"balewalain" poems
Dala na din ng pagod ako ay humandusay ng walang kaabog abog
Sa bangketang madumi, ang katawan ko ay pinabayaan.
Basa ng ulan, ang pag ubo'y walang alangan,
Hanggang sa muli, hanggang sa makasakay
Dala na din ng pagod sa pagkayod at hanap buhay
At pakikipagtunggali sa mundong walang tigil, puro tagay.
Ang pag aasam maging karaniwan at humanay
ay 'di mawaglit. Hindi parin labis na masanay.
Bakit nananatiling lumalaban sa tamis at pait?
Dala na din ng pagod, ay hindi man lang mkapag ahit.
Ang pagod na wari sa sabog na balbas ay di alintanang lumago,
Buhok na primitibo ay minsan 'di na mailitrato.
Sapagkat napakaraming bagay ang naikot sa isip,
Upang sarili ay ihuli at sadyang balewalain;
Dahil minsa'y di mapigil ang sariling takbo ng ideya,
Sa pagkain ng isip sa puso, minsan ikaw ay madidismaya.
Sapagkat ako ay tumatanda ng paabante
Na walang iniisip kundi ang mabilis at walang kasiguruhang bukas ,
Na walang oras man ang pwedeng malibre at mabakante.
Dala na din ng pagod ako'y biglang natuturete
sa ingay ng maduming palengke, sa mahal ng kuryente,
Sa araw araw na madugong pagbyahe, pamamasahe;
Sa mala sinaunang Kastilang amo. Mga taong may ugaling dyahe.
Ang pakikisamang hinog na alam nating importante.
Dala na din ng pagod, alam nating hindi pasko parati.
Sa ambisyon at oras, ginagawa ang lahat at pilit naghahabol,
Kapag isipan ay nalason. Bilisan at ang oras ay nagagahol.
Dala nadin ng pagod, nagiiba ang pangangailangan
bakit ang dating madali ngayon sa hirap ay saksakan?
ang maliit at lumalaki, ang punong kahoy **** matikas,
ay sadyang binabato sa tuwing ito ay namumunga ng wagas.
Sa kabilang buhay, huwag **** kalilimutan.
lahat ng paghihirap ay sadyang mawawala.
Mga maling desisyon huwag kaagad itulak,
mga iniisip huwag sadyaing ibalak.
Dala lang yan ng iyong saloobin at pagod iho,
matatapos din ang pait sa sa paglaklak ng alak
May 14, 2013
May 14, 2013 at 1:01 PM UTC
Ang istorya nati’y parang liham...
Sisimulan ko sa panimulang pagbati.
Ito yung mga panahong bago palang tayong magkakilala.
Yung mga panahong kaibigan palang ang turing natin sa isa’t isa.
Dito ko nakita ang ‘yong nagniningning na mga mata,
at may nakita akong nakakabighani sayo na hindi nakikita ng iba.
Ito yung mga panahong nagkakakilala palang tayo.
Mga panahong wala pa tayo sa puntong “Tayo”,
at ang pinakaimportante sa lahat,
Panimulang Pagbati.
Dito nagsimula ang lahat.
Nagsimula sa simpleng chat,
na nagsasabing: “Ikaw lang ang gusto ko sa lahat.”,
at mula noo’y nagbago ang lahat.
Ito na yung susunod...
Katawan.
Ito yung mga panahong masaya tayong nagmamahalan.
Araw-araw tayong nagtetext at nagtatawanan,
sa mga corny pero sweet nating banatan.
Buong araw, buong gabi, na parang wala nang katapusan.
Ito yung mga panahong patay na patay tayo sa isa’t isa.
Mga panahong lumabas ang pagka-clingy nating dalawa.
Halo-halong mga emosyon ang ating nadarama,
yung tipong gulong gulo ka na’t wala ka nang maisip kundi siya.
Sa panahong ito’y napakasaya nating dalawa, ngunit...
ngunit parte ng katawan ay ang konklusyon.
Ito yung mga panahong paunti-onti nang naglalaho ang “Tayo”.
