Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Minsan gagamit ng payak na salita
Ngunit ito'y uusigin ng iilan;
Minsa'y sisisid at muling hihinga
Ngunit tatadtarin ng masasakit na salita.

Kung ang pagsusulat ay pagmulat
Ba't hindi na lang maging simple sa pagpili ng bawat salita't parirala?
Ba't hindi diretsahin nang ang punto'y maging kalma?
Kung saan walang tensyon, ayos pa't plantsado.

Minsa'y wala namang nais ipahiwatig
Tanging ang letra'y nilalaro't nagiging bukambibig
Wala nga bang dahilan?
O ayaw mo na lamang lumaban?

Sa mundong ginagalawan
Hindi lahat makaiintindi
Hindi lahat makikiayon
Pagkat hindi iisa ang bida
May iilang ekstra sa eksena
Kaya marapat na handa ka.

Ang pagsulat ay malaya
Kaya naman hindi tugma ang bawat kataga
Ganyan ang nadudulot ng demokrasya
Malaya ka nga, pero hindi na maganda 'pag sobra.

Kung babasahin, minsa'y nakapapanting ng tainga
Ano ba ang ipinaglalaban sa pagtaas ng tono niya?
Ang pagsulat nga'y musika rin
Kung mali ang basa sa tono'y hindi maganda ang himig
Parang kapeng depende sayo ang magiging timpla't panlasa.

Isang simpleng mamamayan sa magulong pamamalakad
Dagdagan pa nang nagsisipagsalipadpad na dungis ng bayan
Hindi ka nag-iisa, ganun din ang pakiramdam ko.

Ngunit ang bawat Pilipino sumasabay sa himig ng Lupang Hinirang
Nasaan nga ba ang sinasabing "alab ng puso?"
Tila ang bahaging ito ng liriko'y walang saysay sa iba
Ang pluma ng ila'y wala palang tinta
Ngunit patuloy pa rin, walang nagagawa
Walang ginagagawa, walang nais na pagbabago.

Ganoon kahalaga ang pagbitaw ng bawat salita
Sa bawat punto, bawat espasyo, tuldok at kama
Mayroong layong nakapag-iisa
Mayroong sentimyentong ipinangangalandakan
Mayroong uusbong na himagsikan --
Mabuti man o masama.

Abstract/ abstrak
Mabuti pang ganyan ang pagsulat
Nang hiwatig ay pansarili lamang
Ngunit ang leksyo'y hindi manganganak
Hindi aabot sa mga apo ng bagong henerasyon.

Bale wala ang salita
Kung ang mga ito'y walang aksyon;
Bale wala ang salita..
Kung ang puso'y wala namang direksyon.

(6/28/14 @xirlleelang)
jia Jul 2019
kung walang tatayo para sa bayan, sino?
ikaw na takot at naniniwala sa kuro-kuro?
ikaw na sanay na sa sistemang pabago-bago?
kung hindi tayo lalaban, sino?

sino bang dapat lumaban at makiaklas?
sino bang nandyan hanggang bukas?
sino bang nais humamon upang maging patas?
sino ba dapat ang kailangang tinitingala at tinitingnan sa itaas?

hindi ba't ikaw ang dapat gumawa ng paraan?
hindi ba't ikaw na mamamayan?
hindi ba't ikaw na Pilipino sa dugo at laman?
hindi ba't ikaw na anak ng bayan?

sa bawat siglong dadaan ay nanatili ang rebolusyon,
ang tanging kailangan ay pagmamahal sa nasyon.
mga aksyon natin dapat iayon,
kaya lumaban ka para sa sarili, sa bayan at sa susunod na henerasyon.
para sa bayan.
Mahigit pitumpu't limang porsyento
Niyurak ng matinding alon
Walang awa ang haplos
Ang yapos na nakagigimbal
Kinitil hindi lamang ang buhay
Gayundin ang hanapbuhay.

Ni hindi masisid ang perlas
Na ngayong may takip sa ibabaw
Nabibilang ang lumalangoy
Kaawa-awang gambalain
At hablutin sa laot nang walang muang
Ngunit anong siyang magiging sapit?
Kung sila'y hahayaang hindi nakagapos?
At doon sa lambat ay patitiwarakin.

Tinaguriang "No Build Zone"
Ngunit naroon nakatirik ang bawat pundasyon
Walang opsyon, pagkat ang gobyerno
Kaytagal din nang pag-aksyon.

Mula sa libu-libong tirahan sa Tent City
Sila'y lilisan patungong Bunk House
Transitional Shelter kuno
Hanggang sa malipat
At magkaroon ng panibagong tirahan.

Doon sa Tacloban,
May dalawang daan at apatnapu't anim na tirahan
Bagkus ang nakalilim, apat na libong pamilya naman.

