Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Eugene Mar 2018
Tag-araw na naman at tuwing sasapit ang buwan ng Marso, Abril at Mayo ay malimit pumunta sa isang hindi pamilyar na lugar ang magkakabarkadang sina Potsi, Tapsi, at Seksi.

Ang pagpunta sa baybayin o beach ay nakagawian na nilang gawin taon-taon. Ito rin ang kani-kanilang paraan upang pansamantalang makalayo sa napaka-abalang lugar sa Kamaynilaan.

"Pots, Sek, saan naman ang destinasyon natin ngayong taon? Malapit na ang holy week. Kaya dapat mayroon na tayong napagkasunduan," tanong ni Tapsi.

Tapsi ang palayaw na binigay sa kaniya ng kaniyang magulang dahil paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng tapa na may sinangag. Ang totoo niyang pangalan ay Mateo Paulo Sibucay.

Dahil dalawa lang naman silang lalaki, siya ang may pinakaguwapong mukha maliban na lamang kay Seksi na maganda dahil babae ito. Itinuturing din siyang hunk sa kanilang kompanya sa matikas na pangangatawan nito kahit hindi naman siya pumupunta sa gym.

"Perfect ang Laiya, Taps, Pots! Ano agree kayo?" namumungay ang mga mata ni Seksi nang sagutin nito ang tanong ni Tapsi.

Si Seksi, gaya ng palayaw niya ay kakikitaan naman ito ng kakaibang kaseksihan sa katawan. Malakas man itong lumamon ay hindi naman ito tumataba. Mahilig siya sa mga matatamis at paborito niya ang pagkain ng iba't ibang uri ng keyk. Ang tunay naman niyang pangalan ay Katarina Sek Javellana.

"Basta may mabibilhan ng pagkain kapag nagutom ako, okay na okay sa akin ang lugar, Taps at Sek," sagot naman ni Potsi habang may hawak-hawak na dalawang jolly hotdog sa kaniyang mga kamay.

Kulang na lamang ay mabilaukan ito dahil panay ang lamon nang lamon nito kahit may nginunguya pa sa bunganga. Siya ang mataba sa kanila pero ayaw niyang tinatawag niyang tawaging mataba. Mas gusto niya ang salitang chubby dahil cute daw ito sa pandinig niya. Ang tunay naman niyang pangalan ay Pocholo Travis Sigalado.

"Nakakahiya ka talaga, Potsi. Mabilaukan ka oy!" wika ni Tapsi.

"Heto, tissue o! Sahurin mo ang mga nahuhulog. Sayang din iyang pagkain. Alalahanin mo na maraming mga bata ang nagugutom sa kalsada," sabay abot naman ng tissue ni Seksi kay Potsi.

"Kaya nga sinisimot ko ang pagkain kasi sayang 'di ba?" ngunguso-ngusong sagot ni Potsi habang nagpapatuloy sa pagnguya sa kaniyang kinakain.

"Saan ba ang Laiya, Sek?" ani Tapsi.

"Sa Batangas lang naman siya. Mga isa't kalahati hanggang dalawang oras ang biyahe mula sa Maynila. Set na natin?" nakangiting sagot naman ni Sek habang ang dalawang hinlalaki ay naka-senyas ng aprub.

"Sa Black Saturday tayo pumunta para madami tayong makikitang mga tanawin!" gulat naman ang dalawa sa sinabi ni Potsi at pansamantala pang nagkatitigan sina Sek at Tapsi. Pagkatapos no'n ay nagsipagtawanan sila.

"Agree ako diyan sa Sabado de Gloria. Teka, 'di ba sa susunod na linggo na iyon?" ani Tapsi.

"Okay lang iyon, handa na rin naman tayo palagi e. Kaya walang problema. Sasakyan ko na lang ang gagamitin natin para makatipid tayo sa gasolina," si Potsi na ang sumagot matapos uminom ng mountain dew.

Tumango na lamang ang dalawa dahil alam naman nilang sa kanilang tatlo ay si Potsi ang laging handa. Minsan nga ay si Potsi na ang taya sa kanilang summer outing taon-taon e.

"At kung may problema kayo sa budget, ako na rin ang bahala ha? He-he," tatawa-tawang sabi ni Potsi na ikinatawa na rin naman ng dalawa.

"Maasahan ka talaga, Potsi! Gusto mo order pa kami ng pagkain sa iyo?"

Masayang nagtatawanan ang magbarkada sa Jollibee nang mga oras na iyon dahil sa kaibigan nilang si Potsi. Pare-pareho na rin naman silang may mga trabaho. Kaya wala nang problema sa kanila ang pera.

#TravelFriendsGoals ang motto nilang tatlo. Si Tapsi ay isang Real Estate Broker agent habang si Seksi naman ay isang Fashion Model at si Potsi ay isang Food Blogger. Lahat sila ay iisa ang hilig--ang maglakbay at libutin ang mga natatagong lugar sa Pilipinas.

*

Lumipas ang isang linggo, araw ng Sabado ay maagang umalis mula sa Quezon City ang magkakaibigan. Gamit ang sasakyan ni Potsi na Toyota Revo ay bumiyahe na sila. Si Potsi ang nagmamaneho, si Seksi naman ang tumitingin sa mapang dala niya habang si Tapsi ay panay ang kuha ng litrato sa sarili sa likuran ng sasakyan.

"Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo, Taps? Guwapong-guwapo ka sa sarili a!" tanong ni Potsi habang tumitingin-tingin sa rear-view mirror ng sasakyan. Nginitian na lamang siya ni Tapsi.

"Hayaan mo na 'yang broker nating kaibigan. Alam mo namang siya lang ang may magandang mukha sa inyong dalawa. Ha-ha," asar ni Sek kay Potsi.

"Anong guwapo? E kung pumayat ako 'di hamak na mas may hitsura ako kay Taps!" depensa naman ni Potsi.

"Oo na, Pots. Mas guwapo ka naman sa akin ng kalahating paligo lang naman kapag pumayat ka 'di ba? Bakit kasi ayaw mo akong samahan sa gym para makapag-work-out ka na rin at mabawasan ang bilbil mo?" ani Tapsi kay Potsi.

"Gusto mo ibaba kita sa gitna ng kalsada, Taps? At saka, hindi ko na kailangan mag-gym. Food is life. Enjoy life, enjoy goya sabi ng commercial ni Kim Chiu," naiinis na nagpapatwang sagot naman ni Potsi habang nakatuon pa rin ang atensiyon sa kalsada. Lihim na lamang na natawa si Seksi sa dalawang kaibigan.

"Ikaw naman, hindi na mabiro. Alam mo namang love kita e lalo na nang malaman kong love mo abs ko! Ha-ha," pang-aalaska na naman ni Tapsi.

"Mukha mo! Mas marami akong abs sa iyo, tabs nga lang at malalaki pa! Ha-ha," napuno na naman ng tawanan ang loob ng sasakyan. Asaran kung asaran. Iyan ang nakasanayan na nila.

Lumipas ang isang oras na biyahe ay nakatulog na sina Tapsi at Seksi habang si Potsi ay gising na gising ang diwa dahil habang nagmamaneho ay panay ang dukot nito sa baon niyang mga pagkain malapit sa kaniya.

Dumaan pa ang isang oras ay napansin ni Potsi na parang may mali sa direksyong tinatahak nila. Agad niyang kinuha ang mapang dala ni Seksi at tiningnan ito. Dahil hindi niya kabisado ang nakapaloob sa mapa, ginising na lamang niya si Seksi.

"Sek! Sek! SEEKKK!" tulog-mantika ang babae, kaya sumigaw na lamang si Potsi na ikinagulat din ni Tapsi sa back seat.

"Sorry. Naliligaw yata tayo. Tingnan mo ang mapa, Sek," agad namang tiningnan ni Seksi ang mapa at sinipat-sipat ang kinaroroonan nila.

"Ihinto mo nga ang sasakyan muna, Pots," sinunod naman nito si Sek at pansamantalang itinigil ang sasakyan.

"Ano, naliligaw na ba tayo, Sek?" binali-baligtad pa ni Seksi ang mapa para lang siguraduhing tama ang tinatahak nilang lugar patungo sa isang sikat na resort sa Laiya, Batangas. Ngunit, may napansin siyang kakaiba.

"Nasa Laiya na nga tayo, guys pero bakit tila napadpad tayo sa isang gubat na ito?" lahat ay napatingin sa itinuro ni Seksi sa mapa at binasa ang nakasulat doon.

"Satur-Death? Ano iyan? Hindi mo ba nakita ang lugar na iyan diyan sa mapa, Sek?" tila may kung anong kakaibang simoy ng hangin naman ang dumampi sa mga balat ng magkakaibigan ng mga oras na iyon matapos sambitin ang katagang Satur-death.

"Patingin nga? Kinilabutan ako sa pangalan e. Satur-death, tunog saturday o sabado tapos may death? Kamatayan? E 'di ba sabado ngayon? Don't tell me may mangyayaring hindi maganda sa atin?" sabay-sabay na nagkatinginan ang tatlo habang nakatigil ang sasakyan sa gitna ng kalsada na hindi pamilyar na lugar. Tahimik ang lugar na iyon at ni busina, tunog o mga sasakyan ay wala kang maririnig o makikitang napapadaan.  

"Ang mabuti pa, bumalik na lang tayo sa kung saan tayo kanina nanggagaling. Baka mali lang talaga ang napasukan natin. Baka shortcut lang ito, guys," nagtatapang-tapangang wika ni Seksi.

"Ang sabi sa pamahiin, kapag naligaw daw tayo, hubarin natin ang mga damit natin," nagpapatawang wika ni Potsi.

"Anong hubarin? Baka ang ibig **** sabihin, baligtarin!" pagkaklaro ni Tapsi.

"Pareho lang naman silang may 'rin' sa dulo e," dagdag pa ni Potsi. Napailing na lamang sina Tapsi at Seksi at naghubad na lamang upang baligtarin ang kanilang damit.

Matapos baligtarin ang damit ay pinaandar na ni Potsi ang sasakyan. Dahan-dahan na lamang niya itong minamaneho upang makabisado ang kalsadang kanilang tinatahak.

Tatlumpung minuto na ang nakalilipas nang matagpuan nila ang isang karatula sa gilid ng kalasda na nakadikit sa isang puno.

"THIS WAY TO LAIYA!"

Agad na nabuhayan ng loob ang magkakaibigan dahil sa nakitang sign board na nang tingnan nila sa mapa ay nakaukit naman iyon.

"Deretso na lang tayo, Potsi at mararating na natin ang mismong resort sa Laiya," iyan na lamang ang nasabi ni Seksi nang mga oras na iyon.

Nang malampasan nila ang karatula ay bigla na lang naging makulimlim ang kalangitan at biglang bumuhos ang ulan. At hindi nila inasahan ang isang palasong bumutas sa kaliwang gulong ng sinasakyan nilang Toyota Revo.

Gulat na gulat ang mukha ng magkakaibigan nang biglang gumewang-gewang ang sasakyan at nabundol ito sa isang puno. Mabuti na lamang at hindi sila napuruhan. Kaunting galos lamang ang kanilang natamo kaya agad din nilang inayos ang mga sarili.

Nang mga oras na iyon, sa side-mirror ng sasakyan ay may napansin si Seksi na papalapit sa kanilang kinaroroonan. Nang ilang metro na lamang ang layo nito sa kanilang sasakyan ay nakita niyang may hawak itong pana at palaso. Pinakawalan niya ito at tumama kaliwang bahagi ng side-mirror.

"BABA! LABAS! Takbo na tayo! May gustong pumatay sa atin. Labas na!" sa taranta ay isa-isang nagsilabasan sa loob ng sasakyan ang magkakaibigan. Napasubsob pa ang mukha ni Potsi sa damuhan pagkababa nito. Agad na inalalayan siya ni Tapsi upang makatayo habang si Seksi naman ay sumisigaw na.

"Takbo! Takbo na! Bilis!"

Walang lingon-lingon ay agad na silang nagsitakbuhan ngunit hindi pa man sila nakakahakbang ay isang palaso ang tumama sa kaliwang binti ni Potsi dahilan upang mapabitaw ito sa balikat ni Tapsi at natumba.

Napahiyaw sa sakit si Potsi. Gulantang naman ang mukha ni Seksi. Nagmadali siyang balikan ang kaibigan at tinulungang makatayo si Potsi dahil malapit na malapit na ang salarin sa kanila.

"Iwan niyo na ako, Taps, Sek!" kitang-kita na sa mga mata ni Potsi ang panghihinat at takot nang mga oras na iyon. Kahit umuulan ay pansin na pansing naluluha na ang kaibigan.

"Hindi ka namin pwedeng iwan dito, Pots! Sama-sama tayo! Sek, bilis iangat natin si Pots. Isa, dalawa, tatlo!" kahit mabigat ay nagawa pa rin nila itong itayo upang makatakbo at makalayo sa kung sino man ang gustong pumatay sa kanila.

Nang muli na silang hahakbang ay hindi nila napansin ang paglapit ng hindi pamilyar na nilalang at itinarak sa likuran ni Potsi ang matulis na palaso. Agad na lumingon sina Tapsi at Seksi sa salarin nang sumigaw nang malakas si Posti.

Doon ay mulagat silang pareho nang isa na namang palaso sana ang tatama at itatarak kay Sek. Mabuti na lamang ay maagap si Tapsi. Binitawan niya si Potsi at agad na sinugod ang salarin.

Parang torong iniuntog ni Tapsi ang ulo niya sa tiyan nito at pareho silang natumba sa magkabilang direksyon. Nang mga sandaling iyon, habang patuloy sa pagbuhos ang ulan ay naaninag ni Seksi ang mukha ng gustong pumatay sa kanila.

May suot itong maskara sa mukha na ang tanging makikita ay ang mga mata lamang niya. Ang mga balat sa leeg, kamay at paa ay parang bangkay na naagnas. Matatalim din ang mga kuko nito sa mga kamay at paa.

Itinuon ni Sek ang atensiyon sa kaibigang si Potsi na nang mga oras na iyon ay tila nawalan ng malay. Niyugyog-yugyog niya ang kaibigan. Pinakiramdaman niya rin ang pulso nito at pinakinggan ang tibok ng puso. Doon ay napagtanto niyang may pag-asa pa si Potsi.

"Taps! Buhay pa si Potsi!" sigaw niya sa kaibigan.

"Tumakas na kayo, Sek! Ako na ang bahala rito! Alis na!" agad na sinugod si Sek ng kaharap at nahagip ng tulis ng palaso ang kaniyang braso dahilan upang makaramdam siya ng hapdi.

Hinila-hila naman ni Sek si Potsi upang dalhin sa ligtas na lugar. Kahit hindi kaya ng kaniyang mga braso ay pinilit niya pa ring hilahin ito.

Samantala, dinampot ni Tapsi ang palasong nabitawan ng may sa kanibal na nilalang at pinatamaan ito sa pamamagitan ng pagtarak ng palaso. Parang gutom na gutom naman ito dahil naiilagan niya ang bawat pagtarak sa kaniya ng palaso.

Animo ay isang baliw na nakakita ng kaniyang laruan ang kaharap ni Tapsi. Hindi naman nagpatalo ang huli. Nang muling itatarak sa kaniya ang palaso ay napigilan niya ito at sinipa sa gitnang hita ang kaharap. Napahawak naman ito sa kaniyang hinaharap. Hindi na rin sinayang ni Tapsi ang pagkakataon upang makaganti.

Agad niyang kinuha ang palasong nabitawan niya at itinarak iyon sa leeg. Makailang beses niyang hinugot-baon ang palaso at itinarak muli sa iba pang bahagi ng katawan nito. Sa leeg, sa mata, sa butas ng tainga maging sa bunganga at ang panghuli sa puso nito.

Hingal na hingal man si Tapsi ay nagawa pa niyang tanggalin ang nakabalot na maskara sa mukha ng kaniyang kalaban at doon nakita ang inuuod-uod ng mukha. Hindi niya nasikmurang pagmasdan kaya nasuka si Tapsi. Kinalaunan ay pinuntahan na lamang niya si Sek na hindi pa rin nakakalayo sa kakahila sa kaibigang si Potsi.

Punong-puno ng dugo ang mga kamay, mukha at kasuotan ni Tapsi nang makita siya ni Sek. Nahuhugasan lamang iyon sa bawat patak at buhos ng ulan.

"Kailangan na nating makaalis dito, Taps. Kailangan maisugod si Potsi sa ospital!"

"Saan tayo hihingi ng tulong e, nakita mo namang mukhang halimaw ang nakalaban ko, Sek,"

"Si Potsi, Taps. Anong gagawin natin? Marami ng dugo ang nawala sa kaniya,"

"Hindi ko alam pero sana tumila na ang ulan nang makita na natin ang dinadaanan natin para makahingi tayo ng tulong. Tulungan mo na akong buhatin si Potsi. Siguro naman--"

Hindi pa natatapos ni Tapsi ang kaniyang sasabihin nang maramdaman niyang may matulis na bagay ang tumusok sa kaniyang batok na tumagos sa kaniyang lalamunan.

Sigaw naman nang sigaw si Sek at hindi na malaman ang gagawin. Nakita niyang may papalapit naman sa kinaroroonan nila. Kailangan na niyang iwanan ang mga kaibigan at iligtas ang kaniyang sarili para makapagtago.

