Nakapagtapos nga, hindi naman matanggap sa ibang kompanya. Kaya, ang iba'y nanatili sa bukirin at doo'y nagsasaka. Hindi matanggap na walang trabahong karapat-dapat sa kanila. Kahit dalawang taong kursong bokasyonal ang natapos nila, Naghihintay pa rin sa wala hanggang sa pag-asa'y maglaho na. Anong uri ba ng trabaho ang katanggap-tanggap sa lipunan? Ang nakakaangat lang ba ang p'wedeng bigyan ng posisyon? Paano naman ang walang pinag-aralan, pero pasado sa kuwalipikasyon? Papansinin ba sila ng gobyerno at bibigyan ng solusyon? Sa bagong gobyerno, pagbibigay ng trabaho'y bigyan sana ng pansin, Sa mga manggagawang hanggang ngayo'y walang trabaho pa rin, Maging ang mga nakapagtapos at magtatapos pa mandin, Huwag nating hintaying lahat sila ay lumayas sa lupang sinilangan natin.
0
Aug 12, 2016
Aug 12, 2016 at 6:26 PM UTC
Manggawa at Trabaho
Kumalat ang silahis Aranya sa kublihan ng mga nasaktan nang labis Sa liblib na bukirin nakatira ang anak-pawis Ang tikap sa kapilya ay ang espasyo sa karimlan Maringal ang alab sa dagat Animo'y mga hiyas sa pananaw Bermillong agwa ay nangingibabaw nang isinaboy ang mga pilak sa Pasipiko Anupat may respirasyon nauudlot naman ang siklo Sa pagbabalik-tanaw ay sumiyok humahangos nang dumating sa koro Tugtugin ng patibulo Sa wakas, ilalagyan ng balsamo Epidemya ng hapis kahit inosente ay pintasan Lumaylay nang mahilo Natangay ng takot at dumapa nang napasuko Lumaho ang pagkakataon na sana'y makakapagpasya Kung alin ang dapat at tama Sa sulok ay nanahimik Umaasang mabawi ang panahon yaon Ngayon saan pupunta
0
Dec 21, 2018
Dec 21, 2018 at 5:13 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #21
Saksi ako sa bawat tingin. Saksi ako sa lihim na pagdapo ng paru-paro sa iyong bukirin. Saksi ako sayo at sa kanya. Saksi ako sa pag-aari mo sa kanya, gamit ang iyong mga mata. Saksi ako sa lihim na pagsulyap. Saksi ako sa labis na pagiingat. Saksi ako sa lahat. Pero ako, nasaksihan mo ba ako? Napansin mo ba ang bawat tinging binabato ko sayo ? Naaninag mo ba ang pusong dumadapo sa mga ito? Nasaksihan mo ba? Ang pagtago ko sa likod ng mga pahina, Ang paghikbi ko gamit ang musika, Ang sakit? Nasaksihan mo ba? Na sa tuwing napapagod ka kakahabol, ganon din ako? Na sa tuwing masaya kang tinititigan siya, ako naman, umaasang tititigan mo? Nasaksihan mo ba? Ang pag-asam kong sana, Sana ako nalang siya. Sana ako nalang... Sana ako.. Sana... Hanggang kailan ako kakapit sa mga natitirang sana? Hanggang kailan ko panghahawakan ang paniniwala kong "baka"? Ang paniniwala kong baka ikaw... Ikaw na tama at ikaw na Mali, Ikaw na oo at ikaw na hindi, Ikaw na meron at ikaw na wala.. Ikaw na tanong, at ikaw na sagot. Ikaw na. Paano ko nga ba mapapakawalan ang mga titig kong biglang nakulong sayo? Paano ko nga ba mapipigilan ang kamay na pipigil sana sa pagtakbo mo? Paano nga ba? Kakayanin ko pa bang saksihan ang bawat ngiti, bawat tingin, bawat paghikbi na hiniling ko sa bituin pero sa iba dumating? Kakayanin ko pa kaya? Kakayanin ko pa.. Kakayanin ko.. Kakayanin.. M.U (Mag-isang Umiibig)
0
Jul 17, 2016
Jul 17, 2016 at 9:57 PM UTC
M.U
Araw-araw bumabangon sa sariling saliw; ginigising ng gutom na kumakahig sa bituka. Minsa'y may buwan pa. Minsa'y may araw na. Palagian, walang laman ang platong hapag sa sahig na simot sa mumo. Katamaran! Katamaran ang limang-minutong pahinga mula sa pag-araro ng lupang 'di pag-aari. Katamaran ang pag-inom ng tubig sa gitna ng pagkayod sa araw na tirik. Batugan kung tawagan - palamunin - mga litid na sakal, makabagong alipin. Mga matang idinilat ng karahasan, mga iyak na busal ng kasadong bala - Ngayon, gigising. Gigisingin hindi ng kalam sa tiyan. Binalda ng pang-uumit - bubulabugin ng kapagalan mula sa impyernong tahi ng bukirin. Gigising sa sariling saliw; hindi sa gutom na gumuguhit sa bituka. Gigising Gigisingin ng pakikibaka.
