Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
renzordss Aug 2017
Bawat pagkakataon ay susulitin.
Bawat problema'y lulutasin.
Ganito ako kasigurado sa'yo.

Handa akong magsakripisyo
Handang tanggapin ang pagiging dehado.
Ganito ako kasigurado sa'yo.

Kahit ilang bundok ang tawirin,
Kahit buong mundo'y aking lakarin.
Sinta, sigurado ako sa'yo.

Hanggang dulo'y ika'y paglalaban ko,
ipagsisigawan ka sa mundo.
Ganito ako kasigurado sa'yo.


'Di ko hahayaan na matapos kung anong meron tayo
Mamahalin ka nang buong puso

Di kita hahayaan, di kita iiwanan
Kahit ano man ang kahantungan
Mahal ko, sana'y di ka lumisan.
renzordss Jul 2017
Minsan ako'y napapaisip kung ako'y mamahalin mo,
At lalo na't nararamdaman ko sayo'y labis na totoo.
Higit pa nga ito sa iniisip mo.
Ano man ang mangyari masasabing 'di ako susuko.
Lalo na't nalaman ang kahulugan ng pag-ibig sa ngalan mo.

Kahit gumuho ang mundo, masira man ang daigdig,
Ipinapangako sayo ako'y mananatili.
Tignang maigi unang letra ng  mga taludtod
At nang makita ang mensahe nitong pusong iyong pinatibok.

— The End —