Sa isang malaking puno sa 'di kalayuan ay doon nagtago si Sek. Tanging mga mata na lamang niya ang nagmamasid sa kung ano ang puwedeng gawin ng mga ito sa kaniyang mga kaibigan.

Katulad ng napatay ni Tapsi ay ganoon din ang mga hitsura ng kani-kanilang balat at mukha. Katulad sila ng mga kanibal na gustong pumatay ng tao. Isang babaeng may mahahabang buhok ang may hawak na tabak ang walang kaabog-abog na tumabas sa leeg ni Tapsi.

Gustuhin mang sumigaw ni Sek ay hindi niya magawa. Tinakpan na lamang niya ang kaniyang bunganga at parang gripong sunod-sunod naman sa pag-agos ang kaniyang mga luha nang makita ang sinapit ng kaibigang sina Tapsi at Potsi.

Gamit ang tabak ay isa-isa naman nilang pinagtataga ang katawan ni Potsi. Pinutulan nila ito ng braso at ibinigay sa isang maliit na batang sabik na sabik na kainin ito habang ang isang may katangkarang lalaki ay panay ang sipsip at dila nito sa ulong-pugot ni Tapsi.

Duwal na duwal na si Sek nang mga oras na iyon at agad na nagsuka. Sa kasamaang palad ay matalas ang pandinig nila at narinig siya ng isang matangkad na lalaki at inamoy-amoy ang paligid upang malaman ang kinaroroonan niya. Pigil-hininga naman si Sek at isiniksik ang sarili sa punong pinagtataguan niya. Takip-takip na rin niyang muli ang kaniyang bibig upang pigilan ang kaniyang paghikbi.

Nakiramdam pa si Sek sa kaniyang paligid kung naroroon pa ang mga halimaw. Tanging ang pintig na lamang ng kaniyang puso ang kaniyang narinig nang mga sandaling iyon kaya naman ay marahan siyang tumingin sa direksyon kung saan naroon ang kaniyang mga kaibigan.

Isang mata pa man lang ang kaniyang nailalabas nang biglang bumulaga sa kaniya ang isang inuuod na mala-demonyo ang mukhang nakangiti sa kaniya at hinawakan siya sa buhok.

Nagpupumiglas si Sek at pilit na tinatanggal ang kamay nito sa buho. Pero isang malakas na suntok sa sikmura ang kaniyang natikman. Agad siyang kinaladkad habang nakahawak pa rin ito sa kaniyang buhok at dinala sa kinaroroonan ng kaniyang mga patay na kaibigan.

Napatakip na lamang sa kaniyang bibig si Sek nang mapagmasdan ang sinapit ng kaniyang mga kaibigan sa kaniyang harapan.

Hawak-hawak pa rin ng lalaki ang kaniyang buhok ay agad na itinutok sa kaniyang leeg ang matulis na tabak. Pigil hininga at lunok-laway na lamang ang nagawa ni Sek nang unti-unting hinihiwa ang balat sa kaniyang leeg hanggang sa maabot ng tabak ang ugat nito. Sabay-saba
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Folah Liz May 2015
Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya ba sa isang piyesa,
ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito at posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.

Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito..
uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang tawag ko sayo,
mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal, kupal, hayop, pa, p*ng ina ka ano pa ba..wala akong pakialam kung abutin man ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya pangako,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.

Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita..
pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama kong natutulog din, at tangi ko noong kapiling.

Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.."
sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.."
at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na
ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga..

Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari
na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako telepono **** dudukutin lang sa bulsa kapag kelangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo **** masyado ng malawak para bigyang atensyon ka pa, ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon
kapag meroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa
Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na,
o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador
sa takot na manakaw ako ng iba, ayaw ko na maging mahalaga..

Ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga
tanggap ang tamis at pait, kelangan para sa init
pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** opisina
kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin
kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim...
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi, niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago **** panaginip
ayaw ko na maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin..

at nagsulat ako noon para lang mahalin mo ako, kaya patawad pero magsusulat ako
hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo
patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako..
dahil minsan may nakapagsabi saken na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay hindi makapagsusulat
kaya mahal sa pagkakataong ito
sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo
gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita
Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili
Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako
para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito
at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas
pero pangako huli na to, huli na to, huli na to...

Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako
Magsisimula ako uli sa umpisa,
Magsisimula ako uli...
Magsisimula ako....

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali...
Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo

Iniibig kita, at ubos na ubos na ako...."
Thanks for the inspiration to this poem, isa kang makata Sir Juan Miguel Severo.
AUGUST Sep 2018
margaret

Langit ang nagbigay biyaya nang ambon ay dinilig
Ang aking hiling sa panginoon ay biglang nadinig
Pinadala ang anghel na sa mundo ko’y yayanig
Tinawag ng ng kanyang tinig, at Napatulala sa mga Titig

Maari bang malaman ang yong pakay sa akin
Kung ikaw ba ay pasakit at tuluyan na akong wawasakin?
Laging kong tanong kung ano ba ang dapat kong gawin
Kung ang kahulugan mo ay kabiguan patuloy pa ba kitang iibigin?

Nagtatanong kay Bathala, Paano ko ba mapapaliwanag ang  hiwaga
Nitong pagmamahal na kung bakit sa puso kumapit ka ng kusa
Ako’y nagtataka’t di maka paniwala Bakit ito ang yong ginawa
Sa bigay **** biyaya, Ano ba ang kasalanan ko  para isinumpa

Gaano ba kita pinapahalagahan? Alam mo ba ang dahilan?
Hiling ko lang ay sanay iyong maunawaan itong nararamdaman
Kaya ang paliwanag ko ay simple nalang
Masikip dito sa loob ko, kaya ang kasya ay ikaw lang

Alaalang bitbit pano ko makakalimutan
Kung Sa puso koy nakaukit  ang yong pangalan
Ibinalot ng tatag ng loob para ika’y ipaglalaban
Di kita hahayaang lumuha lagi kang aalagaan.

Nagaabang ng sasakyan para dalhin sa langit, iwan ang mundo
Nakikiusap Pagbigyan sana Hiling makamit, Anghel na sundo
Saan nga ba tayo patungo? Byaheng langit sa impyerno,
Sa isipan kong magulo, Kasinungalingan ka ba o Totoo?

Linalaro sa panaginip ang dakilang pagsuyo
Tuluyang Hinamon Ang matapang na puso
Sayo napalapit at ayaw nang lumayo
Ang silakbo ay di na kaya, kayang isuko

kahit ano dito sa lupain ay handa kong ialay
Pagkat ang langit sa akin ay una mo nang binigay
Ang halaga mo sa akin ay Walang katumbas na materyal
Dahil Di kayang sukatin kung gano kita kamahal
Para sa taong minahal ko ng minsan, ito ang tulang di ko naiparating sa kanya.

Ngayon alam ko na kung gaano siya kahalaga, kung kailan wala na.
alvin guanlao Jan 2011
sa gitna ng aking bangungot
ako ay biglang nagising
sabay tapon sa aking kumot
dahil ang teplepono ko ay nagriring

sinagot ang tawag sa ibang lingwahe
sumagot pabalik ang tinig ng babae
akoy nagulat at walang masabe
nang marinig ang pangalan nabuo sa isip ang imahe

imaheng kamakailan ko lang huling nakita
nung isang taon pa ako sa kanya huling nakabisita
ang kinalalagyan niya ngayon ay "not too far"
biglang pasok ang tanong na, "meron ba kayong C.R."?

tinanong ko kung bakit siya napatawag?
ako daw ay kanyang namimiss
pakipot na ako ay hindi na pumalag
gusto kong sanang itanong kung pwede bang pakiss?

nawala ang antok at gising na gising
kahit sa pagkakataong iyon siya ay lasing
walang humpay at nagkwentuhang parang praning
pero sayang naman itinapon niya yung sing-sing ^^

hindi maipaliwanag ang eksaktong nararamdaman
kagagaling lang sa sakit siguro ay alam mo naman?!
mahal kita at takot akong tayo'y magkasakitan
"i know Were cool" at sobrang close na magkaibigan

ayokong maging bitter ako sa tula
kaya kalimutan mo ung pang anim na stanza
sobrang mahal kita mula noong hanggang ngayon
at kung ikaw ang bumabasa nito ALAM KONG ALAM MO YON!

sa puntong ito, lagi kang nagkakape sa isip ko
nagpapaalala lang, baka abutin ka jan ng pasko?
sobrang init ng kape at hindi mo matapos ng mabilis
kanina ka pa jan wala ka bang balak umalis?

nilabas ko nang lahat ng nararamdaman ko dito sa tula
hindi ko alam kung ikaw ay maiinis o matutuwa
sa aspeto ng pagibig itanong mo kay Amora manghuhula
at ako naman ay sa Magic 8 ball na hugis bola

naiinis ako ngayon sa sarili ko
kung babasahin mo yung tula talagang nakakagago
PERO parang gusto ko ulit pumasok sa puso mo
dahil ako ang U.L.O.L mo! itaga mo yan sa bato!

sana gusto mo akong makita ulit
kahit na ako'y madaldal at makulit
sana magkatotoo ang "Muling Ibalik"
sana matikman ko ulit ang matabang na halik . . .
AUGUST Sep 2018
Sa loob ng jeepney, akoy may kursunada
Ang babaeng gustong makilala, medyo suplada
Biglang tinanong nya ako, “bakit may itatanong ka ba?”
Kaya sagot ko, “wala akong itatanong, pero may kaba”

Kaba sa dibdib, dahil sa binigyan ako ng pansin
Mula sa binibining suplada at di ko yun akalain
Na magpapasaya at bububuo sa mahabang araw
Nang minsang napatingala sa kagandahang natanaw

Dagdag ko, “Magbayad na tayo”
Sabi nya, “bayad lang walang pang tayo”
Sinabi ko ulit “Miss, pwede namang pambayad ang ngiti,
(bakit?) kasi yung 500 mo wala silang panukli”

Sa loob ng isipan koy tumutula,
Sa labas ang mga mata koy natutulala
Nabighani ng ganda at napahanga
Di ko napapansin tulo laway labas dila

Ngunit sa mukhang tila nakasimangot
Napansin ko sa mga mata’y may lungkot
Kaya Ang magpasaya, kahit papano ay aking ginawa
Nang Minsan sana’y dumampi ang ngiti, at magbigay ng tuwa

Ginawa ko na ang simpleng galawan
Inaabot ang bayad, upang kamay nya ay mahawakan
Gusto ko din sanang malaman ang kanyang pangalan
Baka may pagasa kung sya ay liligawan

Wala man akong pera, mahalaga masaya
Wala man akong pera, basta katabi ko maganda
Wala man akong pera, basta wala akong sakit
Wala man akong pera, basta kami ay nagkalapit

Aking naalala, aking naalala.....
Wala pala talaga akong pera
Ni piso isa, wala sa bulsa
Pano na? Pano na?

Kaya ang ending ng love story,
Mamang tsuper I’m sorry
Pagtumigil na tong byahe,
Takbo sibat, handa na akong mag 123....
“magnda pala lahat ng aking tinitingnan
Kung larawan mo ang lang nakaharang”
-August

naisipan ko lang ang tulang ito dahil sa dami ng magagandang babaeng nakatabi ko sa jeepney na nahumaling ako. Masaya talagang mag commute lalo na kung may magandang katabi.
Random Guy Oct 2019
Ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

High school.

Magkaibigan tayo noon.
Nagsasabihan ng problema, umiiyak sa isa't isa.
Kabisado mo ako, at kabisado na rin kita.
Tantya ko ang birong magpapatawa sayo at tantya ko rin naman ang tamang kiliti upang mawala ang galit mo.

Nakahanap tayo sa isa't isa ng kanlungan at hingahan sa nakakasulasok na mundo.

Lumapit at patuloy pang napalapit ang loob ko sa'yo, at ikaw sa akin. Hindi ko na rin namalayan na mahal na pala kita. Taguan ng nararamdaman ang nilaro natin ng ilang buwan. Totoo, laking gulat ko rin sa sarili ko kung paano ako nahulog sa'yo. Dahil ang katulad mo ay isang dyosa na hindi ko dapat lapitan, hagkan, o kahit hawakan man lang. Hanggang ang simpleng tingin ay naging mga titig, mga haplos lang dapat sa kamay ay naging mga kapit, at magkatabi lamang ngunit iba ang dikit.

Napuno ang puso ko ng pagmamahal at umabot na ito sa pagsabog. Naglahad ng nararamdaman, nagbabakasakaling pareho ang 'yong nadarama.

Pero mas laking gulat ko nang sabihin **** mahal mo rin ako. At isa 'yon sa pinaka masayang araw ng buhay ko.

Simula noon ay araw araw nang hawak ang iyong kamay, inaamoy ang iyong buhok, nagpapalitan ng mga mensahe, kinakantahan; ginagawa ang lahat upang mapakita lang sayo.. na mahal kita. Pero higit sa mga pinakita natin sa isa't isa ay mas tumimbang ang mga hindi natin pinakita ngunit pinadama.

Hawak ko ang buwan at ang mga bituin kapag kasama kita ngunit bakit ba kapag tayo'y masaya ay talagang lungkot ang susunod.

Nalaman ng mga magulang mo kung ano ang meron tayo. Hindi ko noon inasahan na ang mga susunod na mga linggo at buwan ay ang pinaka madilim na parte ng buhay ko. Dahil ang kwento natin ay binuo sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

Papasok ka sa eskwela ng mapula ang mata at may pasa sa braso. Ngunit ang mas pumapatay sa akin ay ang ngiti sa labi mo. Mga ngiting hindi ko masabing peke dahil totoo. Dahil ba masaya kang makita ako kahit na ang sakit na nararamdaman mo ay dahil sa pagmamahal ko? Hindi nanlamig ang pagmamahal natin dahil sa kung ano mang ginawa natin sa loob ng relasyon. Kundi ang lamig ng pataw ng galit ng mas nakatatanda sa atin. At ang mas masakit ay hindi pa natin kayang lumaban.

Ang hindi mo alam ay walang lumipas na araw na hindi rin ako umiyak sa harap ng ating mga kaibigan, sa harap ng salamin, sa harap ng isang ****, sa harap ng mga matang nangungusap at ang sabi ay...

"may isang pagmamahalan na naman ang namatay."

Pinatay sa gitna ng saya, pinatay sa gitna ng ligaya, pinatay sa gitna ng magandang paglago.

Pinatay tayo ng tadhana. Pinatay tayo ng mga taong walang tiwala. Pinatay tayo ng mga taong ang  tingin sa atin ay mga isip-bata. Oo, tayo'y mga bata pa noon ngunit alam ko, alam ko na ang pag-ibig na 'yon ay totoo.

Nagsimula ka ng hindi pumasok sa eskwela. At kung ilang oras kitang hindi nakita sa iyong upuan ay ganon ding haba ng oras ng aking pagiyak sa likod ng silid. Sinisisi ang sarili sa kung bakit ganito at bakit ganyan. Bakit ganito ang tadhana? Bakit ganyan ang pag-ibig? At makikita nila sa mga luha ko na lumuluha na rin ito dahil sa patuloy na pagpatak, bagsak sa kahoy na upuan. At mas lalong bumabagsak ang luha ko dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Sinasaktan ka ba? Umiiyak ka rin ba? Mahal mo pa ba ako? Kung pwede lang hugasan ng luha ang mga tanong ay kakayanin, dahil sa dami ay kayang anurin ang mga ito.

Ilang linggo pa ay hindi na tayo nakapag usap, pumapasok ka ngunit ang kaya lang nating gawin ay maghawak ng kamay. Dahil kalakip ng mga salita ay patak ng luha. Kaya tinakpan natin lahat ng ito ng hawak sa kamay, patong ng ulo sa balikat, yakap. At hindi ko inasahan na huli na pala 'yon. Dahil tapos na ang taong 2011-2012 ng eskwela. At hindi na kita nakita; ni anino, ni bagong larawan mo, sa loob ng maraming taon.

Ang meron lang ako ay ang manila paper na binigay mo sa kaibigan natin para ibigay sa akin. Na nagpaisip sa akin na sana, sana man lang ay nakita kita bago mo inabot ang pinaka mahabang mensahe na nabasa ko, mula sa pagiibigang pinilit na pinapatay.

Pagkatapos ng mga tagpong iyon, nalaman kong lilipat ka na ng eskwela sa susunod na taon. At parang 'yon na ang nagpa manhid sa pusong meron ako noon. O kung meron pa ba ako non noon. Dahil sa ilang linggo at buwan ng pinaka madilim na parte ng buhay ko ay unti-unti na pala itong nabasag, nawala, at nadurog.

Ilang taon rin bago ito nabuo o nabuo nga ba talaga ito. Ilang taon din akong nagmahal ng walang puso, dahil utak ang ginamit ko. Doon ko nasabi na ang pagmamahal ko sayo ay ang unang pagmamahal ko sa una kong puso.

Ilang taon akong nagpagaling, nakahanap ng kanlungan sa iba, kasayahan, kakumpletuhan, kabuuan.

Sa likod ng aking isip ang tanong na, "Nasaan na kaya s'ya?"

Hindi naaalis sa mga inuman ng barkada ang mga tanong na, "Saan na s'ya? Nakita mo na ba 'yon ulit?" Alam kong ramdam din nila, na kahit ano ang isagot ko ay may marka 'yon sa puso ko.

"Nakita ko s'ya sa Fatima ah."

