Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Jasper Jul 2019
Binibini, isang liham ang aking isinulat para sa iyo,
Maaari mo bang ibahagi sa akin ang kislap ng iyong kagandahan?
Marami ang nakakakita ng kagandahan ngunit, naipakita mo na ba ang kailaliman?
Sa isang kupas na imaheng namumuo sa aking isipan,
Higit pa ang kalawakan at kung maikukumpara ko sa mga tala sa kalangitan,
Iisa ang isinasaad ng iyong kagandahan. Yun ay ang kalungkutan.
Isang sulyap na tila ba wala ka ng ibang nanaisin pa, o hihilingin.
Ang paghahangad ay labis subalit sasapat sa nagkukulang kong damdamin.
Binibini, bakit nga ba namumuo sa'yong mata ang labis na kalungkutan?
Bakit tila, sa aking pananaw ay nagsasabi na ika'y pagod na?
Bakit ako ang nakakakita ng iyong paghihirap?
Binibini, sa kabila ng lahat ng iyon, nagagawa mo parin na magtiis?
Hanga ako sayo binibini.
Hindi lang paghanga ang aking nadarama.
Higit pa sa matatamis na salita.
Higit pa sa pagpaparamdam ko sa'yo.
Binibini, lubos akong nagmamahal sa iyo.
Maaari ba'ng ako naman ang pakinggan mo?
Na sana ay makarating sa'yo ang lahat ng hangad ko?
Hangad ko ang iyong kaligayahan.
Ngunit hindi ko maipapangako na sa bawat sandali ay naroroon ako para sa iyo.
Hindi ko maipapangako na hindi kita sasaktan.
Hindi ko maipapangako sa iyo na ang bawat alaala sa aking piling ay magiging espesyal.
Sapagkat sa likod ng matatamis na salita ay ang pagkukubli ng masamang hangarin.
Hangarin na ika'y saktan.
Hangarin na sa bawat pangakong binitawan ay walang matupad.
Hangarin na iwanan ka'ng nag-iisa.
At hangarin na mag-iiwan sa iyo ng bakas na magdudulot ng iyong pagkahina.
Hindi ko man maipangako na hindi ka saktan,
Ang aking saloobin sa iyo ay totoo at walang bahid ng kasamaan.
Hindi ko man magawang makapunta sa iyong tabi,
Nakasisiguro ako na makararating sa'yo ang aking alab na damdamin.
Marthin May 2019
Oh magandang binibini, ako’y lubos na nagagalak dahil sa ating mga mumunting palitan ng mga mensahe. Kahit na ito’y di masyadong impormatibo, ako’y lubos na nasisiyahan sa ating mga pinag-uusapan.

Oh binibini, ang bawat ngiti na iyong pinapakita ang siyang nagbibigay sigla sa matamlay kong araw. Ang iyong mga tawa ang siyang nagsisilbing musika sa aking mga tenga, na walang kapantay sa tinig at ganda.

Kahit na sa kakaunting panahon na tayo’y nagkilala, para na kitang kaibigan na kay tagal nang kilala. Ang bawat palitan ng mga letra’t salita ay may kasamang pagmamahal at tuwa. Kaya ang mga salitang ito’y kusang lumalabas sa aking dila.

Oh binibini, nawa’y mapansin mo ang mga problema na dulot mo, sa pagka’t gabi-gabi nalang ako’y di makatulog pag na-aalala ang mga ngiti **** sintamis ng preskong bino at ng mga titig **** kasing init ng siling labuyo.

Nawa’y sa pag idlip mo’y mapaghinipan mo ako, ng ako rin ay makadayo sa mundong tayo lang dalawa ang nandoon. Kung saan malayo tayo sa mga mata ng di nakakaintindi, at sa mga salita ng di nakaka-alam.

Oh binibini, lagi mo sanang tandaan, na kahit saankaman ay laging nasa sayo ang puso ko. Na kahit bagyo ma’y dumaan at mga lindol ay maranasan, na ang pagtingin ko ay laging sayo lamang.
A deep tagalog poem
“Binibini”
Para sakanya na nalubhasa
Sa pagibig sakanya ay nilathala
Tila awit at  tula na isinulat sa prosa
Nais ng binibini ibahagi sinta
Ngunit mas nabighani ka sa babaeng dinaan sa ganda
Hindi sa pagibig na kaniyang isinulat pa sa pamamagitan ng kanta at tula

Para sa binibining sinugatan ng patalim
Hayaan **** humilom ang sakit at pighati
Mahalin mo ang sarili at hayaang tahiin ang sugat na malalim  kahit na mahapdi

Para sa binibini’
Patawarin mo na ang sarili
Sa nakaraang tinatakbuhan mo lagi
Para sa binibining napaka ganda ng ngiti
Hayaan **** yakapin ka ng ginoong binigay sayo ang tala at langit
At ang halaga na sayo ipinagkait

Ang tunay na ginoo ay darating
Katulad ng sinta ni maria clara’y makakamit
Hayaan mo na sila at pusoy patahanin
Isara ang mga mata sa mga taong
Hindi kayang manindigan sakanilang salitang tila isang papel na punit punit

