"anupat" poems
Kumalat ang silahis
Aranya sa kublihan ng mga nasaktan nang labis
Sa liblib na bukirin nakatira ang anak-pawis
Ang tikap sa kapilya ay ang espasyo sa karimlan
Maringal ang alab sa dagat
Animo'y mga hiyas sa pananaw
Bermillong agwa ay nangingibabaw
nang isinaboy ang mga pilak sa Pasipiko
Anupat may respirasyon
nauudlot naman ang siklo
Sa pagbabalik-tanaw ay sumiyok
humahangos nang dumating sa koro
Tugtugin ng patibulo
Sa wakas, ilalagyan ng balsamo
Epidemya ng hapis
kahit inosente ay pintasan
Lumaylay nang mahilo
Natangay ng takot at dumapa nang napasuko
Lumaho ang pagkakataon na sana'y makakapagpasya
Kung alin ang dapat at tama
Sa sulok ay nanahimik
Umaasang mabawi ang panahon yaon
Ngayon saan pupunta
Dec 21, 2018
Dec 21, 2018 at 5:13 AM UTC
Araw at gabi sa isipan ko'y laging kang sumasagi,
'Di malilimutan ang pagsasamahan sa bawat sandali;
Kasama ka sa bawat oras na magdaan,
Kung kaya't mga problema ko'y nalilimutan.
Araw at gabi minamasdan ko ang kalangitan,
Ngunit iyong mukha lang ang aking namamasdan;
Sa'n man pumaroon, boses mo'y naririnig sa'king isipan,
Hanggang sa pagtulog ko'y laging kang napapanaginipan.
Araw ka ba? Dahil ikaw lang nagbigay liwanag,
Liwanag sa buhay kong puno ng bagabag;
At tulad ka ng gabi na puno ng katahimikan,
Anupat nagdala ng kapayapaan sa magulo kong kaisipan.
O' aking mahal, sinasambit sayo ng aking labi,
"Ikaw ba'y Araw at Gabi?"
Mar 25, 2024
Mar 25, 2024 at 10:00 AM UTC