Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"aabutan" poems
“The future depends on what you do today.” ― Mahatma Gandhi Nakakapagod ang mangarap, yung naglalakad habang nananaginip ng gising, para ka lang gago na pabalik-balik, walang simula at walang katapusan. Walang ipinagiba sa mahabang dalampasigan habang sa taas nito ang hindi masukat na kalawakan, oo ganito ang mangarap at umasa ng dilat. Kung bata ka ayos lang na managinip kahit paulit-ulit lalo na kung hindi ka makatulog. Pero hindi kana bata, matanda kana – maanghang na ang utot mo hijo. Sana ang buhay ay isang pangarap, sana lagi na lang ang tao nangangarap. Subalit ang buhay ay isang banyuhay kung saan ito’y laging nagbabagong hugis at anyo. Kailangan matuto kang humarap at sumabay sa mga pagbabago kahit ang mga ito’y sadyang nakakapanibago. Matanda kana hindi kana bata, ihinto na ang mga panaginip at kumilos ka ng ayon sa tawag ng kasalukuyan. Ang bukas (kung aabutan mo pa ito) ay nakasalalay sa iyong ngayon. Matuto sa aral at karanasan ng iba pero ‘wag na ‘wag **** susundan ang kanilang anino, gumawa ka ng sarili **** liwanag. Maging pantas ka gamit ang sarili **** panulat, padaluyin mo dito ang laman ng iyong utak. Hindi lahat ng magaling mag-isip ay matalino kaya’t ‘wag **** kalilimutan na gamitin ang laman ng iyong puso. Bigyan mo ng respeto ang iyong sarili, ‘wag kang mangopya dahil hindi ka naman si Tito Sotto. Ang lupa ay matagal nang sinalaula ng mga mapagmahal kuno sa bayan at ng mga ipokritong nagsasabing maka-diyos daw sila, utang na loob ‘wag ka nang dumagdag pa. Itigil mo na ang pananaginip mo ng gising dahil tanghali na, bumangon kana at gumawa. Gumawa ng mga mabubuti at kapakipakinabang na mga bagay. Mahalin ang sarili at ang kapwa na tulad sa’yong sarili. Iwasan mo ang umangal kung ibig **** maging marangal. Sinunog at winasak ng mga ulol na tao ang mundo, laganap ang kahirapan, ang kaapihan at naglipana ang mga patay-gutom na walang tunay na kumakalinga at gustong tumulong. Panahon na para bumalikwas ka sa’yong pagkakahimbing, gawin mo ang inaakala **** magaling basta’t hindi ka makakasakit sa damdamin ng iba. Hindi ka isang propeta pero sige sumigaw ka sa ilang kung kinakailangan, tawirin mo ang mga hangganan at gawin mo kung ano man ang tinitibok ng iyong damdamin. Ngayon ang tamang panahon upang ihasik ang iyong sigasig at mga kaisipan dahil kung hindi ay wala kang aanihin pagdating ng bukas na ‘yong inaasam.
0
Nov 12, 2017
Nov 12, 2017 at 11:48 PM UTC
NGAYON ANG TAMANG PANAHON

Continue reading...
8
alam ko na sa simula, dambulahang pasakit naghihintay sa akin sa unang araw ng sigwa kalakip ang pagpapagal s'yang hampas ng kalbaryo doo'y hihimlay na lamang ako sa mundo ng kabagalan dahil alam ko na ang kahihinatnan tatagal lamang, oras ng wakas isang mahabang pagbabagtas s'yang aking mararanasan dahil pilay ang pugad naming kawan gapang, gapang, gapang lamang... hangga't may lupang matatapakan hangga't may krudong susunugin tanggap ko na ang lahat aabutan ko din sa huli, pagkagat ng dilim huwag ko na lamang intindihin upang maging manhid ang diwa pagdapo man ng pagkabalisa sakyan ko na lamang ito bahala na sa kinabukasan ko
0
Nov 24, 2024
Nov 24, 2024 at 10:07 PM UTC
HIMLAY
Hindi ko alam kung gugustuhin kong maging mapayapa na lang ang aking kalagayan, kaysa inumin ka at ako'y nerbyosong maghintay kung kailan mo ako aabutan.
0
Jun 22, 2015
Jun 22, 2015 at 12:59 AM UTC
tsaa, png.:
alalahanin mo na ikaw ay mortal. isang araw hahabulin mo ang 'yong hininga, pero sa tulin nito hindi mo s'ya aabutan. magdidilim ang iyong paligid magsasarado ang iyong mga mata at hindi kana kailanman gagalaw. alalahanin mo na ikaw ay mortal. mabubura ang lahat ng iyong ala-ala, mabuti man o masama lahat mawawala. kahit ang panaghoy ng naglalamay na saiyo'y nagmamahal hindi mo na madidinig lahat maglalaho. alalahanin mo na ikaw ay mortal. maganda man o panget ang iyong mukha't katawan sa bandang huli kakainin lang ito ng mga bulate. alalahanin mo na ikaw ay mortal. kahit nasa taas ka ay h'wag magmataas pagkat sa huling hantungan sa lupa'ng tapakan ka rin mababaon. alalahanin mo na ikaw ay mortal. isang singaw sa ibabaw ng lupa, isang bulalakaw sa kalawakan isang bula na nakalutang sa sabaw at isang kisapmata sa libong pangitain.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:50 AM UTC
Memento Mori
umuulan nanaman papatak na ang mga salita tutulo na ang mga luha dadanak na laman ng puso mahuhulog nanaman sa’yo pero di ka pa rin aabutan ng ulan
0
Sep 15, 2019
Sep 15, 2019 at 10:37 AM UTC
sa ulan.txt