Binibini ikaw nay magpahinga
Hayaan **** maramdaman ang pagiging prinsesa
Dahil hindi ka sundalo upang ipag laban
Ang isang duwag na ginoo
Na nag tatago pa sa saya ng kanyang ina

Magpatuloy ka sa kanta at tula
May isang nag bubukod tanging ginoo ang sisilip sayong halaga
Makakakita at dinig sa ritmo ng kantang tinutugtog at inaawit ng may magandang himig at tugma
At siya ang mag sisilbing gamot
Sa mahapding sugat na dulot ng maling pag ibig na ibinigay ng ginoong hanggang salita

Ginoo ni maria clara , ikaw sanay bumalik.
Nakalimutan ka na ng kabataan ginagalawan
Ng hinirasiyong mapang akit
Ang mga maria clara ngayon
Ay umiiyak dahil sa paglisan ng ginoong
Tunay , at siyang nag iisang nagpaka lalaki sa mundong puno ng batang pag iisip.
Joseph Floreta Oct 2016
Binibini, saakin
Iyong sabihin
Wag ma windang sambitin,
Mga luha sa 'yong mukha
Ito'y papawiin,
Binibini, wag ka nang umiyak,
Kakantahan nalang kita
Nang mga awiting
Sayo'y mag papangiti.
Binibini wag ka nang umiyak,
Mga luha sa iyong mukha,
Ito'y papawiin
Wag ka nang umiyak,
wag ka nang umiyak,
Wag ka nang umiyak..
#AsongforYou #tears #Cry
Maria Navea Mar 2019
Naaawa ako saiyo, Binibini
Karumaldumal ang pamamaslang na iyong sinapit
Luha mo’y nagpaparamdam ng hapdi
sa pag tulo nito sa iyong mga pisngi.

Ginahasa ka ng sarili **** pinuno
Minulestya ka at pinagsamantalahan
Ibinenta ka sa banyaga na parang isang bayaring babaeng matatagpuan mo sa daan.

Ninakawan ka ng sarili **** tagapaglingkod
Binigyan mo na ng palay at lupain
Ngunit ang hindi na para sakanila’y nagawa pang angkinin.

Pamilya mo’y nagawa kang saksakin sa iyong likod
Sa kanilang pananahimik at hindi pagkinig
Sigaw **** “tulong”, sa lakas ika’y nawawalan na ng tinig; at
Sa pananatili nilang pagpikit sa mga karumaldumal na katotohanang sa harapan nila’y nakahain.

Ipagpaumanhin mo ang mamamayan mo, Binibini
Tao mo’y masyadong nasilaw sa kayamanang iyong binahagi
Pasensya ka na at sila ay naging makasarili
Hindi nila inisip ang dulot nilang hinagpis.

Binibini,
Sa kahit anong gamot ang iyong ipahid sa mga sugat **** natamo
Malinaw na hustisya ang sigaw ng puso at isipan mo
Hustisyang malabo mo nang maabot
Sapagkat tunay kang hindi inibig ng tao
Kundi ginawa ka lang instrumento sa pagkamit ng kanilang makasariling plano.
Binibining aking minimithi, sana'y maging masaya ka sa huling araw nating magkasama,
sana'y ipagpatuloy mo ang iyong pagkamasayahin at palangiti,
dun pa lamang ako'y labis nang masaya kahit ika'y may kasama ka nang iba.

Binibini, sana'y wag kang maawa sa aking pagsuko at pagkabigo sa pag suyo sa iyo.
Dahil sa sandaling nagtangka akong ligawan at pangitiin ka ako'y iyong napasaya nang makita kang nakangiti at masaya nang dahil sakin.

Binibining aking minimithi, ako sana'y iyong patawarin kung minsan ako'y nakakainis na, sana'y maintindihan mo na ikaw lamang ang nagbibigay kulay saaking araw na matamlay at tila walang kinabukasan.

Binibini, sana'y malaman mo na ako'y magiging ok pag dating ng panahon.
Ang hinihiling ko lamang ay ang iyong kasiyahan na sana'y matupad, dahil alam ng lahat na, ang nararapat sayo ay ang kasiyahan sa mundo.

Paalam.
This is my native language so yeah I'm filipino <3
John AD Feb 2019
Mari , Maaari ko bang sabihin ang aking nadarama?
Mariposa sa himpapawid na dumapo sa aking mga pluma,
Ako'y nagdurusa , Labis na kalungkutan ang nadarama
Masyado tayong nagpadalus-dalos,At di alam kung saan papunta

Nagdurugo ang aking puso,Pinapaslang ang aking utak
Kakaisip sa mga bagay na hindi matuka ng Uwak , Dahil
Pagod pa din ako kahit nakatulog na , Di nga kita makausap
Ako'y Takot pa

Na Malaman **** , kelangan ko munang magpahinga,
Hindi naman lilisan,Nais lamang ipaalam na
Pagod na pagod na ang isip ko tuwing kausap ka
Hindi parin kasi kita maipinta

