Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
#umasa
Madali kung mararapatin Madali kung gugustuhin Pero sa madali na yan Mahirap nga pa ring bitawan Kasi nakakapit pa sa nakaraan Na pinipilit ulit maging kasalukuyan. _______________________________________________ English Translation: LOVE Easy if necessary Easy if desired But... if that's easy It is still difficult to let go? Because it still clings to the past Forcing again to be present.
0
Dec 6, 2020
Dec 6, 2020 at 5:46 AM UTC
Pagmamahal / Love
Ikaw at ako alam kong wala namang tayo. Sino ba ang talo? Hulaan natin kung sino. Isip ko'y nalilito ano ba ang gagawin ko? Mananatili o lalayo? Alam ko namang malabo. Di na lang kikibo Hahayaan na lang siguro kahit di naman talaga sigurado Kung magiging tayo.
0
Feb 12, 2019
Feb 12, 2019 at 7:20 AM UTC
Ikaw. Ako.
Akala ko nakamove on na ko. Hindi pa pala. Nakita lang kita. Bumalik bigla lahat ng ala ala. Bakit mo pa ko pinakawalan? Bakit mo pa ko iniwan? Sagutin mo lahat ng tanong ko. Dahil baka mabaliw ako ng tuluyan. Paano ka nakamove on ng ganun kabilis? Habang yung mga nararamdaman ko sayo hindi parin umaalis. Andaya mo naman! Ikaw masaya habang ako nagdudusa pa. Pwede bang tayo na lang ulit? tayo na lang ulit. Bumalik ka dito para ayusin lahat ng ito. Lahat ng mga sinira mo. Akala ko ikaw na ang bubuo sakin. Pero ikaw rin pala ang sisira sakin.
0
May 13, 2017
May 13, 2017 at 1:56 AM UTC
Akala ko
Umaasa ako Umaasa na may pag-asa tayo Umaasa na nagbabakasakali Umaasa na maging tayo Mahirap umasa Pero sa totoo lang Aasa ako para sayo Baka pwede... Sa isang sulyap ng ngiti mo Natutunaw ang puso ko Pilit na itinatago ang nararamdaman O tila manhid ka lamang Ngunit nakakapagod Nakakapagod na habulin ka Na bigyang saysay ang mayroon tayo Ano nga ba ang mayroon tayo?
0
Dec 5, 2016
Dec 5, 2016 at 4:59 AM UTC
Sa Saglit na Kilig
Lulubog ang araw Maaalala kang muli Alaala natin'y babalik Na para bang kahapon lang lahat ng nangyari. Habang nakatitig sa langit, Sa buwan at bituin Ika'y andito sa puso't isipan hindi na maalis Sa bawat oras na lumilipas Lungkot saya ang nararamdaman Ngingiti, Luluha Dahil sa alaala nang nakaraan At sa paglitaw ng Araw Panandalian kang makakalimutan Ngunit sa muling paglubog nito Andito ka ulit, sa puso't isipan.
0
Mar 31, 2016
Mar 31, 2016 at 5:53 AM UTC
Luna estrella
Sana iyong maisip Ang aking nararamdaman Hindi maipagkakaila Ang nararamdaman ko ay tunay Kung para sayo wala lang ito Para saakin ito ay isang pangarap Pangarap na hindi kailanman matutupad Pangarap na tila isang impossibleng pagkakataon Isang pagkakamali ang mahulog sayo Ako man ay umaasa pa rin Ngunit iba ang iyong gusto Alam kong hindi ako at hinding hindi magiging ako Kakaiba ang turing mo saakin May konting aliw at kilig Pero hindi lahat ay totoo Kasinungalingan ika nga Pagpasensyahan mo na Ikaw ang aking natipuhan Hindi ko ito sinasadya Wala ito sa plano
0
Dec 13, 2015
Dec 13, 2015 at 11:46 AM UTC
Sadyang Kumakapit Sa Natitirang Sana
Masakit pa rin pala Nang aking maalala Ang unang araw kung san tayo'y nagkakakilala At sinabi mo 'Ate dito ka ba?' Sobrang sakit pa rin pala Nang aking maalala Ang mga salitang nabanggit mo na 'gusto kita' Pero mas lalong masakit nang malaman ko na ikaw ay meron ng iba. Ngunit ako si tanga at di sumuko Dahila ako'y nangako na kakayanin ko Kakayanin kong makita at matiis na meron kang iba Habang ako, ito nagluluksa. Masakit pa rin pala Nang aking balikan itong mga matatamis na alaala Na lahat ay nangyare na sa nakaraan, At kailangan ng harapin ang kasalukuyan Kasi hanggang ngayon, ang sakit sakit pa rin pala. Dahil di ko matanggap na siya ang pinili mo at di ako Pero pangako kakayinin ko, Kasi mahal kita, at iyon lang ang masasabi ko.
0
Dec 2, 2015
Dec 2, 2015 at 5:29 AM UTC
Masakit pa rin pala