Mga masasayang emosyon ay nawala nalang sa dako,
at ang mga masasayang araw ay paunti-onti naring naglalaho,
hanggang sa dumating na sa puntong...
Ito na ang huling pagbati.
Ngunit...
Ngunit may isa pang parte ng liham na dapat hindi natin balewalain...
Ang Lagda.
Sapagkat ito ay simbolo.
Simbolo na tapos na ang lahat,
at tinalo na ng emosyon ang ating lakas,
at isa rin itong uri ng pag-uulat,
na parang liham, kung merong simula’y meron ring wakas.
May 16, 2019
May 16, 2019 at 8:22 AM UTC
labis akong nasisiyahan pag ika'y nakikita
labis akong natutuwa na ika'y nakikita kong masaya
Sa bawat araw na ika'y aking naaalala
Walang humpay ang aking puso't labing ngumingiti
Nais kong magtapat ng aking damdamin
ngunit puso'y agad binalutan ng takot
Takot, na puso'y di tangapin
Takot, na ang pag-ibig ko'y balewalain
Ngunit ganun pa man, nais kong malaman mo
Sa hindi ko pag amin, Andito pa ring umiibig
Umiibig ng tunay
Umiibig sa isang katulad mo
Ito lamang ang iyong tandaan
hindi ko man nasabi ang aking tunay na nararamdaman
Andito lamang ako,
Andito ako lagi para sayo.
Feb 15, 2016
Feb 15, 2016 at 11:48 PM UTC
ARMAS MO'Y PANALANGIN.
Bago natin hangarin ang pansarili hiling,
Hingin na bawat isa'y makabangon at gumaling;
Sa gabay Nya, walang maiiwang nakabitin
Pagkat ang DIYOS ay mas higit pa sa bituin.
Mataimtim na dasal ang mainam na gawin.
Isuko sa kanya ang lahat ng masamang gawain;
Talikuran at wag na nating ulit-ulitin
Ang Kanyang utos ay di dapat balewalain
Normal lang matakot, pananalig mo'y wag hawiin
Boung pusong pananampalataya - Sya'y purihin;
Huminahon at sa kanya tayo'y manalangin
Handa syang makinig, naghihintay lamang sa'atin.
Simpleng pagsubok lamang ito kung tutuusin
Kung sa kanya ang tiwala mo'y hindi bitin;
May dumating mang hadlang at ika'y sirain
Itanim sa isipan - armas mo'y panalangin.
Mar 20, 2020
Mar 20, 2020 at 6:39 AM UTC
ilang beses ko din sinubukang agawin ang iyong pansin
ngunit kahit bahagya ay hindi ka napatingin
matagal-tagal ko din itong kinimkim
hanggang ngayon ay natatakot pa rin
na baka sa huli,
sa huli ako'y iyong balewalain
gayunpaman
sa kadahilanang meron akong pagkakataong aminin
giliw
ako, sayo ay may lihim na pagtingin
Oct 8, 2015
Oct 8, 2015 at 9:08 AM UTC
Hindi ko mahanap
ang tamang mga salita
upang maipahayag sa iyo
ang nais kong sabihin.
Ngunit tila panahon na
upang ilabas ko ang lahat ng hinanakit,
ang mga pasakit na dinanas ko
habang nasa piling mo.
Noong mga panahong
akin ka pa,
noong mga araw na magkasama pa tayo,
at noong mga sandaling
may “tayo” pang umiiral.
Hindi ko inasahang magbabago ka,
na magsasawa ka,
na iiwan mo ako,
at ipagpapalit sa kanya.
Pero ang hindi ko maunawaan,
bakit mo nasabing ayaw mo na?
Pagod ka lang ba talaga,
o napagod ka na
sa atin, sa sitwasyon,
sa pagtatago,
sa mga muntikan na tayong mabuking,
o sa mga araw na may nakakita sa atin?
Sino ba talaga ang nagbago—
ako, ikaw,
o baka tayo pareho?
Bakit tila nawalan ka na ng gana?
Ang mga salita mo’y naging malamig,
ang mga yakap mo’y unti-unting naglaho,
at ang dati **** liwanag
sa mga mata’y nawala.
