Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#wasaknapagibig
Ikaw ang aking reyna Kaya pala tingin mo saakin ay alila Hindi lamang sa iyo Pati na rin sa pag-ibig mo na hindi mabisa Inutos mo na ang lahat saakin Maliban na lang sa ikaw ang ibigin Sinugal kong oras, ako'y rin lang pala'y lilisanin Nilapag kong pag-ibig, inilipad lamang ng hangin. Pagmamahal ko sayo ay totoo Habang ang lahat sayo ay biro Tinuruan mo ako mag mahal ng totoo Ngunit sa sariling turo 'di ka man lang natuto Matagal ka nang tumalikod Sa relasyon nating nakakapagod Wasak na ang puso, isip ko'y 'wag mo nang isunod Matagal ka nang wala dito, matagal na ring akong lunod Ang layo na ng iyong tinakbo Natatapak-tapakan mo pa rin ako Pakiusap aking reyna, umalis kana Gigising pa ako sa pagiging tanga.
0
Oct 22, 2018
Oct 22, 2018 at 11:26 AM UTC
Reyna Ni Tanga