Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
798 · Dec 2017
KAIBIGAN
Michelle Yao Dec 2017
Minsan aking naiisip at naaalala,
Mga panahong tayo'y magkasama,
Mga panahong tayo'y masaya at malaya.

Hanggang ngayon,
Aking iniisip at nagpapaka-miserable,
iniisip bakit ika'y aking isinantabi.

Pasensya ka na, aking mahal,
Ay mali, ikaw pala'y kaibigan na lamang.

Sana kaibigan, ika'y maging masaya,
Masaya sa piling niya,
Siya na naghatid sayo ng munting ligaya.

Kaibigan, ako'y masaya,
sapagkat, ika'y aking nakilala,
Ikaw na nagturo saking  umasa,
At mabuhay ng walang kaba

Salamat, kaibigan.
Ika'y aking pinasasalamatan,
sa pagmamahal **** sakin inilaan.
352 · Dec 2017
MALAYA
Michelle Yao Dec 2017
Mahal ko, ika'y hinahanap-hanap ko,
ang iyong ngiti at pagmamahal kailangan ko,
Bakit kailangan tayo'y magkalayo?

Ikaw aking buhay't pag-asa.
pero ako na lamang pala ang umaasa,
Naglaho na nga bang tuluyan iyong pagsinta?

Mga tao sa aking paligid,
Lahat sila'y nagmamasid,
Kung ako ba'y sa lawa ng pag-ibig pa din sumisisid.

Pero aking natutunan,
ika'y pakawalan,
Sa hawla ng pag-ibig na walang katapusan at patutunguhan.

Malay ka na aking mahal,
ito ay dapat **** pakatandaan,
mahal pa din kita magpakailan pa man.
299 · Nov 2017
Paano?
Michelle Yao Nov 2017
Mahal ko, noong ako'y iyong lisanin,
Puso ko'y namatay din,
HIndi mo man lang ako napansin,
Dahil ika'y masaya na din.

Paano ako, ako na nagaantay pa din sayo,
ako na kahit papaano, minahal ka pero ito ako
mahal ka pa din hanggang ngayon,
Dahil di ko matanggal sa isip ko
na wala na pala tayo.

Paano ako na nagmahal ng todo sayo.
Binigay lahat ng gusto mo
at kahit papaano minahal mo din naman ako.

Paano ang pagmamahalan natin?
Hindi na ba natin ito maibabalik muli?
Mahal pa din naman kita, kahit na
namamatay na ako.

Paano ako na minamahal ka pa din?
Ganito nalang ba tayo, hanggang ngayon andito
ka pa din!
Hindi matanggal sa aking isip.

Paano? Paano ako?
Itong tangang nagaantay pa din sayo.
277 · Nov 2017
Paalam
Michelle Yao Nov 2017
Minsan aking tinatanong,
Anu aking nagawa?
Anu aking nasabi?
Anu aking inasal para ako'y lubayan?

Ngunit aki'y naisip
Gaano mo nga ba ako kamahal?
kaya mo ba ako'y ipaglaban?
Habang iniisip ito'y
Dumapo saking isipan
Hindi mo na nga pala ako mahal.

Pinilit aking ipaglaban
ang pagmamahalang ako na lang umuunawa
Habang tumatagal,
Pagsinta sa iyo'y unti-unting nawala.

Sa pagmamahalan nating magtatapos,
Isa lamang akign hiniling sa Diyos,
Sana ika'y makahanap ng isang pagmamahal
na tapat at hindi magtatapos.

Mahal ko, Paalam!
Ika'y sana maging masaya magpakailanpaman
Sa piling ng kung sino man iyong iaalay ang salitang
"Mahal kita, aking mahal"
271 · Dec 2017
KASALANAN KO
Michelle Yao Dec 2017
Nung ika'y aking nakita,
pakiramdam para sayo ay wala,
Ngunit di nagtagal,
Naglaro si kupido at tadhana.

