Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"babaing" poems
Sa pag-iwan ng araw sa alapaap, Magiging asul ang pinamumugaran ng mga ulap, Uusbong ang buwan na matingkad. Sundalo ng alitaptap mag-sisilabasan, Gayon 'din mga bituwin na walang kabilangan. Subalit sa patuloy na pag-lalim ng gabi, Mga ala-ala'y sa isip humahabi, Nais n'ya muling tanawin ko ang kahapong tapat, Eksaktong oras ng ika'y nakasama sa tabing dagat. Ipinapaala n'ya mga saglit ng segundong sapat, Hindi ba't napakaganda niya titigan, Walang dahilan upang sawaing masdan, Makailang palit man ang panahon, Sigurado mula sa nag-daang hapon, Patungo sa kasulukuyang linalakaran, Hanggang sa aapakan na kinabukasan, S'yang kariktan n'ya'y walang kapantayan, Kahit buwan na s'yang naturingan ng karamihan, Na pinakamaganda sa kalawakan. Ika nga sabi ng karamihan, Kapag sinisinta'y s'yang kasamahan, Gaano man kaganda pasyalan, Ito ma'y paboritong puntahan, Hindi na ito ang iyong titigan, Kundi doon na sa babaing balak mo pakasalan.
0
Jan 4, 2021
Jan 4, 2021 at 1:36 AM UTC
"Hindi kukurap ang mata"
Sa kalungkotan na nadarama Ikaw ang pumawi nang lahat nang pangamba Ikaw ang tumahi nang mga sugat na nakamtan At ikaw ang bumuo nang pira piraso kung nakaraan Binuo mo ako nang iyong pagmamahal At sinuklian mo ako nang iyong pag aalaga Pinakita mo sa akin ang halaga Na kay sarap mabuhay nang walang pangamba Tinuruan mu akong umibig muli nang lubos Na hindi na matatakot kung maubos Maubos man muli ang pagkatao Wala nang pakialam basta nagmahal nang totoo Ikaw ang babaing walang katulad Na handa din na isugal ang lahat Babaing nagkaroon na nang lamat Sa pag ibig handa paring bumanat Ikaw ang sagot sa aking panalangin Na magkaroon nang taong mamahalin Na ikaw lang ang gustong makapiling Hanggang sa pagtanda natin
0
Jun 2, 2020
Jun 2, 2020 at 7:16 AM UTC
IKAW