Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"bisyo" poems
Tagu-taguan, Maliwanag ang buwan Munti kong tula, Inyong pakinggan Ito'y patungkol Sa kabataan Na inaakalang Pag-asa ng bayan Wala sa likod, Wala sa harap Ano ang kabataan Sa hinaharap? Handa na ba kayong Malaman ang totoo? Pagbilang ng sampu, Malalaman na ninyo Isa, dalawa, tatlo "Tara, pre! Dota tayo!" Isa, dalawa, tatlo "Kyah, pa-like ng DP ko" Isa, dalawa, tatlo "Naka-hithit na ako" Isa, dalawa, tatlo "Tara, shot na tayo" Mga kabataang nakikiuso Mga kabataang lulong sa bisyo Kabataang imbis na ang dala'y libro Ang palaging hawak ay sigarilyo Apat, lima, anim Wala nang ibang alam gawin Apat, lima, anim Kung hindi gadgets ay pindutin Apat, lima, anim "Babe, walang tao sa'min" Apat, lima, anim "Babe, pwede na nating gawin" Mga kabataang napapariwara Mga kabataang sa tukso'y nadadala Kabataang tinuturing na Maria Clara Na ngayo'y mas kilala na sa Maria Ozawa Pito, walo, siyam Nasirang kinabukasan Pito, walo, siyam "Aking pinagsisisihan" Pito, walo, siyam "Ako'y nanghihinayang" Pito, walo, siyam "Ibalik niyo 'ko sa nakaraan" Totoo nga ang kasabihan Ang pag-sisisi'y nasa hulihan Ang ating nakaraan Ang siyang madidikta ng kinabukasan Ngunit hindi ko naman nilalahat Ang nais ko lang, kabataa'y mamulat Ang buhay natin ay parang aklat Tayo ang gumagawa ng sarili nating kwento at pamagat Hindi ko tatapusin ang bilang sa sampu Dahil hindi ako ang magdidikta ng kinabukasan niyo Ngunit sa pagtatapos ng munting tula ko Sana'y makapagsimula kayo ng panibagong kwento Kwento na kung saan kayo ang bida Kwento na kung saan kayo ang pag-asa Salamat sa pakikinig mula umpisa Ngayon ang tulang ito'y tinatapos ko na
0
May 27, 2018
May 27, 2018 at 11:08 PM UTC
TAGU-TAGUAN

Continue reading...
64
Ilang beses ko na bang sinabi na hinding hindi na magyoyosi. Tila sindami na ulan noong Hunyo. Pero bakit ganito wala pang pinagbago. Walang pinagbago gaya ng nararamdaman ko. Alam kong isang malaking kahangalan na sabihin na ikaw parin ay mahal ko. Marahil nga, katangan ito. Mga patak ng ulan ang nagpapaalala Sa mga kahapon na ikaw ay kapiling at kasama. Nalulunod ako, nalulunod sa katahimikan. Katahimikan sa sunod sunod na patak ng ulan. Sa tuwing umuulan, Sinasambit nito ang iyong pangalan. Sinasambit ang mga pangako at mga alaaang hindi kailan man makakalimutan. Mahal kita, mahal mo ako. Yan ang mga salitang naniwala ako. Sinabi ko at sinabi mo. Pero sa isang iglap, nasaan na tayo? Sadya bang nakakaadik Ang nikotin sa ngala-ngala at gilagid? O sadya lang makulit at pasaway Ang aking paglapit? Sa yosing siyang sumagip Sa damdaming pinuno ng sakit Pinuno ng hinagpis at lungkot Mula ng madurog ang pusong nakakapit Sa sumpaang sa tadhana ay sumabit. Naaalala mo pa ba ang ating mga pangako? Na ikaw ang siyang mamahalin hangang sa maging upos ang buhay at hininga ay sumuko. Nagsimula ang lahat ng ikaw ay lumisan Ang pinakamadilim na yugto sa puso at isipan May mga bagay talaga na walang kasagutan Isa na dito ay ang paglayo, mundo ay tinakasan Mula nang ikaw ay nawala sa bisyo ako ay nakipisan. Kasama sa magdamagan nang sakit ay mabawasan Hindi madali nang ikaw ay nawala Hindi ganun kadali na ikaw ay kalimutan Parang isang kanta na paulit ulit Bawat kataga sinasambit ang iyong pangalan. Pangalan at katagang walang katapusan. Bawat hithit bawat buga Ang usok ay siyang sa akin ang nagpapaalala ng iyong wangis at itsura. Sa bawat buga. Nakikita ko ang iyong mukha. At sa isang iglap mawawala. Pero ngayong kaya ko na. Bakit ang bisyo di na maisara? Sadya bang nasanay na? O dahil hinihintay ka pa?
