Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"basha" poems
*Pagod na ako Suko na rin Pahinga na ako Di ka na kukulitin Ako'y nasa bahay na Ngayon lang nakauwi Ikaw ay nasa kanya Punong puno ng ngiti Nasa taas ka na Ako'y maguumpisa ulit Kaya kung pwede ba Alaala mo'y wag ng makulit? Ako si popoy ni basha Mahal na mahal kita Tama na ha Kasi ang sakit sakit na*
0
Sep 20, 2015
Sep 20, 2015 at 8:24 AM UTC
Suko na
Hihilingin ko sana na ako nalang uli, Basha Pero hindi pa ako buo Hindi ko pa kayang balikan ka at ayusin ka Hindi ko kayang ayusin ka habang ako ay sira Hindi ko pa kaya, Basha Hihilingin ko sana na ako nalang uli Pero hindi pa ako matatag Maari ako ay muling mabiyak at mabasag Ayokong matulad ka sakin Basha Ayokong malungkot kang muli Hihilingin ko sana na ako nalang uli Pero hindi ko pa kayang masaktan pa Masaktan at madamay ka ay hindi ko nais pa Hindi ko gustong mawala ka, Basha Pero hindi ko rin gustong masaktan ka Hihilingin ko sana na ako nalang uli Pero nakita ko ang iyong napaka gandang ngiti Ang dating nakikita ko sa tuwina saki'y nakatangin Ang ngiting hindi kailanman kayang limutin Hindi ko kayang makita kang may iba, Basha Kaya hindi ko hihilingin na sana ako nalang uli Basha, hihilingin kong ako nalang ang huli Basha, ako nalang, Ako nalang ang huli
0
Oct 10, 2016
Oct 10, 2016 at 5:01 AM UTC
Basha ako nalang ang huli
Mas vueno pa enterrar Contra perde Mas vueno mira mi cuerpo abajo Contra mira mi cuerpo perdido Si, iyo ya cavar con el tierra, Iyo ya entera complaciente Iyo ya entera na mi cuerpo Pero tu ya dale patada pa adrento Ya basha tierra mas manada na suficiente Ellos ya poner cinco grande piedra ariba Seguro ya yo subir Seguro hinde ya yo vivir Hinde pa campante, ya pone pa colebra Ya entra, yan camang, ya porsa Yan junto comigo, ya besa Ya bira na cabeza y pescuezo No hay iyo luchar y defenderse Hasta cuando kamo mata con el muerto? Hasta cuando kam derramar sangre con el tierra mojado? Hasta cuando yo muri? Svelte Rogue, ACS
0
Apr 30, 2016
Apr 30, 2016 at 4:24 AM UTC
Entumecido