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 12:27 PM UTC
Gising
Pagsinta na ipinanganak sa buwan na kulang-kulang ang mga araw Kadalasan ay dalampu't walo at sa tuwing ikaapat na taon nagiging dalawampu't siyam Winawangis sa tagsibol ang panahon ng pagsilang Kaya magiliw ang hangin, bagong simoy hatid ng dalampasigan Ang dapyo ng Amihan simbanayad ng paghinga sa pumapagaspas na dahon sa bumabaluktot na sanga Dahan-dahan nang nanaog ang kaluwalhatian ng langit sa mga batang umiibig sa mga binatang naghihintay nang nanabik Sa sumasangang pag-irog dalawa o mahigit pang katipan marami ang nagugustuhan Walang wasto at tiyak na kamalian sa pagmamahal Di ang mayayabong bukirin at nagsitaasang gusali ang makapaghahadlang Maging ang mga naging bulag na ay matuwid kung lumakad sa daan Sa batas ng pag-ibig ang kalooban ang magtitiis kung magkasala ang damdamin ang maghihinagpis
0
Feb 8, 2019
Feb 8, 2019 at 1:47 AM UTC
Puso ng Pebrero I
Maliwanag ang tanawin sa obrang larawan, naging aking durungawan - naroo’t buhay pa – lumilipad nang matayog ang mga saranggola ng libong mga Pepe at Pilar, tuloy-tuloy na abakada ng kinalimutang kasaysayan. Sa likod ng paanyaya ng luntiang bukirin, kung saan ang manunugtog ay tila may alay na lumang paulit-ulit na harana, pilit sumiksik sa tinataklubang ala-ala ang mapait na wakas ng isang sa himig ay kasama, sa panahon ng ating ngayon, wari ko ba’y kani-kanina.   Sa isang sulok ng pinutol na puno nakasilip – ang malungkot na kuwento Ang gitara ng isang bilanggong lider-obrero:           Tunay na marahas           ang kanyang naging wakas.           Pinaghinalaang droga isinuksok.           Sa narinig na kaluskos sa loob           ng iyong dibdib na kahoy, dinurog           ang lahat ng ala-alang kinukupkop           Labing-isang taon ka nang kanugnog,           kakosa sa pagtulog           sa isang iglap, daig pa ang binugbog           Pantugtog ay tinokhang ng mga tanod.           Sa ‘yong bagting na sumaliw sa koro           Kahit nilagot ng karahasan at maling akala           Lubos pa ring nagpapasalamat ang madla. Ako’y nagsusumamo sa kudyapi ng malayang ninuno Ang mga tula, awit at mga huni ng mga ibong katutubo, sabay sa tudyuhan ng mga kulilis at palaka sa ilog at puno. Ang ating kalikasan ay pamayanang may kalinangan nawa'y manatiling singsigla ng tapis na tinalak sa parang. May pangako ang mga bagong usbong sa pinutol na lauan. Ang noon at ngayon ay tila magkatipan – Sa tipang bagong tunog – na sa baybayin ay tinuran, para sa kinabukasan ng bayan. Halina’t kahit putulin ang kwerdas ng kalakarang malupit At nakakulong ang mga ibong marikit Kailanma’y hindi mapipigilan kahit saglit Patuloy tayo sa malayang pagtula’t pag-awit Hanggang Kalayaan ay ating makamit.
0
Oct 14, 2021
Oct 14, 2021 at 5:11 AM UTC
Parangal Sa Pinatay Na Gitara At Panalangin Sa Ninunong Kudyapi

Continue reading...
41