0
Jul 25, 2016
Jul 25, 2016 at 2:28 AM UTC
Huling Buga

52
Ikaw si "Ligaya" pero lungkot ang iyong dala Ikaw yung nagpapatunay na hindi lahat ng nakangiti masaya ikaw yung dating nagbibigay sigla kaso unti untiang nabura. Yung imahe mo na dating buo na palitan ng mga linya na sobrang gulo Di ko tuloy alam kung ikaw si ligaya o si lungkot sinamahan mo kong umakyat pero iniwan mo pag dating sa tuktok. Kumapit sa bisyo at doon nalugmok. napaaway, nag maoy, at doon nasuntok. Nasuntok ng katotohanan na wala kana at yung ligaya ni "Ligaya" ay nahanap sa iba Pero maligaya ako na maligaya kana kahit yung sarili kong ligayay mawawala na. sa dinamidami ng ligaya sa tulang to kabaligtaran ang nadarama ko. kasi nga ikaw si Ligaya pero lungkot ang dala mo.
0
Oct 23, 2016
Oct 23, 2016 at 11:48 PM UTC
Ang tula para kay Ligaya
Kanilang giit, "Kaluluwang kinakain na ng bisyo," "Laman na nagpapabighani sa demoño" Akin lang namang hawak ay sigarilyo Hangad lang naman ay konti niyang epekto. Pagkalma sa problemadong utak, Na sa napakaraming gulo ay naisabak, Isang araw ng aking buhay ang bawas para sa isang piraso, Tanggap ang kalakalan, hirap nang magbago.
0
Nov 16, 2018
Nov 16, 2018 at 11:49 AM UTC
Sigarilyo
ilang beses ko nga ba sasabihin na hindi ko na kaya, oo tama ka sa narinig **** sinambit ko mismo, tama na, kasi ayoko na. tama na ang mga patay na oras na pilit **** kinukuha hindi namumuhay ni gumagalaw naroon lang, tulala't naninigas na. wala ng ibang iniisip kundi paano, paano hindi sa pagkakasyahin kundi paano uubusin ang lubos - na oras na kailangang punan. tama na kasi mahirap gumawa ng wala at magpanggap na meron kang pinagkakaabalahan at lokohin ang sarili **** bayad ang oras. Nilalason nito paunti-unti, ang bisyo ng lantay na katawan at tiwangwang na utak. kaya pakiusap, tama na.
0
Oct 27, 2015
Oct 27, 2015 at 5:52 AM UTC
Tigang sa Trabaho
Handa na  ipagtanggol katumbas man itong sampung buhay Ang halaga'y higit pa sa inipon na mga koral sa karagatan Kung binastos kahit malinggit ay kikibo ang nanahimik na balasik Hinintay humulaw ang bagyo at si Dessa ay sumakay bago umuwi ng bahay Lumusong sa baha sa baryo at ginunam-gunam ang sandaling yaon Kung may oras sa pag-aaral gayun din sa paglilibang Ngunit ang kunting kalayawan ay naging hadlang upang makatanggap ng medalya ng karunungan Hindi bakal at kawad ang pag-iisiip para di matukso sa mga bisyo Sa pagsusugal ay nalulong Hindi mahilig sa anumang  pampalakasang laro Napasama sa kapatiran Dumating ang mga araw ang alingawngaw ay umabot sa ama Nagpakalasing noong gabi bago naglabas ng mga hinaing Mga salita niya'y matutulis, umuulos sa laman
0
Jan 10, 2019
Jan 10, 2019 at 6:15 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #47
Sa lugar na malawak mga paa ay di magawang makatongtong at nanatili lumulutang Pangyayari na di kailanman magaganap Kathang isip ay isalin sa gawa at nang maging ang kaganapan sa imahinasyon matutupad Magpursigi sa gusto Imahinasyon ay totoo Sa pamamagitan ng patpat ay gumuhit sa lupa ng larawan kung ano ang nakikita sa harapan ay sandalan ng likuran Lalangin ang layunin na sa buhay ay may kahalagahan sa bisyo't sugal kung nahahalina Dumikit sa dating landas at kasaysayan Pagmamahal na maging mito Isang buang, tumatahol na aso Di na isasalin pa sa wika na nasnaw ng dila Maaalala muli ang pagmamahal na di nagmamaliw