Sa gitna ng lahat ng ito,
ako’y patuloy na lumalaban,
habang ikaw,
unti-unting bumitaw.
Paano mo nagawang balewalain
ang lahat ng pinagsamahan natin?
Paano mo natapos
ang ugnayang binuo natin nang magkasama?
Ngayon, nauunawaan ko na
kung bakit mo ako iniwan:
nakuha mo na ang gusto mo—
sirain ako,
iwan ako,
pagkatapos mo akong pakinabangan.
Noong araw na hinatid mo ako
hanggang sa dulo ng kalsada,
lumingon ako,
nagbabakasakaling lilingon ka rin,
tatakbo papunta sa akin,
yayakapin ako,
susuyuin ako
na huwag kang iwan.
Pero hindi na pala.
Pinili **** lumayo,
at sa wakas,
pinili ko ring
huwag nang bumalik pa.
Nararamdaman ko na lang
ang mga hawak mo—
tila paalam na,
ang mga yakap **** nanlalamig,
ang mga titig **** umiiwas,
hanggang sa tuluyan kang nawala.
Ang mga pangako mong
“mahal kita,”
“ikaw lang,”
at “hindi kita iiwan”—
lahat pala’y kasinungalingan.
Noong akin ka pa,
pinanghawakan ko ang mga salitang iyon,
pero ngayon,
ang “ikaw at ako”
ay naging bulong na lamang sa hangin,
tinatangay ng nakaraan.
Kung iisa tayo,
bakit mo nagawang pagkaisahan
ang damdamin ko?
Saan ako nagkulang?
Saan ako nagkamali?
At bakit mo ako iniwang ganito?
Oo, bigla kang nawala,
at nagmukha akong tanga
kakahanap sa iyo.
Hanggang sa makita kita,
nasa piling na pala ng iba.
Sobrang saya mo sa kanya,
ibang-iba sa tuwing ikaw ay kasama ko noon.
Pinilit kong lumayo,
kahit alam kong mahirap.
Pinalaya kita,
kahit hindi ko kaya.
Ginawa ko ito para
sa kapayapaan nating dalawa.
Hindi na kita hahabulin.
Tanggap ko na—
matagal na tayong wala.
Ibabaon ko sa limot
ang lahat ng sakit,
ang lahat ng alaala,
at ang lahat ng naging tayo.
Paalam,
nagmamahal pa rin,
Mahal.
Sep 16, 2020
Sep 16, 2020 at 9:27 AM UTC
Hahayaan na lang ba na balewalain ang aking pagsinta?
Hahayaan na lang ba na ako ay tuluyang madapa?
Paulit-ulit mo man akong saktan
Hindi ko pa kaya na ako ay lumisan
Kung ako ay sadyang hindi na mahal
Kung sadyang hindi mo kayang samahan
Sana ay sabihin mo sa akin ng harapan
Upang masaktan man ay mula sa iyo ang katotohanan
Kahit madalas ay ipakita mo ang tunay na nadarama
Kahit madalas ay nararamdaman kong ayaw mo na
Kahit madalas na alam kong napipilitan ka na
Pinipilit kong huwag bumitiw sa iyo, sinta
Hindi ako bibitiw hangga’t hindi mo sabihing tama na
Hindi ako titigil hangga’t hindi mo sabihing ayaw mo na
Kung nais mo ay huwag na ako makita
Sabihin mo lang sinta, ako ay aalis na
Sep 30, 2016
Sep 30, 2016 at 1:10 AM UTC
Dalawang beses kong narinig ang pangalan mo,
paulit-ulit na lang
paikot-ikot sa utak ko.
Kinukumbinsi ang sariling balewalain nalang ang alaala mo
at isiping wala ang lahat ng ito,
na panandalian lang ang nararamdaman at kalaunay maglalaho.
Pero paano kung nahulog na pala sa'yo?
Dapat bang pagbigyan ang nararamdaman kong 'to?
Feb 8, 2021
Feb 8, 2021 at 9:17 AM UTC