Ako'y hindi sanay sa mga bagay na ika'y napapakalma
Marahil di mo ko maintindihan , Yun talaga ang totoong kulay ng aking pluma
Hindi rin kasi ako masaya tuwing nakasimangot ka
Malungkot din ako kapag malungkot ka

Pero wala naman akong magagawa ,
Tikom lang ang aking mga bibig
Limampung Beses iniisip
Ang mga bagay na makakapagpabago ng iyong mga himig

Wala akong kakayahang makipagtalakayan
Magkaiba kasi tayo ng kapaligiran
Sana'y mauwanan mo naman ang aking nararamdaman
Masakit man ang mga nasasabi ko ,Mas masakit ang magbulag-bulagan

Dahil ayaw ko ng magsinungaling sa aking mga nararamdaman
Baka humantong lamang ito sa isang malaking kasinungalingan
Hangga't maaga , nais kong ihatid ang mensaheng ito
Upang iparamdam sayo lahat ng aking nadarama

Mari,Mariin ang sakit ng bawat letra ng aking inilathala
Bagkus ito'y magiiwan ng marka at sa pag kislap ng mga tala
Nais kong dalin mo ito at magsilbing payo ko sa iyong pagkatao
Ngunit huwag mo kong kalimutan dahil naging parte ako ng buhay mo

Mari,Marilag na binibini sana ako ay mapatawad mo
Sa hakbang na ginawa ko , Sa bagay na magiging sanhi ng kalungkutan mo,
Hindi pa naman ako mawawala bilang kaibigan mo
Basta't Huwag mo rin kakalimutan kung sino ako .

(Ang nais ko'y manatili ang ating pagkakaibigan,
Ngunit kelangan ko ngayon ng oras para sa sarili ko)

(Mari,Pagod pa ang aking isip
At Patuloy paring nananaginip
Regalo sa akin ang ating pagkakakilanlan
Itinago ko nga lahat ng iyong payo dito sa aking Isipan)
Ang pag-iyak ng mga dahon  sa bukang-liwayway  ay pinapawi ng init ng pagsikat ng Araw,At maglalaho sa Dapithapon , At Maaring magiwan ng marka padating ng Takipsilim...
Ang apat na yugto ng oras ng panahon ay nagsisilbing instrumento ng aking pagkatao... at pagkatao mo..
Sundan mo ang pagsikat ng araw ! at huwag na huwag **** papakiramdaman ang presensya ng kadiliman...
Elmo Cross Sep 2018
Ako'y hindi makapaniwala
Sa mga iginuhit ng mga tala
Dahil sinong mag-aakala
Na ikaw ay aking makikilala

Ikaw ang babaeng nagpatibok
Sa aking pusong patay
Sa ngalan ng pag-ibig ako'y lumahok
Ang kalaban na si tadhana ang naghihintay

Bagamat ako'y isang normal na tao lamang
Umiibig sa isang diyosang kay ganda
Ano ba ang aking kailangan
Upang ika'y aking makuha

Maaaring ito'y pagibig na walang patutunguhan
O di kaya ay pag-ibig na may katuturan
Ano man ang aking maging tadhana
Ang ibigin ka ay aking ikararangal

Kaya Binibini, ikaw ang aking minimithi
Kamay mo ang aking nais
At kung ako man ay magwagi
Pangakong ikaw lang ang magiging irog hanggang sa huli
Para kang diyosa sa ganda. Kahit kailan ay hindi ako nagsawa sayo binibini. Hi G!
Jasper Jul 2019
Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa
Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa
Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito
Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko

Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa
Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa
Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga
Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka

Kung ano man ang nais na hilingin
Handa akong ito'y tanggapin
Kahit na magpakatanga sa lahat,
Ng pagkakatao'y aking gagawin

Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita
Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa
Handa naman akong maghintay sa isang tabi
Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini

Ikaw ang tanging lakas
Sandalang walang wagas
Para bang ako'y tinamaan ni kupido
Ang puso ko ay lagi ng ganado

Isipin man na ako ay nambobola
Isipin man lahat ng 'to sa umpisa
Isipin man na agad mabalewala
Isipin man na maloko sa salita

Hindi ko gagawin ang panloloko
Na ginawa sayo't pang-uuto
Mananatili lang akong nakagabay sayo
Handang pasanin pati lahat ng problema mo

Laging nakatitig sa maganda **** mga mata
Lahat ng pagod ay agad na nawawala
May mga bagay na madalas kuntento na
Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa

Patawad kung madalas ako'y madikit sayo
Patawad kung masyado akong makulit sayo
Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko
Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako

Salamat kahit wala kang ginagawa,
Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na
Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin
Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain

Nagdadalawang isip ka pa ba?
Seryoso ako, mahal na mahal kita
Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka
Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.
deadwood Oct 2017
Hindi minsang naisip ng aking munting ulo na ika'y darating sa aking buhay.

Araw-araw nakikita kita mula sa pagpasok mo sa paaralan, pag-akyat ng hagdan, at paglagay ng bag sa ilalim ng upuan.

Araw-araw ako'y napapaisip, kung ano ba't lagi kang tahimik, laging malamig ang hangin, at laging tulala ka sa papel mo na walang laman kahit sulat man o doodle.

Ano ba?

