Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"atakihin" poems
Kinikilig pati ang mga butuin Sa saliw ng iyong boses na malambing Nakadungaw sa bintana kahit lahat sila'y nakahimbing May kaba sa damdamin Paano bukas lahat sila'y magagalit? Si ama , hahabulin ka ng itak Natawa na lamang Ang mga braso ko'y hinatak Naglapit ang mga muka Muntik ng atakihin sa kaba Ang puso ko ata ay nahulog Nang si bantay ay umalulong Dali-dali ay nagtago Tinginan nati'y di pa rin nagbabago "Kailangan ko nang bumalik sa silid." ang wika ko Sabay dagling humalik sa sinta ko -Tula VII, Margaret Austin Go
0
Nov 21, 2014
Nov 21, 2014 at 2:51 AM UTC
Tula VII
Buhay pa ba ako? Pakiramdam ko kasi Sa tuwing nakikita kita Parang kinukuha na ako Ng Panginoon. Oh paraluman Kakaiba ang iyong taglay Kalmahan mo lang Ayokong atakihin sa puso ayokong mabaliw, Ayokong mapatulala nalamang sa ganda mo, Ayokong saktan ka Dahil una palang Malayo na diyan Ang intensyon ko sa iyo. Ginagawa kitang inspirasyon Sa lahat ng gagawin ko Ikaw yung gabay Na para bang pampalakas Sa tuwing may pagsubok sa buhay ko Ikaw yung taong asa likod ko Yung susuporta hanggang dulo Oh paraluman hindi ba't Napaka ganda pakinggan iyon? Oh paraluman Hindi ako titigil sayo Walang titigil Tuloy lang ang laban aantabayanan parin kita Tuloy tuloy lang ang paghintay Oh paraluman Sana'y sa susunod Na panahon May pag asa na ako sayo. Dahil paraluman Ikaw ay isang Nabubuhay na Kayamanan at Hulog ng langit. Oh paraluman Mahal kita.
0
Feb 20, 2020
Feb 20, 2020 at 7:42 AM UTC
Oh paraluman
parang ref sa bahay n'yo parang lego ng kapatid mo parang pustiso ng lola mo sa baso permanente hindi pwede galawin sa lugar baka bulyawan ni nanay o magtantrums si junie boy at atakihin pa ang lola mo mga bagay na permanente hindi pwede galawin parang tattoo ng tito **** adik parang tsokolate sa puting damit parang kilay ng teacher **** masungit permanente hindi pwede galawin parang ikaw sa puso ko parang imahe mo sa utak ko parang... parang... parang bawat permanente sa mundo na hindi mo na mababago parang ako para sayo at ikaw na hindi para sa akin permanente
0
Oct 15, 2018
Oct 15, 2018 at 5:41 AM UTC
permanente