"Nakakasalubong ko 'yon ah."

At kahit ilan pang pahapyaw ng mga tropa ang magpaalala ng ikaw ay may sakit pa rin. Kahit hindi ko ipakita, ramdam.

Walong taon.

Walong taon ang lumipas ng muli tayong magusap.
Kamusta?
Maayos naman,
Ikaw?
Okay lang din.

At para bang binalot muli ang puso ko ng muling pagkawasak mula noong umpisa.

At tila ba hindi pa pala natapos ang istorya natin sa nakalipas na walong taon, hindi pa pala namatay ang 2012 na bersyon ng mga sarili natin.

Nagusap tayo. Pero 'yon pala ang mali natin. Na kaya pala hindi na tayo nagusap hanggang sa mga huling sandali ng pagkikita natin ay alam nating ang mga salita ay katumbas ng luha, at ang mga salita ay katumbas ng sakit, at ang mga salita ay katumbas ng muling pagwawakas.

Apat na libo tatlong daan at walumput tatlong milya ang layo natin sa isa't isa. Muli, ang parte ng kwentong ito ay nabuo na naman sa gitna ng maling sitwasyon at maling pagkakataon.

At ang pinaka masakit sa lahat at ang punit sa kwento nating dalawa ay meron na akong iba. Dahil alam kong hindi kita nahintay, at sana malaman **** hindi ka rin naman nagparamdam. Ang kwento nating dalawa ay masyadong naging komplikado dahil sa iba't ibang kamalian ng sitwasyon at pagkakataon.

At alam kong sa pagkakataon na ito ay hindi na dapat natin ito sisihin, dahil ang kamalian ay nasa atin nang dalawa. Kung paanong naging sobrang huli na pala, o sobrang aga pa pala.

Ang kwento nating dalawa ay maaaring dito na matatapos ngunit ayoko naman ding magsalita ng tapos, kagaya ng nangyari matapos ang walong taon, biglang nabuksan ang kwento. At hindi ko alam kung ilang taon ulit, o talagang tapos na.

Pero kagaya nga ng sabi mo, ito ang ang paborito **** kwento sa lahat, at oo, ako rin. Ang kwentong ito ay magsasalin salin pa sa inuman, sa kwentuhan, sa simpleng halinghingan, kwentong bayan; na may isang lalaki at babae na nagmahalan kahit pa pinilit itong patayin at makipag patayan. Isang kwentong puno ng kawasakan, at patuloy na pinaglaruan ng tadhana. Tapos na nga ba ang pahina? Muli, kagaya ng nakalipas na walong taon, ang sagot ay oo. Ngunit ang kwento ay buhay pa, at patuloy na mabubuhay pa sa puso ko.
giggletoes
Erikyle Aguilar Mar 2018
Ang isinulat ko ay isang pagtatala mula sa bulag,
na matagal nang ninanais na makakita ng liwanag,
dahil kumpara sa atin, kahit ipikit ang mga mata,
kahit takpan pa 'yan, mayroon pa rin tayong nakikita,
mapa-asul, mapa-dilaw, mapa-pula,
hinding hindi ito aabot sa dilim,
dahil mayroon pa ring mga bituin.

Ito ang pagtatala ng bulag,
"'Nak, kagabi lang ako nakaramdam ng galit sa isang tao,
sa buong buhay kong nakatira sa tapat ng simbahan,
kagabi lang ako nakaranas ng kulo sa puso ko,
kagabi lang ako natulog nang galit,
sana patawarin ako ng Diyos.

Lumapit sa akin ang isang lalaki,
sabi niya, 'Lo, mahirap bang magmahal?',
'Oo, hijo. May asawa ka na ba?',
'Meron **. E lagi ** kaming nagaaway,
kaya umalis nalang ako ng bahay,
ayoko na siyang kausapin,
dahil baka husgahan nanaman ako, baka masaktan lang ulit ako,
baka sabihin nanaman niyang ang hina-hina ko,
sasabihin nanaman niyang hindi na ako natuto sa mga kasalanan ko,
ang dami ko raw nasaktang tao,
wala na silang nagawa kundi tumungo,
dahil sa lungkot, dahil sa insulto,
dahil sa mga salita kong galing sa puso.

Naalala ko sabi ng nanay ko,
na lahat ng sinasabi ko ay galing sa puso,
pero bakit kung kailan ko gustong mabuo,
napakahirap ibalik ang dating ako?'

Ito ang iyak ng isang nangangailangan ng pagmamahal,
isang lalaking may pusong bakal,
ito ang naging payo ko,
'Hijo, kausapin mo ang asawa mo.'

Biglang sigaw niya,
'E ayaw ko nga! Nagkasala rin naman siya,
pareho lang kami,
siya dapat ang lumapit sa akin.'

Parang tinamaan ako ng bala ng baril,
at ang puso ko'y biglang tumigil,
dahil hindi ko naman kayo pinalaki nang mayabang,
kaya hinawaan na ako ng galit,
'Ang yabang mo!
sarado ang utak mo
sarado ang tainga mo
sarado ang puso mo
mas bingi ka pa sa bingi
at mas bulag ka pa sa bulag

ayaw **** mahushagan kasi ayaw **** masaktan,
ayaw **** masaktan kasi ayaw **** matuto,
hindi ka natututo sa mga kasalanan mo,
kasi akala mo na lahat ng ginagawa mo ay ayos na,
hindi mo pinapansin ang kalagayan ng iba,
na naghihirap sa kakaisip kung sila ba ang dahilan,
kung bakit ka nagkaganyan.

Minahal ka nila,
pero hindi mo tinanggap,
minahal ka nila,
pero tinulak mo sila,
minahal ka nila...
hindi mo ba sila mamahalin?

Lalo silang napalayo sa'yo,
nung kinailangan mo ng tulong,
pamilya at pagmamahal'

Wala na akong narinig na boses,
umalis na siya,
sana lang kinausap niya ang asawa niya.

'Nak, tandaan niyo ang payo ko sa inyong magkakapatid,
na 'wag na 'wag kayong maghihiwalay,
dahil pag ako'y nawala,
sana manatili kayong nakadilat sa katotohanan,
na ang kayabangan ay nakakasira ng isang pamilya.".
Vincent Liberato Oct 2018
Ang tauhang ito ay kung lumisan sa mundo—mananatili na lamang ang mga salita, ngunit walang kahulugan ang buhay o hindi alam ang kahulugan ng buhay.

'Walang pag-iral ang tao sa lipunan hangga't 'di kailangan ng lipunan ang tao.' Ang bulong ng tauhan kasunod ang buntunghininga na nasa kawalan na. Tumigil lamang ang tauhan upang pagmasdan ang kumukurap-kurap na liwanag sa rurok ng poste. 'Kahit anong tatag at tibay nito, kung ang liwanag nito sa rurok ay pawala na—wala rin.' Ang bulong muli ng tauhan sa sarili.

Biglang bumuhos ang lakas ng ulan habang pinagmamasdan ng tauhan ang poste. Sa lakas ng lagatik ng ulan, ngumiti lamang ang tauhan. Ngumiti lamang sa kabila ng buhos ng ulan sabay tumawa. Sa mga sandaling iyon nasa kawalan ang tauhan—nasa kawalan ng ngiti—nasa kawalan ng ulan.

Umuwi lamang ng may ngiti ang tauhan sa kabila ng buhos ng ulan. Madilim at liblib ang kuwarto ng tauhan katulad na lamang ng damdamin at pag-iisip ng tauhan. Sa pagitan ng bintana't pinto. Kumuha ng lubid at upuan ang tauhan. Inilagay sa pagitan ng bintana't pinto ng liblib na kuwarto ang upuan. Tumungtong ang tauhan habang hawak ang lubid, itinali kung saan dapat itali. Itinali sa sarili—iginapos ang katapusan sa leeg—ipiniid ang mga mata. Tumalon na lamang ang tauhan sa upuan sa pagitan ng bintana't pintuan ng liblib na kuwarto. Pumanaw na lamang ang tauhan ng buhay, ngunit may taning.

Sa ganoong paraan, nalaman ng buong lipunan na kabilang sa lipunan ang tauhan. Nalaman muli ng lipunan ang pag-iral ng tauhan, ngunit nang pumanaw na ito. Kabilang na muli ang tauhan sa lipunan, ngunit kabilang sa mga pumanaw.
M e l l o Jul 2019
Simpleng aya lang pero alam ko na kung ano ang naglalaro sa isip mo.

Ano na? Sasama ka ba?
Wag kang mag-alala hindi ako magtatanong kung
"open minded ka ba?"

Kung matagal na tayong magkakilala
alam na alam mo na kung ano ang aking sadya.

Umpisahan natin sa simpleng kamustahan,
madalas pag ako nag-aya malamang matagal tayong hindi nagkita
Saan ba tayo magkakape?
Ayos lang ba sayo
kung d'yan lang sa tabi tabi?
Pero alam kong mas maganda
ang usapan natin sa loob ng magandang café
pero pag wala tayong budget
baka naman pwede na iyong nescafé?
Ano ba mayroon sa pagkakape?
At bakit tila ba napakaimportante?
Ang tanong ano ba ang iyong forté?
Oh natawa ka mali pala ang aking sinabi
Ang ibig sabihin ko ay ano ba
ang gusto mo sa kape?
Malamig o maiinit?
Latté ba o yung frappe ang gusto mo
okay na ko sa brewed o americano
sorry medyo lactose intolerant ako
kaya bahala ka na mamili ng gusto mo
may kwento ako habang ika'y namimili
kwentohan kita tungkol sa mga taong
minsan ko nang inaya o di kaya'y nag-aya sakin na magkape
at sana mabasa niyo din ito
alam niyo na kung sino kayo dito,
wag kayong kabahan sa pagkat
ang inyong mga pangalan ay hindi ko
ipaglalandakan masyado akong concern sa pagkakaibigan natin
baka ako ay inyong biglang iwanan wag naman.


Simulan natin ang kwento sa kaibigan kong mga lalaki,
special 'tong dalawa kasi kakaiba
yung isa ang lakas ng loob niyang ayain ako
nang makapasok kami sa café
akala ko magkakape kami
akala ko lang pala yun
aba'y pagkapasok umorder agad ako ng kape
pero siya'y umorder ng tsokolate
loko 'to na scam ako
habang yung isa well,
ako yung nag-aya medyo matagal na din kaming hindi nagkita
kaya naman ako'y nabigla bagong buhay na daw siya
at umiiwas magkape sabi niya
gusto pa daw niyang matulog
nang mahimbing mamayang gabi
kaya ayun tsokalate din ang pinili
Ano?
Alam mo na yan kung sino ka d'yan.

Kinakabahan ka na ba?
Ikaw na kasunod nito.

May dalawa pa akong kaibigan
na lalaki,
pareho silang pag nag-aaya magkape
kailangan ko pang bumyahe
yung isa mailap at andyan lang
sa makati
at yung isa kailangan ko pang mag mrt kasi nakatira siya sa quezon city
sobrang weird lang ng isa kasi
yung bagong flavor sa menu nang café
tinatry niya parati
banggitin ko yung nasubukan niyang
flavor sa teavana series ng SB
Hibiscus tea with pomegranate
nasabi mo lasang gumamela
at yung matcha & espresso fusion
na nagmadali kang umuwi pagkatapos **** uminom
Hulaan mo kung sino ka rito?


Lipat tayo sa mga kaibigan
kong mga babae
pero bago ko simulan ang kwento,
madami akong kaibigang babae na sobrang mahilig din magkape
pero pasintabi sa mga lalaki
may gusto lamang akong ipabatid
pag kaming mga babae
ang magkakasamang magkape
pag ikaw ang nobyo ng isa dito'y
malamang lovelife ninyo ang topic
wag mabahala kapatid kasi
madami dami din naman kaming
napag-uusapan maliban sa lovelife niyong medyo kinulang
minsan may nangyayari pang retohan
pero lahat yun biro lang baka mapagalitan
pag ang topic na yan ang hantungan
kung ikaw ay nasa tabing mesa lang
malamang mapapailing ka na lang
sa mga topic namin na
punong puno ng kabaliwan
minsan pinaguusapan pa namin
kung sino yung couple
na naghiwalayan kamakailan, inaamin ko
songsong couple kasama sa usapan.

Dalawang grupo 'tong kasunod.

Eto yung mga kaibigan ko na kung kami'y magkape puro deep talks ang nangyayari,
mga bagay sa mundo na hindi mo akalain nakakagulo sa taong akala mo hindi pasan ang mundo.
Mabibigat na usapan na may kasamang konti lang naman na iyakan
sama ng loob, pagkabigo at sobrang pagka stressed sa trabaho.
Ilang mura ang maririnig mo
pag sensitive ka at hindi nagmumura
hindi ka kasama dito.
Eto yung deep talks na walang tulogan
alam mo na yan part ka dito
mga usapan na kung iyong pakikinggan ay
masasabi mo sobrang weird naman
ang mga topic ay everything
under the sun yun nga lang dudugo tenga mo sa technical terms at englishan.

Eto yung grupo ng deep talks yung topic ay puro pangarap, eto yung deep talks na masasabi kong very inspirational at educational. Hindi tulad ng naunang grupo
sa ganitong usapan madami kang malalaman.
Dito lalabas ang mga katagang
"Wag mo kasing masyadong galingan"
at yung "baka hindi mo ginalingan"
Sasakit ang tiyan mo kakatawa at sasakit mata mo sa kakapigil ng iyong luha eto yung genres ng deep talks na may humor, drama, slice of life, at shoujo.
Mga usapang trabaho katulad nang parang naging monotonous at routinary na ang buhay:
Need mo lang ng new environment?
Mag bakasyon ka?
Career growth?
Feeling stagnant?
At
Mga usapang gigil sa ganitong mga tirada:
Ilang taon ka na?
Kelan ka mag-aasawa?
May boyfriend ka na ba?
Nagpapayaman ka ba?
Bakit si ano may ganito na ikaw kelan?
Naka move on ka na ba?

Ano asan kayo d'yan?
Wala ba?

May grupo din na sila laging nag-aayang magkape, mga kaibigan ko na ang usapan lagi ay magkita
sa ganitong oras ay palaging
hindi sumasakto ang dating
Pag eto yung kasama ko puro usapan namin ay mga memories noong elementary
minsan lang magkakasama pero ang samahan solid naman ang lalakas mag kulitan o ano kelan ulit tayo pupunta ng mambukal?
Sino na ang ikakasal?


Sa sobrang dami kong nabanggit
muntik ko nang makalimutan ang dalawang babae na 'to
pag kami nagkikita bakit puro ako yung napupurohan sa asaran
ang layo namin ngayon pero sana
pag-uwi ay magkakape ulit tayong tatlo
sobrang dami ko nang baong kwento malamang yung isa dyan isang maleta ang hila niyan
sagot ko na ang kape pero pakiusap
hayaan niyo muna akong makaganti.


Ang dami ko nang naikwento pero hindi mo ba naitanong
kung saan nanggaling ang pagkahilig
ko sa kape? Walk through kita sa buhay ko, mahilig magkape ang papa ko, mas naunang nakatikim ng kape ang kapatid ko, yung isa hindi mo mapipilit magkape at madalas magsimsim ang mama ko sa kape ko.

May mga tao din akong nakasama magkape, may mga sobrang ganda ng topic. Dali na kwento mo na. May mga taong tatanungin ka din kong ano ba ang hilig mo pati pagsusulat ko kinakamusta ako.
Hindi lahat alam na nagsusulat ako yung iba na may alam, kabahan kana alam **** andito ka.

Salamat sa pagbabasa, ngayon lang ako lumabas para isama ka sa obra na 'to.
Asahan mo na marami pang kasunod na iba,
nakatago lang sa kahon kung saan memoryado ko pa.


Lahat nang naikwento kong tao mahalaga sa buhay ko, yung iba nakilala ko lang nang husto dahil sa simpleng salita na "kape tayo"
Alam mo na kung bakit importante sakin ang pagkakape?
Alam mo na ang aking sadya?
Kung hindi pa baka hindi mo pa ako kilala. Handa akong magpakilala sayo, makinig sa kwento mo. Nag-aalala ka na baka isulat ko?
Sasabihan kita ng diretso kung oo.
Hindi mo pa ba ako nakasama magkape?
Ngayon pa lang inaanyayahan kita, taos puso kitang iniimbitahan.

