"binaling" poems
Sa apat na sulok ng kwarto,
sa sarili lang na kwento
sakit na na engkwentro,
buhay na sayo lang sinentro.
Kaya pa bang tupadin
ang pangakong hangarin
na ako lang ang iibigin
na sakanya pa rin binaling.
Jul 8, 2019
Jul 8, 2019 at 5:02 AM UTC
May oras na kailangang maninidigan
Kailangang basagin ang katahimikan
Dahil minsan, ang pananahimik ay walang buhay na naliligtas
Parte ka ng pumaslang sa inosente
Parte ka ng yumurak sa pagkatao n’ya
Pero ang sabi mo,
“wala ka naming ginawa”
Pero nanahimik ka lang
At binaling ang tingin sa kabila
Tama ka
Namatay sila,
At marami pang ibang susunod pa pero
Wala
Kang
Ginawa
Jun 8, 2022
Jun 8, 2022 at 11:14 PM UTC