"bukana" poems
Kling Klang.... Kling.. Klang..
Tunog ng kampana'y sumisigaw ng kagalakan,
Amihan hanging sumisimbolo ng isang Banal na kaarawan.
Saanman pumaroo't-pumarito'y puno ng kasiglahan;
Mga hapag-kaina'y dinadagsa ng iba't-ibang kasaganaan,
Mumunting kislap sa bawat bahay ay pawang madadaanan,
At mga magigiliw na parol sa bawat poste'y isa-isang nagtitingkaran.
Habang ang lahat ay masiglang nagkakantahan,
Isang lalaki ang naglalakad sa makipot na eskinitang daanan,
Maruming damit, gusgusing katawan,
Balbasing mukhang mistulang mga puno sa isang mayabong na kabukiran.
Pasuray-suray n'yang tinahak ang kadiliman,
Dala ang isang boteng alak na kanyang nag-iisang kasamahan.
Mga lasing na hakbang ay pilit binibitawan,
Mumunting yapak patungong bahay na kubli sa kasayahan.
Pagdating sa bukana, bote'y itinapon sa pintuan.
Nagsusumigaw at pilit humihiyaw na siya'y agad na pagbuksan.
Isang babaeng puno ng pasa't sugat ang kanyang naalinagan;
Mayuming mukhang naging busangot ng dahil sa kahirapan.
Ilang minuto pa'ng nakakaraan,
Isang nakakakilabot na sigaw ang pumagitna sa masasayahang kantahan,
Iyak na pilit tinatago, pinipigilan ngunit sa huli'y sumuko't mabilis na nagsilabasan.
Ang katanungan, ano nga ba ang dahilan ng kasuklam-suklam na sigaw na nasaksihan?
Mistulang iyak ng pagkahabag ng kalangitan
Ang unti-unting nagsipatakan.
Ulang nakisabay sa nakakakilabot na kalagayan -
Binubugbog ng lalaki ang asawa; ang kanyang pinangakuan ng pag-iibigan,
Isang taon pa lamang ang nakakaraan!
Dugo'y nag-unahan sa pagpatak,
Nagsimula sa kanyang kaibuturan binaybay hanggang sa kanyang talampakan.
Babae'y nanghina't nagsumamo
Na tigilan na ng kabiyak ang pambababoy dito at sa anghel sa tiyan nito.
Ngunit ang tainga niya'y nagmistulang sungay;
Walang bahid ng pag-aalinlangang pinagpatuloy ang maling labanan.
Tengang-kawali't pinag-igihan pa'ng pagsipa't pagsuntok sa tinuturing n'yang kalaban.
Dala ng matinding droga, ang haligi ng kabahayan ay naging sundalo't kaaway sa sarili niyang tahanan.
Mistulang militar na naging ispeya't traydor sa dapat sana niyang pinagsisilbihang kaharian.
Ilang araw pa'ng nakalipas, isang nakakabangungot na kaganapan,
Ang naging usap-usapan sa pamayanan.
Isang inang nilapastangan ang nakitang walang malay, duguan at butas ang sinapupunan.
Sa gitna ng pighati't panlulumo,
Ang kampana'y muling umiyak ng pakikiramay.
Tunog ng madamdaming dalamhati.
Musikang malumanay,
.......dahan-dahang naghahatid sa inosenteng sumakabilang buhay.
Kling Klang... Kling.. Klang..
Apr 30, 2015
Apr 30, 2015 at 10:57 AM UTC
ang kaakit-akit
**** bating-
pangwakas
ang siyang wagas
na nagdala ng madamdaming
mga katanungan
mula sa iyong puso patungo
sa iyong kasintahan,
gamit ang ibabaw ng
mga matikas na alon...
walang pasubali na ipinahayag mo
ang iyong pangmatagalang
paglalarawan sa marami,
bagaman ang mundo
ng magkabilang dako
ay pansamatalang natutulog na
... ang kagandahan niyon
ay mananatiling gising pa rin.
Dahil siya ang natatangi **** daigdig
at ikaw nga ang makulay niyang pag-ibig!