"Kape tayo"

Sana sumama ka.
Poetry appreciation piece for my family, friends & coffee buddies
Paulo May 2018
Naalala mo pa ba ung mga araw na una tayong nagkita?
Mga oras na ako ay galak at tuwang tuwa,
Pagkat ika'y nakilala't natagpuan sa oras na aking inaasahan
Mga panahong tayo pa ay nagkakahiyaan

Andyan yung unang punas sa mukha **** pawisan
Unang usap, unang ngiti at biglang nagkatitigan
Unang pagbabago ng aking nararamdaman
Unang paghatid at sambit ng "ingat ka dyan"

Lumipas ang mga araw ugali mo'y aking nakita
Lakwatsa doon, inom dito yaan ang aking nahinuha
Ngunit ikaw ay aking naintindihan,
Ang aking nasa isip ay malamang dulot ng  nakaraang hindi malimutan

Kaya naman gumawa ako ng paraan upang ika'y mapasaya
Sa kalagitnaan ng gabi ako'y nag atubiling ika'y puntahan
Kabog ng dibdib, lakas ng hangin at ulan ay di inalintana
Makita ko lang ung mga ngiti **** mahiwaga

Salamat sa mga oras na dumaan at ika'y nakilala
Batid kong madaming nagmamahal sayo,
Kaya naman aking pagtingin ay lumayo
At aking naintindihan na mas mabuti maging magkaibigan na lang tayo

Gusto ko lang lagi **** tatandaan,
Na wala man ako sa tabi mo lagi naman akong nasa likod mo,
Handang tumulong sa abot ng aking makakaya
Lalo na sa pamilya, kaibigan, eskwelehan ay may problema

Sana ngayon nasa mabuti kang lagay, Inday
Sana'y mga pangarap mo'y iyong makamtan
Sana'y wag ka na ulit lumuha sa daan
Sana'y pintuan ng iyong puso ay muling mabuksan
Sana'y mahanap na nya ang tamang Adan

Sana'y mahalin mo pang lalo ang 'yong mga magulang
Sana'y maging maayos na kayo at wala ng magkulang
Sana sa iyong pagbabalik ay masaya ka sa bagong aral na iyong napulot
Sana wag kang magbabago't wag makakalimot

Di nako aasang liliit ulit ang espasyo
Magbubukas ulit ang entablado
At makaka tapak sa inyong teritoryo
Kaya't ang aking tanging magagawa ko na lang ay isama ka sa mga dasal ko.
Jey Oct 2015
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga. Isang araw, naisip na naman kita. Isang araw **** ginulo ang isip ko. Isang araw, binalik-balikan ko ang masasakit na alaala mo dahil isang araw, biglang iniwan mo ako.

Iniwan mo ako… at mula noon ilang araw akong wala sa sarili. Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka umalis. At kung bakit hindi ako ang iyong pinili. Ilang araw na akong nagbakasakali na maiisip **** ako na lang. Ilang araw na patuloy na umaasa sa pangakong babalik ka… “Babalik ako, bigyan mo ako ng isang linggo.” Ilang araw pa at naghintay ako, naghintay ako kahit alam ko na kung sino ang pinili mo.

Isang tanong na patuloy na gumugulo sa aking isipan. Isang tanong na hindi masagot nino man. Isang tanong na hindi ko makalimutan. Isang tanong na wala naman talagang kasagutan. Isang tanong, “Mahal, bakit mo ako iniwan?”

Hindi nga lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan. Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan. Puta isang buwan, ganyan, isang buwan nga lang naman. Marahil naging mabilis nga ang mga pangyayari pero ipapaalala ko lang sa’yo ikaw – ikaw ang naunang nagbukas ng pinto. Ikaw ang naunang nagsabi ng “Mahal, bakit di natin subukan?” At sumubok ako. Lumaban tayo.  Ngunit pagkatapos ng lahat ay ano? Wala, wala nga palang tayo.

Alam mo, ito na marahil ang pinaka-tangang nagawa ko sa buhay ko. Sa sobrang ganda at saya kasi parang pwede nang isulat bilang isang nobela, baka nga bumenta pa sa Wattpad eh at ititulo ko “Tinidor” o kaya “Alexa”? Haha.

Pero sa sobrang sakit din parang pang-soap opera. Kaya bakit ganun? Bakit parang ako lang ang nasaktan? Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bakit parang ako lang ang nahihirapan? Bakit parang ako lang nagmahal? Bakit ako lang? Bakit? Ah alam ko na… kasi hindi ako ikaw.

Hindi ako ikaw, ikaw na naging pipi sa pagsigaw na ako ang mahal mo. Ikaw na naging bulag sa pagtingin sa kung sino ang nandito. Ikaw na naging bingi sa mga salita niyang “hindi kita gusto!” Ikaw na pilit umiwas sa maliliit na eskinitang daan papunta sa puso ko. Ikaw na naging duwag sa pagtangkang sumabay sa daloy ng ilog na magdadala sa atin sa bukas.

Hindi ako ikaw. Ikaw na nagdulot lamang ng bagyo sa aking mga mata. Ikaw na nagdala ng lindol at bumulabog sa mundo ko. Nagdala ka lang ng buhawi ng hangin na paikot-ikot lang at kahit sinisira mo ang lahat, nahihigop mo pa rin ako.

Ikaw. Ikaw pa rin ang bumitaw. Ikaw pa rin ang bibitaw. Sa kabila ng lahat ng kasawiang dinala mo sakin. Oo. Ako na yung tangang nagmahal pa rin sa’yo.

Ako na ang mabibingi at sa kalaunan ay magiging pipi, sa pagsigaw na mahal kita. Ako ang magiging bulag sa pagtingin sa iba dahil sa’yo lang mahal, sa’yo lang ako susubaybay. Oo, ako. Ako naman ang magiging bingi sa mga salitang minsan mo na  din sinabi sa akin, “hindi ikaw ang gusto ko!” At ngayon alam kong, hinding-hindi yun magiging ako. Ako ang sisiksik sa maliliit na eskinitang daan sa puso mo. Ako na ang lalangoy at sasabay sa daloy ng ilog maging sa hampas ng alon kahit wala ka na sa bukas na kahahantungan ko. Oo, ako.

Ako na ang nagpakamartir na harapin ang matitindi **** hangin. Ako na ang trainer wheels sa iyong bike. Ako na ang band-aid sa bawat sugat na iniwan ni Alexa, mga halik sa sugat na magpapatigil sa dugo. Ako na ang unan **** sa gabi mo lang nakikita, sinasandalan tuwing pagod, may problema, mahihigpit na yakap tuwing luha’y di tumitigil.  Ako na yung huling stick sa pakete mo ng sigarilyo, inosente’t di ka sasaktan, pero iba pa rin ang pinili mo.

Masyado nang mahaba ito, kaya tutuldukan ko na. Kasabay ng pagtutuldok sa masasaya at mapapait **** ala-ala. Kasi ngayon ako naman ang napagod na maghintay. Ngayon puso ko na naman ang unti-unting namamatay.  Pero hindi ko ito hahayaan kasi mali eh, sabi nga ni Trixie, “nasaktan mo lang ako, pero hindi mo ako napatay.”

Hindi ako ikaw, ikaw na tanga kasi pinakawalan mo ako. Mayabang man kung maririnig nila pero oo gago, ang laki **** tanga dahil iniwan mo ako. ‘Wag kang hangal kung sasabihin **** hindi siya ang pinili mo kundi ang sarili mo dahil alam natin pareho at sa kanya ka pa din babalik. Ito lang ang masasabi ko sa’yo. Minsan subukan **** maging ako.” Para alam mo kung gaano kasakit. ‘Wag kang mabuhay sa parang. Sa parang sa’yo, pero hindi. Parang kayo, pero hindi. Parang mahal ka, tanga hindi.
Uni(berso)
1:05 AM
August 5, 2015

celestialdeity.wordpress.com
Maemae Tominio Sep 2016
SYA
Sa dami ng tao  na nabubuhay sa mundo,
Hindi lang isa o dalawa ang nakakaranas nito,
Mga tanong na animo'y basag na salamin na di na mabuo,
Walang ibang kayang sumagot kundi mismong puso mo.

Sinu ba naka imbento ng pagmamahal?
Bakit pag nasaktan, paglimot ay kaytagal,
Mga nakaraa'y gusto **** balikan,
Ngunit tadhana sayo'y gusto ng kalimutan.

Biktima ka na ba ng maling pagmamahal?
Yung tipong mahal mo sya, mahal ka nya ngunit bawal,
Mainit sa mata ng iba at hindi kaaya aya,
Ngunit para sa inyong dalawa'y pag sasama nyo'y anong kasing saya.

Agwat ba ng edad ay hindi alintana?
Sa paningin ba ng iba'y hindi maganda?
Mamahalin mo pa ba ang isang tulad nya?
Kahit ba ang edad mo'y doble sakanya?

Paanu ba masusukat ang pagmamahal sayo?
Sa tagal ba ng kanyang paghalik o pagsusundo sayo?
Sa rami ng okasyong nabibigay nyang regalo,
Dun mo ba makikita kung mahal kang totoo?

Paanu kung isang araw puso mo'y tumibok,
Sa taong di pa nakikita o nahahawakan kahit hibla ng buhok,
Mamahalin mo pa ba sya kahit sobrang lungkot,
Hindi nya magawang yakapin kapag ika'y nagmumukmok.

Mahirap talaga kapag ang mahal mo'y nasa malayo,
Lalo na kung umaasa kalang sa wifi ng kapitbahay nyo,
Na kapag mahina ang net , babagal din sayo,
Ngunit tinitiis ang lahat para sa mahal mo.

Paanu kung nalaman mo ang nakaraan nya?
Pagmamahal mo ba'y magbabago at mawawala,
Mga supling na nag aalaga sakanya,
Nagpasaya't nag aruga noong wala ka pa.

Iisipin mo pa ba ang nakaraan,?
Kung sa puso mo'y masaya ka sa kasalukuyan,
Mahirap man tanggapin sa unang nalaman,
Ngunit tinanggap mo parin sya sa kabila ng kanyang pinagdaanan.

Hindi pa ba napapagod ang iyong puso?
Sa nalaman mo'y bat hindi ka sumuko?
Ganito ba talaga kapag mahal **** totoo?
Tatanggapin lahat kahit komplikado.

Sa muli **** pagtanggap, may biglang nagparamdam,
Babaeng nakasama nya at gusto syang balikan,
Ikaw ba'y magpaparaya na at sya'y iwanan,
Na kahit labag sa loob mo'y iyong bibitawan.

Ngunit sa pag bitaw mo'y syang pag kapit sayo,
Mga paliwanag nya na nagpapatatag sa puso mo,
Pipiliin mo ba ang kasiyahan ng iba o kasiyahan nyo?
At tanggapin sya ulit at bumuo ng panibago.

Tadhana na ba talaga ang gumagawa para ika'y ilayo,
Nakaraan nya'y nagbalik na at may isa pang panibago,
Biyaya sa sinapupunan nya'y dugo't laman mo,
wala na bang magandang mangyayari sa relasyong to?

Mapapabuntong hininga ka nalang sa mga pangyayari,
Kailangan na ba tong itigil at hindi na maaari,
Kayrami ng rason para sa sarili mo naman ika'y makabawi,
Sa lahat ng luhang pumatak at pighati.

Panu kung ang mahal mo'y taglay lahat yan?
Dobleng edad, may mga anak, at meron pa sa tyan?
Tanga ka kapag hindi mo pa binitawan,
Nagmahal ka ng totoo kapag sya'y iyong pinag laban.

Ngunit hindi na susukat sa pananatili mo kung gaano sya kamahal,
Minsan gagawin **** bumitaw para sa katahimikan ,
Katahimikan ng puso nyo at ng nasasakupan,
Kailangan sumugal kahit na nasasaktan.

Alam **** darating ang panahon na maghihiwalay tayo,
Pero sana bumalik ka kapag puso mo'y tinitibok pariny ay ako,
Masakit man isipin na mag hihiwalay tayo,
Pero sana isipin mo na minahal kita ng totoo.

Yang katagang yan ang gusto kong sabihin sayo,
Ngunit takot ang dila ko na ipahayag ang mga ito,
Takot ako na masaktan ka sa paglayo ko
At takot ako na baka di matanggap ng puso ko.

Alam kong marami pang pag subok ang darating,
Alam kong panghihinaan ako ng loob kapag itoy dumating,
Sana gabayan mo ako sa anumang pag dedesisyon
Huwag kang titigil para bigyan ako ng leksyon.

Umiyak man tayo ng ilang beses,
nasaktan man tayo nag paulit ulit,
Marinig ko lang malalambing **** boses,
Sakit ng nadaramay ,saya ang pumalit.

Lagi **** tatandaan na mahal kita,
Mahal kita at tanggap ko kung anu ka,
Hindi importante kung ano ang nakaraang iyong nagawa,
Ang mahalaga ay ngayong masaya tayo sa isat isa.

Hindi ko man maramdaman ang init ng yakap mo,
Hindi ko man maramdaman ang dampi ng mga labi mo,
Maramdaman ko lang na nandyan ka lagi sa tabi ko,
Hindi ako mag sasawang unawain ka at magpaka totoo.

Balang araw magsasama tayo at sana ikaw na,
Kung hindi man ikaw, ang mahalaga tayoy naging masaya,
Hindi man matagal ngunit magsisilbi itong alaala,
Na dadalhin natin sa ating pagtanda.

#love
#sacrifice
Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya ba sa isang piyesa,
ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito at posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito..
uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang tawag ko sayo,
mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal, kupal, hayop, pa, p*ng ina ka ano pa ba..wala akong pakialam kung abutin man ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya pangako,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita..
pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama kong natutulog din, at tangi ko noong kapiling.
Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.."
sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.."
at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na
ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga..
Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari
na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako telepono **** dudukutin lang sa bulsa kapag kelangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo **** masyado ng malawak para bigyang atensyon ka pa, ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon
kapag meroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa
Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na,
o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador
sa takot na manakaw ako ng iba, ayaw ko na maging mahalaga..
Ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga
tanggap ang tamis at pait, kelangan para sa init
pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** opisina
kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin
kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim...
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi, niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago **** panaginip
ayaw ko na maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin..
at nagsulat ako noon para lang mahalin mo ako, kaya patawad pero magsusulat ako
hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo
patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako..
dahil minsan may nakapagsabi saken na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay hindi makapagsusulat
kaya mahal sa pagkakataong ito
sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo
gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita
Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili
Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.
Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako
para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito
at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas
pero pangako huli na to, huli na to, huli na to...
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako
Magsisimula ako uli sa umpisa,
Magsisimula ako uli...
Magsisimula ako....
Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali...
Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo
TANGINA MO. TAPOS NAKO.
Kae Dee May 2015
I
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga
Isang araw, naisip na naman kita
Isang araw **** ginulo ang isipan ko
Isang araw, binalik-balikan ang masasakit na alaala mo
dahil
Isang araw, biglang iniwan mo ako

Iniwan mo ako... at mula noon
Ilang araw akong wala sa sarili
Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka lumisan
at kung bakit ako'y hindi mo pinili
Ilang araw na nagbabakasakali
na ako'y iyong babalikan
Ilang araw na patuloy na umaasa
sa mga pangako **** napako sa kawalan

Isang tanong na gumugulo sa aking isipan
Isang tanong na hindi masagot nino man
Isang tanong na hindi ko makalimutan
Isang tanong na wala naman talagang kasagutan
Isang tanong, "Mahal, bakit mo ako iniwan?"

Hindi lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan
Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan
Hindi pinapansin kapag nasisilayan
Ang trato'y parang estranghero lang sa daan

Bakit parang ako lang ang nasasaktan?
Bakit parang ako lang ang nahihirapan?
Bakit parang ako lang nagmamahal?
Bakit ako lang? Bakit?

Nang iwan mo ako, nawala ang tayo
Nang iwan mo ako, ang natira na lang ay ako
Mali pala, kasi pati ako ay nawala noong nawala ka
Nawala ang dating ako  na kayang mabuhay noong mga panahong wala ka pa

Pagod na pagod na ako sa lahat ng sakit
Pucha, hindi mawala-wala kahit anong pilit
Ilang bote ng alak ang natumba at
Ilang stick ng yosi na ang naupos
Pero ang pagmamahal ko para sa'yo
Mahal
Hindi pa rin nauubos
Nexus Aug 2019
Kung isa-isahin ang nakaraan
simula no'ng ika'y aking niligawan
hanggang sa dumating ang kasalan,
maikukwento ko ng walang alinlangan
kung paano tayo nagsimula at nag ibigan.

hindi sa lahat ng panahon
ang mga bagay ay naaayon
sa kung paano natin gusto
at 'di lahat ay agad na natatamo.

Unang kita palang, napaibig na ako
Lalo na sa mga sumunod na pagtatagpo
walang duda pana ni kupido ’y tinamaan ako

sa isang tulad mo
puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido.

sa isang tulad mo puso ko'y
nahulog ng di napagtanto,
sa pakiwari ko’y  pakana nga ito ni kupido.

Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit

Palapit ng palapit,
ang titig,  
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik
at ayaw ng mapapikit,

Akoy nag aasam at humihiling
sa panginoon
at biglang kanyang  dininig

Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling

Sa iyong mga mata
Nasisilip ko ang langit
pagkat ikaw ang anghel na
sa aki’y pinakamalapit

Palapit ng palapit,
ang titig,  
Sa mapulang labi mo’y
nakakatuksong humalik at ayaw ng mapapikit,

Akoy nag aasam at humihiling sa panginoon
at biglang kanyang  dininig

Hindi inaasahan ang iyong pagdating.
Pagod kong puso’y iyong ginising.
Buhay ko'y binigyan ng ningning,
Ikaw lang ang gustong makapiling.

dumating ka sa mundo
ko’t iyong niyanig
pinukaw ng iyong tinig

“Happiness Happiness Happiness”

Ang tinig na aking narinig
at napatulala at napatitig

Biglang nag usisa sa sarili nagtanong,
Paano ko ba mapapaliwanag
ang  hiwaga nitong pagmamahal na
kung bakit sa puso ko’y kumapit ng kusa

Minsay ako’y nagtataka’t di maka paniwala
linalaro sa panaginip

ang dakilang pagsuyong inayunan ng tadhana’y nag ka sundo

tuluyang hinamon ang matapang na puso
Hindi ka na malulumbay,

kapag nasisilayan ko ang iyong labi,
may taglay na ngiti
Pagod koy napawi,

limot ko na ang ligalig na iyong pinag iigi
kaya wag mag madali
pagkat atin ang sandali

At ng sayo’y napalapit ayaw ng lumayo

andito na ang iyong
Sandalang Balikat
Na hindi madadaan sa gulat

Hawak hawak ang maliliit at malambot **** mga kamay

Habang may ibinubulong
ang boses ****  malumanay

Umalis ng walang plano,
walang dala kundi ang puso.
pero saan nga ba patungo?