0
May 12, 2019
May 12, 2019 at 6:46 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #67
Paabot naman ako ng hawak **** yosi Kahit makihits na lang dyan sa hinihithit mo Hindi dahil magkapareho tayo ng bisyo Gusto ko lang masubukan bumuga ng usok, kasama ang mga salitang hindi kayang banggitin Papasa naman ako ng tinatagay **** alak Kahit isang shot na lang dyan sa iniinom mo Hindi dahil magkapareho tayo ng bisyo Gusto ko lang malaman kung paano sumuka, kasama ang takot na matagal ng sinisikmura Pahingi naman ako ng isang halik galing sayo Kahit padampi lang sa mga labi mo Gusto ko lang kasi maramdaman kung paano mahalikan ng isang labing makasalanan, Mga labing kahit kailang ay di ko narinig magpahayag ng tunay na nararamdaman
0
May 19, 2017
May 19, 2017 at 12:01 AM UTC
wala na akong ibang pwedeng maging bisyo kundi ikaw
tila mapurol na ang gamit na patalim na sa bawat pagbakas ay lalong dumidiin baka sa susunod, sasapat na ang lalim para makalimutan ang bagay na madilim may dala-dalang bagahe na balak lunurin sa iilang bote ng matapang na inumin umaasang tulad nito sana ay ako rin (maging matapang, o malunod din?) magpaplano sa isip ng sariling libing idadaan na lang sa yosi at paglalasing hanggang atay at baga ko'y maging itim para terno sa damit ng mga dadating isa pang sigarilyo ang ilalagay sa bibig pilit lalanghapin ang nikotina sa dibdib hanggang di na matukoy ang dahilan ng sakit hanggang makalimutan ang lahat ng pait.
0
Jun 30, 2018
Jun 30, 2018 at 11:22 AM UTC
bisyo.
Sa iyong mukha ako'y natutulala Ganda mo ay nagniningning na tala Namumulang labi' t  manipis na  pisngi Mala - porselanang balat kayumanggi Mata ay malalim, puno ng hinala Sa 'kin, bakit ramdam ang pang uusisa Namumugto minsan sa yaong sandali Iniwanan nang walang pag-atubili Ng sinta mo na inakalang simula Ng iyong pag-iibigan nang makalaya Sa baryo natin, tigib ng bisyo' t tili Ng mga tao na di magkamayaw lagi Mga kapitbahay natin ay nagmumura Mga tungayaw lagi ang sinasambitla Ngunit ikaw ay palihim nagsisisi Sa  luha **** malinaw na nagkamali Sinisimsim ang habag na dinadala ng hangin sa iyong maamong itsura Dilag ka na pinupuri ng marami Bakit mapusyaw ang ngalirang mga labi At ang una mo na pagkakakilala Sa akin ay hindi ganoong kasama Ngunit matampuhin ka at naninisi Sa aking maliit na pagkakamali Kaibigan ang turing  sa isa't isa Bakit nagagalit pag kausap iba Sa di pagkakaunwaa' y titili Ganun ba talaga pag minsan nasawi?
0
Jun 4, 2020
Jun 4, 2020 at 12:16 AM UTC
Kwento ng Pag-ibig
sabi ko sa sarili ko ayoko na talaga sa bisyo ngunit heto nanaman ako nagsusunog ng baga ko eh ano naman magagawa ko wala ka na sa piling ko inaalala ang mga pangako ko na napako umabot na sa huling buga ko ng usok mula sa sigarilyo itinapon ko na ang hawak ko at nagsindi muli ng bago sana ganon nalang kadali ang makalimot at pagpalit ng taong mahal mo dudukot sa kaha at sisindi ng isa ang hirap din kasi ng ganito laging mapagisa pero hindi hindi ko kayang limutin ka kahit ilang yosi ang ubusin kahit ilang kaha ang bilhin ganun pa din sayo parin ako dadalhin ng mga usok na ibubuga ko sa hangin -r.g.
0
Jul 29, 2017
Jul 29, 2017 at 11:40 AM UTC
sigarilyou