Salamat sa mga NGOs
Sa 9181 na Bunk House
Sa gobyernong dapat na kikilos
Kailan ba sisimulan ang pagbabago?

Walong libong pabahay raw ang ginagawa
167 bilyon ang budget,
Saan nga ba napunta?
Ito ba'y binulsa?

Comprehensive Rehabilitation Plan kung tinagurian
Kay bango ng ngalan
Bagkus umaalingasaw ang baho
Ang kasiraan, ang kawalan ng aksyon
Para sa bawat mamamayan.

Sa dakong Guian, Eastern Samar
Tatlong daang permanenteng pabahay raw
Ngunit ni isang pundasyon ng naturang pabahay
Tila naglaho pa rin ni Yolanda
At walang bakas na pasisimulan.

Sabi ni Pnoy, malinaw raw ang target
Pero hanggang target na mga lang ba?
Kailan ba sisimulan ang tuwid na daan?
Baka naman baku-bako na
Wala man lang pasabi sa kinauukulan.

Kung ang hustisya'y hindi matugunan
Sana ang kalamnan ng bawat biktima'y
Syang agapang mapunan
Kaawa-awa silang naghihikahos.

Ang laki ng tulong ng mga karatig-bansa
Ba't tila walang pakialam?
Kayong mga nasa trono,
Tayuan ang posisyon
At serbisyo'y gawin nang totoo.
#Pagbangon
Random Guy Oct 2019
"hello, kamusta?"
kataga na kay tagal kong hinintay
kung hula mo'y ilang buwan
sablay
dahil taon ang hinintay ko
upang makita sa loob ng kompyuter ko
ang mga katagang "hello, kamusta?"
at kung sa mas eksaktong sukat
ay walong taon
halos ka-edad ng batang marunong ng sumagot sa magulang
may sariling aksyon at pagiisip
at kung iisipin
hindi sana tayo ganito
kung sumagot tayo sa magulang natin dati
o kung may karapatan na tayo dati
kung mas inuna natin ang aksyon na gusto
kaysa sa aksyon na mas nararapat
sabagay
hindi rin naman dapat sila sisihin
dahil bata pa tayo noon
mas bata tayo noon ng pitong taon
ngayon
sa 'yong "hello, kamusta?"
ay natigilan ako
kaya ka ba nagpaparamdam
ay dahil kaya mo ng tumayo
salungat sa gusto ng iba
patungo sa mas gugustuhin mo
o isa ulit itong pagsawsaw
ng iyong paa sa rumaragasang damdamin ko
kagaya ng ginawa mo
pitong taon nang nakalipas
nilubog ng kaunti ang iyong damdamin
para lamang malaman
na hindi lahat ng gusto mo ay pwede mo nang kunin
at agad agad **** hinugot ang iyong pagtingin
na para bang hindi din ako sumawsaw
nagpaanod
nalunod
sa sakit ng rumaragasang tadhana
na noo'y inakalang
kayang suungin
para lamang malaman ko na hindi ka pa pala handa
ngayon
sa 'yong "hello, kamusta?"
isa ba itong tanda
na handa ka na
na kaya mo na
panindigan
ipaglaban
magpaanod
malunod
sumuong
ano
mas masakit di 'ba
na malamang mayroon na akong iba
"hello, kamusta?"
VJ BRIONES Aug 2018
Kapag Namulat ka sa katotohanan
Kasalanan na ang Pumikit
Babalik sa pinanggalingan
Kalmado at hindi iimik
Ititikom ang bibig
at lulunukin ang mga salita
Papalipasin ang kanina
Ipipikit ang mga mata
Dahil sa bagong umaga
Magpapanggap na walang nag-iba
Kaya Magbubulag-bulagan
Sa pangyayari nakita

Ngunit kinakalabit ng konsensya
Kinakabahan sa nakita
Binubulong na magsalita na
At Kailangan may gawin na,
Kailangan may aksyon na