Bawat hakbang ng paa,
bawat hininga,
ninanamnam para sa ikasisiya
pero saan nga ba patungo?

Ramdam ang pagod
kinailangan ng tumukod
ngunit hindi susuko.
pero saan ba talaga patungo?

Marami ng nadaanan at natambayan
Pero di naman kaianaman

Hangang sa dumating na sa dulo na
ang puso’t pag ibig ko’y nasa iyo

Dahil di ako sanay na ikaw ay mawalay

Andito na ako

Sa unang pag kakataon
Sa araw ng mga puso  
Sa Ika labing apat na araw ng pebrero sa kalendaryo

Bungkos ng  rosas ay para sa iyo
Sa masayang araw at hanging maaya,

ang sinugong puso’y sumasaiyo
at ito’y magsasabing

Sa tuwa at dusa,
Hirap at ginhawa
Sarap at ligaya

Ang
“Balentayns”
Ko’y ikaw

Walang iba! ! ! ! !
Subukan naman
AUGUST Sep 2018
Sa pagibig....

Pwede kang magdala, o ikaw ang dadalhin
Pwedeng kang paasa, o ikaw ang paasahin
Pwede kang manggamit, o ikaw ang gagamitin
Pwede kang mabigo, bago mo sya bigoin


Bago magmahal, dapat bang handa ka?
Na Bago ka masaktan, kailangan ng anestesia, ano para manhid muna?
At dapat bang may pamunas? Bago ka lumuha?
Ahh, Bago pala ang lahat, ano ba magiging luma?

At Ganon ba ngayon pagnagmahal?
Para manalo ang taya, dapat **** isugal!
Pano kung lahat mo na ginawa? Kulang parin
Di ba masakit?
Kung Alam na nating masikip sa damdamin, pinipilit pang pagkasyahin

Lahat naman talaga pwede diba?
Tulad ng sinabi ko sa unang stanza

Pwede kayong dalaway magkatuloyan
Pwede ding tuluyan kang iwanan
Pwede ka nyang maalala, pwede ding kalimutan
Pwede ka rin nyang paalalahanan na wag mo na syang ligawan
Pero laging pakatatandaan....
Lahat ay nagtatagumpay lang kung naiiwasan ang kabiguan

Pero ako, di parin ako matatakot magmahal
Kasi alam kong darating ang araw di magtatagal
Na ang natagpuan ko man di sakin itinadhana,
May itinadhana para sakin na di ko pa natatagpuan
Dun ako naniniwala,


Ang puso ko di parin nakasara
hinihintay lang kita aking sinta
Hanggan sa panahon na tayoy magkita
Lahat ng pagtingin ko sayo na

Ngunit ngayon, sa paglipas ng panahon
Ang anyo ng pagibig ay nagbago, Lasa nagkaroon
Noong nanliligaw sobrang sweet,Naging bitter ng nabasted
Meron pa ngang iba, iba iba ang tinitikman ng di mo nababatid

Parang sa kape din, noon stick to one lang ang timplahan
Ngayon naimbento na ang 3 in 1

Parang tema ng pelikula din, noon may happy ending
Ngayon dapat happy lang walang ending
Noon ang poreber pinaniniwalaan
Ngayon ang poreber, walang ganyan
Noon may pagibig na wagas
Ngayon ang pagibig nagwawakas

Kaya naaalala kita sa Noon at ngayon
Kasi,,,,
Noon, saksi ang langit,nagsumpaan tayo
Ngayon, dahil sa galit, sinusumpa mo na ako
Noon, ang nadarama natin masaya lang
Ngayon, ang nararamdaman natin masasayang lang
Noon, hawak hawak pa kita,Ngayon, bakit bumitaw ka na
Noon, andito ka pa, Ngayon, bakit anjan ka na

Di ko mawari ang pagibig kung itoy biyaya bakit masakit
kung gaano katamis noon, ngayon walang kasing pait
kung gano kainit noon, ngayon napakalamig
Kung gano ka kinikilig noon ,ngayon naging manhid

Kung gano tayo kalapit noon, malayong agwat ngayon
Kung gano tayo nagaalala noon, biglang nagkalimutan ngayon
Kung gano tayo kasaya noon, walang kasing lungkot ngayon
Pangako **** di ka magbabago noon, ngunit nagiba ka na pala ngayon

Kung Ano man ang meron noon, lahat yun nawala ngayon
Jor Jun 2015
I.
Noong makita ko s'ya parang tumigil ang mundo ko.
Tila parang lahat ng bagay nag-slow mo.
Anong pakiramdam ‘to?
Ba’t parang ang bigat ng katawan ko?


II.
'Di ko mapigilan napangiti nalang,
Teka sino ba 'to?
Sino ba ang magandang nilalang na 'to?
At parang na-love at first sight yata 'ko?


III.
Ba’t kapag nariyan s'ya biglang 'kong naduduwag.
At kapag ngumingiti s'ya'y katawan ko'y nabubulwag.
Ganoon ba talaga ang epek n'ya sa akin?
'Pag s'ya'y nakikita tila parang aatakihin?


IV.
Gusto ko s'yang lapitan pero 'di ko magawa.
Gusto kong magpakilala pero nauudlot bigla.
Nakakainis din ang mga kaibigan n'yang parang utot.
Biglang nalang sulpot ng sulpot.


V.
Nang ako ay pauwi siya ay nakasabay,
Gusto ko sanang tabihan kaso baka sumablay.
Nauunahan ng takot at kaba.
Baka kasi gusto n'ya lang kasi mapag-isa.


VI.
Walang mangyayari kung maduduwag ako
Kailangan ko labanan ang takot at kaba na ito
Nang ako ay palapit na biglang may umakbay sa kanya
At 'di pa nakuntento humalik pa sa pisnge n'ya.


VII.
“'Di pwede 'to!” ang sigaw ko sa sarili ko.
Pero walang nagawa at tumalikod nalang ako.
Magdamag nag-mukmok sa madilim na kwarto.
Pinagsisihan ang pagiging torpe ko.
Unang tulang nabuo't naisulat ko noong ika-10 ng Abril taong 2014)
nikka silvestre Jul 2015
Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya ba sa isang piyesa,
ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito at posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.

Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito..
uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang tawag ko sayo,
mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal, kupal, hayop, pa, p*ng ina ka ano pa ba..wala akong pakialam kung abutin man ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya pangako,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.

Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita..
pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama kong natutulog din, at tangi ko noong kapiling.

Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong "mahal kita.."
sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na "mahalaga ka.."
at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na
ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga..

Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari
na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako telepono **** dudukutin lang sa bulsa kapag kelangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo **** masyado ng malawak para bigyang atensyon ka pa, ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon
kapag meroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa
Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na,
o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador
sa takot na manakaw ako ng iba, ayaw ko na maging mahalaga..

Ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga
tanggap ang tamis at pait, kelangan para sa init
pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili **** opisina
kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin
kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim...
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi, niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago **** panaginip
ayaw ko na maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin..

at nagsulat ako noon para lang mahalin mo ako, kaya patawad pero magsusulat ako
hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo
patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako..
dahil minsan may nakapagsabi saken na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay hindi makapagsusulat
kaya mahal sa pagkakataong ito
sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo
gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita
Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili
Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako
para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito
at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas
pero pangako huli na to, huli na to, huli na to...

Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako
Magsisimula ako uli sa umpisa,
Magsisimula ako uli...
Magsisimula ako....

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali...
Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo

Iniibig kita, at ubos na ubos na ako...."
theivanger Jun 2019
Hindi alam kung pano sisimulan,
nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan,
Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan,
Ilapat sa mensaheng
ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan.

Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula,
Itoy dili iba't hindi inaakala,
Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan,
Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan.

Mga pagsubok biglang dumarating,
Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin.

Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan.

Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod.

Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob.

Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
ikalawang tula nagawa para sa kaibagan. Hindi ako makatang tunay kayat iyong pagpasenyahan.
Para sa’yo ito, Mahal ko.

Pagmulat ng iyong mga mata, kaninang umaga, ay nagising ka.
Nagising ka sa karagatan ng luha na nanggaling mismo sa iyong mga mata
Mga luha na tila itinakda para sa iyong pagdurusa
Kasama ang mga salitang “Kaya ko pa ba?”

“Kaya ko pa ba?”
Ang mga salitang itinatanong mo sa sarili mo noong ikaw ay umiiyak dahil sa ilang beses ka na niyang nabigo sa mga pangakong napako.
Sa iyong pagbangon ay iniisip mo siya.
Hanggang sa iyong pagtulog ay baon mo siya hanggang sa panaginip
At pinangalanan mo siyang “Pag-ibig”

Pag-ibig na itinuring **** totoo
Na pumuno ng kanyang pangalan sa likod ng iyong kuwaderno
Umaasang nakalimbag ang pangalan niyong dalawa sa palad ng isa’t isa

Pag-ibig na akala mo ay kukumpleto sa’yo
Ngunit siyang naging daan ng pagkawask mo

Pag-ibig na sumira sa paniniwala mo
Ang naging sanhi ng pagsabi mo ng mga salitang “Walang forever.”
At pinaniniwalaang ang pagmahal ay tila isang laro na maaaring may manalo ngunit laging may talo

Ngunit ito nga ba ang tunay na pag-ibig? Kung hindi, ano nga ba ito? Ano nga ba ang hugis ng pag-ibig?

Ang PAG-IBIG ay isang TATSULOK

Magsisimulang tumaas at umakyat sa tuwa
Ngunit pagkatapos ng ilang pagsubok
Ay magsisimula muli sa ibaba

Katulad na lamang ng isang pagbati na laging magtatapos sa paalam
Na tila kayo’y nagtagpo sa tuktok pagkat sa dulo kayo’y tinakda upang mawalay sa piling ng isa’t isa
Na kahit na ipinangako niyo sa isa’t isa ang walang hanggan ay narating niyo parin ang dulo.

Ang pag-ibig ay hindi tatsulok.

Ang PAG-IBIG ay isang PARISUKAT

Naroon ang pagmamahal sa bawat dalisdis
Ngunit sa bawat dulo ay magtatapos at maghahanap muli
At sa dami na ng pag-ibig na lumipas ay maaari mo nang iangkat ang pangalan nila sa isang malaking kahon na hugis parisukat

Ang pag-ibig ay hindi parisukat

Ang PAG-IBIG ay isang BILOG

Patuloy na umiikot sa sariling aksis at tila walang katapusan
Ngunit pag tinignan **** mabuti sa gitna ay ang landuyan nito ang sarili mo.
Na nagsasabing
“Mahal kita dahil maganda ka…”
Paano kapag tumanda ka na’t kumulubot ang iyong muka’t nawala ang kagandahan?
“Mahal kita dahil mabait ka..”
Paano kapag ang bait ay tila nawala sa mga pagsubok na inaasahang dumaan
Laging magkakaroon ng dahilan
Laging magkakaroon ng kondisyon

Ang pag-ibig ay hindi bilog

Ang PAG-IBIG ay isang PUSO

Patuloy na tumitibok para sa binabaybay niyang pagmamahal
Nagsasabi ng mga salitang matatamis at mabubulaklak
Pag-ibig na nakilala mo sa mundo at akala mo ay bibigyan ka na ng lahat ng iyong ninanais

Pero nagkamali ka. Ang puso ay napuno ng kiro’t biglang tumigil sa pagtibok. At tulad ng minsan nang umiinit na kape ay nanlamig. Ang iniwan nito ay mga sugat na hindi mo kayang pagalingin ng mag-isa. Ang pag-ibig ay hindi isang emosyon. Hindi ganito ang pag-ibig!

Ang PAG-IBIG ay isang KRUS

Ang Krus kung saan naganap ang pag-ibig. Pag-ibig kung saan ang pangako’y hindi napako pero ipinako. Pag-ibig na nagpakita ng sakripisyo upang maligtas ka lang sa kamatayan. Sabay ng aking pagkapako ay ang kapatawaran mo. Na kahit na ikaw dapat ang nasa posisyon ko ay ipinagdamot ko ang krus upang hindi ka na magdusa pa. Ito ang tunay na pag-ibig.

Ako ang una **** mangingibig na kahit na habang nililikha ko ang mga tala’t bitwin ay nasa isip kita.

Pag-ibig na lumikha sa’yo
Na kahit na itabi kita sa mga bulalakaw o alingawngaw ng mga nag-iingayan na kuliglig o sa bawat kariktan na madadaanan ay ikaw ang pinakamaganda sa lahat ng kariktan

Pag-ibig na talagang totoo
Na kahit na hindi ang pangalan ko ang pumuno sa likod ng iyong kwaderno ay minahal kita
At tuwing gumuguho ka na’y pinilit kong iangat ka sa iyong pagkabagsak

Pag-ibig na kukumpleto sa’yo
Tinanggal ko nga ang kasalanan mo, paano pa kaya ang mga puwang natititra sa loob ng iyong puso?

Ito ang hugis ng pag-ibig

Pagmulat ng iyong mga mata, kaninang umaga, ay nagising ka.
Ginisng kita sa katotohanan na ang mundo ay magsasabi sa’yo ng napakaraming salita
Pero mahal, ang salita ako ang pinakatotoo
Dahil kahit na ilang beses mo akong biguin, ang pangako ko ay kailanma’y hindi mapapako dahil ipinako na ito para sa’yo dalawang libong taon na ang nakalipas.
Ilang beses nang natanggihan ang pagkatok ko sa puso mo
Pero hindi parin ako sumuko, inaraw-araw ko ang pagkatok dito
Umaasang maiisipan **** bumalik sa ating tagpuan
Kaya kumakatok ako muli, Ang tanging katanungan ko lamang ngayon ay; Mahal, handa ka bang tanggapin ako?

Iyong iyo, Ang manlilikha mo
This piece is meant to be spoken.
Mahal, tanda mo pa ba yung araw ng ating pagkikita?
Kung saan lahat ay ating ginawa upang kilalanin ang isa't isa.
Mahal, tanda mo pa ba kung paano mo ako kantahan sa mga gabing tumatawag ka?
Kung saan bawat salita natin ay nakakapagpakilig sa buong sistema.
Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na tayo ay magkasama?
Kung saan ang presensya ng bawat isa ang sa atin nakapagpapasaya.
Mahal, tanda mo pa ba ang mga araw na punong-puno tayo ng problema?
Kung saan pilit natin itong kinakaya kahit ang bigat bigat na.

Kay sarap isipin, kay sarap balikan.
Ngunit paano ko ito babalikan kung ako'y iniwan mo ng nag-iisa at luhaan.

Naniwala ako sayo.
Nagtiwala ako sa mga pangako mo.
Hindi ako tumigil kahit nasasaktan na ako.
Nanatili ako kahit alam kong lokohan nalang ito.
Ginawa ko lahat para sa relasyon na ating binuo
Pero mahal, bakit ka sumuko?

Nasan ka na? Nasan na ang mga binibitawan na mga pangako?
Yung pangakong ako lang ang nasa puso mo.
Yung pangakong ikaw lang at ako.
Yung pangakong hindi ka maglokoko.
Yung pangakong kakayanin natin ito.
Yung pangakong tayo lang dalawa hanggang dulo.
Wala na. Naglaho ng parang bula.
Wala na. Dahil may iba ka ng sinisinta.

Sabi mo mahal na mahal mo ako.
Ngunit anong nangyari at nagkaganito?
Akoy iyong ginago at paulit-ulit na niloko.
Ika'y biglang nagbago at unti-unting naglaho.
Bakit mo hinayaang magkaganito?

Pero mahal, alam mo ba?
Mahal na mahal parin kita kahit mukha na akong tanga.
Mahal na mahal parin kita kahit may iba ka na.
Mahal na mahal parin kita kahit alam kong wala ng pag-asa.
Mahal na mahal parin kita kahit tinalikuran mo ako at pinili mo siya.
Pero mahal, pasensya kana dahil ito ay sobra na.
Pagod na pagod na ako kaya pinapalaya na kita.

Ito na ang panahon para piliin ko ang sarili ko.
Ako na nagpakatanga sayo.
Ako na kinalimutan ang sarili ko.
Sarili ko na napabayaan ko dahil sa labis na pagmamahal sayo.

Sana sa araw na ika'y pinalaya.
Hinahangad ko na seryosohin ka niya.
Sana pasayahin mo siya sa araw na kayo'y magkasama.
Sana mahalin mo siya gaya ng pagmamahal ko sayo
Pagmamahal na hindi mo naibigay sa isang tulad ko.