Kung sa tingin mo ay nagkakagusto ako saiyo ay hindi ka nagkakamali ngunit hindi ka rin tama.

Binibini, ako'y nangangamba kung ano man ang nasa isip mo.

Sa unang tingin pa lang ay makikitang hindi ka pangkaraniwang estudyante.

Ikaw yung tipong hindi magsasalita kahit na nahihirapan, yung tipong hahayaang magpasakal sa taong kaniyang iniibig, yung tipong kagaya ko.

Araw-araw tinatanong ko ang Panginoon at sarili kung ano ba't nakita kita at nakilala?

Hindi ako nagkamali, katulad na katulad mo nga ako.

Katulad mo akong ayaw bumitaw sa patalim ng pag-ibig kahit na paulit-ulit na itong isinaksak sa aking puso.

Katulad mo akong gagawin ang lahat maibalik lang ang nakaraan kahit na matagal na niya akong itinakwil at iniwan.

Katulad mo akong malungkot na nagmamahal araw-araw.

Kaya, binibini, sana'y makaabot sana saiyo ang mumunting mensaheng ito mula sa wasak kong puso:

Mahalin mo man siya o oo, mamahalin pa rin kita araw-araw.
kingjay Dec 2018
Mapupulang mga labi, nakakasilaw niyang ngiti
Sa mapupungay na mata, panahon sana'y bumimbin, mapipigilan
Ngayon ay magkalapit
Mala- porselana niyang kutis,
sa pantasiya lang binibini, gagawa ng pamagat

Sa palasyo, mahal na prinsesa
ang pag-uusapan ay ang mga hilig at libangan para magsaya umabot sa buwan
Doon ang imumungkahing kasal
Pahabaan ang oras ng pagtanda o mamalagi sa kasaysayan

Natandaan pa noong nasulyapan
Naging matiyaga na pinagmasdan
ang kaaya-ayang katangian
Hinintay sa bawat araw upang muli makita
Nalapnos na ang higaan pero buo pa ang pagkaalala ng kanyang mukha

Bughaw na kaharian ay itinayo sa kaitaasan
Kumalat ng karangyaan
Sa lawiswis ng kawayan
Sa mga bunga ng iba't ibang halaman

Bumaba sa trono ang espera
Ito'y hindi nagustuhan
Ang naganap ay parang katwiran na lumubog at di nasabi
Saglit na nabaghan, sa huli'y nangisay
Salome Sep 2015
Sa bawat paggalaw ng iyong kamay
Sa bawat paghampas ng kulay mula sa iyong kaluluwa
Tila nilalason ang isipan ko
Sinasabing kay ganda ng lahat ng mayroon sa’yo

Hindi maikukubli sa aking mga salita
Ang paghanga sa lahat ng kung sino ka
Nangingislap ito mula sa ilaw
Na nanggagaling mula sa pagkatao na pagmamay-ari mo

Umaalab ka ngunit hindi mo pansin
Mapapaso ang sinomang lalapit sa’yo
Ngunit pipilitin nilang mahagkan ka
Sapagkat ikaw ang katuparan ng pangarap nila

Pinutol mo ang sarili **** mga pakpak
Kaya naman hindi mo naaatim
Ang yaring tayog na iyong taglay
Kung makakalipad ka lamang sana

Likas sa’yo ang nais mo
Kumakatok ako’t nakikiusap
Gumising ka, marikit na binibini
At kamtan mo ang matagal nang nasa iyo
Written in Filipino, my Mother Language.
Basically tells you that what you want is already innate in you. You just have to realize it.
Jowlough May 2016
Dumaan saglit sa bilihan ng damit
Kahit sakto ang dala ay aking pinilit
Pagkat pawis ay malala dahil mainit
Sa pagkikitang ito lahat ay sulit.

Sa harap ng salamin maiging sinipat
Kung okay ang buhok at marapat
Konting talsik ng pabango sa kwelyo
Hindi muna ko maninigarilyo.

Upang ako'y perpekto sa pagdating
Lahat ay maayos sa iyong paningin,
hinahanap hanap ang 'yong awitin
Ng boses **** maliit ako'y bitin.

Nagmamadali at baka mahuli
Ayokong maghintay ka aking binibini
Kahit hasel sa lahat basta dumating
Sinira ang ipon para may pang sine.

Kamusta ka na? Kumain ka na ba?
Unti unting pinaplano ang sasabihin.
Sa paglalakad ako'y napapaisip
Ano ang uunahin, saan papupuntahin

Sa di kalayuan aking nakita
Maamo at maaliwalas **** mukha
Sabay nagising sa katotohanan
Sa noo ko ay biglang pinawisan.

Nang biglang nauntog sa totoo
Na ito ay panaginip lamang
Hawak ang lakas ng loob
Napalunok at parang..

Nabilaukan sa pagkakita
Sa kamay **** may humawak
Sa di bandang kalayuan
Pumatak ang luha ng uwak

At sabay bati ng kamusta
Habang hagkan ka at yapos
Ako ay kinakain ng sistema
Ng matinding pagseselos

At binalewala ang pagpapakilala
Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan
Sigaw ng puso'y nagaklas
Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
Kael Carlos Jun 2018
Simulan natin sa katapusan nang taon,
Naging dahilan nang araw-araw kong pagbangon,
Naalintana ang palagiang paglamon,
At uminit ang Pasko nang kahapon.

