Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"awayin" poems
Pinipigilan ako ng pagprotekta sa'yo Na lambingin ka tuwing maaalala kita Gusto kitang kausapin sa tuwing namimiss kita Pero hindi ko pwedeng gawin dahil baka awayin ka n'ya Tinuturuan kitang kalimutan ako Paunti-unti at nasasaktan ako Pero paunti-unti 'ring nadudurog ang puso ko Tuwing ginagawa kong tanggalin ako sa sistema mo Gusto kong makalimutan mo ako At lumayo sa'yo ng di mo nalalaman Umalis ng walang paalam Kahit masakit, 'pag talagang kailangan Isipin ka sa buong magdamag Ang tanging pwede kong gawin Dahil hindi kita maaaring lambingin At sabi ng konsensya ko'y huwag Aalis ako mahal sa panahong hindi mo iisiping mawawala na ako Sa panahong masaya ka at maayos ka Aalis akong hindi nagpapaalam At hindi mo nalalaman Masanay ka ng hindi ako dumarating Sa ating tagpuan, sa ating pinag-usapan Hindi mo na ako dapat hintayin Sapagkat ako nama'y aalis din Kapag hindi na ako sumisipot Sa tagpuang sa akin ay ipinaabot Masanay ka na mahal Baka saglit na lang at 'di na magtagal Dahil ang labis na pagmamahal ko sayo'y bawal Kahit gusto kong makasama ka ng napakatagal Lahat ng alaala **** meron ako Ang laging nasa puso't isip ko 'Pag nalagot na ang hininga ko Doon magtatapos ang lahat ng ito.
0
Aug 30, 2017
Aug 30, 2017 at 5:09 AM UTC
Mahal ko, aalis na ako...