Pinana ng pana ni kupido
at binaluktot ni tadhana
landas nating dalawa

Isang araw, nakita kita sa isang tabi,
ika'y nilapitan at pinangiti,
Hnaggang isang gabi,
Puso'y di mapigilan, sinigaw sayo
Mahal kita, aking sinta!

Nung naging tayo.
Walang umangal ng kung ano,
Hanggang sa dumating ang araw na
tayo'y pinaglayo.

Hindi kinaya ang pagkukulang,
kaya winakasan,
sapagkat sandata ng kalawakan,
oras at distansiya ating kinakalaban.

Bakit kailangan ganito?
Pero anu pa bang magagawa ko?
Huli na lahat, para ipaglaban ko,
pag-ibig na binalewala ko.

Kasalanan ko,
Pagdurusang dinaranas ko.
269 · Nov 2017
Nasaan Ka?
Michelle Yao Nov 2017
Mahal ko, nasaan ka?
Umalis ka ng walang paalam
Ako'y nagdadamdam

Bakit ganon, iniisip ko anu aking nagawa
Pakiramdam ko naman ay wala.
Pero umalis ka ng walang salita.
Ngayon, ika'y aking hinahanap-hanap pa!

Mahal ko, nasaan ka?
Ako'y hindi mo na ba mahal?
kaya ako'y iyong nilisan?
Mahal ko, nasaan ka?
Ikaw sana'y bumalik na, dahil mahal pa din kita!
213 · Dec 2017
TINADHANA
Michelle Yao Dec 2017
Habang ako'y kumakanta,
iniisip kita,
Dahil awit ko'y ikaw lamang laman,
simula noon pa man.

Noon, kanta ko'y palaging may buhay.
Ngayong wala ka na ito'y binawian ng buhay.
Bakit kasi kailangan tayo'y maghiwalay?

Puso ko ngayo'y nagdurugo,
Pero wala naman akong magagawa,
Dahil siguro, ito'y tinadhana
205 · Dec 2017
AWIT
Michelle Yao Dec 2017
Habang pinapakinggan itong awit,
aking nabatid,
Bakit kailangan siya'y pakinggan ng paulit-ulit?

Bakit hanggang ngayon ika'y nasa isip?
Hindi lubos maisip na saki'y may magsasagip
Kailangan bang puso'y pahirapan
at saktan ng paulit-ulit?

Dahil sa munting awit,
Ito ako, minamahal ka ulit,
Pero distansiya at tadhana'y balakid,
Kaya sa awit ako'y kumakapit ulit!
155 · Dec 2017
Grandmother
Michelle Yao Dec 2017
Your smile, your laugh
I miss a lot,
But now that you are gone,
I can never have another chance

When you lay there,
I knew,
I knew, it's too late,
I knew, you'll have to.

For us, who loved you,
We won't forget,
Every little detail of you
For us long as we live.

You left so sudden,
That struck each one,
We miss you,
But I knew.

You never left,
Because we miss you.
Memories of you in our heart,
Still lives to the day we meet.
144 · Nov 2017
Bakit?
Michelle Yao Nov 2017
Bakit mahal?
Bakit kelangan ako'y saktan?
Ako'y hindi mo na ba mahal?

Mahal, ika'y aking sinamba,
Binigay lahat ng iyong tinatamasa
Bakit ako'y nilisan pa?

Pero kahit ano man ang iyong dahilan,
Ito lang naman ang dapat **** tandaan,
Ako'y iyo lang magpakailanman, aking mahal!
141 · Dec 2017
Pag-ibig
Michelle Yao Dec 2017
Ang hirap magmahal,
Dahil takot akong masaktan,
ang tinuro sakin,
"anak, masarap magmahal"

Pero bakit,
Ako ba'y pinaniwala lang sa isang
kasinungalingan?

Ang sakit!
ang sakit, sakit!

Pero ang tinuro sakin
Katumbas ng sarap ang sakit,

Ganun pla ang pag-ibig,
Kailangan palang gamitan ng isip,
Dahil kung puro puso paiiralin,
Todong sakit, iyong dadanasin.

— The End —