“Napakaganda nang buhok mo”, aking bati,
Para sa minimithi kong binibini,
Pagmamahal mo’y sa akin’y biglaang sumapi,
Noon ko ipinagdarasal na makita kita’ng parati.

Humingi nang payo kung kani-kanino,
Upang manatiling aktibo’t ‘di mablangko,
Bagama’t ang kinauukalan mo’y malayo,
‘Di nagtagal, nagkaroon na din nang “tayo”

Araw-araw magkausap simula noong ikalabing-walo nang Enero,
Nagpatuloy hanggang Pebrero pati Marso,
Kadalasang naiisip kapag nag-iisa sa kwarto,
Hanggang sa eskwela, daanan, lansangan, lungsod, barangay’t baryo.

Naputol man ang ating koneksyon,
Hinding-hindi ka mawawala sa ‘king imahinasyon,
Ipinagbawal man upang turuan nang leksyon,
Sa araw-araw ang pag-ibig mo’y aking binabaon.

Pinaghigpitan man’y iginagalang ko
Ang desisyon at pagmamahal nang mga magulang mo,
Sa ika-dieciocho ka pa daw pwedeng magka-novio,
Nag-atubili, sumagot ako nang “opo”.

Lahat daw nang inaantay at pinaghihirapan,
Ay mayroong napakalaking kahalagahan,
Kahit alinma’y sakit ay aking ginampanan,
Upang sumunod lamang sa natatanging kasunduan.

Kaya nandito ako ngayon,
Na may pagmamahal at may mga pagtitiis na naipon,
Nanabik sa pangako nang kahapon,
Sa pangakong uuwi ka sa iyong selebrasyon,

Ngayong ika-siyam nang Pebrero,
Nais kong malaman mo na pag-ibig ko sayo’y ‘di magbabago,
Nag-intay, nagtiis, nahirapan, ngunit ‘di napagod,
Dahil umaapaw ang pagmamahal mula labas hanggang ubod.
Ika-labingwalo
Eugene Aug 2017
Saglit lang ang ligawang nangyari.
Wala ngang isang buwan nang puso ko ay nadali.
Magkagayunpaman, nakaramdam ako ng sigla kahit na sandali,
Pintig nitong aking puso ay hindi kailanman nagkamali.

Dama ko ang bawat silakbo at mga pighating iyong hinabi,
Nang magkuwento ka kahit pa umabot tayo ng hatinggabi.
Tuwang tuwa ako dahil tiyan ko ay napuno yata ng tutubi,
Para kang mahalimuyak na nektar na sa akin ay kumikiliti.

Pagmamahal ko sa iyo ay tumindi nang tumindi,
Para kang apoy na kapag sinindihan ay lumalaki,
Kagandahan at talino mo ay labis kong ipinagmamalaki,
Katulad mo para sa akin ay karespe-respeto, aking Binibini.

Mahigit isang taon din akong iyong napapangiti,
Pero bakit ngayon ang puso ko ay nagdadalamhati?
Wala bang saysay ang lahat ng aking mga sinabi,
Na higit kailanman ay minahal kita kahit may gatas ka pa sa labi.

Kahit labis akong nagdamdam at nasaktan ay nagagawa ko pa ring ngumiti.
Kahit hindi mo na ako pinapansin, pilit pa rin kitang iniintindi.
Kahit ang layo ng agwat natin sa isa't isa, ikaw pa rin ang aking pinili.
Kahit ramdam kong ang pagmamahal mo sa akin ay umiiksi, tiniis ko ang pighati.

Kaya, ako na ang magtatapos sa pag-ibig nating hindi na puputi.
Ibabaon ko na lamang sa limot ang lahat ng alaalang namutawi,
Kahit madurog pa ang puso at isipan ko sa kakahikbi,
Hindi na maibabalik pa ang tamis ng kahapong tayong dalawa ang humabi.
kingjay Aug 2019
At sisimulan sa pag ani
ng mga ala ala
Magtatagpo sana sa dalampasigan  kung saan dumadampi ang mahalumigmig na hangin
Dapuwa hindi giginawin

Nakatalukbong ang isang binibini
Mga kanyang  salita'y tumaktak sa wari
Sapagkat hindi maisabi
O hirang hindi kailanman naging makasarili
Ang pag ibig minsan kailangan bumaba ang Hari

At ganap na  hari sa luklukan
Walang makapagpapatalsik ni anumang may buhay
Wala rin isinilang sa mundong ibabaw
ang makapagpahabag

Ngunit ito ba'y kahantungan ng lahat
Ang pinalad na maging reyna ibang palasyo binagtas
Magdiwang na ang lahat
Ano ba ang magagawa sa Maharlikang angkan

Ngayon ay tumatanda kasabay ng panahon
At naging kadena ang mga matamis na kahapon
Ang samyo ng bukid ay parang usok na sanhi ng pagkahika't hapo
Jose Remillan May 2016
Itinaboy ako ng hiraya sa pusod ng
Iyong pag-iral. Anupa't taal kang
Binibini ng kahulugan at nahulog na

Damdamin.