Kaya naman mahal hanggang dito nalang tayo.
Kahit mahirap kakayanin ko.
Kahit masakit titiisin ko.
Paalam mahal, dahil ito na ang huling araw ng pagpapakatanga ko sayo.
AUGUST Sep 2018
saan nga ba nagmula ang aking masamang balak
Kung kapupulotan ng aral o kapupulutan ng alak
Anong kahahantungan nitong simpleng inuman
Sa sobrang kalasingan katabi na ang naging pulutan

Papel na madaling mapunit madali ring nagliliyab
Kanyang Damdaming malupit madali ring nagaalab
Nang nakipaglaro ako ng apoy lahat biglang nalaglag
Ang abo sa mga panaghoy dali daling pinagpag

Saplot ng mahinang katawan lahat natupok dahil sa init
Pusong may kapahangasan Naging marupok sa labis na galit
Ngayon alam ko na kung bakit di masaya kumain ng magisa
Dahil ang luto ng Diyos sinta  pinagsasalonan para lang sa dalwa.


Patawarin ako ng aking mga magulang, inay at itay
Pagkat di ko namalayang nasusunog na pala ang aming bahay
08=19=18

Panatiliing nasa katinuan lalo na pagnalalasing. Basta may alak, may balak.pagibig
Inukit ko ang pangalan nating dalawa sa isang puno
Simbolo Ito kung gaano kita ka mahal, mahal ko
Naka ukit sa punong iyon lahat ng ating mga pangako
Mag mamahalan tayo pang habang buhay kahit labag man sa atin pati ang mundo

Sabay tayong nangarap noon
At alam kung balang araw matutupad iyon
Pero tila labag talaga sa atin ang mundo
Mga pangako'y bigla nalang nag laho at na pako

Tinangay ng malakas na hangin ang munting pangarap natin
Tila kahit saan ito tangayin ay kay hirap na itong hanapin
Bakas ang pangungulila at lungkot sa aking mga mata
Dahil kahit katiting na pag-asa'y di ko na makita

Umalis ka at ako'y iyong iniwan
Lungkot at pananabik na sanay babalik ka at hinding hindi na kita bibitawan
Para akung pulubing palaboy laboy kahit saan
Tulad ng pag mamahal natin di ko alam kung saan ang patutongohan

Iyong ngite na parang araw na nagbibigay liwanag sa buhay ko
Pero ang ngiting iyon di ko na nasisilayan kaya biglang nag dilim ang mundo
Mga yakap mo gusto kung madama muli
Mahal ko bumalik kana at alam kung hindi pa ito ang huli

Madalas akung pumupunta doon sa may puno kung saan naka ukit ang ating mga pangalan
Dahil alam ko na doon mo ako iniwan at doon mo rin ako babalikan
Tila buhay ay parang sentonadong guitara
Wala nang direksyon ang mga nota dahil nawala na pati yong kopya

Lumipas ang ilang araw hindi ka parin bumabalik
Mas gustohin ko nalang sumoko dahil dito sa sakit
May bagong pangarap kana ata diyan mahal dahil di muna ako binalikan
Masakit pero sige sisimulan narin kitang kalimutan

Tumanda na ang munting kahoy na ating pinag ukitan
Kay tanda narin ng pag-ibig natin na iyong tinalikuran
Ilang taon na ang lumipas at kay rami na ang nag bago
Pero pag mamahal ko sayo pang habang buhay naka ukit sa punong ito

Ngayon may kanya kanya na tayong sariling buhay
Buhay na pinangarap natin Pero ito'y namatay
Masaya na ako mahal sa buhay kung ito
Sana ganon karin katulad ng nararamdaman ko sayo

Mahal ang punong ito, ay mananatiling simbolo at Manana tiling naka ukit ang ating na udlot na pangako
raquezha Jul 2018
Hindi ako takot umibig pero takot ako sa’yo.
Hindi dahil sa ayoko sa’yo kun’di sa tingin ko’y hindi malabong magkagusto ako sa’yo. Hindi malabong hanap-hanapin ko ang gabing ito at ang magagandang kwento mo.
Hindi malabong hanap-hanapin ko ang boses mo—ang mga titig mo… baka masanay ako.

Hindi ako takot umibig pero takot makong mahulog.
Sapagkat paano mo iibigin ang taong estranghero? Kung sa unang gabi palang ng iyong pagkikita ay nahulog ka na.
Nahulog sa kwentuhang matagal, sa kanyang boses na hindi pagal.
Sa mga ngiting nang-aakit,
sa mga matang nakakahumaling,
sa kanya na hindi pa kilala pero pakiramdam ko matagal na kaming nagkita.

Takot ako sa dilim,
pero mas takot ako sa liwanag. Takot akong makita ang sarili kong kasama ka.
Baka kasi pag nasanay na ako sa liwanag ay bigla na lang itong mamatay hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid ko at baka masanay ulit ako.
Masanay ako na maglakad na para bang nakapikit. Maglakad patungo sa palaisipang lugar na paikot-ikot lang ang daan.
Baka bigla nalang akong yakapin ng dilim sabay bulong sakin ng "tumigil ka na tanga!"
Baka biglang lumabas ang mga kaibigan ko sa dilim at masanay sila sa liwanag.
Baka multohin nila ako habang tirik ang araw at habulin ako sa kung saan.
Baka habang tumatakbo ako palayo ay mabulag ako sa liwanag na dulot mo at baka mabangga ako at muling mabuhay ang mga alaga kong paru-paro.

Hindi ako takot sa patay, pero takot ako sa buhay.
Takot akong mabuhay ang mga daga sa aking dibdib na matagal nang nanginginig sa lamig.
Takot akong matunaw ang mga yelo na matagal nang nakapulopot sa puso ko.
Takot akong matunaw ang mga ito at lunurin ako sa pag aakalang tunay ang mga nararamdaman ko.
Takot ako sa majikang dulot ng pagibig na nag bibigay buhay sa mga patay na kandilang dala-dala ko.
Takot akong maging maliwanag ang paligid ko at makita ang katotohanan ng mundo.
Takot akong makita na ang mundo natin ay iisa pero mas takot akong malaman na iba pala ang gusto **** kasama.

Hindi ako takot mag-isa,
pero takot akong kasama ka.
Takot akong makasama ang mga dati **** kasama— baka kasi kung ano’ng sabihin nila.
O kaya pag kasama mo sila at kapag madami na sila maramdaman ko ulit kung pa’no ang mag-isa.

Hindi ako takot sa luma, pero takot ako sa bago.
Sana kahit may dumating na bago,
walang magbago. Sana kahit mag mukha na akong antigo, wag mo akong itago gaya ng mga nakalagay sa inyong aparador.
Hindi ako plato, kutsara o tinidor na gagamitin mo lang sa piling-piling okasyon dahil wala ka nang ibang opsyon.
Sa piling-piling araw na kung saan ipapagamit mo lang sa kung sino-sinong tao dahil yun lang ang silbi ko.
Takot ako
Takot ako
Natatakot akong mapalitan ng bago.
Takot ako
Takot ako
dahil lang meron bisitang darating kasabay ng pagtapon mo saakin.
Takot ako
Takot ako
Kasabay ng mga bago pang darating wag mo sana akong paglumain.

Hindi ako takot sa wakas pero takot ako sa simula.
Lahat kasi ng sinimulan ko parang laging may nakakapit na malas
lagi nalang gustong kumalas sa pagkakapit hanggang sa mag wakas.
Hindi kasi lahat ng wakas ay may kasunod na simula—
simula ng panibagong bukas.

Hindi ako takot sa sagot pero takot ako sa tanong.
Mahal mo na ba?
Mahal ka ba niya?
Takot akong masagot ang mga tanong ko ng "Oo" tapos sasabayan mo ng "pero" sa dulo;
ng "Oo" na may preno ang tono kaya takot sa tanong
pero mas takot ako sa sagot.
Mahal na kita mahal mo rin ba ako?

Madami man akong kinakatakutan kung anu-ano nalang gaya ng ikaw,
liwanag,
buhay,
simula,
bago
at makasama ka— lahat ng ito’y hindi mahalaga iibigin kita kahit anuman sabihin nila,
kahit hindi ako ang iyong mahal,
ang liwanag mo,
kahit iba na ang buhay mo,
kahit simula palang ng tulang ito ay takot na ako,
iibigin kita sa isip,
sa panaginip,
sa diwa,
sa mata,
sa tingin,
sa lambing,
matulog ka ng mahimbing
hanggang maubos ang kandilang minsang ikaw ang nagsindi kahit na lahat ng ito ay walang silbi.
Gagawan kita ng puntod na mag sisilbing paalala
na minsan akong nagpakatanga sa pagibig.
Gagawan kita ng puntod at doon ko ibabaon lahat ng ito sa limot.

Iibigin kita habang nililibing ang 'yong alaala. Ililibing kita habang iniibig ko ang iyong alaala.
May Mar 2016
Kaibigan 'yan ang tingin mo sa akin,
Kailanman di mo ako kayang mahalin.
Di ko ninais
Boom panes
Sa samahan na nabuo natin, ako'y nabihag mo,
Subalit di mo naman sinabi na ito'y isang malaking laro.
Iniisip ng iba meron tayong relasyon,
Ang hindi nila alam ito'y isang ilusyon.
Umasa ako ng "tayo",
Ngunit ako'y nasaktan lamang,
Sapagka't ikaw ay may kasintahan.
Di kita masisisi kung iba ang iyong pinili,
Dahil maski ako di pipiliin ang sarili.
Sa mga sinabi mo, ako'y naniwala,
Kahit na may iba akong hinala.
Ganun pa man, ako'y nagtiwala;
ngunit ito'y iyong sinira.

Di ko alam kung saan magsisimula,
Dahil ang puso ko ay wasak na wasak na.
Akala ko iba ka,
Yun pala katulad ka lang nila.
Akala ko noon ikaw ay maginoo,
Yun pala ay isang loko loko.
Pinagmalaki kita dahil sa iyong mabuting puso,
Di inaasahan na ako ay maloloko.
Ako'y nanghihinayang,
Pero para sayo balewala lang.
Ganyan ka ba kamanhid,
Di mapansin na ako'y nasasamid,
Tuwing nakikita kayo sa paligid.
Masakit na makita kayong dalawa,
Pero wala na akong magagawa,
Dahil masaya ka na sa piling nya.

Gusto ko ilabas ang nararamdaman ko,
Pero ayokong makita mo na ako ay apektado.
Gusto ko magreklamo, gusto kita murahin,
Pero biglang napaisip, ito pala'y isang sariling katangahan.
Ang hirap magmahal ng isang kaibigan lalo na kung one sided love. Yung feeling na kahit kailan di nya mapapansin yung feelings mo for him, dahil para sa kanya, di kayo talo.
Ace Jhan de Vera Apr 2016
Andiyan ka na sa malayo,
Sa pagtalikod ko nakikita kitang kumakaway,
Ni hindi ko maisip kung paalam na,
O panibagong simula para sa ating dalawa.

Napakasimpleng bagay ng isang pagkaway,
Na bumabagabag sa isip ko kung ano nga ba ang totoo,
Magkikita bang muli kung saan tayo noon nagtagpo,
O ibabaon na sa limot at ibubulong sa unan ang lahat habang nakayapos sa kumot.

Dagliang sasagi sa aking isipan,
Ang mga matatamis na salita na binibulong sa aking tenga,
Yung sa pag tulog ko ikkwento mo sa akin kung gaano mo ko kamahal,
O di kaya uulit ulitin mo kung gaano ka nagpapasalamat na ako'y iyong nakilala,
Dahil binago ko ang takbo ng buhay mo,
Dahil pinatunayan kong may tao pang kagaya ko,
Na totoo,
Na may puso,
Na may pagnanasa para sa isip mo ngunit hindi sa katawan mo.

Biglang magdidilim ang lahat at makikita ko ang iyong mukha,
Namumula,
Nanggagalaiti,
Halos pumutok ang ugat sa kakasambit,
Ng mga salitang napakasakit,
Pero muling kakabigin ng mga bisig,
Na nakasanayan ko nang sa aki'y kumikikig.

Nagmimistulang saranggola,
Na sa ere'y inihitya,
At unti unti tinutulak palayo,
At tinatangay ng hangin,
Papalapit sa mga ulap at malapit ng maabot ang langit,
Biglang hahatakin pabalik gamit ang lubid na nakapalupot sa aking katawan,
Para saan?
Para ulitin kung ano ang nakasanayan.

Kaya para saan ba talaga ang iyong pagkaway?
Mamaalam ka na sana,
Dahil parang araw na sumisilaw sa aking mga mata.
Ang sakit tingnan,
Pero alam kong ikaw ang magbibigay ng init sa nanlalamig ko ng mga laman.
Pero kailangan ko na sigurong kalimutan,
at muling mabuhay sa mundong,
Para lang sa akin,
At hayaan kang maglayag,
Sa karagatang ninanais mo.
No Name Oct 2018
Ito na ang una't huli
ang una at huling tula
para sayo
sapagkat ang tagal na dapat
ko tung tinigil
Tinigal ang pag ka tanga ko.
Ang hirap diba
sa simula pa lng
para na akong sira
kasi sa simula pa lng
wala na akong magawa
bigla na lng ako nahulog sayo
at sa lahat ng iyng pinag gagawa
kahit maliit na mga bagay
ay napapansin ko
sa pag kumpas ng iyung mga kamay
sa matatamis **** mga ngiti
sa mapupungay **** mga mata
ako talaga ay na bighani
pero anu ba't
ang hirap talaga
pero sinabi ko na may paghanga ako sayo
ayun na ang pang gitna
nagkakilala tayo ng lubos
ang paghanga
ay naging pagmamahal
d mo naman ako binigo
minahal mo din ako
pero bakit ganun
d naging tayo?
ang hirap diba
kasi kahit ikaw
d mo yan nasagot
ilang taon din ako nag hintay
aking sinta
pero sa mga taong yun
hirap na hirap na ako
pero ako ay naghihintay parin
na parang tanga
umaasang may tayo parin sa huli
pero wala pala
kaya nag paalam ako
kasi d ko na kaya
nanliliit na ako sa sarili ko
bakit d kita mapa oo
tapos biglang sinabi mo
minahal mo talaga ako
akala mo makakahintay ako
kahit gaano katagal
sabi ko oo
kaya sana kitang hintayin
kahit gaano katagal
kung sana sa paghihintay ko
wala kang kasamang iba.
kaya
ito na ang una't huli
na tula
para sayo
kasi pagod na ako
sa paghihintay sa wala
salamat sa iyo
at nagising na ako.
gusto ko makawala lahat ng sakit , d ko naisip na ganito pala ang mag sulat para sayo buti na lng hanggang guhit lng ako. mas masakita pala pag naka sulat na kaysa mga larawan lng na aking mga napinta
Marg Balvaloza Jan 2019
Bumalik tayo kung saan...
Paano nga ba nagsimula?
Nagsimulang ang mga pangamba ko ay mawala,
nagsimulang pangamba ay mapalitan ng pag-asa't pagtitiwala.
Mga pagluha sa aking mata, ay tila naglaho na
Napalitan ng pagtawa, lumbay ay lumisan na.

Paano nga ba nagsimula?
Mamuhay nang kasama ka
Sa mga araw na kapiling ka—- bawat araw ay puno ng galak at pagsinta.
Tinuruan mo akong, mamuhay nang may saya
Pait ng kahapon ay naitapon na,
mula nang ikaw ang makasama ko, sinta.
Samahang walang papantay, punung-puno ng buhay!
Pag-aalaga ay damang-dama, suporatado ang isa't-isa.

Paano nga ba nagsimula?
Malalim na pinagsamahan
Masasayang ala-ala, na tila hindi maaantala—-
    ng kahit anong problema, sa atin man ay naka-amba
Magkahawak mga kamay, tayo ay hindi bibitaw.

Mga gala at lakad natin, na minsan ay biglaan pa
Mga oras na hindi natin alam, kung paano napagkasya.
Basta't alam nating... tayo ay masaya—- kahapon man o ngayon, at kahit na bukas pa!


Ngunit dumating ang panahon, tayo'y sinubok na ng pagkakataon
Masasaya nating bukas ay nagsimula na ngang kumupas
Hindi alam kung paano, tayo'y biglang nagbago
Tila nalagas na puno, hindi na lumago.

Akala ko ba ikaw ay "KASAMA?"
Hindi lang kaibigan o basta-bastang kasintahan
Kasama sa lungkot at pighati, kasiyahang hindi mawari
Pagkatalo man o pagkapanalo—- tayo pa rin ang magwawagi.


At ngayon...
Bumalik tayo kung saan...
Paano nga ba nagsimula?

Nagsimulang mawala ang paniniwala na tayo ay para sa isa't-isa
Nagsimulang matalo sa digmaan at piniling wag na lumaban?
Nagsimulang maglaho ang mga katagang "mahal kita"
Nagsimulang magbulag-bulagan sa katotohanang
b a k a   t a y o  a y  p w e d e   p a ?

Isip at damdamin ay di makaunawa
Hirap pagalingin ang sugat na sariwa
Sugat na iwan ng ating pinagsamahan
Pinagsamahan na akala ko ay aabot sa simbahan

Paano nga ba nagsimula?
Paano at kailan nagsimula?
Nagsimulang matapos ang ating pagmamahalan?

Kahit kailan pinangarap ko, maging ikaw at ako—- hanggang sa dulo
Paano mangangarap kung ako ay gising na?
Gising sa katotohanan na tayo ay
w a l a  n a?


© LMLB
This is a poem I made eight months ago. I think it's the right time to publish it to let the public read it freely, as free as I am right now. Perhaps the feelings have depreciated and that's why I wouldn't mind if someone would read this poem, based solely on my feelings couple of months ago.

