#worldpoetryday2026
Bingi marahil pawà
ang mga bathalà
pag-usal ng mga pithayà
libong ulit, rosaryong alilà
tayngang kawali ang banal na lupà
Nagkikislapan ang mga buntalà
Kwitis na bulalakaw, bituing mapanirà
Sakal ang langis sa pus-ong hiniwà
Binabato ang mga sinasalantâ
Patay-mali sa mga batang bumulagtâ
Sanggol na duguan, inang ginahasà
Ipinaghehele, pulburang namiminsalà.
Mar 21
Mar 21, 2026 at 2:37 AM UTC