Hindi ba't kanina lang dinuyan ako ng
Malamyos **** tinig, habang sinasagwan
Ko ang lalim ng iyong alindog at lawak ng

Pusong handog?

Saglit tayong namanata sa takip-silim,
Isiniwalat ang hindi makita ng paningin,
Ang hindi maunawaan ng damdamin.
Paumanhin sa aking sasabihin dahil ito'y paalam na,
Paumanhin dahil ika'y masasaktan sa pangyayaring magaganap,
Paumanhin dahil sa kabila ng ating mga pinagdaanan ika'y iiwan ko na,
Paumanhin dahil sa bawat ngiting ating pinagsamahan ito'y mababahiran ng lungkot at poot,
Paumanhin dahil ang tayo ay magiging ikaw at ako na lamang,
Paumanhin dahil ang dating tayo'y hindi na muling babalik,
Paumanhin dahil noong nagging tayo ay nasabi kong hinding-hindi kita iiwan, na ikaw ang para sa akin,
Paumanhin dahil ika'y makakaramdam ng matinding sakit sa aking pag-lisan at wala ako para ika'y hagkan at yakapin at masabing andito lang ako,
At ngayong patapos na ang aking tula nais kong humingi ulit ng paumanhin dahil ako'y magpapaalam na,
Hindi ko man mabigyan ng maayos na rason o paliwanag ang aking pag-lisan nais kong sabihin sayo na totoo ang lahat ng nangyare sating dalawa, ang bawat yakap, halik, halakhak maski ang ating pag-iyak ay totoo,
Paalam aking binibini.
This a goodbye poem in my local language Filipino
Taltoy Nov 2017
Di pa alam anong mangyayari,
Sa planong pinag-isipang mabuti,
Ano kaya ang magiging bunga,
Ng aking mga huling pahina.

Saan kaya aabot ang aking mga tula,
Tatagos kaya sa puso mo ang damdamin kong ikinubli,
Mararamdaman mo ba ang emosyon sa likod ng 'king tinig,
Makakaabot kaya sa iyo aking binibini.

Ang mensahe ko sana'y sapat,
Magbunga sana ang aking pagkamatapat,
Panalangin ko lamang na sana di maging salat,
Ang laman nitong mga huli kong sulat.

Kaya bahala na, bahala na,
Bahala na ang Maykapal sa huling kabanata,
Bahala na ang panginoon sa katapusan,
Pati na sa darating na kinabukasan,

Nitong kwentong nangyari nang di inaasahan.
Dahil di ko alam kung ang desisyong ito'y tama ba.
Elmo Cross Jul 2018
"Nagsisi ka ba na nakilala mo ako?"
Ito ang sinabi mo sa akin habang ika'y nagkekwento
Tungkol sa iyong pagkatao
Na tila ayaw na ayaw mo

Sinabi mo na hindi mo gusto ang iyong sarili
At inamin **** wala kang ipagmamalaki
Di mo lang alam na hindi ito totoo
Sapagkat nakita ko na ang tunay **** pagkatao

Ikaw ay namumukod tangi
Isang bituin na tila umaawit
Naiiba sa ibang tala
Nagniningning na parang gantimpala

Aking pag-ibig ay hindi ko masabi
Sapagkat alam kong ako'y mayayari
Kaya sa simpleng puri ito'y sinisingit
Ang aking patagong pagibig sa iyo O! Aking langit

Ngayon man ay hindi ko mabigkas sayo binibini
Balang araw ay aking ring masasabi
Na ikaw ang taong gusto ko
Personalidad mo, binighani ako
Another tagalog poem for the person I like the most but hates herself. Ano ka ba, hindi ko lang masabi pero para sa akin nasayo na ang lahat. Walang labis, walang kulang tulad ng pag-ibig ko sayo sinta.
kingjay Jan 5
Sa kanyang himig ako'y nahahalina
Magkasintunog ng mga ibong malaya
Umiindayog sa puso ko't pagsinta
Misteryosong dilag, sino s'ya talaga?

Sa tuwing napapanood 'y anong ganda
Mata'y matimyas na tala sa umaga
Tanglaw sa daigdig na puno ng hiwaga
Liwanag sa bukang liwayway 't hiraya

Manipis ang labing kakulay 'y makopa
Malamyos ang tunog ng bawat salita
Halik ng anghel ang dapyo ng hininga
Halimuyak ay buhay, di nawawala

Kahit panlalaki ang gayak at porma
Na kanyang ginampanan sa prima donna
Munting lawiswis na lupaypay 't mahina
Nang lumaki'y diwata sa encantadia

Ang isip ko ay kinabig 't kinawawa
Ginapos nang mahigpit ng kanyang drama
Madalas ay namumugto ang mga mata
Kapag nasisilayan s'yang lumuluha

Huwag sana pabugso bugso't pabigla
Ang tibo niyang pangungusap at banta
Sapagkat nababagha't natutulala
Damdami'y pinamumugaran ng kaba