Hindi dahil sa natatakot
Kundi dahil sa nakasanayang pagbalewala
Hindi pagpansin sa biglang nakita
Huhulaan magiging epekto
Kapag ibinungad at inilantad sa mga tao
Kaya mananatili nalang sarado
Nakabaon
Hindi iimik at itatago ang mga salita
Kahit nagpupumilit iluwa
Bibigyan kita ng tula.
Hindi panghuhula...
kundi tula.
Hindi magiging napakahaba.
Hindi ka naman palabasa
para iyong mabasa
ang mga bagay-bagay
na sumasangay
kung ano ba talaga
ang tunay na halaga
ng tulang isusulat ko
para sa utak mo
na tuliro.
Sa mga nabasa kong libro
wala na sigurong mas magulo
kaysa sa iyo na kapag hindi mo
na nakuha ang iyong gusto
ay bigla-bigla ka nalang babato
ng mga salitang magpapaginhawa
sa iyo.
Pero tandaan mo
bago ka pa magbigay ng mga salita mo
ay marami na akong alam na salita
sa diksyonaryo na
sadyang binabasa
ko kasi umay ako sa mga salita
ng mga tao na paulit-ulit
at sadyang parikit nang parikit.
Hindi mo narin na
kailangang pagsabihang kumain na
sapagkat ako ay may isip
at hindi nagpapaihip
sa mga bagay na
dapat na ginagawa
ng taong may tamang isip.
Nako. Sentido kumon mo ay naihip.
Wala akong inaasahan na
pag-uusap na magaganap
dahil matagal ko nang tanggap
na tinuring na akong mapagpanggap
dahil lang sa desisyon
na ninanais ko lamang ng aksyon
dahil ayun ang magiging paraan
kung paano gagaan
ang mga bagay na
ninanais **** balikan.
Hindi na ako makapagbigay ng ****
na lubos na kasing laki ng dati
sapagkat hindi mo naman talaga
kayang isantabi ang iyong mga saya.
Tila nakakahiya naman
sa mga salita **** dapat na malaman
ko ba talaga kasi
mga payo ko ay dumaan lang sa labi.
Payo ko ay narinig at dumaan
pero lumabas lang sa isang lagusan.
Ako ay iyong narinig
gamit ang tainga **** mahilig
sa mga tunog na panbasag-pinggan
kaya ako ay hindi napakinggan.
Hindi rin naintindihan.
Naging gusto kita kahit
hindi naman kinakailangan.
Para sa utak **** tuliro.
Uulitin ko ulit para sa iyo.
Hindi na kita gusto
ayan ang kailangan na malaman mo.
Ibaon mo sa isip mo
katulad ng pagbaon mo
sa galit at sakit na ipinaglalaban mo
na nakakatulong sa iyo
na mapaginhawa ang pakiramdam mo
na sinasabi mo ngang hindi ko
man naisaalang-alang kasi
hinahakot ko lang ang mga kati
ng mga nakalipas na hapdi at kirot.
Ang pwede ko lang pala maramdaman
ay ang sarili kong kurot.
Pinapaligaya mo ako
pero hindi kita kailangan.
Hindi kita kailangan para
ibahagi sa mundo
kung gaano ako katalino.
Hindi kita kailangan para
ipakita ang mga halakhalak ko
sa maraming tao.
Hindi kita kailangan para
malaman ko na may
nakakaintindi sa akin.
Pasensya na
pero hindi kita kailangan.
Kung nirespeto mo lang ang naging desisyon ko na makakabuti naman din sa iyo, hindi parin magbabago ang pagtingin ko sa iyo.
kahel Jan 2017
Ganyan lang ginagawa ko sa tuwing ika'y dadaan sa aking harapan
Para ang galabog sa aking dibdib ay mabilis na mapagtakpan
Dahil ito lang ang alam kong posibleng paraan
Upang ang tibok ng aking puso ay mapadahan-dahan
Na tanging sayo lamang ilalaan

Ganyan lang iniisip ko sa tuwing wala ng maisagot sa exam
Tipong pati pag gamit ng tandang padamdam ay hindi ko na din alam
Kung sa pangungusap ba dapat ilagay o sa sariling nararamdaman
Bakit bigla ka na lang nagpaalam ng walang paalam
Kaya patuloy ang aking walang katapusang pag-aagam-agam

Ganyan lang inaarte ko sa tuwing hinihintay ang napakatagal na order sa kainan
Di sapat ang halaga ng lasa pero lulunukin na lang ng walang angal dahil di pa nagtatanghalian
Para naman kahit papaano ay magkalaman ang aking tiyan bukod sa mga paru-paro na iyong dahilan
Bakit ko nga ba binabalik-balikan ang mga inihain **** iba't ibang ilusyon at kasinungalingan
Na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin, at patuloy na maniniwala na ikaw at ako ay walang hangganan

Ganyan lang ang sinabi ko sa sarili ko ng makita kang may kasamang iba
Nalunod ka lang pala kaya ginawa mo akong salbabida
Pero bakit di ko mabago ang daloy ng kwento na ikaw pa rin ang aking pinakamagandang bida
Hindi ko makakalimutan ang huling gabi na tayo ay pinagsama ng tadhana
Nasa ilalim ng mga maliliwanag na tala at sinusulit ang huling sulyap sa iyong mga mata

Yan lang ang alam kong pwedeng gawin sa mga ganitong sitwasyon, ang maging cool.
Na hindi kailangan sa bawat eksena na mangyayari, ay may gawin na aksyon
Hinayaan panoorin ang kagandahan ng pag-guho ng ating mga mundo
Dahil hindi na maaaring sagipin ang pag-asa, magmukmok man o humagulgol mag-hapon
Lalo na't sa panahong kulang ako, naging kulang tayo; sayo.
ESP Nov 2014
Puro isip, walang gawa
Puro lito, walang aksyon
Puro na lang ba ganito?
Ayoko na ng ganito!

