Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#umibig
Madali kung mararapatin Madali kung gugustuhin Pero sa madali na yan Mahirap nga pa ring bitawan Kasi nakakapit pa sa nakaraan Na pinipilit ulit maging kasalukuyan. _______________________________________________ English Translation: LOVE Easy if necessary Easy if desired But... if that's easy It is still difficult to let go? Because it still clings to the past Forcing again to be present.
0
Dec 6, 2020
Dec 6, 2020 at 5:46 AM UTC
Pagmamahal / Love
Umuulan na naman, Natutuwa ba o nalulungkot ang langit? Walang nakakaalam, Tulad ng damdaming lihim at itinatagong sakit. Sa bawat patak ng ulan ay pagpatak ng luha, Pilit nanunumbalik masasayang alaala. Ulan ang dahilan kung bakit pinagtagpo, Sa ulan din pala magkakalayo. Lakad at takbo sa gitna ng ulan, Mabasa o magkaputik ay hindi alintana. Bugso ng ulan ay biglang dumahan, Payong ang nakita pagkatingala. Ngiti **** nakahahalina, kislap ng iyong mga mata, Iyan ang naaalala sa unang pagkikita. Tila bang tayo ay nasa koreanobela, Damang-dama ang pagiging bida. Ngunit katulad ng mga seryeng inaabangan, Kwento nating dalawa ay may hangganan. Ang masayang wakas, hindi na masasaksihan, Sapagkat ayaw mo nang makita ang dulo, nauna ka nang lumisan. Lakad at takbo sa gitna ng ulan habang habol ka. Basang-basa at putikan, hindi alintana. Mga hikbi ko ay hindi mapatahan, Kasabay nang pagbuhos ng ulan. Payong mo'y hindi na matanaw, Wala na, tuluyan ka nang bumitaw. Iyan ang alaala ng huli nating pagkikita, Ang maging kontrabida sa kwento ng bawat isa.
0
Oct 6, 2020
Oct 6, 2020 at 8:25 AM UTC
Lihim
i just can't remember the exact date but yes i can still recall when was the time i saw you walking across that aisle because from then on i found you sublime what a sunny day on that very moment and it so funny that i was born as if my dark skin felt so dry unto your look so wet yet the significance of essence was relevant when we get inside hand in hand you and i meet and greet so sigh wala akong ibang inisip kundi ang paano kita mapapangiti nang mayroong kislap sa iyong mga mata gayong sa mga hugot at banat hindi handa yaong mga piraso at piyesa nitong mabulaklak kong dila nagkusang tumimo sa aking puso dahilan para makasumpong ng sulo sa sandaling matamang kong napagmasdan malinaw kong imahe habang ako'y iyong tinitigan wala pa akong sinasabi noong tayo'y nasa hapag-kainan wala mang nakahain,sarap-sarap na ng ating mga tawanan as a matter of fact we don't care about clock as we alter our talk in the middle of flock minamahal kong dalaga naa-alala mo na nga ba? how much we had important fun on that prominent fast food-chain iyon yung mga panahon nawala ako sa talababa!
0
Dec 30, 2018
Dec 30, 2018 at 9:27 AM UTC
" jolly bee "