Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#yosi
Isang kaluluwang Naglalakad na liban. Naghahanap ng makakausap Ngunit walang makitang makaka-huntahan. Ngunit may agad na nakapansin "Ah! Panibagong biktimang aabusuhin!" Tumawag ang temptasyon sa akin Pinag-isipan kung agaran kong sasagutin Ang sigaw niya'y labis na mapang-akit Kahit alam kong dala-dala niya'y sakit. Huwag daw akong magpadala; Konsyensya ko'y sa'kin iginiit Ngunit ang temptasyon ay kaydali akong napilit. Isang gabi, habang naglalakad sa kahabaan ng España Ako'y lumapit sa matandang tindera. Nag-abot ng konting barya At kinuha ang lasong mahaba. Nilapit ko sa aking bibig At idinaan ang apoy sa dulo nito. Hinigop ang usok nitong malamig At ibinuga ito sa aking anino. Nagpatuloy ako sa paglalakad At inalala ko lahat ng pangyayari. Sa bawat kasalanan ko sa'yo'y aking mawawari, Ako ay hihigop muli. Sa bawat 'di nasolusyonang pagsubok, Ako'y magpapasakal sa malamig nitong usok.
0
Apr 11, 2016
Apr 11, 2016 at 2:10 PM UTC
Yosi I