There you go, you have it. Read this poem from my broken heart that's already mended now. :)
Jeybi De Kastro Nov 2015
Pano maiwasang ibigin ka
Kung katumbas nito ay hindi ko pag hinga
Naramdaman ang pagibig na iyong pinadama
Sa mga salitang “ikaw lang sapat na”
Ngunit bakit biglang nagiba
Pagibig tila nag laho na
Iniwang naka lutang
Sa pagaakalang ikaw at ako ay may forever pa
Ngayon pagibig sayo ay di ko na saklaw
Kasi napagtantong mukha kang kalabaw
Sana balang araw, mahanap ang pagibig na hinahanap
Isang babaeng kapanga-pangarap
103115

Heto, bibilangin ko na naman ang araw,
Uno, dos, tres, at mapapahintong bigla sa ikaapat.
Hindi batid ang tamang oras
O hatian ng minuto't pag-istambay sa segundo,
Bagkus, iyon ang eksaktong araw.

Panahon na siguro para maisalta ang salita
Sa puso **** tila nakakahon pa't hindi pa malaya,
Sa pagbubukambibig ng itinabing damdamin,
Sa paglisan sa ipinaubaya **** pangakong
Minsang pinanghawakan ng pusong hindi pinagdamutan.

Kung pipili ako ng salita, baka maubos ito sa kawalan;
Gaya ng pagtampisaw ng bituin sa kalangitan.
Baka malusaw ito gaya ng yelong nakatiwangwang,
At masayang ang tubig na sana'y sagot sa uhaw.
O baka mapudpod gaya ng posporo,
Paulit-ulit na sinubok ng pagkakataon,
Bagkus hindi maisindi ang pag-ibig,
Kaya nanatiling walang pahiwatig.
At biglang itatapon, ikakahon ang natitirang damdamin,
Itatago, hanggang sa magkataong kailangan na talaga.

Panalangin ko'y magpalakas ka sa pananampalataya,
Wag **** lingunin ang nakaraan, at taglayin mo ang Liwanag.
Kung napapagal na'y, wag kang hihinto,
Bagkus, mas kumapit ka pa sa may mas mataas na pangako.

Narito ako't hindi tatalikod sayo,
Susuportahan ka kahit hindi mo makita ang pag-alalay.
Panalangin ko'y tapusin mo ang laban,
At mas masilayan ang kagintuan ng Haring Araw,
Wag kang mabubulag sa mukhang may ilaw.
Tingnan mo ang pawang mga kamay,
At wag matakot sa pagsuntok sa hangin,
Pagkat iilag ang sitwasyon,
Bagkus binibilang Niya ang lakas at determinasyon.
Mas ialay ang puso sa Kanya,
Higit pa para sa pag-ibig na inantala.

Hayaan **** makinig ang puso mo,
Pagkat nanalangin ang puso ko.
Kahit minsa'y kaylayo, kahit hindi ko madipa-dipa.
At sa paghihintay natin sa tamang panahon,
Kaya ko nang sambitin ang estado ng puso.
Hindi sa paghain ng mga letra sa pawang mga mata,
Na tila mananatili na lang sa papel na hindi nababasa.

Pag muling nagtagpo,
Ako mismo ang haharap sayo,
Pero tandaan **** baka wala akong masambit.
Hindi dahil mahina't naubos na ang lakas ng loob,
Bagkus, hindi ako makapapaniwala
Na ang oras ay tunay at eksakto para sa pagkikita.

Hindi ko mapipigil ang pagluha buhat sa saya,
Pagkat ang kabiyak ng pusong minsang nasugatan at hinulma'y
Kaya nang matitigan kahit hindi na magbilangan ng oras.
Mayayakap na hindi lang dahil sa pagmamahal,
Bagkus, pahiwatig sa pasasalamat na tunay ngang ikaw.

Pag-ibig Niya ang dahilan
Kung bakit patuloy na naghihintay,
At kung bakit patuloy kang ipinaglalaban,
Patuloy na ibinabatak sa Maykapal.

Sa Kanya ang papuri sa umusbong na damdamin,
Ang pag-ibig ko sayong patuloy na nananatili.
Oo, isinapuso ko ang pag-ibig ko sayo't
Pinili kong pillin ka, sa kabila nang tila magulong anggulo.

Ganoon ang pag-ibig ko,
Hindi mo masusukat, bagkus kaya Niyang higitan pa.
Kaya't hindi ako lumaban, pagka't mas iniibig ko rin Siya.
Hindi mo mababasa, pagkat Siya ang may katha.
At kung anuman ang nilalaman ng pusong may sagot,
Sana'y katimbang nito ang damdaming ipinaglalaban.

At kung kinaya nating magkanya-kanyang kasama Siya,
Mas kakayanin na nating magkaisa para rin sa Kanya.
At saka na natin sabay na ibabandera Kanyang Ngalan.
At pawang magiging patunay sa pag-ibig na nakapaghihintay.

Tila kayhirap bigkasin, kahit apat lamang ang kataga.
Mahal kita, sana makarating sayo,
Sa tamang panaho'y magpalitan nga ng kataga.
Sana ikaw ang unang magpatimbang sa Kanya,
Maniniwala akong makararating sa patutunguhan
Ang liham ng pusong may totoong damdamin.
Para sa taong pinagdarasal ko, maghihintay ako.
President Snow May 2017
Pinangako ko noong gabing
Lumisan ka at akoy iyong iniwan,
Na hindi na muli ako maglilimbag
Ng kahit anong kanta o tula
Na naglalarawan ng mga nararamdaman ko sayo

Ngunit heto ka nanaman
Biglang lumitaw mula sa kawalan
Muling pinaparamdam ang dapat di ko na maramdaman
At muling ginugulo ang tahimik ko nang isipan.

Pinangako ko na hindi na muli ako magsusulat
Ngunit heto ako ngayon,
Nangangati ang mga kamay na muling humawak
Ng ballpen at gawin ang bagay na matagal ko nang kinalimutan—na hindi pa naman pala

Muling inilimbag ang mga sakit
Muling isinumbong sa papel ang mga hinanakit
Muling nagbabakasali na sa aking pagsusulat
Muling maghilom ang mga peklat

At sa wakas sa dinami dami ng kalyo
Na aking natamo
Sa aking mahabang pagsusulat,
Muling naghihilom ang mga sugat

Muling kakalimutan ka
At kapag biglang naalala
Muling maglilimbag at magsusulat
Susubok makalimot muli sa lahat
Lol.
Angela Gregorio Nov 2017
Noong araw na umamin ka
Pikit matang sinabing, gusto kita
Meron akong biglang nadama
Dapat nga bang ipakita?

Habang nakikinig sa iyong tinig
May pagaalinlangang nadinig
Tama nga bang making
Sa nilalaman ng aking dibdib?

Binigyang pagkakataon
Sinubok natin ang kahapon
Ngunit bakit ganoon
Di ko na alam ngayon

Takot akong aminin sa sarili
Na baka ako'y nagkamali
Pero mas takot akong aminin
Na baka ako'y nakasakit

Gusto kitang palayain
Dahil di kita kayang yakapin
Bigyang paumanhin
Hindi nais ika'y paasahin
Tocz Laurenio Feb 2020
dilaw na dyaket ang suot mo noon
habang ako ay nananahimik
hindi makaimik
at pinagmamasdan ang bawat sinag ng dapithapon
na sinasala ng kinulayang bintana
kung saan ay sa aking mga mata na ngayon lamang nakakita ng ganda ay biglang napatunganga

dilaw na dyaket ang suot mo noon
at ang unang naitala
sa listahan ng mga napuna ng aking mga mata at biglang napatunganga na nga

nang dahil sa bawat tupi ng manggas
at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket **** naisipang ipakita sa silid ng mga kaluluwa

mga kaluluwang akala ko ay mabibigyan kong buong pansin ngunit heto, napatitig na rin

ako'y napatitig na rin

napatitig sa dilaw na dyaket mo
at hindi ko mawari kung paano
pero ang dilaw na dyaket **** nakabalabal sa iyong kay liit na katawan ay humihila pababa sa iyong mga balikat
nakakibit
hindi man lang kayang mapaakyat ang iyong pagpapakalálo
napapaliit
ang tikas ng iyong pagkatao

hindi ko rin mawari kung paano
pero ang dilaw na dyaket mo ay para bang napabalabal na rin sa akin
at mula noon, ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng aking puso ay handa nang aminin na ikaw ay naging isang

anghel

ang dilaw na dyaket mo ay naging iyong halo
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa nito ay naging mga pakpak mo at ikaw ay naging isang

anghel

ika'y naging
anghel sa aking isipan
marikit na imahe sa aking kaloob-looban
munting sigaw sa buong kalawakan
o, munting anghel ko, nais ko na sanang isigaw:
nakikita mo ba?
nakikita mo ba kung paano kita nakikita?
nakikita mo ba kung paano kita sinasamba?
nakikita mo ba kung paano kita sinisinta?

oo, sinisinta, dahil
munting anghel ko, o, mahal kita
mahal kita, o, munting anghel ko

mahal kita
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng iyong pagkatao
mahal kita
at ayaw kong manatili ka lamang sa isipan ko
mahal kita
at nais kong ako ang magpabalabal sa iyong puso
at nais kong ako ay maging iyo

at nais kong mahalin mo rin ako

ngunit, o, munting anghel ko, natakot ako
natakot ako na
kung ilalahad ko ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo
ay huhusgahan mo ako
kung hayaan kong buksan mo ang aking mga pinto
ay matatakot ka nang makita mo ang nilalaman nito
kung ipakita ko sa iyo ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso
ay magugulat ka at lilisanin mo ako

kaya heto, ang munting anghel ko ay nanatili sa isipan lamang
ang marikit na imahe ko ay nanirahan sa kaloob-looban lamang

ang munting sigaw ko ay naging bulong lamang
isang bulong na nagsasabing:
o, munting anghel ko, mahal kita,
o, munting anghel ko, pangarap kita,
ngunit, o, munting anghel ko, natatakot akong sa piling mo'y ako'y madulas
at tuluyang mawala ka.

maroon na dyaket ang suot mo kanina
noong ako ay naarawan ng sikat ng umaga
at ng tawa ng ilang mga kahalubilo't kasama
at naroon sa gitna ng aking sariling mga tawa ay nakita kita
ngunit may kasamang iba

at siya'y ika'y inakbayan
at ika'y siya'y nginitian
at ako'y napaisip nang biglaan
kayo ba?
kayo ba?
kayo ba?

napakwento ang kaibigan ko:
alam mo ba,
ganun na nga
sila na
magdadalawang-linggo na.

hindi naman sa nasaktan ako
pero parang ganoon na nga.

hindi naman sa napatigil bigla ang tibok ng puso ko
pero parang ganoon na nga.

hindi naman sa nadurog ako nang mapansin ko na ang sukat ng maroon na dyaket mo ay mas sakto sa iyo at hindi niya nahihila pababa ang iyong buong pagkatao at siguro ito ay dahil siya ang kasama mo at hindi ako kaya para bang siya na ang nakabalabal sa iyong puso at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng kaniyang puso ay napaibig na sa iyo—

pero parang ganoon na nga.

ganoon na nga
dahil kayo na nga

kayo na
kayo na
kayo na.

ganoon na nga
dahil siya ang kasama mo

hindi ako
hindi ako
hindi ako.

siguro kung hindi ako natakot

siguro kung hindi ako natakot na ilahad ang lahat ng mga ligaw na alaala ko sa iyo
ay hindi ka na mananatili lamang sa isipan ko

siguro kung hindi ako natakot na hayaang buksan mo ang aking mga pinto
ay mapapabalabal ko na ang iyong puso

siguro kung hindi ako natakot na ipakita ang lahat ng mga tupi ng manggas at mga kusot ng bulsa ng aking puso
ay ako na'y magiging iyo

siguro kung hindi ako natakot na madulas sa piling mo
ay mamahalin mo na rin ako

ngunit ayan na nga, o, munting anghel ko, natakot ako
at ayan na nga, o, munting anghel ko,
lahat ng ito ay hindi ko na nasabi sa iyo
at ayan na nga, o, munting anghel ko,

baka tuluyan nang mawala ang dilaw na dyaket mo sa buhay ko

maroon na dyaket na ang suot mo
ngunit ang dilaw na dyaket mo pa rin ang nakatatak sa isipan ko
at ang bawat tupi ng manggas at bawat kusot ng bulsa ng dilaw na dyaket mo ay nakabalabal pa rin sa aking puso

aking puso na nadurog, at patuloy na nadudurog hanggang ngayon
nang dahil sa dilaw na dyaket na suot mo noon

dahil sa dilaw na dyaket na suot na ng iba ngayon
Filipino translation: "Yellow Jacket". A Filipino spoken word poem.
Eugene Oct 2018
"Anak, ilang oras na lang, aakyat ka na sa entablado. Proud na proud ako sa iyo, anak" wika ng kaniyang ina habang inaayos ang suot niyang toga. Isang matamis na ngiti naman pinakawalan ng binata at niyakap nang mahigpit ang ina.

Ito na ang araw na pinakahihintay niya.

Ang araw na magtatapos na siya sa kolehiyo.

Ang araw na pinaka-pinanabikan niyang dumating sa buong buhay niya.

"Anak, mauna ka na muna roon sa unibersidad at ako ay susunod na lamang. May tatapusin lang ako rito sa ating tahanan. Hindi puwedeng hindi maganda ang iyong ina kapag akay-akay kitang nagma-martsa,"  Isang halik sa pisngi ang iginawad ng ina sa anak.

Lumipas pa ang dalawang oras, isa, at hanggang sa naging tatlumpung minuto na lamang ay hindi pa rin nakikita ng binata ang kaniyang ina. Kabadong-kabado na siya nang mga sandaling iyon.

"ROGEN! ROGEN!" sigaw ng isang tinig. Hinanap ni Rogen ang pinanggalingan ng tinig at doon ay nakita niya ang kaniyang matalik na kaibigang hingal na hingal na tumatakbo patungo sa kaniya.

"Bakit tila hapong-hapo ka, Arwan?" aniya.

"Ang--ina. Ang-- iyong ina! isinugod sa ospital ang iyong ina,"  agad namang kumaripas ng takbo si Rogen, suot-suot ang togang mayroon siya upang puntahan ang pinakamalapit na ospital sa kanilang bayan nang marinig ang tungkol sa ina.

Habang tinatakbo ang daan patungo ay hindi napigilan ni Rogen ang pagpatak ng mga luha sa kaniyang mga mata. Nang marating ang ospital ay agad niyang pinuntahan ang information desk. Sinabi ng nars na nasa emergency room ang kaniyang pakay at hindi pa nakakalabas ang doktor.

Pinuntahan niya ang emergency room at doon ay natagpuan niya ang sariling kausap ang kaniyang amang matagal niyang hindi nakita.

"Rogen, anak," agad siyang niyakap nito. Hindi naman nakapagsalita si Rogen dahil ang puso at isipan niya ay nasa kaniyang ina.

"Anak, patawarin mo ako kung ngayon lamang ako nakauwi at hindi ko inasahang sa muling pagkikita namin ng iyong ina ay aatakihin siya ng kaniyang sakit sa puso," mulagat ang mga mata ni Rogen nang marinig ang salitang iyon. May sakit ang kaniyang ina at hindi niya alam? Inalalayan siya ng kaniyang ama na umupo at doon sinabi sa kaniya ang lahat.

"Anak, graduation mo ngayon. Kabilin-bilinan ng iyong ina kanina bago siya atakihin ng kaniyang sakit na kailangan **** daluhan ang pagtatapos mo. Wala man siya o nasa tabi mo man daw siya ay dapat personal **** abutin ang diploma mo at ang medalya **** apat na taong mo ring pinaghirapang makamit," patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ng kaniyang ama habang siya ay humahagulgol na. Ang medalyang iyon sana ang sorpresa niya sa kaniyang ina pero mukhang nalaman na rin niya pala ito.

"Mayroon ka na lamang sampung minuto upang bumalik sa unibersidad at kunin ang iyong medalya at diploma, anak. Ako na ang bahala sa iyong ina. Alam kong bibigyan pa siya ng Panginoong makita ang medalya at diploma mo. Tuparin mo ang bilin niya, Rogen."

Kahit mabigat sa kalooban ay pinahiran ni Rogen ang kaniyang mga luha at tumayo. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginantihan niya ang yakap ng kaniyang ama at mabilis na tumakbo palabas sa ospital .

Sampung minuto na nang makalabas siya sa ospital.

Siyam na minuto nang pumara siya ng masasakyan at dali-daling sumakay dito.

Walong minuto nang magsimulang umandar ang dyip.

Pitong minuto nang biglang bumagal ang usad ng mga sasakyan.

Anim na minuto nang iabot ni Rogen ang bayad sa drayber at naghintay pa ng isang minuto.

Limang minuto at hindi na nakatiis si Rogen. Bumaba na ito ng dyip.

Apat na minuto na at hindi na niya ramdam ang init nang mga oras na iyon maging ang mga nakabibinging busina ng mga sasakyan sa kalsada.

Tatlong minuto na at nasa tapat na siya ng unibersidad. Ang lahat ay nasa loob na ng convention hall.

Dalawang minuto na at kailangan niyang magmadali dahil dinig na dinig na niya ang pagtawag sa mga apelyido ng magsisipagtapos na nagsisimula sa letrang "B".

