Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#walangmagawa
Dudungaw ka sa ikabuturan ng kahapon Upang matagpuan ang sariling naghihikahos Na makita ng iba ang ningning Na kailanman di umilaw ng dilaw. At sa bawat oras hahanap hanapin Ang dating tanglaw ng bawat kahapon Ang mainit na sikat ng haring araw, Ang matamis na halik ng ulan. Sapagkat lahat ay nauwi sa wala Kaya ako'y uuwi at tutula
0
Feb 20, 2017
Feb 20, 2017 at 7:00 AM UTC
Kahapon