Sa kumpas ng mga kamay ay humahanga
Isang paraluman na ang kiyas 'y siga
Hudlum sa kanto na mahal ang pamilya
Pinakamatapang na lahing Claveria

Sa likod ng pagganap ano nga ba s'ya?
Sapantaha ko ay magalang na bata
Binibini at dalagang Filipina
May puring Perlas ng Silangan ng Asya

Lingid sa kamalayan nang napahanga
Sa kanyang angking galing bilang artista
Dagdag pa ang sayaw n'yang mala-prinsesa
Sa makabagong tinikling, siya'y reyna

Araw 'y nakahilig sa katanyagan n'ya
Harap 'y pangarap na sinasalubong pa
Hiyas s'ya sa mundo na walang kapara,
Kumikinang at nagbibigay pag-asa
Kenn Dec 2019
6:40AM...

Oras.
Oras.
Oras...

Panibagong oras ang dumating,
Ngungit di parin nagbabago ang aking hiling,
Unang sulat ng taon,
Parang tubig na umaalon.

Sa sobrang lakas nito,
Ako’y tinamaan sayo.
Tinamaan sa bawat memorya,
Na hinahanap hanap kung nasaan ka.

Mga memorya kung saan bago,
Na alam kong ako’y hindi matatalo.
Pumasok ka pa lang sa buhay ko,
Duon pa lang panalo nako.

Di alam ang mga salita na bibitawan,
Sa sobrang pagmamahal na nakasanayan.

Isa lang ang masasabi ko,

Sa’yo ko lang nakita ang tunay na pagmamahal
na punong puno ng aking dasal.
Na alam kong lahat ng ito ay hindi panaginip.

Maligayang Bagong taon aking Binibini!

Oras na para patunayan kung ano nga ba ang pagmamahal.
Notes of K (1/366)
Elmo Cross Aug 2018
Pumasok man sa bagong paaralan
At may mga bago nang silid-aralan
Magkaroon man ng mga bagong kasama
Ikaw pa rin ang gusto kong makasama

Dumami man ang mga magagandang binibini
At magdagsaan man ang mga babaeng nakangiti
Ikaw lang ang gusto ko
Wala nang iba o mahal ko

Lumayo man ikaw sa aking piling
At magiba man ang iyong 'feelings'
Ikaw lang ang aking mithiin
Magpakailanman, aking hihintayin

Pero kung sakali man ito'y mangyari
Na ika'y magkagusto sa ibang lalaki
Di bale na, ikaw pa rin ang aking mahal
Ang panalangin ko sa may kapal

Kung ako man ay umuwi'ng talunan
Dahil sa  pagibig na walang katuturan
Ako pa rin ay magluluksa at magdarasal
Na baka sakaling ako naman ang maging iyong mahal
Ikaw pa rin ang gusto ko.
Paulo May 2018
Sayong paglalakad sa kalagitnaan ng daan ika'y nakita
Mga mata **** mapungay at mukhang **** maamo
Posturang natural at ngiti **** hindi nagbabago
Na para bang lagi akong tinutukso

O bakit ka ganyan, binibini?
Para bang sa 'yong mga mukha ay walang problemang namumutawi
Kada salubungan ng ating mga mata ay talaga namang pagod ko ay napapawi
Nagsusulat ako ng bigla kang dumaan saking harapan

Ako'y napatingin at napahinto sa aking lugar na ginagalawan
Para **** niyanig ang mundo kong tahimik
Puso kong parang gustong muling umibig
Handa kong ika'y haranahin at gawan ng isang awit

Ngunit paano pala kung puso mo ay meron ng nag mamay-ari?
Mga bagay sa aking isipan na nawari
Hanggang tingin nalang ba ako sayo
Kahit na parang ako'y pinana na ni kupido?

Handa akong sumugal malaman mo lamang na ang pag ibig ko ay tunay
Nais mahagkan ka at mapakilala saking Nanay
Mga mata kong kislap ay talaga namang tunay
Kaya sana hayaan mo kong iyong buhay ay bigyan ng kulay

Magpapakilala ako sayo ng walang pag iimbot
Irerespeto ka kahit magsuot ng maigsing saplot
Unang hakbang ng puso mo'y maabot
Ihahatid sundo sa inyo pag uwi sa tahanan
Hindi ka hahayaang mabastos ng kung sino sa daan

Liligawan pati iyong mga magulang,
Nangangako sa magandang intensyon at hindi magkukulang
Sa Itsura man ako'y salat
Akin nalang ibabawi sa matatamis na sulat at ugaling tapat
kingjay Jan 2019
Isang araw na nang naulila ay hindi lumalabas ng kwarto
Sa kulungan pinagdudusahan ang kasalanan - ang mahuli sa pagkagising at nang hindi nabantayan hanggang sa pagtilaok ng mga manok para matiyak ang kaligtasan

Nagdalamhati ang nagtipon sa misa ng patay
Tuyong lupa ay nadiligan ng luha nang ibinaba ang kabaong sa ibinungkal na lupa
Ibinaon ang pagdaramdam pati ang pagsisi sa kasarilihan

