Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Taltoy Aug 2017
Alas dos na ng umaga,
Ako'y gising na gising pa,
Nag-iisip ng mga bagay,
Mga bagay na bumuo sa'king buhay.

Nasagi sa isipan ko yung mga alaala,
lahat, malungkot man o masaya,
Nag mistulang halo-halo na.
Kay rami ng sahog, yung iba di mo na kakainin pa.

Sa dami ba naman ng akyat baba at atras abante ng buhay ko,
Malamang nagkandaleche-leche 'to,
Alangan naman lahat naka super glue?
Ano yan? para di na matanggal kahit na bumagyo?

Anu-ano nga bang nangyari nitong mga nakaraang bwan?
Bakit parang nawala ako sa aking isipan,
Ano nga ba talaga ang tunay na dahilan?
Nitong isang aksidenteng aking kinasangkutan.

Isang sahog ang di ko kinaya,
Sa halo-halong aking kaharap sa mesa,
Salitang sa ibang dayalekto nagmula,
Nagsimula sa 'g' at nagtapos sa 'a'.

Limang letra, isang salita,
"gugma", ang isa sa sahog na aking nakita,
"gugma", ang may pinakakomplikadong lasa,
"gugma", minsay kay tamis, minsay kay pakla, minsay mapait pa.

Halo halo ko'y puno nito,
Mistulang lahat ng alaala koy tungkol dito,
"gugma", paksa ng aking bakasyon,
"gugma", isyu ng buhay ko hanggang ngayon.

Hay nalang, iisa palang perwisyo na,
Ano nalang kaya pag marami pa?
Ano yan? "gugma na sobra sa isa"?
Ayayay, naging salawahan pa...

Ang halo halong iisa ang sahog ngunit halo halo parin,
Sa dami ba naman ng iisang sahog di mo aakalain,
Mistulang iba't iba, ngunit sa katunayan, iisa,
"Gugma", sahog na dadaya sa iyong mga mata.
triggered...
Parecious816 Feb 2019
Pag kukunwari nalang ang kayang gawin ngayon
Pagkukunwaring walang narinig
Walang nalaman
Walang pakialam
At hindi nasasaktan

Pagkukunwaring ginagawa para d masaktan ang nararamdaman at para di masira ang saya ng pagkakaibigan
Hanggang kailan magkukunwari
Kung ikay ay d ko naman pag aari
Hanggang kailan ko itatago ang aksidenteng nararamdaman
Dahil plano koy huwag nalang ipaalam

Mas okey pang ako ng ang masaktan
Kesa tayo pang dalawa ang mahirapan

— The End —