Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"adobong" poems
Ang higanteng tulyasi, tila bulkan, humihilab sa init, sumusuka ng kumukulong putik at singaw, bumubuga ng bulang panis. Subalit ang mga serbidor at weyter ng panginoong naluklok ay mabangis na nagbubunyi. Nagugulat ako kung paanong ipinaparada bilang obra-maestrang sopas na manok ang gabundok na naiipong ipot ng kanilang hinirang at ng kanyang mga ministrong kampon. Dusa nating pinagbabayaran ang pagsulong ng bulag na katapatan at laganap na kamangmangan sumusuong sa martsang hindi nauunawaan habang sanlaksa’y kay daling naniwala, panloloko’t manloloko ay sagana isang maluho’t makulay na palabas ng paputok at kwitis - sinasakal ang mga kaluluwa, nilalason ang mga isip isang malaking karnabal ng mga manlilinlang na payasong ngising-aso mga nakakatawang bistadong manggagantso at mga saksing bulaan - na ang mga utos ng banal na panahon ay kinakalimutan - at mga binaluktot ng kwento’t kasaysayan - patung-patong na kasinungalingan kumpul-kumpol na tungayaw at murahan mahihiya ang mga alamat ng bayan at pabula ng nakaraan. Ang namumunong bunganga’y kumukulong lagaan ng mabahong tae, mangmang na nag-iisip sa bibig, tinimplahan ng santambak ng mabantot na kawalan ng konting katalinuhan at pakundangan, - isang lugaw ng bigas na plastik, panis adobong sa mga pilyong uod, ay matamis. isang hapunang ang pampagana ay mga bala at pulpol na iskrip ang pangunahing ulam ay mga katauhang walang pantaong karapatan At ako, isang napilitang anino, binihag ng isang tampalasang multo inilibing sa pambayaning nitso at sanlibong mapangsanib na espiritu sa Kaharian ng mga Pangako pawang napako, at mga pag-asang naglaho, ay hindi maibandila, bagkus, nanliliit ako sa walang puknat na pagpururot ng nguso na kapag ang mundo’y tinatanong ako, - Siya ba ang hinirang ninyo? Hiyang-hiya ako . . .
0
Sep 11, 2018
Sep 11, 2018 at 4:43 AM UTC
Ang Pambansang Kahihiyan

Continue reading...
52
"Tayo ay magsikap upang makamtan natin ang kasaganahan" Bagong umaga, bagong pag-asa pinapahayag ng masiglang kantahan. nasa Pilipinas ka man o nasa Hongkong, adobong manok man o adobong kangkong, Natatamasa **** bunga ng iyong pinagpagalan at Kung ang tigatig ng tugatog **** pinagtagumpayan ay tila ba kalatas na kinuyumos ng anluwagi Pakaingatan **** mainam ang iyong nararamdaman. Awon ! Tama lang na madalas dapat magpunyagi, Mautakan nawa ang puso sa halip na Balantagi. Kung ang bago ay naluluma at ang luma ay mapapalitan, Ganon din naman ang hirap...ginhawa kasunod ng pighati. Asikot man ang mga lalim ng hiwaga hatid ng mga paham.. sila man ay mistulang ulap na sadyang sa tadhana ay wingkag, tila ba pasakalye ng pananambitan na galing pa sa kalye ng tungag !
0
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 2:07 PM UTC
...Nang lumigaya ang ating Bayan
kagabi isang kagaguhan na naman ang namagitan may yelo ang puswelo may adobong pato na nakalagay sa plato mabuti na lang at walang bato na dala itong si Nato panay ang tagay nitong si Egay baso'y winawagayway parang hindi nangangalay tapos dumaan si Inday buhok n'ya ay nakalugay nagpatuloy ang tagayan hanggang madaling-araw ang bote nakatayo pa pero ako bagsak na hindi ko na namalayan nang ako'y manlupaypay at nawalan ng malay nalunod ako sa bula ng serbesa nahilo sa usok ng sigarilyo kaninang umaga akoy lulugo-lugo matapos ang isang gabing kagaguhan
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:55 AM UTC
Untitled