At mula sa iyong napakalambing na pagsisimula
Mayroong "kayo" na magsasalo sa magdamag
habang heto si Ako...mananatili ring tapat
at gaya niya na di nakakalimot sa akin!
Kaya naman sa iyo aking mahal,
Malayo ka man sa akin ngayon,
lagi pa rin namang merong "tayo"
Maulap man ang papawirin
Ating babagtasin
ang araw at sinag nito
hanggang sa isang kabilogan
na lang ng buwan
ang aking pananabikan at bibilangin ko!
Sa pagsapit niyon
matamis na katahimikan
ang siya nating mabubuo!
tanging sa ating pagniniig
nang may buong kasabikan
ang mga himig na maririnig!
mula sa simula hanggang
sa ang wakas ay magsilbing hudyat
na sa langit nating inaasam
ay magigisnan ang malakidlat
na tilamsik ng ating pagsusuyuan
Di-kapara ng naunang magsing-irog
mula sa bukana ng talon ay nahulog
at kapwa bumitaw sa ere sa gitna ng kulog
pero tayo...Hindi tayo sa patibong matutulog!
patutunayan nating Hindi tayo
ang tipong mauuwi sa TaLiwaS
dahil sa katunayan nga mahal ko
sa pamagat pa lang binungad ko na ang SiLaw aT
labo na nananahan sa pagitan ng tukso
at ng bahay na inaakala nilang
panghabang-buhay na tahanan!
Oct 23, 2020
Oct 23, 2020 at 9:08 AM UTC
Magsusulat ako ng tula,
Ilulubog sa balde baldeng tubig,
Tila nalulunod na mga letra,
Sumasayaw sa imahinasyon ng bukas.
Ako'y batang naglalaro sa hangin,
Dala ang pait ng iyong alaala,
Ilalapit sa bukana ng langit,
matapos lamang kita.
Oct 3, 2015
Oct 3, 2015 at 1:59 PM UTC
dinggin ang lagaslas ng tubig
na pumapalupot sa bisig.
handa na ang bukana.
kasabay ng pag-alon ng damdamin
ang
p
a
g
b
a
g
s
a
k
ng lamig na dala ng pag-lisan
o ang init na lulan ng pag-dating
papalapit ng papalapit
sa nagngungusap na mga mata,
sinasalamin nang iyong banta
ang aking bibig.
bilugan, hubad,
tahimik.
Nov 4, 2015
Nov 4, 2015 at 4:38 AM UTC
Ihinabi ko sa bukana ng payong ang ulan.
This is to believe that sheltering may not always be, or simply perhaps an undertaking of weakness. A radical strangeness aspires to be bold. I may not be able to transcend its nakedness.
.
This is to deny the common verity that in the communal of water, shade fails a transliteration. We cannot be forever in hiding. Our smallness reveals our flowers. Our unmentioned stirrings. (A spire of technicolor through the lens of apertures. It starts to rain in Pasay.)
.
I see children swift-bodied in the streets. I hear the sublime song of a defunct tractor. Once in its vitality, Earth was its derelict. How did it come to be that when I peer into the openness, light slouches into form, conjuring an image: your face, hiding amongst the crowd?
.
This is to recognize the potential of dwindles. Its vertigo that it tries to protect. Its height that it tries to conquer. Its fall that it tries to eschew. What if bones are just homes to tiny little currents and that the way our body assumes the stance of jackknife, simply a foreboding?
.
Itinabi ko sa sukal ng araw ang payong.
This is to perceive that all light lifts away from the dark, my heart always falling into its hands. Morning opens your face like delicate streets, pulverizing fog into chamomile. Silence is endemic. *Makati *buoys overseer reconnaissance of obvious beatings. Revealing a long line of ligatures -- umbilicus of wires. Serenades of futility. Our useless meanderings.
.
The depth of Sunlight finally turns primeval stone. That is our defeat -- all our darkness put to trial. I am tense with the finality: she will become parasol and I, the weather past moonlight waxing.
Feb 26, 2016
Feb 26, 2016 at 8:38 PM UTC