Isang minuto na at sa wakas narating din niya ang convention hall. Tamang-tama lang dahil buong pangalan na niya ang tinawag ng EMCEE.

"Batobalani, Ujuy Rogen, MAGNA *** LAUDE!"

Basang-basa na ng mga luha ang togang suot ni Rogen nang mga sandaling iyon pero taas-noo pa rin siyang naglakad upang umakyat sa entablado. Nanalangin sa isipang sana ay huwag munang kunin ang kaniyang ina.

Nang makaakyat ay binati siya ng mga naroon at isinabit sa kaniya ang kaniyang medalya.

"Everyone, let us hear the message of success to our first ever Magna *** Laude of West Visayas University - College of Education, Rogen Ujuy Batobalani!"

"Isang maikling talumpati lamang po ang aking ibibigay sa kadahilanang hindi ko po nakasama ang aking ina rito sa entablado upang magsabit sa akin ng aking medalya. Nasa emergency room po siya ngayon at nag-aagaw buhay." muli na namang pumatak ang kaniyang mga luha.

"Sa aking ina, nais kong malaman mo na walang araw na hindi ko inihahandog ang mga gantimpalang nakamit ko sa unibersidad na ito. At itong medalyang ito at ang diplomang kukunin ko ay para sa iyo. Para sa walang sawang pag-suporta mo sa akin. Para sa araw-araw **** pagpapaalala sa akin na ang buhay ng isang tao ay parang isang mahabang tulay na may iba't ibang uri ng balakid sa daang kailangang suungin, at lagpasan ng may lakas ng loob, tiwala, at malakas na kapit sa ating Panginoon upang makita ang dulo nito. Walang hanggan ang aking pasasalamat sa iyo, mahal kong ina. Mahal na Panginoon, maraming salamat din po at nagkaroon ako ng isang inang katulad niyang mabait, maalalahanin, maalaga at mapagmahal. Alam Niyo po ang iniiyak ng aking puso at nawa ay Iyo po itong pakinggan."

Ang hindi alam ni Rogen, matapos ang maikling talumpating iyon ay siya namang pagtigil ng tibok ng puso ng kaniyang ina sa ospital.
Jowlough May 2016
Dumaan saglit sa bilihan ng damit
Kahit sakto ang dala ay aking pinilit
Pagkat pawis ay malala dahil mainit
Sa pagkikitang ito lahat ay sulit.

Sa harap ng salamin maiging sinipat
Kung okay ang buhok at marapat
Konting talsik ng pabango sa kwelyo
Hindi muna ko maninigarilyo.

Upang ako'y perpekto sa pagdating
Lahat ay maayos sa iyong paningin,
hinahanap hanap ang 'yong awitin
Ng boses **** maliit ako'y bitin.

Nagmamadali at baka mahuli
Ayokong maghintay ka aking binibini
Kahit hasel sa lahat basta dumating
Sinira ang ipon para may pang sine.

Kamusta ka na? Kumain ka na ba?
Unti unting pinaplano ang sasabihin.
Sa paglalakad ako'y napapaisip
Ano ang uunahin, saan papupuntahin

Sa di kalayuan aking nakita
Maamo at maaliwalas **** mukha
Sabay nagising sa katotohanan
Sa noo ko ay biglang pinawisan.

Nang biglang nauntog sa totoo
Na ito ay panaginip lamang
Hawak ang lakas ng loob
Napalunok at parang..

Nabilaukan sa pagkakita
Sa kamay **** may humawak
Sa di bandang kalayuan
Pumatak ang luha ng uwak

At sabay bati ng kamusta
Habang hagkan ka at yapos
Ako ay kinakain ng sistema
Ng matinding pagseselos

At binalewala ang pagpapakilala
Sa kasama mo'y ikaw'y hinayaan
Sigaw ng puso'y nagaklas
Batid na "Dapat ako ang nandiyan".
1.
Noong unang panahon, pulos patag ang lupa
Maliban sa bundok na dalawa
Bundok Kalawitan sa Kanluran
At Bundok Amuyaw sa Silangan!
(Once upn a time, all of the earth were plains
Except for two mountains
Mt. Kalawitan on the West
And Mt. Amuyaw on the East!)

2.
Ang kalikasan ay sagana
Ang mga tao ay payapa
(Nature was then bountiful
People were then peaceful)

3.
Ngunit dumating ang isang delubyo
Nagkandamatay ang lahat ng mga tao
(But a deluge arrived
All people died)

4.
Maliban sa magkapatid na dalawa
Sa bundok napadpad ang bawat isa
(Except for two siblings
Each of them landed on the mountains)

5.
Sa Amuyaw na kabundukan
Ang lalaki na si Wigan
(On Amuyaw mount
There was the man named Wigan)

6.
Sa Kalawitan na kabundukan
Ang babae na si Bugan
(On Kalawitan mount
There was the woman named Bugan)

7.
Nang humupa ang baha
Nagtagpo silang dalawa
(When the flood subsided
The two of them united)

8.
Subalit isang araw, nakadama si Bugan
Na may buhay sa kanyang sinapupunan
(Yet one day, Bugan felt something
In her womb, someone was living)

9.
Siya’y nagimbal sa natuklasan
Nagtangkang magpakamatay si Inang Bugan
(Upon her discovery, she was horrified
Mother Bugan tried to commit suicide)

10.
Sa dali-dali’y biglang nagpakita
Si Makanungan na bathala
(Soon, there suddenly appeared someone
He is a god named Makanungan)

11.
Kanyang pinigilan si Bugan
Dahil ganap niya itong nauunawaan
(He tried to stop Bugan
Because he could fully understand)

12.
Sila ay pinayagan ng diyos na magsama
Sapagkat sa mundo’y wala nang taong iba
(They were allowed to become a couple
Because in the world, there were no more people)

13.
Ang magkapatid na mag-asawa
Marami ang naging bunga
(The couple siblings
Got many offsprings)

14.
Apat na babae
(Four females)
At lima ay lalaki
(And five males)

15.
Sa kahuli-hulihan
Sila-sila rin ang nag-asawahan
(And soon after
They married one another)

16.
Subalit may natatangi sa kanila
Ang lalaking si Igon na walang asawa
(But there’s someone unique among them
He’s the man, Igon, who got no tandem)

17.
Isang araw, dumating ang ayaw ng lahat
Ito ang panahon ng tagsalat
(One day, there arrived something everyone didn’t like
The season of famine did strike)

18.
Kaya upang suyuin ang mga diyos
Ritwal ng pag-aalay kanilang idinaos
(So in order that the gods could be pleased
They rendered a ritual burnt offering of beasts)

19.
Nang sa alay kinapos na sila
Kanilang inihandog maliit na daga
(And when of sacrificial beasts they were out
They only offered just a small rat)

20.
Sa kabila ng lahat, walang paring tugon
Kaya isang krimen ang naging opsyon
(After all, there answered no voice
So it was crime that became the choice)

21.
Walang pakundangang kinitilan ng buhay
Kapatid na si Igon ang ipinang-alay
(They dared to **** their brother
It was Igon whom they did offer)

22.
At biglang nagpakita
Si Makanungan na bathala
(And suddenly, there appeared someone
It was the god, Makanungan)

23.
Lahat sila ay isinumpa
Iyon ang simula ng digmaan sa lupa!
He cursed everyone
That was the beginning of war in the land!)

-03/10/2012
(Dumarao)
*for Lit. Day 2012
My Poem No. 101
Crissel Famorcan Mar 2017
Sa minsan kong paghawak ng isang panulat
At sa sandaling panahon na mata'y idinilat
Masakit na katotohanan ang sa aki'y sumambulat
At mga katiwaliang di man lang maisiwalat

At kaya nga nabuo ang una kong tula,
Punong - puno ng emosyon na pawang mga luha
sa kahabaan tila ba naging dula,
Dalawampu't limang berso:pawang may tugma

Hindi ko alam kung bakit at paano
Sa mga isyung pambansa,wala ngang alam gaano
Pero basta't tinamaan ako ng inspirasyon,
Biglang gumagana itong imahinasyon

Mga salita ay rumaragasang tuloy - tuloy,
Parang tubig sa ilog,walang tigil sa pagdaloy
Nag - uumapaw sa kaisipan at sadyang matalinhaga
Tunay na nagmumula sa puso ng makata
Glen Castillo Jul 2018
Balang araw,
Biglang babagal ang paglakad ng oras
Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas
Aawit ang mga langay-langayan
At luluha ang kalangitan

Luhang hatid ng matinding galak
Sa wakas ay wala ng iiyak
Dahil natapos na ang panaginip
Salamat at hindi ka nainip

Maraming istorya ang nais kong sabihin
Inipon kong lahat para sa'yong pagdating
Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay
Kung paano kita hinintay

Sa sandaling tayo'y magtagpo
Doon lamang magiging perpekto ang mundo
Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso
Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo

Sana nga bukas kapiling ko na ikaw
Sana nga bukas na ang ating ''Balang araw''.




© 2018 Glen Castillo
All Rights Reserved.
Kapag puso ang naghintay,lahat ng sandali ay may saysay.
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagsimula
Tandang-tanda ko pa kung paano tayo nagkakakila
Sa una’y wala tayong pakialam sa isa’t-isa
Pero dumating din tayo sa puntong magkausap sa telepono mula gabi hanggang umaga

Tandang-tanda ko pa kung paano mo ako pinakilig ng iyong mga salita
Kung paano mo ako pinakilig sa bawat tingin mo sa aking mga mata
Akala ko sa libro at pelikula lang nangyayari ang ganoong mga eksena
Ngunit mali pala, pati sa totoong buhay nadadama pala

Tanda mo pa ba kung paano natin gamitin ang oras
Ang oras na tila limitado ay kailan man ‘di natin hindi inabuso
Kahit pa may pagsusulit sa klase kinabukasan
Pinipili natin na magusap at maglakad hanggang tayo ay pagsabihan

Tanda mo pa ba kung paano mo ako niyakap habang ako’y humahalaklak
Kung paano mo rin ako niyakap noong ako naman ay umiiyak
Tanda mo pa ba kung paano mo sabihin na mahal mo ako
‘Di pa ‘ko naniwala dahil aminado ka na ikaw ay sadyang mapagbiro

Tanda mo pa ba kung paano natin iniwan muna saglit ang barkada
Para lang sabay tayong bumili ng fishball o monay doon sa may kanto ng kalsada
Kay tagal nating naglalakad para lang dayain at mapahaba ang oras ng pagsasama
Pagbalik nama’y iilang piraso lamang ng fishball at monay ang dala

Tanda mo pa ba noong tayo’y magkasama sa gabi at naglalakad
Kamay mo ay nakakapit sa aking baywang sa pag-aalalang baka ako’y mawala
Kahit pa maglakad sa umaga, kamay mo ay nasa aking likod
Kahit saan mo man ilagay, tila lagi **** sinasabi ay “Lakad ka lang, andito ako.”

Tanda mo pa ba noon kapag may miting ng sabado sa eskuwela
Lagi tayong pumapasok ng mas maaga, isang oras bago ang natatakda
Ngunit hindi sa eskuwela ang ***** kundi sa parke nang makapaglaro saglit
Tapos pagbalik sa eskuwela ay tayo na lang pala ang wala sa silid, dahil nahuli pa rin.

Tanda mo pa ba noong tayong dalawa ang nag-representa
Tayong dal’wa ang lumahok para sa titulo at karangalan ng eskwela
At nang manalo’y lahat nagalak at sinabi na
Tayo muli ang lalalok para sa susunod na laban sa makalawa

Nakilala tayo sa ating galing, pati na rin sa kilig na ating inihatid.
Kaya naman pag sa kompetisyon, tayo ay naghigpit.
Ang dating magkasama sa lahat at magkakampi,
Ngayo’y biglang naging magkatunggali.

Tayo ngayon ay kinumpara sa ibang magkasintahan
Bakit raw sila pagdating sa grado sa eskwela ay okey naman?
Bakit raw sila ay parang walang pakialam sa kung anong kalalabasan
Ngunit tayo ay tila naguunahan

Kanya-kanyang labanan, kanya-kanyang istratehiya
Kanya-kanyang napalanuhan, kanya-kanyang talunan
Nagsarili at ‘di na namansin pa
Para bagang dalawang taong ‘di magkakilala

Nabalot ng yabang ang ating mga isip
Ngunit ang puso nati’y nanatiling tahimik
Hindi umimik kahit isang saglit
Kaya naman isip lang ang namalagi’t naghari

Tanda mo pa ba kung paano tayo noon?
Tanda mo pa ba kung ano ang meron?
O nakalimutan mo na kung ano ang mga sinabi mo sa akin noong okey pa?
Dahil ‘di ka sumagot noong sinabi kong, “patawad” at inamin ko ring mahal kita.

Unang beses kong sinabi sa iyo ang mga salitang iyon.
Unang beses sa buong pagsasama natin ng isang taon.
Ngunit nang binanggit ko hindi ka man lang tumungo
Kundi pinabayaan **** katahimikan ang mag-ingay para sa’yo.

Natatandaan mo na ba pagkatapos ang lahat ng aking pagpapa-alala?
Natatandaan mo na ba kung paano sumibol at nawala
Ang pagsasamang puno ng pangako at pag-asa
Natatandaan mo na ba?

Kung sakali man na talagang nalimutan mo na,
Pasensya sa ingay kong ito kasi ako hindi pa.
Hindi ko malimutan sapagkat sariwa pa.
Sariwa pa lahat ang pangyayari kahapon na dahilan kung ba’t may luha ngayon sa’king mata

Kung talagang nalimutan mo na,
Lahat ng ginawa natin, malungkot man o masaya,
Utang na loob, pwede ba ako’y turuan mo sana
Kung paano limutin ang lahat ng alaala.

Kahit na hindi na matago ang sugat na nameklat na,
Peklat na kahit Sebo de Macho ay hindi kaya,
Basta mabura lang alaalang nagdulot ng sugat na peklat na
Okey na sa akin iyon, okey na.

Okey na, oo. Kasi ‘di naman talaga peklat ang dahilan
Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ako ay lumuluha
Eh ano naman kung may peklat ako di ba?
Wala pa rin naman kasing papantay sa sakit na nadarama

Sakit na muntik na akong malagutan ng hininga
‘Di ako nagbibiro sapagkat sa bawat pag-iyak at pag-singhot ko
Naninikip ang aking dibdib, nagdidilim ang aking paningin
Hindi ako makahinga

Tanda mo pa ba, noong tayo’y muling nag-usap
Tila ba gusto ko muling magpakilala
Akala ko kasi isang pag-uusap para muling makapagsimula
Yun pala, usapang pangwakas na.

At doon na huminto lahat ng masasakit na mga alaala.
Ngunit hindi huminto ang paghihinagpis ko bawa’t gabi, kada umaga.
Kaya naman hinihingi ko ang tulong mo kung ‘di mo na naaalala
Dahil kailangan kong malimutan ang lahat ng tanda ko pa.
Jowlough May 2013
Dala na din ng pagod ako ay humandusay ng walang kaabog abog
Sa bangketang madumi, ang katawan ko ay pinabayaan.
Basa ng ulan, ang pag ubo'y walang alangan,
Hanggang sa muli, hanggang sa makasakay
Dala na din ng pagod sa pagkayod at hanap buhay
At pakikipagtunggali sa mundong walang tigil, puro tagay.
Ang pag aasam maging karaniwan at humanay
ay 'di mawaglit. Hindi parin labis na masanay.
Bakit nananatiling lumalaban sa tamis at pait?
Dala na din ng pagod, ay hindi man lang mkapag ahit.
Ang pagod na wari sa sabog na balbas ay di alintanang lumago,
Buhok na primitibo ay minsan 'di na mailitrato.
Sapagkat napakaraming bagay ang naikot sa isip,
Upang sarili ay ihuli at sadyang balewalain;
Dahil minsa'y di mapigil ang sariling takbo ng ideya,
Sa pagkain ng isip sa puso, minsan ikaw ay madidismaya.
Sapagkat ako ay tumatanda ng paabante
Na walang iniisip kundi ang mabilis at walang kasiguruhang bukas ,
Na walang oras man ang pwedeng malibre at mabakante.
Dala na din ng pagod ako'y biglang natuturete
sa ingay ng maduming palengke, sa mahal ng kuryente,
Sa araw araw na madugong pagbyahe, pamamasahe;
Sa mala sinaunang Kastilang amo. Mga taong may ugaling dyahe.
Ang pakikisamang hinog na alam nating importante.
Dala na din ng pagod, alam nating hindi pasko parati.
Sa ambisyon at oras, ginagawa ang lahat at pilit naghahabol,
Kapag isipan ay nalason. Bilisan at ang oras ay nagagahol.
Dala nadin ng pagod, nagiiba ang pangangailangan
bakit ang dating madali ngayon sa hirap ay saksakan?
ang maliit at lumalaki, ang punong kahoy **** matikas,
ay sadyang binabato sa tuwing ito ay namumunga ng wagas.
Sa kabilang buhay, huwag **** kalilimutan.
lahat ng paghihirap ay sadyang mawawala.
Mga maling desisyon huwag kaagad itulak,
mga iniisip huwag sadyaing ibalak.
Dala lang yan ng iyong saloobin at pagod iho,
matatapos din ang pait sa sa paglaklak ng alak

— The End —