Huling mga salita ay sariwa pa sa pandinig
"Agosto, buwan na madalas dalawin ng bagyo"
Ang papel na kinuha ay siyang rekwerdo
Ama na nagpalaki ay huwaran sa mga pamilya

Labing isang taon inalipin ng pag-ibig
At sa kanyang pagbalik panibagong bukang-liwayway sa marahas na buhay ay tumingkad
Ganap ng abogado - Reyna ng kanyang pangarap ang binibini

Nang sinadya na dumaan sa kanyang bakuran
Nakita sa bintana, isang manliligaw kasama ang buong angkan
Hinayaan ang pagmamahal na maghintay
Datapawa't may mali sa natatanaw
Hindi na masiyahin ang dilag
1 Siboloria – ang lupaing ito ay ipinangalan
Sa dalawang magkasintahan

2 Si Sibo ay lalaking makisig
Si Loria ang babaeng iniibig

3 Si Sibo ay anak ng hari’t reyna
Si Loria ay supling ng aliping dukha

4 Una silang nagkakilala
Habang prinsipe’y nagmamasid sa mga magsasaka

5 Natapilok ang binata
Sa bandang pwesto ng dalaga

6 Pumaibabaw ang lalaki
Sa natumbahang binibini

7 Parehong napahiya’t namula
Nang mapatitig sa isa’t isa.

-06/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 127
Sa simula't sapol, sa kuwento
lamang ng matatanda,
sa pelikula at mga takilya
doon lamang ako
nag-papaniwala.

Talastas ng isipan,
hindi ito makatotohanan.
Ngunit sa likod
ng aking isipan,
naroon ang munting katanungan.
Totoo nga ba
o sadyang kathang
isip lamang?

Hindi nag-papaniwala,
hanggang sa hindi ito nakikita.
Pagkaka-tanda ko'y minsan
akong humiling at matulin
naman itong dumating.

Hindi makapaniwala,
halos nanlaki aking mga mata,
isang diwata tugon
na mula puso, di mawari,
napalukso ito sa tuwa.

Tila inagaw **** lahat
ng liwanag at sa likuran
mo'y napakalibot.

Dumarating ka mula
sa mga ulap
at pagdaka'y isang binibini,
tumambad at sa akin
ay pumukaw.
Tunay at totoo
pala ang Diwata,
at yun nga ay ikaw!

Diwata ka sa aking paningin,
ano pa ba ang aking hiling?
Minsan ako nangarap
at nanalangin,
sana may enkantadang
handang magpa-angkin.

Nakakatunaw ka sa mata,
pagkat walang kasing
tulad ng iyong Ganda.

Di masambitla, mga salita
ko'y ayaw ngang lumabas
sa kanilang mga lungga,
kaya narito na muna
ang aking tula.

Ano pa't pupurihin
na lamang muna
kitang pansamantala,
ililihim na muna
ang mga kataga at
sa aking mga mata
ko na lamang muna mababasa.

Diwata ka sa aking paningin.
Pananambitam, dalangin
at hiling na sa munti
kong paraiso, sana'y doon
mo piliing manahan,
gawin **** iyong engkantadia
at handang pasakop sa
lahat ng iyong kagustuhan at nasa.

...Handang paalipin
at magsilbi, basta't ikaw
ang siyang laging aking kapiling...."
1 Ang mag-uuling na si Alyna
Bahid man ng itim, ang kutis sutla

2 Ipinaglihi sa labanos itong binibini
Kaya ang balat ay napakaputi

3 Subalit mukhang hindi bagay
Kung saan siya nakalagay

4 Araw-araw nagsisiga
Ng mga kahoy at sanga

5 Nagbabagang kahoy hinihintay
Na ang apoy ay mamatay

6 Iyon ang tanging kabuhayan
Nitong dalaga ng silangan

7 Tuwing dapit-hapon
Mga uling pinupunpon.

-07/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 169
1 Mayroong isang liblib na lambak
Na kung tutunguhin ay ikapapahamak

2 Ng mga sawing-palad na kalalakihan
Kahit lamang mapadaan

3 Kalupaang sa punungkahoy mayabong
Naglipana ang mga patibong

4 Gawa ng mga binibini
Upang manghuli ng mga lalaki

5 “Amazona” sila kung tawagin
Dapat silang katakutan at galangin

6 Sinumang magtangkang mangahas
Ibubuhos ng mga Amazona bangis at dahas

7 Kaawa-awa kang lalaki ka
Kung padadakip ka sa kanila.

-07/22/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 180
Justine Jade Jul 12
Aking binibini
Nagaantay na ang probinsya sa iyong yakap at halili
Pukawin mo ang himbing lupang sabik
sa iyong pagkalinga at serbisyong mapitik

Ngunit kung ikaw man ay hirap na
Nandito lang ako
Ang iyong magiging kwarto
Pupunasan ang stress at anxiety mo

Matulog kana ng mahimbing
Pagkat bukas sa liwayway ay syang pagsibol ng hangin
Unahin mo muna ang iyong nasasakupan
Bukas makalawa ay ako naman.
this was a personal dedication for me and I decided to upload it here because it matters

— The End —