Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bubusugin" poems
may diskusyon na galing sa nakaraan tungkol sa pagsisisi sa naganap na hiwalayan ang higit na pagmamahal ay sadyang maparaan nagbalik itong muli ng di namamalayan kung sa hinaharap ay walang kasiguraduhan bubusugin kita ng pagibig sa kasalukuyan at kung tayo at panahon ay magkasubukan hihintayin kita upang sa dulo'y magkatuluyan ang pagulit sa kawangis ng kahapon ay ligaya ito ang dahilan sa sarap ng muling pagsasama huwag maglilikot pagka't di na magagaya ang inayos na daan papunta sa iisang kama sa di mapigilang kabaliwan at kalokohan sa dalas **** maubos ang aking pisi at kahit hirap sa pagsunod sa aking kagustuhan ikaw pa rin ang pipiliin at di magsisisi ♥
0
Jul 4, 2011
Jul 4, 2011 at 2:12 AM UTC
Di Magsisisi
Sige, mag paulan ka lang. Hanggang sa may lumapit sayo at pasilungin ka sa kulay dilaw niyang payong. Aalagaan ka niya na parang kuting na inabando na sa lansangan. Ipaparamdam niya ang pag mamahal, at makakalimutan mo ang pait ng nakaraan. Bubusugin ka niya ng pag mamahal, ilalayo ka sa kapahamakan at kung umulan nanaman at narinig mo ang bawat patak mula sa bubong na inyong sinisilungan, yayakapin ka niya ng mahigpit, pupunasan ang bawat luha na pababa mula sa marikit **** mga mata. Hahalikan ka ng bahagya at ibubulong na “Huwag kang matakot, hindi kana mag isa at hindi kana muling mag iisa.” Kasama mo siya sa lahat ng ulan, kulog at kidlat. Kasama mo ako, at wala akong balak maging panandaliang silungan mo, kung maaari lang ay manirahan ka sa tabi ko.
0
Apr 13, 2020
Apr 13, 2020 at 10:38 AM UTC
Dilaw na payong