Masyadong masikip
Masyadong maraming ingay
Maraming kuda
Maraming putangina

Masakit sa ulo
Nakakarindi ang mga ingay
Nakakasawa sila
Pero nakakaadik

Magulo pero gusto ko
Ayokong wala sila dito
Gusto ko maingay sila
Siguro nababaliw na nga

Sinong matino ang gusto nito?
Wala sabi nila
Matino ako para sa akin
Kayo nga ang hindi matino

Ayoko sa inyo
Gusto ko lang dito
H'wag niyo kong kausapin
Hindi ako kasapi niyo

Malalim 'to
Malalim tayong lahat
May lalim tayong lahat
H'wag niyong hayaang mawala.
jia Jul 2020
pagod na ang aking puso,
sa pagbubukas ng nararamdaman.
kaya't sa susunod ay ako naman ang magiging tuso,
baka kahit papaano'y biglang gumaan.
ilang beses kong tinanong kung bakit,
bakit walang maibigay na sagot?
bakit parang sa akin lamang masakit?
ayokong makaramdam ng galit o poot.
ngunit kaysa salita,
ang tanging sumagot ay 'yong aksyon.
at 'tila parang isang balita,
nabaling ang aking atensyon,
sa iba mo na pala sinasabi ang nararamdaman mo,
may iba ka na palang sinasabihan ng paborito **** banda,
pati na rin ang paboritong kanta mo,
di ka naman nagsabi, sana manlang ako'y naging handa.
wala ka manlang paalam,
ni hindi rin nagbigay ng huling pangungusap.
hindi man lang nabigyan ng sagot ang isip kong kumakalam,
hanggang sa huli ako pa rin ang nakikiusap.
parang tangang naghihintay ng 'yong kasagutan,
pero wala na pala dapat akong hintayin.
sa akin na lang pala dapat 'tong mga katanungan,
dahil kahit minsa'y di ka naman naging akin.
May mga oras na pagagalitin mo ako at gagawin mo akong hindi ginustong galit,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Mayroong mga malupit na salita na maaari **** sabihin na hahantong sa akin masaktan at magdadala sa akin ng kalungkutan,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga hindi matalinong pagpapasya na iyong ginawa na biguin ako,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga pagkilos na maaaring aksyon mo na mag-aalala sa akin,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Magkakaroon ng mga sandali kung saan mo ako maiiyak at dadalhin mo ako sa luha,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Magkakaroon ng hindi mapagpapatawad na mga pagkakamali na idinulot mo sa akin,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

May mga kasinungalingan na sinabi sa akin kung saan sinubukan mo ang aking tiwala sa iyo,
ngunit kahit ano pa man, "I will always love you."

Sa buhay may mga paghihirap, argumento, at mga hamon na dapat nating tiisin,
ngunit kahit ano pa ang mangyari, nais kong malaman mo na, "I will always love you," ngayon at magpakailanman!
Kym Relo Oct 2021
When I was seven, I ran around the streets of Caloocan naked.
So, my neighbors would smile and wave hello and
I would wave back with my tongue. Lowkey liked the attention I was getting.

When I was nine, one of the other girls in school fought with my sister.
So, I pulled her hair. I don't understand why she started to cry though.
I just did the exact same thing she was doing to my sister.

When I was eleven, my mom told me that father was getting busy with work.
So, I had to stop going to school. Which didn't make sense to me.
I had to sell plastic in the wet market so we could eat that night.

When I was thirteen, my older brother wouldn't stop crying.
Soon, he stopped going out altogether.
And when he did, we wouldn't see him for days.

When I was fifteen, I met a cute boy.
So, we went back home together.
I started feeling sick a few weeks later. I probably just miss him.

When I was eighteen, the cute boy started acting like my older brother.
So, I worked at Jollibee. It was nice.
Except when I had to go home. The guys on the train wouldn't stop looking at me funny. Lowkey liked the attention though.

When I was nineteen, the guys on the train got curious.
It's okay. I didn't get hurt.
I asked my friends to come on the train with me always after that.

When I was twenty, a guy on the television said "Matapang na solusyon, Mabilis na aksyon."
I wanted those guys on the train gone.
So, I voted for him.

My father passed away soon after.
My brother never came home.
And the cute boy had Jesus' nail on his forehead.

— The End —